You are on page 1of 28

5

Health
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Wastong Pangangalaga sa
Sarili sa Panahon ng
Pagdadalaga at Pagbibinata
Health – Grade 5
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Wastong Pangangalaga sa Sarili sa Panahon ng
Pagdadalaga at Pagbibinata
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Argie S. Tuazon


Co-Author - Content Editor : Jerosa Sibug
Co-Author - Language Reviewer : Victorino Martinez
Co-Author - Illustrator : Michelle S. Bato

Co-Author - Layout Artist : Fritzie M. Reyes

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Assigned District : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Florence S. Nicolas
Teacher District LRMDS Coordinator : Jackson G. Forelo
District SLM Content Editor : Imelda C. Sacramento District
SLM Language Reviewer : Nancy S. EScobido

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Firstname MI. Lastname
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz Division
Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph

5
Health
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Wastong Pangangalaga sa Sarili
sa Panahon ng Pagdadalaga at
Pagbibinata
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health at Ika-limang Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Wastong Pangangalaga sa
Sarili sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Health at Ika-limang Baitang ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Wastong Pangangalaga sa Sarili sa Panahon
ng Pagdadalaga at Pagbibinata!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa
Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa mga panahong ikaw ay lumalaki at nagkaka-edad na, maraming pagbabago ang


iyong mararanasan sa iyong buhay. Ang mga pagbabagong ito ay karaniwang
nararanasan ng mga kabataang katulad mo na dumadaan sa yugto ng buhay na
tinatawag na pagdadalaga o pagbibinata. Kaakibat ng mga biglaang pagbabagong
ito, ang tama at wastong paraan ng pangangalaga sa sarili ang kailangan mo.

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang malaman at


maisagawa ang mga wastong paraan ng pangangalaga sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. naisasagawa ang mga paraan ng wastong pangangalaga sa sarili sa panahon
ng pagdadalaga at pagbibinata; at

2. natatalakay ang kahalagahan ng paghingi ng payo sa mga eksperto tungkol sa


usaping pangkalusugan na may kaugnayan sa pagdadalaga at pagbibinata
(H5GD-Ii-11).

1
Subukin

Isulat ang Tama sa patlang kung ang gawain ay nagpapakita ng wastong


pangangalaga sa iyong sarili at Mali naman kung hindi. Ilagay ang iyong sagot sa
hiwalay na sagutang papel.

_____________ 1. Regular na pagdumi araw-araw.

_____________ 2. Pagkain ng mga masusustansiyang pagkain.

_____________ 3. Paliligo ng dalawang beses sa isang linggo.

_____________ 4. Pagtulog at paggising sa wastong oras.

_____________ 5. Pagkain ng mga malalansang pagkain kapag bagong tuli.

_____________ 6. Pagpapalit ng kasuotang panloob o panty araw-araw.

_____________ 7. Regular na paglilinis at pagpuputol ng mga kuko sa mga kamay


at paa gamit ang nail cutter.

_____________ 8. Pagsesepilyo ng isang beses isang araw lamang.

_____________ 9. Pagiging madumi sa sarili.

_____________ 10. Pagpapahid ng tawas o deodorant sa kili-kili pagkatapos maligo.

Aralin Wastong Pangangalaga sa Sarili

9 sa Panahon ng Pagdadalaga at
Pagbibinata

Ang isang nagdadalaga o nagbibinata ay nakararanas ng maraming pagbabagong


pangkalusugan. Ang mga pagbabagong nagaganap na ito ay may epekto sa
katawan, pag-iisip, damdamin at pakikitungo sa kapwa ng mga kabataang
nakakaranas nito.

Ang mga isyung pangkalusugang ito ay maaaring maiwasan at mapigilan kung


susundin ang mga wastong kalusugang-gawi upang maging malakas, masigla at

2
masaya. Kailangang pangalagaan nang wasto ang sarili sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.

Balikan

Lagyan ng tsek (✓) ang mga bilang na nagpapakita ng mga paraan upang
maiwasan ang di-inaasahang pagbubuntis at ekis () kung hindi.

1. Makinig sa payo ng mga magulang.

2. Makipag-barkada at makipag-inuman sa mga lalaki.

3
3. Pumili ng maayos na babarkdahin at kakaibiganin.

4. Iwasang manood ng malalaswa at hindi kaaya-ayang panoorin.

5. Umiwas sa mga mapanukso at liblib na lugar upang hindi mapahamak.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag -aaral upang
bigyang halaga ang mga paraan sa wastong pangangalaga sa sarili
sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

4
Tuklasin

Ikaw ba ay nakararanas ng mga pagbabago sa iyong sarili at sa iyong


panganagatawan?
Ano ang iyong naramdaman?
Ano ang iyong ginawa?
Basahin at unawain ang usapan ng mga miyembro ng pamilya sa ibaba. Matapos
ito, subukan mong sagutan ang mga tanong kaugnay nito.

5
Huwag kang magtaka at lalong huwag
matakot sa nangyayari sa iyong katawan.
Natural lang iyan sa isang batang nagdadalaga.
Ang paglaki ng iyong dibdib ay nagpapahiwatig
na naghahanda na ang iyong katawan sa
Inay, nag -aalala po ako sa pagiging isang ina. Buwan -buwan ay
nangyayari sa aking katawan. magkakaroon ka ng regla at hindi ito sakit.
Unti -unti pong lumalaki ang Gayunpaman, dapat mong iwasan ang mga
aking dibdib at bahagya pong mabibigat na gawain kung ikaw ay nireregla.
sumasakit ang aking puson lalo Ang pagsakit ng iyong puson ay madaling
na po kapag sasapit ang aking matatanggal kung maglalagay ka ng hot water
regla. Sabi din po ng mga bag sa ibabaw ng iyong puson. Normal din sa
kaibigan ko, medyo lumalapad nagdadalaga ang pagkakaroon ng tigyawat.
na din ang aking balakang. Upang maiwasan ito, ma ging malinis ka sa
iyong katawan at sa iyong mukha.

6
Normal lang sa nagbibinata ang I tay, nagtataka po ako kung
nararanasan mo. Iyong bumubukol sa bakit habang lumalaki po ako,
lalamunan mo ay tinatawag na Adam’s Apple. bumababa po ang boses ko at
Ito ang nagiging sanhi kung bakit bumababa dumadalas po ang pagpiyok ko.
ang boses mo at kung minsan ay pumipiyok Nakararamdam din po ako ng
ka. Lumalapad ang iyong mga balikat dahil parang may bumubukol sa aking
ito ay paghahanda ng iyong katawan sa mga leeg. May tumutubo na ding pong
gawain sa hinaharap katulad ng pagbubuhat. mga buhok sa aking kili -kili ganun
Karaniwan din sa mga nagbibinata ang din po sa itaas ng aking ari.
pagtubo ng mga buhok sa iba’t -ibang bahagi Nagkakaroon na din po ako ng
ng kanilang katawan tulad ng mukha, dibdib, balbas at bigote. At sa halip na
tiyan, kili -kili at sa paligid ng ari. Ang mga balakang po ang lumapad sakin
pagbabagong ito ay talagang nagaganap sa katulad po sa kapatid kong babae,
nagdadalaga at nagbibinata bilang mga balikat ko po ang lumal aki at
paghahanda sa pagiging ama at ina nila sa lumalapad.
tamang panahon.

Mga Tanong:

1. Ano ang suliranin ng batang babae at ng batang lalaki?


2. Bakit nila nararanasan ang mga pagbabagong iyon sa kanilang katawan?
3. Ano ang isinagot at ipinayo ng nanay? ng tatay?
4. Sa kasalukuyan, nakakaranas ka na rin ba ng kaparehong pagbabago sa
iyong katawan?

7
Suriin

Ang wastong pangangalaga sa sarili ay mahalagang mapagtuunang mabuti ng


pansin. Ito ay upang makaiwas tayo sa iba’t ibang uri ng karamdaman. Dapat na
isagawa araw-araw ang wastong pag-uugaling pangkalusugan para sa sariling anyo
at relasyon sa ibang tao. May ilang paraan kung paano mo mapangangalagaan ang
iyong sarili sa panahon ng iyong pagdadalaga o pagbibinata.

Mga Paraan sa Wastong Pangangalaga sa Sarili sa Panahon ng Pagdadalaga at


Pagbibinata

1. Kumain ng sapat at masustansiyang pagkain. – Malaki at mahalaga ang


epekto nito sa katawan. Apektado ang bawat aspekto ng kalusugan kung
kulang at di-masusustansiyang pagkain ang ating kinakain.
2. Pag-eehersisyo – Nakatutulong ito sa pagtunaw ng kinain, pagbabawas ng
dumi sa katawan at maayos na daloy ng dugo.
3. Nakakatulong na maiwasan ang sakit kapag tama at wasto ang oras
ng pagtulog. Ang sapat na oras ng pagtulog ay walong oras pataas.
4. Tiyaking regular ang pagdumi (bowel movement) araw-araw.
5. Panatilihing maayos at malinis ang sarili. – Kaaya-ayang pagmasdan
ang sinuman kung siya ay malinis at maayos sa katawan.

May mga paraan din upang mapaunlad ang personalidad sa pamamagitan ng


paglilinis at pangangalaga ng ating katawan. Narito ang ilan:

a. Maligo araw-araw upang mapanatili ang malinis at kanai-nais na


amoy.
b. Panatilihing malusog ang buhok sa pamamagitan ng paggamit ng
shampoo o gugo dalawa o tatlong beses sa isang lingo.
c. Magsepilyo ng ngipin tatlong beses sa isang araw pagtapos kumain.
d. Linisin at putulin ang mga kuko sa kamay at paa gamit ang nail
cutter kung mahaba na ang mga ito.

8
e. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, at pagkatapos
gumamit ng palikuran.
f. Magpalit araw-araw ng damit panloob at medyas.
g. Regular na linisin ang tainga.
h. Gumamit ng tawas o deodorant pagtapos maligo
i. Sumangguni sa eksperto at mapagkakatiwalaang tao katulad ng
doctor, nars, dentista, guro at magulang kung may kakaibang
nararamdaman sa mga pagbabagong nararanasan.

Pangangalaga sa Katawan sa Panahon ng Pagreregla

Isa sa pagbabagong nangyayari sa mga kababaihang magdadalaga ay ang


pagkakaroon ng buwanang dalaw o regla. Ito ay nagyayari minsan kada buwan
basta sinimulang reglahin ang isang nagdadalaga. Naririto ang mga tamang paraan
kung paano mapangangalagaan ng kadalagahan ang kanyang pangangatawan sa
panahon ng kanayng pagreregla.

1. Kumain ng wasto.
2. Magpahinga at matulog ng sapat
3. Panatilihing malinis at maayos ang katawan
➢ Maligo araw-araw
➢ Mag-shampoo ng buhok
➢ Dalasan ang paghihilamos upang maiwasan ang pagkakaroon ng
tigyawat.

9
4. Wastong paggamit ng pasador at napkin
➢ Magpalit ng napkin o pasador tuwing ikatlo o ika-apat na oras o
kung kinakailangan.
➢ Maghugas ng ari tuwing magpapalit ng napkin o pasador ➢
Maghugas ng kamay bago o pagkatapos magpalit.
5. Magpalit ng damit panloob o panty araw-araw at bago matulog.

Pangangalaga sa Katawan ng Isang Bagong Tuli

Isa rin sa mga pagbabagong dapat pagdaanan ng isang batang lalaki na


nagbibinata na ay ang Pagpapatuli o Circumcision. Narito ang mga paraan kung
paano mapangangalagaan ng mga kabinataan ang kanilang mga sarili kung sila ay
bagong tuli.

1. Magsuot ng maluwag at malambot na shorts o padyama. Makatutulong ito


upang makakilos ng maginhawa at maiiwasang magasgas ang sugat.
2. Linisin ang sugat sa pamamagitan ng pinakuluang dahon ng bayabas o
gamot na inireseta ng doktor.
3. Palitan ang balot o baru-baruan araw-araw.
4. Iwasan ang pagbutingting sa sugat.
5. Magsabon at banlawang mabuti ang kamay bago hawakan ang sugat.
6. Kumain ng masusustansiyang pagkain maliban sa malalansa tulad ng
hipon, itlog, pusit at bagoong.

10
Nararapat lang na humingi ng payo sa mga eksperto tungkol sa kalusugan
ang isang nagbibinata o nagdadalagang gaya mo. Higit na mapangangalagaan mo
ang iyong sarili at malalayo sa anumang karamdaman kung ikaw ay sasangguni sa
kanila tungkol sa iyong kalagayan o kung ikaw ay may suliraning pangkalusugan
kaugnay ng iyong pagdadalaga o pagbibinata.

Ilan sa mga ekperong maari nating lapitan ay ang doctor, nars, dentista
maging ang iyong mga magulang. Ang mga payo nila at tagubilin ay
napakahalagang sundin.

11
Pagyamanin

Mahusay! Ngayon ay alamin natin kung lubos mong naunawaan ang aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na gawain.

A. Basahin ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang W kung ito ay
nagpapakita ng wastong gawain at DW kung hindi wasto. Isulat ang iyong sagot
sa hiwalay na sagutang papel.

__________ 1.) Si Manuelito ay mahilig kumain ng mga prutas at gulay.

__________ 2.) Nakahiligan ni Jomari na magsigarilyo pagkatapos kumain.

__________ 3.) Walang pakialam si Kathleen kahit siya ay madungis tingnan.

__________ 4.) Nakasanayan na ng magkakambal na sina Kristoff at Kristoffer ang


paliligo bago pumasok sa kanilang paaralan.

12
__________ 5.) Regular na kumukonsulta sa mga eksperto ang pamilya nila Alliyah
upang malaman ang kalagayan ng kanilang kalusugan.

__________ 6.) Bata pa lamang ay nasanay na si Liam na uminom ng alak kaya


nadala niya ito hanggang sa kanyang pagbibinata.

__________ 7.) Gumagamit si Marcelo ng mga ipinagbabawal na gamot.

__________ 8.) Mahilig magpuyat si Nilo dahil sa kalalaro niya ng Mobile Legend sa
kanyang cellphone.

__________ 9.) Madalas makita ng kanyang mga kaklase si Justin na nag-eehersisyo


sa kanilang bakuran.

__________10.) Nakaugalian na ni Rudolf ang pagsesepilyo tatlong beses sa isang


araw.

B. Magtala ng tig-limang (5) paraan kung paano pangangalagaan ang katawan sa


panahon ng pagreregla at bagong tuli. Isulat ang inyong sagot sa bawat kolum
na nasa ibaba. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot.

Panahon ng Pagreregla Bagong Tuli

13
Isaisip

Sa mga panahong ikaw ay lumalaki at nagkaka-edad na, maraming ___________ang


iyong mararanasan sa iyong buhay. Ang mga pagbabagong ito ay karaniwang
nararanasan ng mga kabataang katulad mo na dumadaan sa yugto ng buhay na
tinatawag na _______________ o ____________. Kaakibat ng mga biglaang
pagbabagong ito, ang tama at ___________ paraan ng pangangalaga sa sarili ang
kailangan mo.

Mahalaga rin ang paghingi ng payo sa mga____________gaya ng doctor, nars, dentist


at mga magulang kung may kakaibang nararamdaman sa mga pagbabagong
nararanasan.

Isagawa

Wow! Tunay ngang nauunawaan mo ang aralin na iyong tinalakay. Handa ka na


bang sagutin ang susunod na pagsasanay na nasa ibaba? Halika! Simulan mo na
ang pagsagot.

A. Isulat ang K kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at O


kung ito ay opinyon lamang.

______1. Ang mga magulang ay maaaring hingan ng payo tungkol sa


pagbibinata at pagdadalaga.
______2. Iwasang kumain ng maasim at makakatas na gulay at prutas kung
may regla o bagong tuli.
______3. Ang doctor at dentist ay mga eksperto sa usaping pang kalusugan.
______4. Isang beses isang araw lang dapat magsepilyo.
______5. Ang pagkakaroon ng buwanang regla at pagpapatuli ay bahagi ng
pagadadalaga at pagbibinata.

B. Gumuhit ng isang larawang nagpapakita ng isang paraan ng wastong


pangangalaga ng sarili sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Kulayan ang

14
iyong naiguhit na larawan. Gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa
pagsasagawa nito.

Rubriks sa Pagwawasto:
Pamantayan Puntos
Nakaguhit ng maayos, malinaw na naipakita ang isang paraan ng
wastong pangangalaga ng sarili sa panahon ng pagdadalaga o 5
pagbibinata at nakulayan ng wasto ang larawan.

Nakaguhit ng maayos, malinaw na naipakita ang isang paraan ng


wastong pangangalaga ng sarili sa panahon ng pagdadalaga o 4
pagbibinata ngunit hindi nakulayan ng wasto ang larawan.

Nakaguhit ng maayos, ngunit hindi malinaw na naipakita ang


isang paraan ng wastong pangangalaga ng sarili sa panahon ng 3
pagdadalaga o pagbibinata at nakulayan ng wasto ang larawan.

Hindi nakaguhit ng maayos, hindi malinaw na naipakita ang


paraan ng wastong pangangalaga ng sarili sa panahon ng 2
pagdadalaga o pagbibinata at hindi nakulayan ng wasto ang
larawan
Walang naiguhit na maayos na larawan 1

Tayahin

15
Napakagaling! Kahanga-hanga ang galing na iyong ipinakita. Upang higit pang
mahasa ang iyong kaalaman sa aralin na ating tinalakay, subukan mong sagutan
ang pagsasanay na nasa ibaba. Halika umpisahan mo na ang pagsagot.

Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Nakatutulong ito sa pagtunaw ng kinain, pagbabawas ng dumi sa katawan


at maayos na daloy ng dugo.
a.) Pagkain c.) Pagtulog
b.) Pag-eehersisyo d.) Pagdumi

2. Sino sa mga ito ang ekspertong maaari mong lapitan sa panahon ng iyong
pagdadalaga o pagbibinata?
a.) kaibigan c.) kamag-aral
b.) tambay sa kanto d.) magulang

3. Ito ang sapat na oras ng pagtulog.


a.) 2 b.) 4 c.) 6 d.) 8

4. Bakit kinakailangang komunsulta sa mga eksperto ang mga batang


nagdadalaga at nagbibinatang kagaya mo?
a.) Upang higit na mapangalagaan ang sarili at malayo sa anumang
karamdaman.
b.) Upang kumalap ng tsismis.
c.) Upang makagala sa hospital.
d.) Wala sa nabanggit

5. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin ng batang katutuli pa lamang?


a.) Kumain ng mga malalansang pagkain
b.) Palitan ang balot o baru-baruan araw-araw.
c.) Maghugas ng ari tuwing magpapalit ng napkin o pasador
d.) Magsuot ng mga masisikip na shorts

16
6. Alin sa mga ito ang ginagamit sa katawan pagkatapos maligo upang
maiwasan ang hindi kanais-nais na amoy?
a.) alcohol b.) deodorant c.) shampoo d.) sabon

7. Ito ay bahagi ng paglaki ng isang batang lalaki na kung saan tinatanggal


ang sobrang balat na nakapalibot sa ulo ng kanyang ari.
a.) Pagre-regla c.) Pagtutuli
b.) Pagbibinata d.) Pagdadalaga

8. Maaari bang maligo ang batang may regla?


a.) Oo b.) Hindi c.) Siguro d.) Wala sa nabanggit

9. Ito ay bahagi ng paglaki ng isang batang babae na karaniwang nagaganap


buwan-buwan na kung saan inilalabas ng kanyang katawan ang
maruming dugo.
a.) Pagre-regla c.) Pagtutuli
b.) Pagbibinata d.) Pagdadalaga

10. Tuwing kailan dapat magpalit ng napkin o pasador ang isang batang may
buwanang dalaw o regla?
a.) tuwing ikatlo o ika-apat na oras o kung kinakailangan
b.) tuwing isang lingo
c.) pagkatapos ng regla
d.) tuwing gabi lang

Karagdagang Gawain

Magaling! Tunay ngang kahanga-hanga ang galing na iyong ipinamalas. Narito ka


na sa huling bahagi ng modyul. Para sa mas higit pang pagpapapalawak ng iyong
kaalaman, sagutan mo ang huling gawain sa ibaba.

17
Sumulat ng isang Slogan tungkol sa wastong paraan ng pangagalaga ng sarili. Ito
ay dapat na binubuo ng 10-15 salita lamang. Isulat ito nang maayos sa hiwalay na
sagutang papel.

18
19
Gezyl G. Ramos, Johannsen C. Yap
Masigla at Malusog na Katawan, Teachers’ Guide sa MPEH 5; Helen G. Gatchalian,
Gezyl G. Ramos, Johannsen C. Yap pp. 162-171
Masigla at Malusog na Katawan, Batayang Aklat sa MAPEH 5; Helen G. Gatchalian,
Sanggunian
Karagdagang Tayahin: Isagawa:
Gawain:
1. b A
2. d
3. d 1. K
Batay sa sagot ng 4. a 2. O
bata 5. b 3. K
4. O
6. b
5. K
7. c
8. a
9. a
10. a B.
Batay sa sagot ng
bata
usi sa Pagwawasto
S
Pagyamanin: Subukin:
Isa -isip :
A
1. Pagbabago 1. T ama
2. Pagdadalaga 1. wasto 2. T ama
3. Pagbibinata 2. di -wasto 3. Mali
4. Wastong 3. di -wasto 4. T ama
5. eksperto 4. wasto 5. Mali
5. wasto
6. T ama
6. wasto
7. T ama
7. di -wasto
8. di -wasto 8. Mali
9. di -wasto 9. Mali
10. wasto 10. T ama
B. Balikan:
Batay sa sagot ng 1. ✓
bata 2. 
3. ✓
4. ✓
5. ✓
K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELC) for Grade 5

https://www.youtube.com/watch?v=lrE2njOPcbw

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

You might also like