You are on page 1of 7

PROGRAMA SA RADYO AT

TELEBISYON
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

Nagsimula ang kasaysayan ng telebisyon noong 1953 na simulan ni James Lindenberg sa


kanyang istasyong Bolinao Electronics Corporation nang lumaon ay pinalitan ito ng Alto
Broadcasting Media - Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN).

Itinuturing na pinakamakapangyarihang midya sa kasalukuyan ang telebisyon dahil sa


pagdami ng taong naaabot nito. Isa ito sa mabuting epekto ng paglaganap ng satellite
connection upang masagap ng malalayong lugar at maging ng ibang bansa.

Ayon nga kay Saussure (1910), “language never exists apart from the social fact, for it's a
semiological phenomenon”.
Pagdating sa wikang ginagamit, pangunahing wika sa telebisyon ay Filipino na ginagamit
ng mga lokal na tsanel dito sa Pilipinas at ilan sa mga halimbawa nito ay mga programang
pantelebisyon tulad ng teleserye, news and public affairs at mga pantanghaling palabas.

Isa si Rogelio Ordonez o kilala sa tawag na "Ka Roger", isang sikat na manunulat ng tula
at piksyon, at isang dating propesor, ang nagpasimula ng pagkritika sa maling gamit ng mga
salita sa midya. Halimbawa ang sinabi ng isang mamamahayag sa telebisyon na ang usok
ng kotse ay bumubulusok pataas. Alam ng nakararami na ang Pagbulusok ay hindi pataas
kundi pababa ngunit kaunti na lamang ang nakapapansin nito dahil nakokondisyon ng
brodkaster ang pagbigkas sa maling nakagisnan ng mga tao.

Isa rin si Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining at tagapagtatag ng Linangan sa


Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) ang tumukoy bilang salitang "siyokoy" sa mga salitang
hango sa wikang Espanyol o Ingles na mali ang pagkabaybay sa Filipino na kadalasang
naririnig sa telebisyon.
Mga Uri ng Palabas o Programa sa Telebisyon

• Balita
Tumutukoy sa kasalukuyang nagaganap sa loob o labas man ng bansa. Sa
pamamagitan kasalukuyang pangyayari ng mundo gamit ang telebisyon.
Halimbawa: 24 Oras, Balitanghali, TV Patrol, Bandila, atbp

• Dokumentaryo
Mga palabas na naghahatid ng gawaing pantulong na sumasalamin sa reyalidad
ng buhay at tumatalakay sa kultura ng isang lipunan.
Halimbawa: I witness, Reeltime, Failon Ngayon, Reporter's Notebook atbp.

• Drama at Komedya
Binubuo ng iba't ibang tauhan na nagsasadula ng isang kwento.
Halimbawa: Kambal Karibal, Ang Probinsyano, Wild Flowers, La Luna Sanggre,
Banana Split, Bubble Gang, atbp.

• Variety Show
Binubuo ng magkakaibang pagtatanghal sa musika, komedya, talk show at iba pa
na pinangungunahan ng mga host ng programa.
Halimbawa: Eat Bulaga, Showtime, ASAP, Sunday Pinasaya, Wowowin atbp.
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO

Nangibabaw ang pangalan ng radyo sa kasaysayan noong taong 1894 nang binuo ang unang
wireless na telegrap ng isang Italyanong imbentor na si Guglielmo Marconi. Taong 1920 nang
ipinakilala ang KDKA, ang unang lisensiyadong istayon sa bansang Pennsylvania. Sa bansang
Pilipinas naman ay nagsimula ang radyo noong 1924 nang itatag ang istasyong AM na KZKZ ni
Henry Herman Sr. sa Maynila. Ginamit ang radyo noon bilang pangunahing tagapaghatid ng
balita at libangan ng mga tao. Sa paglipas ng panahon, ang radyo pa rin ang itinuturing na
pinakadinamikong daluyan ng impormasyon at midyum ng komunikasyon sa bansa.

Ayon nga kay Hart (1991), “the vital ingredient in the success of every radio program is the
imagination of the listener”.
Halimbawa na lang ang mga naririnig na pahayag ng sikat na DJ na sila Nicole Hyala at
Chris Tsuper na kilala bilang “tambalang balahura at balasubas” ng istasyong FM na
90.7. Inihuhulma ng midya ang salitang balahura" at "balasubas" na hindi angkop sa
totoong kahulugan nito na "marumi o magulo" at buraot" o hindi nagbabayad ng utang
dahil iba ang pinahihiwatig na katangian ng mga DJ sa mga katangian na ito.

Isa pang halimbawa ang mga kanta sa frequency modulation FM na ang pinakagustong
pakinggan ng mga kabataan ngayon ay mga awiting banyaga. Malimit makarinig ang tao
ng mga kantang nasa wikang Filipino. Mas tinatangkilik na rin ng mga tao ngayon ang
mga na katangian ng mga DJ sa mga kantang mula sa bansang Korea kaya mapapansin
na alam ng mga kabataan ang salitang "annyeong" na ibig sabihin ay "kumusta,
"saranghaeyo" na big sabihin ay "mahal kita" at ang pinakasikat na "oppa" na ibig
sabihin ay "kuya
Mga Uri ng Programa sa Radyo

• AM (amplitude modulation)
Mga istasyong naghahatid ng balita at tumatalakay sa mas seryosong paksa sa
lipunan.
Halimbawa: Super Radyo DZBB 594, Veritas 846 Radyo Totoo, DZMM
Radyo Patrol 630, atbp.

• FM (frequency modulation)
Mga istasyon na kinaaaliwan ng mga kabataan dahil sa mga musikang
pinatutugtog at ilang programang nakaantig ng damdamin.
Halimbawa: Love Radio 90.7, Win Radio 91.5, Barangay LS 91.7 atbp.

You might also like