You are on page 1of 14

Polo Y Servicios O

Sapilitang Paggawa At
Ang Bandala

Jannah C. Razon
V- Ramon Magsaysay
Isa pang patakarang
ipinatupad ng pamahalaang Espanyol ay ang
polo y servicios o sapilitang paggawa.
Sakop nito ang lahat ng kalalakihang may 16
hanggang 60 taong gulang, na may
kakayahang magtrabaho at maglingkod sa
mga pagawaan ng pamahalaang Espanyol,
gaya ng pagtatayo ng tulay, simbahan at
paggawa o pagkukumpuni ng barkong galyon.
Polo Y Servicios o Sapilitang Paggawa
Polista ang tawag sa mga
naglilingkod dito. Sila ay nagtatrabaho
nang 40 araw sa pamahalaan, ngunit
ibinaba ito ng 15 araw noong 1884. May
ilang polistang isinama ng pamahalaang
Espanyol sa pakikidigma sa mga Muslim at
sa mga ekspedisyon sa ibang lugar.
Polista
Makaliligtas lamang sa polo ang isang
Pilipino kung siya ay may kakayahang
magbayad ng falla o multa bilang kapalit ng
kaniyang hindi paglilingkod. Ngunit dahil sa
kahirapan ay iilan lamang ang nakaiiwas dito.
Ang may katungkulan sa pamahalaang gaya ng
gobernadorcillo, cabeza de barangay, at iba
pang miyembro ng principalia ay ligtas din sa
polo.
Maraming mga polistang Pilipino ang
nawalay sa kanilang mga pamilya dahil sa
pagtatrabaho sa malayong mga lugar.
Napabayaan din nila ang kanilang maga
sariling kabuhayan at kadalasan ay
lumalagpas pa sa takdang araw ang
kanilang pagtatrabaho .
Dahil sa polo, maraming gusali at gawaing
pampubliko ang naitayo. Sa katunayan ang mga lumang
simbahang makikita mo sa ngayon ay itinayo ng
polista. Para sa mga Pilipino noon, ang lahat ng ito ay
bunga ng pang-aapi at pang-aabuso ng mga Espanyol sa
kanila. Ito rin ang dahilan kung bakit mababa ang
tingin ng tao sa mga gawaing manwal o tinatawag na
blue collar job hanggang sa kasalukuyan . Natatak na
sa isipan ng marami na ang ganitong uri ng trabaho ay
simbolo ng kahirapan at pang-aalipin.
Hindi ito nakayanan ng mga Pilipino,
kaya ang patakarang ito ay naging isa sa
mga sanhi ng pag-aalsa laban sa
pamahalaang Espanyol. Halimbawa nito
ang pag-aalsa ni Sumuroy sa Samar noong
1649 at 1650.
Bukod sa sapilitang paggawa ay
sapilitan ding binili ng pamahalaang
Espanyol ang mga produkto ng mga
magsasaka. Sistemang bandala ang
tawag dito. Ang bawat lalawigan ay
binigyan ng takdang dami ng mga
produktong ipagbibili sa pamahalaan.
Sistemang bandala
Ang mga produkto ay binibili ng
pamahalaan sa murang halagang kadalasan ay
hindi pa nababayaran. Ang mga natatanggap
lamang ng mga magsasaka ay mga pangakong
kasulatan o promissory note. Kapag nasiraan
pa ng pananim ang mga magsasaka ay
napipilitan silang bumili ng produkto sa ibang
lugar upang mabuo ang kotang ibinigay ng
pamahalaan na lalong nakadagdag sa kanilang
paghihirap.
SALAMAT ! ! !

You might also like