You are on page 1of 1

Nagbalik siya sa Lucban noong 1832 at itinatag ang sariling

samahan na Cofradia de San Jose, isang kapatirang binubuo


lamang ng mga Indio. Ninais niyang maging legal ang Cofradia
dahil sa paglaki ng kasapian ngunit binabatikos ito ng mga paring
Espanyol, sa pangunguna ni Arsobispo Jose Segul. Sinalakay ng
mga sundalo ang kampo ng Cofradia sa pangungna ni Gob.Hen.
Marcelino Oraa sa Majayjay, Laguna noong Oktubre 19,1840.
Nagkataong nasa Maynila noon si Hermano Pule kaya nakaligtas.
Dahil sa kanyang paniniwala na ililigtas sila ng Diyos mula
sa pang-aapi ng mga Kastila ay hinirang nila si Apolinario bilang
“Hari ng mga Tagalog”.
Sa isang malaking labanan sa Ali-tao, isang lugar na
malapit sa Tayabas, ganap na nalansag ang hukbo ni Hermano Puli.
Nakatakas siya ngunit nasundan at nadakip. Madalian siyang nilitis
at binitay sa bayan ng Tayabas noong Nobyembre 4, 1841.
SANGGUNIAN:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Hermano-Pule
https://kilalangpilipino.blogspot.com/2015/09/talambuhay-ni-hermano-pule.html
https://philippineculturaleducation.com.ph/de-la-cruz-apolinario
www.elaput.org/chrm/841.htm

You might also like