You are on page 1of 11

Disiplina ang kailangan

ALAMIN NATIN

Isang hatinggabing payapa, banayad ang hangin


Sa higaa’y nakalagak katawang nahihimbing
Pamamahinga’y natigil, natutulog na diwa’y nagising
Ingay ng mga tao at sasakyan sa labas ang gumising

Isang magandang tanawin, matatagpuan sa hardin


Paruparo’y umaaligid, sumasayaw sa hangin
Sa isang iglap ay napawi magandang tanawin
Walang awang sinira ng batang kay hirap disiplinahin.
PIPIIP! PIPIIP!, BUSINA NG TRAK NG BASURA
HAHAKUTIN ANG NAIPONG KALAT NG PAMILYA
PERO TEKA MUNA, TILA ANG IBA’Y WALANG NAKIKITA!
SA KANAL AT ILOG PA RIN ITINATAPON ANG BASURA.

PALIGID NA TAHIMIK, PAYAPA, AT PARAISO


SA ISANG IGLAP NAGLAHO GANDANG TAGLAY NITO
NASAAN ANG DISIPLINA, BAKIT GANITO ANG TAO?
KAILAN KAYA MATUTUTONG ALAGAAN ANG PALIGID NA NOO’Y ISANG KAAYA-AYANG
PARAISO?
SAGUTIN ANG SUMUSUNOD.
1. IBIGAY ANG MENSAHE NG BINASANG TULA. BIGYANG-PANSIN ANG IYONG DAMDAMIN
MATAPOS BASAHIN ANG TULA.
2. PAANO MO ITUTUWID ANG MALING GAWAIN NG MGA TAO SA PANGANGALAGA SA
KAPALIGIRAN?
3. PAANO MO TUTUGUNAN ANG PANAWAGAN SA DALAWANG HULING LINYA NG TULA?
4.Bakit mahalaga na mapanatili ang malinis, tahimik, at kaaya-ayang kapaligiran?
5.Kung ikaw ay itatalaga upang pangunahan ang pagpapanatili ng katahimikan at kalinisan ng
inyong paaralan at lugar, ano-ano ang gagawin mong hakbang?

ISAGAWA NATIN
Gawain 1
Pag-aralan ang mga salita na nasa kahon. Isulat sa loob ng “thumb up sign” ang mga salita
tungkol sa pagpapanatili na kaaya-ayang kapaligiran mula sa kahon. Sa labas ng kamay, isulat
ang mga salitang hindi tumutukoy sa pagpapanatili ng kaaya-ayang kapaligiran. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Walis basura maayos na tindahan


Halaman disiplina mausok na sasakyan
Basurahan pandilig mabahong kanal
Plastic metro aid malinis na kalsada
Punong kahoy malakas na tugtog
Pansinin ang mga salitang at ang dami o bilang ng nasa loob ng puso at wala sa loob ng puso.
Bumuo ng isang kaisipan tungkil sa iyong kasagutan.
Gawain 2
Bumuo ng tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng Gawain tungkol sa
pagpapanatili ng malinis, tahimik, at kaaya-ayang kapaligiran.

Pangkat 1 – Bilang mga kasapi ng Pupils’ Government, magsasagawa ng isang proyekto kung
paano ninyo maipapakita ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.

Pangkat 2 – Bilang mga kasapi ng isang organisasyon na nagtataguyod sa turismo ng isang


komunidad, kumuha ng video ng pamayanan o barangay na nagpapakita ng tahimik at malinis na
kapaligiran

Pangkat 3 – Bilang mga kasapi ng produksiyong panradyo, bumuo ng balitang panradyo. Ibalita
ang mga hakbang ng ginagawa ng isang komunidad sa pagpapanatili ng malinisat tahimik na
kapaligiran.
Paano nakamit o naisakatuparan ang malinis, tahimik, at kaaya-ayang kapaligiran? Paano ito
naaapekto sa buhay ng bawat tao?

ISAPUSO
NATIN

Sa hugis pusong papel na iibigay ng guro, isulat ang mga salitang angkop para
mabuo ang ideya.

ISABUHAY NATIN

A.Gumawa ng action plan bilang paglahok sa PNOK 1B Trees Project. Ilahad sa klase ang mga
hakbang ng pakikilahok sa proyekto.

Halimbawa:
Layunin Pangalan ng Proyekto Mga Dapat gawin Kagamitan na Kakailangan

B. Sa pagdiriwang ng National Health Education Week, gumawa ng poster na nagpapakita ng


isang malinis, tahimik, at kaaya-ayang kapaligiran.

Halimbawa:
TANDAAN NATIN

Pagpapanatili ng tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran. Sa pamamagitang ng iba’t ibang


program, napapangalagaan nito ang kapaligiran tulad ng Sistema ng pangongolekta ng
basura, pagtatalaga ng mga pulis na tumitiyak sa katahimikan at kaayusan ng lugar, pulis-
trapiko na nagsasaayos ng daloy-trapiko, at mga programa na nangangalaga sa kalikasan.
Nagtatakda rin ang mga local na pamahalaan ng mga ordinansa sa oras ng paggamit ng
videoke, maayos na pangangalaga sa mga alagang hayop, pagbabawal sa paggamit ng
plastic, at tamang lugar na tawiran, babaan at sakayan. May mga nakalaan ding
pampublikong palikuran na maaaring magamit na kahit na sinong mamamayan.
May mga hakbang din na ginagawa ang paaralan upang mapanatili ang kaayusan ng pagilid
nito. May mga basurahan na matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi ng paaralan. Nagkakaroon
din ng mga kampanya para sa wastong pangangalaga sa kapaligiran.
May mga hakbang din na ginagawa ang paaralan upang mapanatili ang kaayusan ng paligid
nito. May mga basurahan na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng paaralan. Nagkakaroon
din ng mga kampanya para sa wastong pangangalaga ng kapaligiran.
Malaki ang kontribusyon ng malinis na kapaligiran sa pagkakaroon ng malusog na katawan at
isipan ng mga mamayanan. Dahil dito, ang disiplina at pakikiisa ng mga tao sa lahat ng
programang ipinatutupad ay kailangan upang mapanatili ang kaayusan at lagandahan ng
kapaligiran.
Mapananatili ko ang malinis at
kaaya-ayang kapaligiran kung.

Upang mapanatili ang


tahimik na kapaligiran, ako
ay.
Paano mo mapapahalagahan ang malinis , tahimik, at kaiga-igayang , kapaligiran?

Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga alituntunin sa

SUBUKAN
NATIN
Basahin at isagawa.
A. Magsagawa ng Oplan Linis sa paaralan. Kapag nasiguro na malinis na ang paligid, gumawa
ng mga placard gamit ang illustration board na nagpapakita ng mga babala o alituntunin
para sa pagpapanatili ng tahimik at malinis na paligid.
B. Magdala ng mga gamit na itatapon na o hindi na ginagamit. Maging malikhain sa pagre-
recycle nito. Gumawa ng kapakipakinabang na gamit sa mga bagay na maaari ng itapon.
Pagmasdan ang iyong paligid. Bahagi ka ba ng kaaya-ayang kapaligiran na ito? Kung ganoon,
ipagpatuloy mo iyan nang buong husay sa susunod na aralin.

You might also like