You are on page 1of 26

5

Health
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Mga Paniniwala na may
Kaugnayan sa Puberty
Health – Grade 5
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Paniniwala na may Kaugnayan sa Puberty
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Aulith G. Mungcal


Co-Author - Content Editor : Loida Fausto
Co-Author - Language Reviewer : Marites G. Pamintuan
Co-Author - Illustrator : Enrico Susi
Co-Author - Layout Artist : Fritzie M. Reyes

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Assigned District : Rodger R. De Padua EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Florence S. Nicolas
Teacher District LRMDS Coordinator : Jackson G. Forelo
District SLM Content Editor : Imelda C. Sacramento
District SLM Language Reviewer : Nancy S. Escobido

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Maria Theresa C. Perez
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph

5
Health
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Mga Paniniwala na may
Kaugnayan sa Puberty
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH (Health) at Ikalimang Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Paniniwala na may
Kaugnayan sa Puberty.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Health) at Ikalimang Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Paniniwala na may
Kaugnayan sa Puberty.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa
Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Maligayang pagbati! Ngayon ay nasa bagong yugto ng ating aralin. Sa pamamagitan


ng modyul na ito ay mauunawaan natin ang mga paniniwala tungkol sa
pagbibinata at pagdadalaga o puberty stage. Ito ay mahalagang masuri kung ang
mga ito ay makabubuti o makasasama sa kalusugan ng isang nagbibinata at
nagdadalaga.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. nailalarawan ang mga maling paniniwala tungkol sa puberty (H5GD-Ic-d-3);

2. nasusuri ang mga isyu ayon sa pagkakaroon ng medical at siyentipikong batayan


(H5GD-Ic-d-4); at

3. nabibigyang halaga ang mga posibleng epekto nito sa kalusugan sa panahon ng


puberty

1
Subukin

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang bilang kung ang mga sumusunod na paniniwala
tungkol sa pagbibinata at pagdadalaga. Ekis (X) kung mali.

____1. Ang mga pagkaing masustansiya lalo sa iron ay nakatutulong sa katawan ng


isang babaeng may regla.

____2. Hindi dapat ipakita o makita ang ari ng lalaki na bagong tuli sa isang babae
dahil ito ay mangangamatis o mamamaga.

____3. Umiwas sa pagkain ng maaasim kapag may regla.

____4. Ang pagligo kung may regla ay maging sanhi ng pagkabaliw ng isang babae.

____5. Ang unang bahid ng regla ay dapat ipahid sa mukha

2
Aralin Mga Maling Paniniwala o

2
Misconception na may Kinalaman
sa Pagbibinata at Pagdadalaga
Ang ating mga lolo, lola at mga magulang ay may mga tradisyunal, misconception o
maling paniniwala tungkol sa pagbibinata at pagdadalaga. Sa panahon na tayo ay
nasa yugto ng puberty ay ipinamulat sa atin ang mga paniniwalang ito. Likas na sa
ating mga Pilipino ang pagkaroon ng mga pinaniniwalaan mula sa ating
nakatatanda kabilang na dito ang tungkol sa pagbibinata at pagdadalaga.

Balikan

Alin sa mga sumusunod ang mga pagbabagong nagaganap sa babae at sa lalaki?

Panuto: Kulayan ang bilog B kung ito ay sa babae at bilog L sa lalaki. Kulayan
pareho ang bilog B at L kung ito ay para sa babae at lalaki.

3
B L 1. paglapad ng balikat
B L 2. paglaki ng Adam’s apple
B L 3 . pagkakaroon ng regla
B L 4. paglapad ng balakang
B L 5. pagkakaroon ng tigyawat

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag -aaral upang malaman ang
mga maling paniniwala tungkol sa pagbibinata at pagdadalaga. Nasusuri ang
mga paniniwalang ito ayon sa siyentipinong batayan.

Tuklasin

4
Naku ! Hindi ka
dapat maligo may
regla ka. Baka
ikaw ay mabaliw.
Bakit naman po?

Ang ating mga lolo, lola at magulang ay may mga tradisyunal na paniniwala tungkol
sa pagbibinata at pagdadalaga. Ang mga paniniwala ba na ito ay sinunod mo? Bakit?

5
Suriin

Ang batang lumalaki ay nakararanas ng mga pagbabago na dumadaan sa yugto ng


buhay na tinatawag nating puberty. Sa paglaki ay kaakibat ang iba-ibang
tradisyunal na paniniwala ng mga nakatatanda. Mahalagang maunawaan natin
kung ang mga paniniwalang ito ay dapat bang sundin o iwasan upang hindi
magdulot ng suliranin pangkalusugan.

Narito ang ilan sa mga maling paniniwala na may kaugnayan sa mga pagbabago sa
panahon ng puberty at ang mga siyentipikong paliwanag.

A. Sa pagkakaroon ng regla o menstruation

Maling Paniniwala Batay sa Siyentipikong


Paliwanag

1.Hindi paliligo Naniniwala ang matatanda na Sa panahon ng regla, ang paliligo


hindi dapat maligo ang babae ay mainam dahil nalilinis nito ang
na may buwanang dalaw o
regla dahil maging dahilan ito katawan at nagiging maginhawa
ng impeksyon at pagkabaliw. ang pakiramdam at matatanggal
ang malansang amoy. Kung
maaari ay gumamit ng
maligamgam na tubig at sabon sa
pagligo upang matanggal ang mga
mikrobyo na magiging sanhi ng
impeksyon. Walang kaugnayan
ang paliligo sa panahon ng
pagreregla sa pagkawala sa sarili.

6
2. Bawal Ang pagbubuhat ng mabigat Walang kaugnayan ang pagbuhat
magbuhat ng ng isang babae sa panahon na ng mabigat sa paglabas ng dugo.
mabigat siya ay may regla ay
makasasama sa kalusugan Sa panahon na may regla ang
dahil mapipigil nito ang pagbuhat ng mabigat ay
paglabas ng dugo at bababa
magdudulot sa kababaihan ng
ang matres.
mabilis na pagkahapo ng
katawan.
Ang pagbubuhat ay isang
ehersisyo na makatutulong sa
katawan.

3. Pag-iwas sa Sa panahon ng buwanang


mga pagkaing dalaw o regla ang pagkain ng
maaasim at
maaalat maaasim at maaalat ay
nakapagpapapatigil ng daloy
Ang pagkain ng maasim at maalat
ng dugo na dahilan upang
ay walang malinaw na koneksiyon
hindi lumabas ang dumi sa sa pananakit ng puson sa
katawan. Ito din ang nagiging panahon na may regla ang isang
babae. Mayaman sa bitamina C
dahilan ng pagsakit ng puson.
ang maaasim na pagkain gaya ng
mga prutas at nakatutulong ito
para sa mabuting kalusugan.
Mainam na bawasan ang pagkain
ng maaalat dahil ito ay may
masamang epekto sa kalusugan.

4. Bawal ang Ang mga aktibidad tulad ng


pisikal na pampalakasan o isports at
aktibidad o pag- ehersisyo ay nakasasama
eehersisyo dahil pinatatagal nito ang
pagreregla na mas maraming
dugo ang lalabas sa katawan. Ang paglahok sa gawaing
pampalakasan at pag-eehersisyo
sa panahon ng regla ay maaaring
gawin o ituloy. Nakatutulong ito
upang mabawasan ang sakit na
dulot ng buwanang dalaw. Ang
pagiging aktibo sa pisikal na
gawain ay nakapagpapalabas ng
endorphins ng katawan. Ang
endorphins ay hormone na
pumipigil sa sakit na ating

7
nararamdaman at nagdudulot ng
masayang pakiramdam.

5. Pagpahid ng Ang unang regla o tinatawag


unang regla o na menarche ay mainam na
menarche sa
mukha ipahid o panghugas sa mukha Sa panahon ng pagdadalaga
dahil nakatatanggal ito ng normal na nagiging pawisin at
tigyawat. malangis ang mukha. Sa pagiging
aktibo ang sebaceous gland ay
naglalabas ng langis na nagiging
sanhi ng pagkaroon ng tigyawat.
Ang pagamit ng menarche sa
mukha ay makasasama at
magdulot ng impeksyon.
Kailangan ng tamang paglilinis ng
mukha gamit ang tubig at sabon
na hindi matapang at tuwalyang
malinis sa pagpunas nito.

B. Tungkol sa pagtutuli o circumcision

Maling Paniniwala
Batay sa Siyentipikong
Paliwanag

1.Bawal ipakita Mahigpit na ipinagbabawal


sa babae ang ari na ang bagong tuli na lalaki
ng bagong tuli ay hindi makita o ipakita ang
na lalaki ari sa babae dahil ito ay
mamamaga o mangangamatis Ang lalaking tinuli ay hindi
at tatagal ang paggaling. maiiwasang maimpeksiyon dahil
sa sariwang sugat. Sa tamang
paglilinis gamit ang maligamgam
na tubig araw-araw at
pagpapanatili na tuyo, pagpalit
ng gasa upang makaiwas sa
impeksiyon. Nakatutulong ang
pag-inom ng gamot na inireseta

8
ng doctor tulad ng antibiotics at
anti-inflamatory.

2. Ang Ang isang nagbibinata at


pagpapatuli ay dapat magpatuli agad upang
nakapagpapabilis bumilis ang pagtangkad.
ng pagtangkad Sa mga Pilipino, ginagawa ang
pagtutuli sa panahon ng
pagbibinata na mabilis ang
pagtangkad. Inaakala na ang
pagpapatuli ang dahilan ng
mabilis na pagtangkad. Ngunit
ang totoo ang pagtangkad ay dala
ng pagbibinata o growth spurt sa
tamang edad.

3. Ang hindi Sa kulturang Pilipino ang


pagpapatuli ay lalaki ay dapat magpatuli
nagdudulot ng upang hindi maging abnormal
abnormalidad sa ang magiging anak.
magiging anak Ang pagpapatuli ng batang lalaki
na naaayon na sa edad ay
kinakailangan upang maiwasan
ang impeksiyon at sakit. Walang
kinalaman ang hindi pagtuli sa
pagkaroon ng abnormal na anak.

C. Nocturnal emission o wet dreams. Sa panahon na tulog ang lalaki ay


nagkakaroon ito ng ejaculation.

9
Maling Paniniwala Batay sa Siyentipikong
paliwanag

1.Ang pagkaroon Ang nocturnal emission ay Ang nocturnal emission ay


ng nocturnal senyales ng isang malaswang aktibidad ng katawan na habang
gawain o abnormal na tulog ay awtomatikong naglalabas
emisision ay kondisyon ng katawan. ng seminal fluid. Ito ay
may kinalaman nararanasan kapag tulog ang tao
at pagkagising sa umaga ay
tungkol sa
mapapansin na basa ang
sekswal na damitpantulog.
kaisipan

Pagyamanin

10
Alamin natin kung lubos mong naunawaan ang aralin na tinalakay. Laging isaisip
ang katapatan sa iyong pagsagot. Handa ka na ba? Umpisahan mo na ang pagsagot.

Panuto: Isulat ang tama sa patlang kung ang paniniwala ay dapat sundin at mali
naman kung hindi dapat sundin.

______1. Paglalanggas ng maligamgam na tubig sa paglilinis ng bagong tuli.


______2. Bawal maligo kapag may regla.
______3. Paghihilamos sa mukha ng unang regla.
______4. Iwasan ang pagkaing maaasim.
______5. Hindi pagbubuhat ng mabigat na bagay.
______6. Paglahok sa pampalakasan at pag-eehersisyo kahit may buwanang dalaw.
______7. Magpatuli agad upang bumilis ang pagtangkad.
______8. Kumain ng mga masustansiyang pagkain.
______9. Hindi pagpapakita ng ari sa babae sa panahon na natuli.
______10. Makatutulong ang pagligo kahit may buwanang dalaw upang mawala ang
lansa ng amoy.

Isaisip

11
Ang isang tao na dumaraan sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga ay may
mga pagbabagong nararanasan. Bahagi ng ating kulturang Pilipino ang mga
paniniwala kaugnay sa pagbibinata at pagdadalaga. Ang mga misconception o
paniniwalang ito ay walang katotohanan at walang batayang siyentipiko. Maging
mapanuri sa mga paniniwalang ito at sundin ang mga tamang gawi na nararapat
upang maging malinis at malusog ang katawan.

Sagutin naman ang mga sumusunod. Ano ano ang mga maling paniniwala o
misconceptions sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?

A. Sa pagkakaroon ng regla o menstruation

B. Tungkol sa pagtutuli o circumcision

C. Nocturnal emission o wet dreams

Isagawa

12
Narito pa ang ilang pagsasanay na makakatulong sa mas lalo mo pang pag-unlad
ng iyong kaalaman. Halika! subukan mong sagutan ang pagsasanay na nasa ibaba.

Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Isulat ang PD sa patlang kung ang maling
paniniwala ay sa pagdadalaga at PB sa pagbibinata.

____1. Paliligo kapag may buwanang dalaw o regla.


____2. Pagpapatuli kaagad upang mabilis tumangkad.
____3. Hindi pagkain ng maaasim kahit may buwanang dalaw.

____4. Pangangamatis ng tinuli dahil ipinakita sa babae.


____5. Hindi pagbubuhat ng mabibigat kapag may menstruation.

____6. Paghihilamos sa unang regla.


____7. Magpatuli upang hindi maging abnormal ang anak.

____8. Hindi pag-eehersisyo kapag may buwanang dalaw.


____9. Pagsuot ng maluwang na damit ng bagong tuli.

____10. Ang pagkakaroon ng nocturnal emission.

13
Tayahin

Magaling!na nasa ibaba Para higit pang . mahasa ang iyong kaalaman, sagutin mo
ang pagsasanay

A. Panuto: Mula sa ating tinalakay na aralin magtala ng 10 maling paniniwala


kaugnay sa pagbibinata at pagdadalaga. Itala ang iyong sagot sa kuwaderno.

Maling Paniniwala kaugnay sa pagbibinata at pagdadalaga.

B. Mula sa naitalang maling paniniwala pumili ng lima (5) at isulat ang mga
tamang kadahilanan na may kaugnayan sa pagbibinata at pagdadalaga.

14
Maling Paniniwala Kadahilanan

1.

2.

3.

4.

5.

Karagdagang Gawain

15
Magaling! Narito ka na sa huling bahagi ng modyul. Para mas higit pang
mapaunlad iyong ang kakayahan, sagutan ang huling pagsasanay na nasa ibaba.
Halika! Umpisahan mo na ang pagsagot.

Ang mga tradisyunal na paniniwalang may kaugnayan sa pagbibinata at


pagdadalaga ay may maibubuti ba na dulot sa kalusugan? Ipaliwanag ang iyong
sagot. Maaaring magtanong sa mga nakatatanda na kasama sa bahay o magsaliksik
gamit ang internet.

16
Susi sa
Pagwawasto

T 10.
M 9.
T 8.
M 7.  5.
T 6.  4.
M 5.  3.
BL 5.
M 4.  2.
B 4.
M 3. x 1.
B 3.
M 2.
L 2.
T 1. Subukin:
L. 1.
Pagyamanain: Balikan:

.PB 10

. PB 9

. PD 8

. PB 7

. PD 6
bata bata
. PD 5 batay sa sagot ng batay sa sagot ng

. PB 4 TAYAHIN : GAWAIN :
KARAGDAGANG
. PD 3

. PB 2

1. PD

: Pagyamanain

Sanggunian
Masigla at Malusog na Katawan, Batayang Aklat sa MAPEH 5; Helen G. Gatchalian,
Gezyl G. Ramos, Johannsen C. Yap pp. 120-125

Masigla at Malusog na Katawan, Teachers’ Guide sa MPEH 5; Helen G. Gatchalian,


Gezyl G. Ramos, Johannsen C. Yap

K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELC) for Grade 5

17
DepEd Division of Cabanatuan Learning Resource Management and Develoment
System (2016). Learning Material Health 5.

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

You might also like