You are on page 1of 12

Mga Kilalang Pilipino sa Iba’t-

ibang Larangan
Lino Brocka
Si Catalino Ortiz Brocka, na mas nakilala bilang Lino Brocka, ay
isa sa mga pinakamahusay na direktor sa Pilipinas na pinarangalan at
kinilala, maging sa ibang bansa.Tinalakay niya sa kanyang mga pelikula
ang mga paksa na pilit iniiwasan sa lipunan. Ipinamalas niya rin ang
pagiging diretso sa kanyang mga ideya at opinyon na malinaw ring
matutunghayan sa kanyang mga pelikula. Kung kaya't hanggang ngayon ay
patuloy na pinapanood at hinahangaan ng mga tao mula sa iba't ibang
henerasyon dahil na rin sa mga sitwasyon at ideyang tumutugma sa kahit
anong panahon dito sa bansa
Ipinanganak sa Pilar, Sorsogon noong 7 Abril 1939, at supling nina
Regino Brocka at Pilar Ortiz. Nang mamatay ang kanyang ama, lumipat sila
sa tirahan ng kanyang ina sa San Jose, Nueva Ecija. Mula sa kanyang
pagkabata ay nagsimula na ang kanyang pagkahilig sa sining nang mag-aral siya at maging isa sa pinakamahusay
pagdating sa pagtula sa kanilang lugar. Mula rito ay naisipan niyang bumuo ng isang organisasyon na aarte at
magtatanghal sa kanilang komunidad.
Nang kumuha siya ng Batsyiler ng Sining sa Pantitikang Inggles sa Pamantasan ng Pilipinas, naging aktibo
pa rin siya sa pag-arte ng sumali siya sa Pangkat Dramatiko ng UP. Ngunit nahirapan siyang makakuha ng mga
gaganapin dahil na rin sa kanyang pagsasalita at sa punto at sa kanyang kaliitan. Kaya naman para manatili pa rin sa
samahang ito, nagpaubaya na siya at pinili na lamang na asikasuhin ang pag-aayos sa pagtatanghalan at pati na rin
ang pag-iilaw. Pagkatapos nito, naging misyonaryo siya sa Mormon sa loob ng dalawang taon at namalagi sa Hawai

Guillermo Tolentino
Ipinanganak si Tolentino noong Hulyo 24, 1890 sa Malolos, Bulakan
kay Isidro Tolentino at Balbina Estrella. Siya ay mag-aaral ni Gng. H.
A. Bordner na siyang unang nagturo sa kanya ng pagguguhit sa
Paaralang Intermedyaryo ng Malolos. Nagtapos siya ng mataas na
paaralan sa Mataas na Paaralan ng Maynila. Dahil sa kanyang
sariling pagsisikap, nakapagtapos siya ng kurso ng pinong sining sa
Pamantasan ng Pilipinas noong 1915. Lumakbay papuntang Mga
Nagkakaisang Estado noong 1919 at pinagkalooban siya ng
iskolarsyip ni Bernard Baruch, isang Amerikanong milyonaryo sa
Paaralan ng Sining Beaux, Lungsod ng Bagong York at tinapos niya
na may mga gawad noong 1921. Sa taong din iyon, lumakbay siya
sa Europa, pumupunta sa mga tanyag na museo at galerya sa
Londres at Paris. Noong 1922, siya ay pumasok sa Regge Istituto di
Belle Arti, nakapagtapos ng pag-aaral nang bahagya sa
pamamagitan ng lingap ng kolonyang Italyanong sa Maynila. Sa
Roma, gumanap ang kanyang unang pang-isahang eksibisyon kung saan kabilang ang Saluto Romano (Saludong
Romano). Sa paligsahang pang-iskultura na ginanap sa Lungsod ng Walang Hanggan, ang kanyang Apat na
Mangangabayong Apokalipsis na napanalunan niya ng ikalawang gantimpala. Umuwi sa Pilipinas noong 1924 at
nagsarili sa loob ng isang taon. Noong 1926, siya ay inatasan bilang guro sa Paaralan ng Pinong Sining ng
Pamantasan ng Pilipinas at kinalaunang naging propesor, kalihim, at sa huli tagapamahala. Namuno siya ang Paaralan
mula sa 1953 hanggang sa kanyang pagreretiro bilang Emeritong Propesor noong 1955. Noong 1932, siya'y lumagay
sa tahimik kay Paz Raymundo at nagkaroon ng pitong anak.

Levi Celerio
Si Levi Celerio (Abril 30, 1912 – Abril 2, 2002) ay isang Pilipinong
kompositor. Siya ay nakasulat ng mahigit na 4,000 mga awiting Pilipino na
pambayan, pamasko at pag-ibig na ginamit sa mga pelikula. Kasali siya sa
Guinness Book of Records dahil sa pagtugtog niya sa pamamagitan ng dahon.
Siya ay ipinanganak noong 1912 sa Tondo, Maynila. Una siyang
gumanap sa pelikulang Rosalinda ng PAM Pictures. Sinundan iyon ang pelikula
nina Jaime dela Rosa at Prescilla Cellona na pinamagatang Sa Paanan ng
Nazareno. Napasama rin siya sa pinakamalaking pelikula ng LVN Pictures, ang
Casa Grande.
Siya ay ginawaran ng titulong Pambansang Alagad ng Sining sa
Musika at Panitikan noong 1997 ni Pangulong Fidel Ramos, na kinilala siya na
isang Kompositor at Prolifikong Lyricista bilang tunay na kaganapan
sentimientong makapuso ng sambayanang Pilipino.
Pelikula
1952 – Rosalinda 1952 - Sa Paanan ng Nazareno 1958 - Casa Grande

Lea Salonga
Si Maria Ligaya Carmen Imutan Salonga o kilala bilang si Lea Salonga-Chien
(ipinanganak Pebrero 22, 1971) ay isang Pilipinang mang-aawit at aktres.
Una siyang nakilala sa The King and I ng Repertory Philippines noong siya'y
pitong taong gulang pa lamang. Sa edad na sampung taon, inirekord ni Lea
ang awiting Small Voice. Iyon ang naging simula nang pagiging mabango ng
kaniyang karera bilang isa sa mga sikat na aktres at mang-aawit sa Pilipinas.
Nagsimula ang kaniyang katanyagan sa ibang bansa noong siya ay napiling
gumanap bilang Kim sa tagumpay na musikal na Miss Saigon noong 1989.
Nagtamo siya ng mga gantimpala mula sa pinakarespetadong
tagapaggawad ng parangal, at itinanghal bilang kauna-unahang Filipina na
nagkamit ng Laurence Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics Circle at ang
Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang Kim. Noong 1993, si Lea ay gumanap bilang Eponine,
isang batang ulila sa Broadway production na Les Misérables.
Cecille Licad

Si Cecile Licad (Ipinanganak 11 Mayo 1961) ay isang tanyag na


Pilipinang piyanista. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa
siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa
Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa
pagtugtog ng piyano. Binansagan siyang "piyanista ng isang piyanista"
ng The New Yorker, ang kanyang kasiningan niya, ay pinaghalong likas
na musikero at mahusay na pagsasanay."

Monique Lhullier

Si Monique Lhuillier (ipinanganak noong Setyembre 15, 1971 sa


Cebu City , Philippines) ay isang Pilipinong Amerikanong fashion
designer at direktor ng malikhaing mga pangkasal . Internationally
kinikilala siya bilang isa sa mga nangungunang designer sa
Amerika at inilunsad niya ang kanyang eponymous brand noong
1996 at mula noon itinatag Fashion sa Los Angeles , California ,
kung saan siya lalo na gumanda ang kanyang buhay at pati na rin
sa Manhattan ni Upper East Side .
Si Lhuillier ay anak ni Michel J. Lhuillier, isang negosyanteng
Pilipino na Pranses, at Amparito Llamas, isang Pilipinong figure sa
lipunan at dating modelo. Lumaki siya sa Cebu City at nag-aral sa
Saint Theresa's College , nagpatuloy sa Chateau Mont-Choisi na
pagtatapos ng paaralan sa Lausanne , Switzerland .

Manny Pacquiao
Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao o Pacman,
(isinilang noong ika-17 ng Disyembre 1978), ay isang Pilipinong
propesyunal na boksingero at politiko. Siya ang kauna-unahang
kampeon ng walong dibisyon, nanalo ng sampung titulo at unang
nakakamit ng panalo sa Lineal Championship sa limang
magkakaibang dibisyon
Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong
dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA),
World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO).
Siya rin ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa mga taong
2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAA. Best Fighter ESPY Award
rin sya noong 2009 at 2011.
Si Pacquiao ay may titulong Kampeon ng IBO World Junior Welterweight, Kampeon ng WBC World
Lightweight, Kampeon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampeon ng WBC World Super Featherweight,
Kampeon ng The Ring World Featherweight, Kampeon ng IBF World Junior Featherweight at Kampepn ng
WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super
Champion.
Pinatumba at tinalo na ni Pacquiao ang mga boksingero na sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo
Ledwaba, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Márquez, Érik Morales, Óscar Larios, Jorge Solís, David
Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito at Shane Mosley.
Sa edad na 14, si Pacquiao ay lumipat ng Maynila para sumali sa boksing bilang amateur. Noong
1995, ang pagkamatay ng kanyang minimithi at malapit na kaibigan na si Eugene Barutag ay naging nag-
udyok sa kanya, noong binatilyo, para ipagpatuloy ang kanyang propesyonal na karerang boksing. Noong
April 2014, inanunsyo ni Pacquiao ang kanyang balak na sumali sa Philippine Basketball Association (PBA)
bilang coach ng Kia Motors.
Gabriel “Flash” Elorde
Si Gabriel Elorde na lalong kilala bilang "Flash" Elorde ay
ipinanganak noong Marso 25, 1935 sa Bogo, Cebu. Siya ay
nagmula sa isang mahirap na pamilya.
Si Elorde ay nakaabot lamang ng ikatlong baitang ng
elementarya. Siya ay nagtrabaho bilang tagapulot ng bola sa
bolingan (ingles: bowling) at bukod dito, sa kanyang murang edad
ay naranasan niyang magtrabaho sa konstruksiyon. Ang kanyang
pagiging boksingero ay nagsimula nang siya ay turuan ng
kanyang kaibigang si Lucio Laborle na isa ring dating boksingero.
Dahil sa masigasig na matuto at matupad ang mga pangarap,
mabilis na natutuhan ni Flash ang mga natatanging paraan sa
larangan ng boksing. Ang kanyang pagsisikap ay nagbunga nang
makamit niya ang unang karangalan noong 1951. Dito ay tinalo niya si "Kid" Gonzaga sa ikaapat na duwelo
sa pamamagitan ng desisyong "Technical Knock-Out". Noong Marso 16, 1960, tinalo naman niya si Harold
Gomes sa ikapitong duwelo at dito niya nakamit ang korona sa pagiging "Junior Lightweight." Magmula noon
ay sunudsunod na ang kanyang pagwawagi bilang isang propesyonal na boksingero sa iba't ibang kategorya.
Halos ang buong buhay ni Flash ay ginugol niya sa pagiging isang boksingero. Nagsimula ito nang siya ay
17 taong gulang pa lamang. Dala lamang ng pagtanda kung kaya't siya ay nagretiro. Subali't sa kanyang
pagreretiro ay nakatala na ang kanyang mga karangalang naiambag sa bansang Pilipinas sa larangan ng
boksing.
Si "Flash" ay binawian ng buhay noong Enero 2, 1985 sa sakit sa baga.
Lydia de Vega
Isinilang si Lydia sa Maynila ngunit lumaki sa Meycauayan,
Bulakan, Filipinas. Ikinasal siya kay Pablo V. Mercado na
nagbigay sa kaniya ng tatlong anak. Ngunit namatay sa aksidente
ang kanilang bunso nang mabangga ng dyip noong Pebrero 2006.
Naninirahan ngayon ang mag-anak sa Project 4, Lungsod
Quezon. Si Lydia de Vega, na kilala ngayon bilang Lydia de Vega-
Mercado, ang itinuring na pinakamabilis na babaeng tumakbo sa
paligsahan sa Asya noong dekada 1980. Dalawang ulit siyang
nakapag-uwi ng medalyang ginto sa Asian Games sa takbuhang
may layong 100 metro, ang isa noong 1982 Asiad, at ang ikalawa
ay noong 1986. Noong Asiad Games sa Seoul, South Korea,
nagwagi ng medalyang pilak si Lydia sa takbuhang may layong 200 metro. Dalawang medalyang ginto ang
nakamit niya sa Southeast Asian Games na ginanap sa Maynila noong 1981. Siya ang kauna-unahang
babaeng lumahok at tumakbo sa lárang ng atletika noong Olimpiyada. Noong 1983, ipinakita ni Lydia ang
kaniyang husay sa pagtakbo nang muling makamit niya ang medalyang ginto sa SEA Games na ginanap sa
Singapore noong 1993

Akiko Thomson
Siya ay ipinanganak noong October 8, 1974, isang journalist at
isang retired swimmer. Siya ay ang pinakabata sa tatlong anak
nina Marsh Thomson at Hiroko Nakamura. Sinimulan niya ang
pagkatawan sa Pilipinas sa larangan ng paglangoy sinula noong
manaturalized siya sa edad na labindalawa. Isa si Akiko Thomson
sa mga natatanging manlalaro sa paglangoy. Marami na siyang
nakuhang medalyang ginto sa larangang ito. kabilang sa mga
medalyang ito ang napanalunan niya sa Asian Games na ginanap
sa Pilipinas noong 1991.

Felix Barrientos
Siya ay ipinanganak noong Nobyembre 20 1967 at siya ay dating
propersyonal na manlalaro ng tennis sa Pilipinas. Nakapasok siya
sa semi-finals ng Wimbledon isang prestiyosong patimpalak sa
larangan ng tennis. Sa larong t ennis, si Felix Barrientos ang isa sa
nangungunang manlalaro sa Asya. Sa isa sa nakaraang SEA
Games, nagawad sa kanya ang tatlong medalayang ginto.
Rafael "Paeng" Nepomuceno
Si Rafael "Paeng" Nepomuceno (ipinanganak ng Enero 30,
1957 sa Manila) isang Filipinong bowler na nanalo ng anim na
beses at Kamponeato sa World Bowling. Nanalo uli siya sa
World Cup of Bowling ng apat na beses (1976, 1980, 1992 at
1996). Si Nepomuceno ay din ng 1984 World's Invitational
Tournament at rin kamponeato sa World Tenpin Masters ng
1999.
Noong Septyembre 2003 ay nailigtas ito, ang Prestigious
Bowlers Journal International ay palagi nang naging kay Paeng
kahit na ang pinakamagaling na Performance Bowling sa High
Season.
Siya ginawaran sa Order of Lakandula ng Pilipinas bilang kanyang kahalili sa kanyang bowling allegations.
Gloria Diaz
Ipinanganak sa Ilokos at kabilang sa 12 na anak nina Jaime Diaz at
Teresa Aspiller Si Gloria María Aspillera Díaz-Daza o mas kilala
bilang si Gloria Diaz ay ang kauna-unahang babaeng Pilipina na
naguwi ng korona ng Miss Universe noong 1969 na ginanap sa
Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida, Estados Unidos
noong Ika-19 ng Hulyo taong 1969. Siya rin ay isang sikat at
matagumpay na aktres sa Pilipinas.
Mula sa kanyang pagkapanalo, limang taon muna ang nakalipas
bago niya naisipang pumasok sa mundo ng pag-aartista. Sa una
niyang pelikula, ginampanan niya ang karakter ni Isabel sa
pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong
1975. Ito ang kanyang pinakaunang pelikulang ginawa kasama sina Vic Vargas na kanyang katambal at si
Elizabeth Oropesa bilang kontrabida.
Margarita Moran Floirendo
Si Maria Margarita "Margie" Roxas Moran-Floirendo (ipinanganak 15
Setyembre 1953 sa Maynila , Pilipinas ) ay isang tagataguyod ng
kapayapaan ng Pilipino , Pangulo ng Ballet Philippines , at Tagapangulo
ng Cultural Center ng Cultural Pilipinas . Kilala siya sa pagkapanalong
pangalawang korona ng Miss Universe para sa Pilipinas bilang Miss
Universe 1973. Ang kanyang amang si Francis Morán ay anak ng Chief
Justice Manuel Morán at Nieves Gonzalez de Morán, isang apo ni Don
Francisco Gonzalez y Reinado, may-ari ng maalamat na 39,000-hectare
na Hacienda Esperanza na kasama ang mga munisipalidad ng Santa
Maria , Santo Tomas , Rosales at San Quintin , na umaabot sa iba pang
Pangasinan at mga lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija .Ang kanyang ina
na si Rosario Roxas ay isa sa tatlong anak na ipinanganak kay Manuel Roxas , ikalimang Pangulo ng
Pilipinas , at Juanita Muriedas McIlvain. Ang kanyang mga kapatid ay sina Consuelo Roxas-Javellana at
Manuel Roxas, Jr.
Nagtapos siya ng high school mula sa St. Theresa's Collegeat nag-aral sa kolehiyo sa Maryknoll College
(ngayon ay Miriam College ). Bago sumali sa pageant ng Miss Universe, nag-model siya ng part-time para
sa fashion designer na si Auggie Cordero.Nanalo siya sa Miss Universe pageant sa Athens , Greece
matapos na manalo sa Binibining Pilipinas na kumpetisyon noong 1973. Sinabi ni Moran na pinasok niya
ang patimpalak dahil sa walang tigil na pagpilit ng mga kaibigan at pamilya. Ang 19-taong-gulang, 5 ft 6 sa
kagandahan sa huli ay nagwagi sa pamagat ng Miss Universe 1973 at nakakuha rin ng Miss Photogenic
award. Siya ay isa lamang sa apat na nagwagi ng Miss Universe na nanalo rin sa Miss Photogenic, ang iba
ay sina Margareta Arvidsson , Janelle Commissiong , at Denise Quiñones .
Chino Roque
Ilan dekada ang nakalipas, isang Pilipino na kinilalang si Chino
Roque ang pinalad na mapasama sa grupo ng 23 katao na
maglalakbay sa kalawakan sakay ng XCOR aerospace’s Lynx
spaceplane na nakatakdang umalis sa taong 2015.Puspusan ang
paghahanda ng 23-taong-gulang na si Roque para sa
pinakahihintay niyang pagkakataon na makalibot sa kalawakan sa
susunod na taon. Isang psychology graduate mula sa De La Salle
University at isang Crossfit trainer, isa si Roque sa 23 nanalo sa
AXE Apollo Space Academy (AASA) space camp na ginanap noong
2013.Ilang buwan matapos manalo sa naturang patimpalak ay tuluy-
tuloy si Roque sa pag-eensanyo at pagkundisyon sa sarili -- sa
aspetong pisikal, mental, emosyonal at ispirtiwal – sa pamamagitan ng Crossfit, Bikram Yoga, at pag-alam
ng mga impormasyon na makakatulong sa gagawing space trip.
Dumaan sa butas ng karayom si Roque para makuha ang pagkakataon na makalibot sa kalawakan.
Tinatayang 28,000 applicants ang sumali sa hamon na ito ng AXE Philippines kung saan 400 lamang ang
pinalad hanggang sa naging 50. Mula sa 50 aplikante, tatlo ang napili na makapunta sa Florida camp
matapos nilang makapasa sa mga pagsubok. Nagtungo sa Kennedy Space Center si Roque kasama ang
dalawa pang Pinoy na kalahok na sina Evan Ray Datuin at Ramil Santos.
Kasama ang tatlo sa 107 kalahok mula sa 60 bansa na dumaan sa iba’t ibang physical tests at simulated
launch orbit at re-entry situations tulad ng zero gravity, air combat at G-Force. Hinati-hati ang mga kalahok
sa ilang grupo na pinangalanang Apollo, Genesis, Discovery, Enterprise, Hubble at Atlantis.
Sa 107, isa si Roque sa 23 kalahok na makakasama sa naturang space craft. Hindi naman pinalad ang
dalawa pang Pinoy. Ang hakbang na ito ng AASA ay may layunin na ilunsad ang commercial space travel
sa 2015. Upang makasama at makasakay ang isang sibilyan sa spacecraft ay kailangan muna nitong
magbayad ng US$100,000 o humigit-kumulang sa Php4.3 milyon.
Bea Lucero
Si Beatriz Lucero-Lhuillier , na isinilang na si Beatriz Lucero at mas kilala
sa tawag na Bea Lucero , ay nanalo ng isang medalyang tanso sa 1992
Olympics sa taekwondo , isang demonstrasyon na sports sa Mga Palaro.
Nagtapos si Bea Lucero mula sa International School Manila noong
1991. Bago lumipat sa Taekwondo, si Bea ay isang masining na gymnast
. Nanalo siya ng 2 ginto at 3 pilak noong 1987 Timog Silangang Asya na
ginanap sa Jakarta . Nabigo si Bea na gawin ang koponan sa 1988 Seoul
Olympics dahil sa kanyang edad. Sa halip ay sumali siya sa Philippine
Delegation sa Seoul upang masakop ang kaganapan sa gymnastics.
Noong 1992, nanalo siya ng isang medalyang tanso sa featherweight
division sa taekwondo sa mga larong Olimpiko sa Barcelona kasama ang kapareha na si Stephen Fernandez
na nagwagi rin ng isang medalyang tanso. Ang kanyang medalya ay hindi kasama sa opisyal na tally dahil
ito ay isang palakasan ng demonstrasyon.
Nag-advertise siya para sa Ivory Soap, Nestle Philippines at iba pa. Inendorso niya si Phiten, isang Japanese
lifestyle brand na nagtataguyod ng kalusugan, istilo, at ginhawa. Si Bea ay ikinasal kay Jean Henri Lhuillier
, Honorary Consul General ng San Marino ng Pilipinas at ang negosyante sa likod ng chain ng Cebuana
Lhuillier Pawnshop . Siya ay isang ina ng tatlong anak na lalaki at isang babae.

Liza Macuja-Elizalde

Efren “Bata” Reyes


Isinilang si Reyes noong 26 Agosto 1954 sa Mexico, Pampanga
at panlima sa siyam na magkakapatid. Nagmula siya sa dukhang
pamilya, at ang kaniyang ama ay barbero ang trabaho. Dahil sa
kahirapan, si Reyes ay ipinadala ng kaniyang ama sa Lungsod
Maynila upang magtrabaho sa kaniyang tiyo. Mulang edad walo
ay naging laman ng bilyaran si Reyes, at nagsimulang humawak
ng tako pagtuntong ng edad siyam. Hindi maglalaon ay matututo si Reyes, at gaya sa bilyar, ay sasarguhin
ang mga kalaban at uuwing hitik sa salapi ang bulsa makaraang magwagi sa mga pustahan.
Dumating ang yugtong kailangan niyang matulog sa mesa, at mangarap na maging kampeon, habang yakap-
yakap ang tako. “Kapag nakatulog ako sa mesa, nananaginip ako ng bilyar,” ani Reyes. “Natutuhan kong
magbilyar mula sa aking mga panaginip.”Tinangay si Reyes ng kaniyang mga barkada at naglibot sa iba't
ibang lalawigan upang makipaglaban ng bilyar. Tumanyag ang kaniyang pangalan, at hinamon siya kahit ng
mga sundalo sa Clark, Pampanga at Subic, Olongapo. Nagkamal siya ng salapi, at nang lumaon, tumanggi
nang lumaban ang mga kapuwa niya Filipino dahil labis umano siyang mahusay. “Noong nasa edad 18-20
ako,” sambit ni Reyes, “walang makatatalo sa akin. Alam kong ako ang pinakamagaling na manlalaro noon
kahit sa buong daigdig.”Nagsimulang magbago ang karera ni Reyes nang magtungo siya sa Estados Unidos
upang lumahok sa mga paligsahan doon. Noong una'y ginamit niya ang pangalang “Cesar Morales” sa
pagnanais na ikubli ang tunay na katauhan. Hindi maglalaon ay gagapiin niya ang mga kalaban, at mag-uuwi
ng 8 libong dolyar mula sa pagwawagi. Mulang 1985 hanggang 2007, nakalikom si Reyes ng 75 kampeonato.
Higit pa rito, ginawaran siya ng Philippine Legion of Honor, Philippine Order of Lakandula “Champion for Life
Award,” Outstanding Filipino Awardee of the Jaycees, Philippine Sportswriters Association “Atleta ng Taon,”
Billiard Congress America Hall of Fame (2003), at One-pocket Hall of Fame (2004).
Eugenio Torre
Si Eugenio "Eugene" Torre (ipinanganak noong 4
Nobyembre 1951) ay isang pandaigdigang
granmaestro sa larangan ng ahedres. Itinuturing
siya bilang pinakamatibay na manlalaro ng ahedres
mula sa Pilipinas noong mga dekada ng 1980 at ng
1990, pagkaraan ng mga kampeong sina Ramon
Lontoc, Renato Naranja, Rodolfo Tan Cardoso, at
ng namayapa nang si Rosendo Balinas, Jr noong
kapanahunang Fischer. Sa kasalukuyan, si Wesley
So ang pangunahing manlalaro ng ahedres ng
Pilipinas.
Naging natatangi si Torre dahil sa pagiging unang
manlalarong Asyanong nakakamit ng pamagat na Pandaigdigang Granmaestro. Nakakuha na
kuwalipikasyon si Torre para sa Labanan ng mga Kandidato para sa Pandaigdigang Kampeonato ng Ahedres
noong 1984. Sa paunang eksenang ito, naglalaban ang mga magkakatunggali upang malaman kung sino
ang hahamon o lalaban sa kampeong pangdaigdig. Natanggal si Torre nang matalo siya ni Zoltan Ribli dahil
sa puntos na 6-4.
Kaibigan si Torre ni Bobby Fischer. Naghahanapbuhay siya para sa pangkat ni Fischer noong panahon ng
kanyang muling paglaban kay Boris Spassky noong 1992 sa Yugoslabya. Sa paglaon, nagkaroon si Torre
ng mga panayam sa radyong Pilipino na kasama si Bobby Fischer. Patuloy na masiglang naglalaro si Torre
para sa mga lokal at pandaigdigang mga turnamento
Lucresia Faustino Reyes-Urtula
(29 Hunyo 1929-4 Agosto 1999)
Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw noong 1988
si Lucresia Faustino Reyes-Urtula(Luk·ré·sya Faws·tí·no Ré·yes-
Ur·tu·lá). Kinikilala siyáng koreograpo at direktor sa teatro at
telebisyon. Siyá rin ang tagapagtatag ng The Bayanihan Dance
Company of the Philippines. Ang Singkil ang pinakilalang obra sa
koreograpiya ni Urtula. Sa kaniyang mga obra na ibinatay niyá sa
malawakang pananaliksik, nilinang at dinalisay ni Urtula ang mga
sayaw na hango sa kultura ng iba’t ibang katutubong tribu sa bansa
upang umangkop sa kontemporaneong manonood ng teatro.
Itinatag ang Bayanihan Folk Arts Center at ang sangay nitóng
Bayanihan Philippine Dance Company mula sa Filipiniana Folk
ArtsGroup ng Philippine Women’s University noong 1957. Mabilis
na nakilala ang bagong tatag na grupo noong 1958 Brussels World Exposition. Ang repertoire ng Bayanihan
ay pangunahing binubuo ng mga kuwentong isinasalaysay sa pamamagitan ng mga sayaw.
Bukod sa Singkil, itinatangi rin ang kaniyang pagbuo sa Indarapatra; Pagdiwata, Tagubil, Tadok, Salidsid,
Diwdiwan, Ug-gayam, at Sound of Wings na mula sa pinagsáma-sámang mga kuwentong-ibon sa Filipinas.
Umani ng papuri at pagkilala ang kaniyang mga obra at nagsilbing inspirasyon ang mga ito sa maraming
indibidwal upang magbuo rin ng kani-kaniyang grupong pansayaw. Sumunod sa mga yapak niyá sina Amelia
Hernandez na bumuo ng Ballet Folklorico de Mexico at Alvin Ailey na nagtatag ng American Dance Theater.
Ipinanganak siyá noong 29 Hunyo 1929 sa Iloilo kina Koronel Leon S. Reyes, ng Philippine Constabulary na
kalaunan ay naging Brigadier General at Antonia Faustino, isang nars. Napangasawa niyá si Dalmacio
Urtula, isang negosyante. Nagtapos siyá ng kursong Edukasyon major in Physical Education sa Philippine
Women’s University. Dito ay nagturo si Urtula at dito rin niyá sinimulan ang kaniyang karera sa katutubong
sayaw na umabot sa mahigit na tatlong dekada. Namatay siyá noong 4 Agosto 1999.
Nick Joaquin
Si Nicomedes Márquez Joaquín, na kinikilala ng karamihan bilang Nick
Joaquin, ay isang Pilipinong manunulat, mananalaysay ng kasaysayan
at mamamahayag at kilala sa pagsusulat ng mga maikling kuwento at
nobela sa wikang Inggles pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Dahil sa maraming karanasan noong panahon ng
digmaan, ang paksa ng kanyang mga tula ay iba-iba ukol sa
makatotohanan at buhay na buhay kaya malapit sa karanasan ng mga
mambabasa. Kinikilala rin siyang Quijano de Manila bilang pangalang-
panulat. Siya ay ipinalalagay na isang higante sa larangan ng
pagsusulat. Ang wika ng kanyang panulat ay malambing at masining.
Isinilang si Joaquin sa Paco, Maynila. Siya ay anak ni Leocadio
Joaquín, isang abogado at koronel sa Himagsikang Pilipino at Salome
Marquez. Hindi nagtapos ng mataas na paaralan at naghahanapbuhay nang di karaniwan sa may baybayin
ng Maynila sa kung saan man. Tinuruan sa sarili sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa sa
Pambansang Aklatan ng Pilipinas at sa aklatan ng kanyang ama kung saan lumawak ang kanyang hilig sa
pagsusulat. Unang inilathala ang likha ni Joaquin sa bahaging pampanitikan ng Tribune, isang pahayagang
bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa ilalim ni Serafin Lanot, isang manunulat at patnugot.
Pagkatapos ng pagkapanalo sa pangmalawakang-bansang paligsahan ng pagsusulat ng sanaysay sa La
Naval de Manila na pinamahala ng Dominikano, iginawad ng Pamantasan ng Santo Tomas si Joaquin ng
pandangal na Kolega sa Sining (A. A.) at pagpapaaral sa Kolehiyo ng St. Albert, ang monasteryong
Dominikano sa Hong Kong. Gayumpaman, hindi niya itinuloy pagkatapos ng halos isang taon. Pagkauwi
niya sa Pilipinas, sumanid siya sa Philippines Free Press, nagsimula bilang manunuri sa pagbabasa. Sa
katagalan, nakilala siya ukol sa kanyang mga tula, kuwento at dulaan, ganundin ang kanyang pamamahayag
sa ilalim ng kanyang panulat na pangalang Quijano de Manila. Ang kanyang pamamahayag sa pagsusulat
ay nakatatak nang pangkatalinuhan at mapang-akit, isang di-nakikilalang uri sa Pilipinas sa panahong iyon,
inaangat ang antas ng pagbabalita sa bansa.
Naglingkod si Joaquin bilang kasapi ng Lupon ng mga Tagapuna para sa mga Gumagalaw na Larawan sa
ilalim ng Pangulong Diosdado Macapagal at Pangulong Ferdinand E. Marcos. Ayon kay Marra PL. Lanot,
isang manunulat, hindi ginagalaw si Joaquin ng kamay na bakal ni Marcos. Ang unang hakbang ni Joaquin
bilang Pambansang Alagad ng Sining ay maging panatag sa pagpapalaya ng nakulong na manunulat na si
Jose F. Lacaba. Sa isang seremonya sa Bundok Makiling na pinangunahan ng Unang Ginang Imelda
Marcos, nagpahayag si Joaquin sa panawagan ng Mariang Makiling, isang alamat na dalaga ng bundok.
Nadama niya ang kahalagaan ng kalayaan at ang artista. Bilang bunga, hindi na siya inanyayaahan na
magpahayag ng anumang mga mahahalagang kaganapang pangkultura.
Sumakabilang-buhay si Joaquin dahil sa atake sa puso sa umaga ng 29 Abril 2004 sa kanyang tahanan ng
San Juan, Kalakhang Maynila. Sa kapanahunan ng kanyang kamatayan, siya ay patnugot ng magasing
Philippine Graphic at tagalathala ng pahayagang Mirror Weekly, isang magasing pangkababaihan. Sumulat
din siya ng mga lathalaing Small Beer para sa Philippine Daily Inquirer at Isyu, isang tabloyd na pang-
opinyon.

Tony De Zuniga
Si Tony DeZuniga (Nobyembre 8, 1932 - Mayo 11, 2012)
ay isang Pilipinong komiks ng komiks at ilustrador na
pinakilala sa kanyang mga gawa para sa DC Comics .
Nilikha niya ang mga kathang-isip na character na si Jona
Hex at Black Orchid .Si DeZuniga ay ang unang artist ng
komiks na nagtrabaho sa Amerika. Siya ang nagbigay ng
daan para sa maraming iba pang mga artista ng Pilipino
na pumasok sa industriya ng libro sa komiks.
Sinimulan ni DeZuniga ang kanyang karersa sa komiks
sa edad na 16, bilang isang manunulat para sa Liwayway
, isang lingguhang Pilipinong magasin na kasama ang
mga nag-ambag na kasama ng mga artista ng komiks na sina Alfredo Alcala at Nestor Redondo , na kalaunan
ay naging kanyang mga tagapayo.
Kalaunan ay natapos niya ang Bachelor of Science degree sa komersyal na sining mula sa Unibersidad ng
Santo Tomas sa Pilipinas. Noong 1962, napunta siya sa Estados Unidos upang mag-aral ng disenyo ng
graphic sa New York City. Bumalik siya sa kanyang sariling bansa upang magtrabaho sa advertising at sa
freelance para sa komiks ng Pilipino .
Nang siya ay bumalik sa New York City noong huling bahagi ng 1960, si DeZuniga ay pumasok sa merkado
ng libro ng komiks ng Amerikano sa ilalim ng editor na si Joe Orlando sa DC Comics , inking pencil art ni Ric
Estrada sa isang kwentong romansa na komiks para sa Love's Love Stories # 153. Ang debut ni DeZuniga
ng US bilang isang lapis ay dumating kasama ang isang self-inked horror na kwento para sa House of
Mystery # 188 (Sept./Oct. 1970).

You might also like