You are on page 1of 29

PAHAHON NG PANANAKOP NG MGA

AMERIKANO AT HAPON
PAGBABALIK-TANAW
• Ang mga Espanyol ang unang nanakop sa Pilipinas na tumagal ng 333 taon.
• Sila din ang nag-impluwensya sa atin sa lahat ng aspeto gaya ng wika,
kultura, relihiyon, at maging sa politika.
• Nagkaroon ng malawakang pag-aalsa laban sa Espanya lalo na sa
pagkakabitay sa GOMBURZA.
• Idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pagkakalaya ng Pilipinas noong
Ika-12 ng Hunyo, 1898 ngunit hindi ito nagtagal.
BAKIT HINDI ITO NAGTAGAL KUNG
NAKAWALA TAYO SA PAGSAKOP
SA ATIN NG ESPANYA?
PAHAHON NG PANANAKOP NG MGA

AMERIKANO
PAANO PUMASOK ANG MGA
AMERIKANO?

• Noong maagang bahagi ng ika-20 siglo, umabot na sa yugto ng monopolyo


kapitalismo ang US. Para makapang-agaw ng mga kolonya, ginera ng US
ang Espanya noong 1898.
• Sinakop ng US ang Pilipinas dahil sagana ito sa likas na yaman at murang
lakas-paggawa at mapagtatambakan ito ng sobrang produkto at kapital.
• Gusto ring gamitin ng US ang Pilipinas bilang base sa pakikipag-agawan sa
iba pang imperyalistang kapangyarihan sa pagkontrol sa Tsina at iba pang
bahagi ng Asya.
PANAHON NG DIGMAANG
ESPANYOL-AMERIKANO

• Nagsimulang sakupin ng Amerika ang Pilipinas sa pamamagitan ng Traty of


Paris noong Disyembre 10, 1898. Nagdeklara ito ng “Military Rule” noong
Disyembre 21, 1898.
• Idineklara ang paglaya ng Pilipinas noong Enero 5, 1899 ni Emilio Aguinaldo.
Nagtatag siya ng Rebeldeng Gobyerno noong Enero 23, 1899 at siya ang
naging Pangulo nito.
• Kasama sa kasunduan ng Espanya at Amerika ang kunyaring labanan sa
Look ng Maynila na magpapakita ng pagsuko ng Espanya..
DIGMAANG AMERIKANO-PILIPINO

• Habang nagdaragdag ng tropang panalakay sa Pilipinas, sinimulan ng mga


Amerikano ang madugong kampanya ng pagsakop sa Pilipinas noong
1899. Tumagal hanggang 1902 bagomapagpasyang naipanalo ng
imperyalismong US ang digma ng pagsakop sa Pilipinas. Pero hanggang
1916, nagpatuloy sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan ang armadong
paglaban sa bagong mga mananakop.
• Sa madaling sabi, sa bawat sundalo ng US na napatay, limampung(50)
Pilipino naman ang napatay. Mahigit 250,000 Pilipino ang namatay na
direkta at hindi direktang resulta ng mga labanan. Sa tantya pa nga ng
isang heneral ng US ay aabot sa 600,000 ang napatay na Pilipino, o ika-anim
na parte ng populasyon noon ng Luzon.
BENEVOLENT ASSIMILATION

• The Philippines is ours not to exploit but to develop, to civilize, to


educate, and to train in the science of self government.
-William McKinley
• Tungkulin ng Estados Unidos na turuang maging sibilisado ang mga
“unggoy” sa Pilipinas.
PAMAMAHALA NG
AMERIKA SA PILIPINAS

PAMAHALAANG MILITAR PAMAHALAANG SIBIL


• Layunin nitong mapigilan ang mga • Layunin nitong sanayin at makilahok
pag-aalsang maaring sumiklab sa ang mga Pilipino sa pamamahala ng
bansa. bansa.
• Pinamumunuan ng gobernador-
militar
• na nagsisilbing kinatawan ng pangulo
ng Estados Unidos sa bansa.
PAMAHALAANG MILITAR
MGA NAGAWA NG
PAMAHALAANG MILITAR

• Naging mapayapa at maayos


ang buong bansa.
• Ipinatupad ang sistema ng
edukasyon ng mga
Amerikano.
MGA GOBERNADOR-MILITAR • Nabuksan ang Maynila sa
Tungkulin nila na mapanatili ang pandaigdigang kalakalan.
katahimikan at kaayusan sa • Nakapagpatayo ng
Pilipinas.
pamahalaang lokal sa mga
lalawigan at bayan.
PHILIPPINE COMMISSION
• Mga pangkat na ipinadala ni Pang. McKinley na magmamasid,
magsisiyasat, at mag-uulat tungkol sa kalagayan ng Pilipinas
• Layunin nito na matiyak na maayos at magkaroon ng gabay ang Estados
Unidos sa pamamahala ng Pilipinas.

KOMISYONG SCHURMAN KOMISYONG TAFT SPOONER AMENDMENT


• Layunin nito na makipagayos • Layunin nito na paunlarin ang • Isinusog nitong palitan ng
sa mga Pilipino, siyasatin ang kabuhayan ng mga Pilipino at pamahalaang sibil ang
kalagayan ng bansa, at pagsasa-ayos ng serbiyo sibil pamahalaang militar sa
magrekumend ng ng bansa. Pilipinas.
pamahalaan angkop sa • Inirekumenda nito sa pangulo • Inilipat sa kongreso ng US ang
bansa. ang pagtatayo ng pamamahala sa Pilipinas.
• Ayon sa ulat nito sa pangulo, pamahalaang sibil sa Pilipinas
hindi pa handa sa pagsasarili na kabibilangan mga Pilipino.
ang Pilipinas.
PAMAHALAANG SIBIL
MGA NAGAWA NG PAMAHALAANG SIBIL

• Nabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong makilahok sa pamahala.


• Naibahagi sa mga magsasaka ang ilang lupaing dating pag-aari ng mga
Kastila.
• Nabigyang halaga ang kalusugan at sanitasyon sa mga lungsod.
• Itinuro ang wikang Ingles at kaisipang demokratiko sa mga Pilipino.
PAGHAHANDA SA KASARINLAN

Tydings-Mcduffie Pamahalaang
Misyong OsRox
Philippine Bill of Philippine Hare-Hawes Law Constitutional Commonwealth
1902 Assembly Jones Law Cutting Law
Convention
-Layuning
-Ang batas na
-Batayan ng -Layuning -Unang hakbang
hikayatin ang
-Batas pang- kung saan
-Ang
mga Amerikano -Ang pamahalaan na
Demokratikong makagawa ng sa pagsasarili ng Kalayaan na bibigyan ang
na makuha ang pagbalangkas ng magsisilbing
Pamahalaan ng batas para sa Pilipinas sumusuporta sa Pilipinas ng 10
kasarinlan ng 1935 Constitution. gabay para sa
Pilipinas. Pilipino. Misyong OsRox. taon upang
Pilipinas. kasarinlan.
makapaghanda.
PAHAHON NG PANANAKOP NG MGA

HAPON
PAANO PUMASOK ANG MGA
HAPON?
• Malubha ang krisis sa mga kapitalistang bayan noong mga taong 1930. Nayanig
ang balanse ng kapangyarihan sa pagitan at sa loob ng mga bayang imperyalista.
Nakapangibabaw ang pasismo sa Germany, Italya at Japan. Itinaguyod ng mga
monopoly kapitalista sa mga bayang ito ang paghahari ng pasismo.
• Buong lupit na sinupil ng estadong burges ang proletaryado at ibang mamamayan
para ipagtanggol ang paghahari ng mga imperyalista at maghanda sa gera.
Sinimulan ng mga pasistang kapangyarihan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
• Inilunsad ito para mang-agaw ng mga kolonya at iligtas ang kanilang sarili sa
malubhang krisis. Sa Asya, nanalakay ang imperyalismong Hapones para agawin
ang mga kolonya ng US, Britanya, Pransya at Holland. Nasakop nila ang Maynila
noong 1942.
• Hindi puspusang ipinagtanggol ng mga imperyalistang US ang Pilipinas. Mas
inasikaso nila ang labanan sa Europa. Inipon ang mga tropang US at mga
boluntaryong Pilipino sa Bataan at Corregidor para matabingan ang pagtakas ng
mga upisyales na Amerikano at ng gubyernong Komonwelt patungong US. Hindi
nagtagal, isinuko ng mga heneral na Amerikano ang mga pwersang nasa ilalim nila.
IKALAWANG PANDIGMAANG
PANDAIDIG
• Noong ika-8 ng Disyembre 1941 biglang sinalakay ng mga Hapones ang Pearl
Harbor
• Ang Pearl Harbor ay himpilan ng hukbong dagat ng mga Amerikano. Ang
pagsalakay na ito ay tinatawag na “Araw ng Kataksilan” o “A date which will live in
Infamy”
• Ilang oras pagkatapos salakayin ang Pearl Harbor ang eroplanong pandigma ng
Hapon ay sumalakay na sa Pilipinas. Winasak ng mga Hapones ang Hukbong
Panghimpapawid sa Clark Field, Pampanga.
• Ang mga Pilipino sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon at ni Heneral
Douglas Mac Arthur ay magiting na lumaban. Nagpamalas ng masidhing
pagmamahal sa bayan ang mga pilipino.
• Ngunit di sapat ang tapang at pakikipaglaban ng mga Pilipino at Amerikano. Kaya
ang mga sumunod na mga araw at Linggo, unti unting napasakamay ng mga
mananakop ang ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
IKALAWANG PANDIGMAANG
PANDAIDIG
• NOONG DISYEMBRE 26, 1941 IDINEKLARA NI DOUGLAS MaCARTHUR ANG MAYNILA BILANG “BUKAS
NA LUNGSOD O OPEN CITY” UPANG ITO AY ILIGTAS SA TRAHEDYA NG DIGMAAN.
• INUTOS DIN NI MaC ARTHUR NA ALISIN ANG MGA KANYON AT IBA PANG KAGAMITANG PANDIGMA
SA MAYNILA. NGUNIT HINDI SIYA PINANSIN NG MGA HAPONES, AT BAGO MATAPOS ANG DISYEMBRE
AY BINOMBA NG MGA HAPONES ANG INTRAMUROS. LAYUNIN NILANG PALUBUGIN ANG MGA
BAPOR NA NAKADAONG SA ILOG PASIG.
• HABANG PATULOY ANG PANANAKOP NG MGA HAPONES AY PATULOY NAMAN ANG PAGLALA NG
SAKIT NI MANUEL L. QUEZON.
• DAHIL SA GINAWA PANANAKOP NG MGA HAPONES AY NAPAGTANTO NI MacARTHUR NA HINDI
KAKAYANING MAKIPAGSABAYAN NG USAFFE SA MGA HAPONES, SAPAGKAT WALA NA SILANG
SAPAT NA KAGAMITANG PANDIGMA. DITO NAISIP NA UMURONG AT TUMUNGO SA BATAAN.
• LABAG MAN SA KALOOBAN NI QUEZON AY HINIMOK DIN SIYA NI MacARTHUR NA PUMUNTA SA
CORREGIDOR KASAMA SINA SERGIO OSMENA, MANUEL ROXAS, AT KALIHIM NG HUSTISYANG SI JOSE
ABAD SANTOS.
• SA PAYO NI PANGULONG ROOSEVELT, SINA QUEZON AY INILIKAS SA CORREGIDOR NOONG IKA-20
NG PEBRERO, 1942 AT LIHIM NA PINAPUNTA SA AUSTRALIA UPANG DITO AY SUMAKAY NG BAPOR NA
MAGDADALA SA KANILA SA ESTADOS UNIDOS, PARTIKULAR SA WASHINGTON D.C.
IKALAWANG PANDIGMAANG
PANDAIDIG
• SI HENERAL MacARTHUR, KASAMA ANG KANYANG PAMILYA AT MGA PINUNONG
MILITAR AY PUMUNTA SA AUSTRALIA NOONG MARSO 11, 1942 UPANG
PAMUNUAN ANG MGA PUWERSANG AMERIKANO SA TIMOG KANLURANG
PASIPIKO.
• ANG KATAGANG “I SHALL RETURN” AY IPINAHAYAG NI MacARTHUR AY LALONG
NAGPASIDHI SA DAMDAMIN NG MGA SUNDALO UPANG IPAGPATULOY ANG
LABAN.
• NOONG ABRIL 9, 1942, ANG HUKBO NI HEN. MASAHARU HOMMA, ANG
KUMANDER NG HUKBONG HAPON AY SUMALAKAY NANG WALANG AWA SA
PANGKAT NG USAFFE. NOONG MGA PANAHONG IYON AY HINDI NA
MAKAGULAPAY DAHIL SA MATINDING GUTOM, UHAW, SAKIT AT HIRAP NA
KANILANG DINARANAS.
• SI HEN.EDWARD P. KING, KUMANDER NG PUWERSANG USAFFE SA BATAAN AY
SUMUKO SA MGA HAPONES NG WALANG PAHINTULOT NI WAINWRIGHT. ANG
PAGSUKONG ITO AY NAGBIGAY HUDYAT NG PAGWAWAKAS NG LABANAN SA
BATAAN.
IKALAWANG PANDIGMAANG
PANDAIDIG
• PAGKATAPOS NITO AY NILUSOB NAMAN NG MGA HAPONES ANG CORREGIDOR
AT PINUKSA ANG HIMPILAN NG USAFFE. ITO ANG NAGING DAHILAN UPANG
ISUKO NI HEN. WAINWRIGHT ANG BUONG HUKBO NOONG MAYO 6, 1942
HINILING NI MASAHARU HOMMA NA ISUKO NI WAINWRIGHT ANG BUONG
PUWERSA NG USAFFE SA PILIPINAS
• ANG HINDI MALILIMUTANGPAGPAPAHIRAP NG MGA HAPONES SA MGA
SUNDALONG AMERIKANO AT PILIPINO ANG KAHILA HILAKBOT NA DEATH MARCH
ANG PAGMAMARTSA SA LOOB NG MARAMING ARAW NG WALANG PAGKAIN O
TUBIG. MULA MARIVELES, BATAAN HANGGANG SAN FERNANDO, PAMPANGA
• KARAMIHAN NG MGA SUNDALONG HINDI NAKAYANAN ANG PAG MAMARTSA
AY NAMATAY. ANG MGA SUNDALONG NAKARATING SA PAMPANGA AY
ISINAKAY SA TREN AT DINALA SA CAMP O DONNEL SA CAPAS , TARLAC AT DOON
AY IBINILANGGO ITO ANG ITINUTURING NA ISA SA PINAKAMALUPIT NA
PAGPAPAHIRAP NA GINAWA NG MGA HAPONES NOONG IKALAWANG
DIGMAANG PANDAIGDIG
ANG PAMUMUHAY NG PILIPINAS
SA PANAHON NG HAPONES.
• Ang pamumuhay sa ilalim ng mga Hapon ay hindi naging madali para sa
mga Pilipino , dahil dito ang mga Pilipino ay puno ng takot sa mga Hapon.
Marami ring nagkasakit at namatay.
LIPUNAN
• Walang laya sa paggalaw at pagkilos ang mga tao, maging sa
pagbibiyahe.
• Ang paglabas sa mga tahanan sa hindi tamang oras ay ipinagbawal at ang
mga lumabag ay ikinukulong o binabaril.
• Ang mga Hapones ay hindi naging matapat sa kanilang pangakong
bibigyan ng ang bansa. Ang mga mamamayan ay inalisan ng maraming
karapatan.
ANG PAMUMUHAY NG PILIPINAS
SA PANAHON NG HAPONES.
LIPUNAN
• Maraming kababaihan ang nilapastangan at ginawang libangan ng mga
Hapon.
• Ang mga kalalakihang napaparatangan ng pagiging gerilya ay inilalayo sa
kanilang mga pamilya, at ikinukulong sa mga garrison, at pinahihirapan
hanggang sa mamatay.
• Lumikha ang mga Hapon ng hukbo ng makapili , mga espiyang natatakpan
ng bayong ang mukha. Suot ang kanilang bayong, ituturo ang mga
pinaghihinalaan at darakpin ito ng mga Hapon.
ANG PAMUMUHAY NG PILIPINAS
SA PANAHON NG HAPONES.
POLITIKA
• Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong
istraktura ng pamahalaan sa Pilipinas at itinatagang KALIBAPI (Kapisanan sa
Paglilingkod sa Bagong Pilipinas).
• Ang Puppet Government ang tinaguriang pamahalaan noong panahon ng
mga Hapones.
• Ito ay pinamunuan ni Jose P. Laurel.
• Sunod-sunuruan lang ito sa kagustuhan ng mga Hapones.
ANG PAMUMUHAY NG PILIPINAS
SA PANAHON NG HAPONES.
PANG-EKONOMIYA
• Lumaganap ang kahirapan dahil sa:
a) Pagitigil ng mga manggagawa at magsasaka sa pagtratrabaho sa
takot na maging biktima sa pagmamalupit ng mga Hapones
b) Pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa kakulangan ng suplay ng
mga pangunahing pangangailangan
• Ang Mickey Mouse Money ang pinalabas na salapi ng mgaHapon. Tinawag
din itong “gurami”, maliit na isda ang bilang ay walang halaga; o “apa
dahil parang mahina o marupok ito.
ANG PAMUMUHAY NG PILIPINAS
SA PANAHON NG HAPONES.
PANG-KULTURAL
• Bawal ang pagpapalimbag ng babasahing Ingles at ipinaturo sa mga
paaralang bayan ang wikang Tagalog.
• Nagpalabas sila ng mga dokumentaryo tulad ng “Song of the Orient” at
“The Dawn of Freedom” tungkol sa pagwawagi ng mga Hapones sa Bataan
at Corregidor.
• Pinatutugtog din nila ang “Awit sa Paglikha ng Bagong Pilipinas” kapalit sa
“Lupang Hinirang” sa mga opisyal na gawain at pagtitipon.
ANG PAMUMUHAY NG PILIPINAS
SA PANAHON NG HAPONES.

EDUKASYON
• Sa bisa ng Military Order No.2, nilikha ang Commission of Education, Health
and Public Welfare. Ilan sa mga layunin nito ang pagsupil sa mga kaisipang
kaunlarin, pagtuturo ng wikang Nippongo at pagtataguyod ng
pagmamahal sa paggawa.
ANG PAGTATAPOS NG DIGMAAN AT
PAGSIBOL NG TUNAY NA KALAYAAN
NG PILIPINAS
• Noong 24 ng Disyembre 1941, lumikas sina Pangulong Quezon at ang kaniyang
Gabineteng Pandigma patungo sa isla ng Corregidor sa Manila Bay, at pagkalipas
ng dalawang buwan ay lumikas papuntang Australia, bilang ruta patungo sa
Estados Unidos. Doon, nagpatuloy sa pagganap ng tungkulin ang lumikas na
Pamahalaang Komonwelt.
• Nagtamo ito ng pagkilala mula sa pandaigdigang komunidad bilang kasapi ng
United Nations. Ipinagpatuloy ni Pangulong Quezon ang pagkatawan sa
Komonwelt ng Pilipinas sa Washington, D. C. Maninilbihan siya nang may parehong
kapasidad ng sa Pilipinas, na may pinahabang termino noong 1943 sa bisa ng Joint
Resolution No. 25 ng Kongreso ng Estados Unidos, hanggang sa kaniyang
kamatayan noong ika-1 ng Agosto 1944, na nagbigay-daan sa pag-akyat ni
Osmeña sa pagkapangulo. Binigkas ni Osmeña ang kaniyang talumpati ng
pagkakatalaga sa Washington, D.C. Siya ang tanging pangulo ng bansa na
nagbigay ng talumpati ng pagkakatalaga sa labas ng Pilipinas.
ANG PAGTATAPOS NG DIGMAAN AT
PAGSIBOL NG TUNAY NA KALAYAAN
NG PILIPINAS
• Noong ika-20 ng Oktubre 1944, dumaong sa mga baybayin ng Leyte ang mga
puwersang Allied sa pamumuno ni Field Marshal Douglas MacArthur at sinimulan
ang kampanya para palayain ang Pilipinas. Sinamahan siya ni Pangulong Osmeña,
na sa pagbabalik ay muling itinatag ang Pamahalaang Komonwelt sa lupain ng
Pilipinas. Sa pagpapawalang-bisa ng lahat ng batas ng Ikalawang Republika,
tinipon ni Pangulong Osmeña ang Kongreso, na inihalal noong ika-11
ng Nobyembre 1941, noong ika-9 ng Hunyo 1945.
• Noong ika-23 ng Abril 1946, isinagawa ang unang halalan matapos ang digmaan,
kung saan inihalal sina Manuel Roxas at Elpidio Quirino bilang Pangulo at
Pangalawang Pangulo laban sa muling tumatakbong si Osmeña at katambal na si
Eulogio Rodriguez Sr.
ANG PAGTATAPOS NG DIGMAAN AT
PAGSIBOL NG TUNAY NA KALAYAAN
NG PILIPINAS
• Nanumpa sa panunungkulan si Roxas noong ika-28 ng Mayo 1946
bilang ikatlo at huling Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas sa harap ng
guho ng Gusaling Lehislatibo sa Maynila. Noong mga sumunod na
linggo, bilang pagtalima sa mga probisyon ng Philippine
Independence Act, ang Komonwelt ng Pilipinas ay naging Republika
ng Pilipinas–ang Ikatlong Republika.
• Kung kaya, noong ika-4 ng Hulyo 1946, muling nanumpa si Roxas bilang
Pangulo, ngayon naman bilang Pangulo ng bagong tatag at nagsasariling
Republika ng Pilipinas. Ang Kongreso ng Komonwelt ang siyang naging
Unang Kongreso ng Republika, at tuluyan nang nakamit ang pagkilala ng
daigdig sa pagpasok ng pamahalaan sa mga tratado sa pamamagitan ng
bagong republika.
TUNAY NGA BANG NAKALAYA ANG
PILIPINAS LABAN SA MGA KAPITALISTA AT
IPERYALISTANG MGA BANSA?

You might also like