You are on page 1of 8

ITNAGONG KASAYSAYAN NG PILIPINAS

( Ulat Ni Antonio Figafetta,Tagapag-Ulat Ni Magellan )

ABA-- Ang Diyos ng Kabisayaan na sinasamba ng mga unang hari na nakilala ni Magellan.Hindi sila
sumasamba sa mga kahoy na Anito.Hindi sila mga Pagano,at hindi rin sila Muslim.

ENRIQUE-kasamang alipin ni Magallanes na marunong magbisaya,at sya rin ang nagturo kay Magellan ng
daan patu-ngo sa Pilipinas.Tinatawag din syang Enrique na taga Sumatra,Enrique ng Malay,o Black
Henry,at isa ring masasabing Pilipino na taga Minjam of Sumatra na dinakip at ginawang alipin sa
Mallacca.Sa edad na labing-anim ay kabisado na ni Enrique ang mga lugar sa SPICE ISLAND. May nagsabi
rin na si Enrique an nanirahan sa Cebu na dinakip ng mga pirata ng Sulu at ipinagbili kasama ng ibang
alipin sa Mallacca…LINGUA FRANCA of Commerce…malay language at that point in time…accdg.to
Pigafetta Magellan Chronicler.

ANTONIO PIGAFETTA—tagapag-ulat ni Magallanes na siyang nagsulat sa kanyang aklat na ang mga taga
isla Zuluan sa Bisaya ay magagalang at matatapat na tao.Ang paglalakbay nila kasama ni Magellan sa
Pilipinas ay inialay niya ( Magellan ) para sa publiko ni Papa Clemente VII,ngunit hindi ipinasulat.

Mga Galleong Ginamit ni Magellan ( Isa lang sa mga barkong ito ang nakabalik sa Espanya matapos ang 3
taon ).
La Trinidad—pinangasiwaan mismo ni Kap. Ferdinand Magellan
San Antonio--- pinamunuan ni Juan Cartagena
Concepcion---pinamunuan ni Gaspar de Quesada
Victoria--- pinamunuan ni Luis De Mendoza
Santiago--- pinamunuan ni Juan Serrano

Agosto 1519---limang barko ang naglayag mula sa Sevilla,Espanya upang humanap ng mga bungang
pampalasa sa pagkain,o spices, sa isla ng Molluccas.Ang spicies ay tinatangkilik ng mga tao,at unang
pinagkakakitaan ng mga mangangalakal sa buong Europa.. Iminungkahi ni Magellan sa Hari ng Espanya na
kunin siyang Kumander-Heneral ng proyekto sa paghahanap ng spicy.dahil ayon sa kanya ang kaharian ng
Portugal ay ayaw dagdagan ang kanyang bayad,kaya napilitan siyang lisanin ang Portugal na kanyang ban-
sang sinilangan,kaya sa hari ng Espanya ( Carlos I ) siya pumunta.

Nang panahong iyon ang Espanya ang ay walang kakayahang manakop ng mga bayan sa parteng
silangan, sapagkat ito ay para sa portuges lamang ayon sa batas ng Europa. Kaya hinihikayat ni Magellan
ang hari ng espanya (Carlos I) na nag kanyang barko ay di- dadaan ng silangan na daanang nakamihasnan ng
mga mandaragat, bagkus ang daanan ay sa kanluran, patungong isla molluca (sa paglalakbay na ito kasama
si Enrique, ang interpreter ni Magellan na nakakaintindi ng ibang mga wikai lalo na kung bisaya.

Matapos nang mapanganib at mahabang paglalakbay, narating ng tatlong barko ni Magellan, ang
samar nakakita si Magellan, Pigafetta at Barbosa ng isla sa kabisayaan,nang magbubukang liwaway Marso
16, 1521 ,ayon kay Pigafetta, ito ay ZAMAL (SAMAR) May isa pang isla sa kabila na walang tao, na ayon
kay Pigafetta ay islang humuno (Homonhon).Nagpalipas muna sila ng isang araw sa Samar, at kinabukasan
ay ninais ni Magellan na magpunta sa isla ng Homonhon,upang magpahinga at makainom, nang malinaw na
tubig tabang.Pagdating sa Homonhon ay agad nagtayo ng dalawang tolda, para sa may sakit na mga kasama
at nagpapatay ng mga dalang baboy.

Lunes Marso 18, 1521,pagkatapos mananghalian ay may bangkang papalapit sa isla sakay ang siyam
na kalalakihan.Inutusan ng Kapitan si Pigafetta na salubungin nang maayos ang mga parating na mga
katutubo.Ang pinuno nang mga katutubong dumating ang nakipag-usap kay Pigafetta sa pamamagitan ng
senyas. Ipinaunawa ng pinuno na lubos silang nagagalak sa nakita nilang banyaga sa islang ito (Homonhon )
apat sa mga dumating ay nagpaiwan sa isla, habang ang iba ay nagpalaot, upang sunduin ang kanilang mga
kasamahang mangingisda.
Natiyak ni Magellan na sila’y mapapayapang tao, kaya agad nyang inalayan ng makakain at iba pa
tulad ng pulang panakip sa ulo, salamin, suklay, telang koton, kamapnilya, na naibigan naman ng taga isla
ang handog ng Kapitan. Bilang pasasalamat ay binigyan naman nila ang kapitan ng alak ng niyog, mga
niyog na ang tawag naman nila ay URACA. Ipinahiwatig ng mga taga isla sa pamamagitan ng senyas na
wala na silang maiaalay na iba pa, ngunit babalik sila sa loob ng apat na araw, upang magdala ng kanin na
tawag nila ay UME, mga niyog at iba pang pagkain.

Nakagaanang loob ng mga taga isla ang mga kastila tinuruan nila ang mga ito ng kanilang mga salita
at sinabi nila na ang pangalan ng kanilang lugar ay Zuluan. ‘Di masyadong matangkad ang mga taga -
Zuluan ngunit matatapat at magagalang ayon kay Pigafetta.Niyaya ng mga taga isla ang mga kastila sa
kanilang mga bangka, upang ipakita ang tinda nilang sibuyas, kanela, paminta, mani at sa pag senyas ay
ipinaunawa nila sa mga kastila na napakarami ng produktong ito sa mga islang nais nilng puntahan. Niyaya
naman sila ni magellan na umakyat sa barko,upang ipakita ang nakasisilaw na mga bagay na bago pa lang sa
paningin ng mga taga isla. Habang papaalis na ang mga taga isla ay nagpaputok ng mga kanyon ang mga
kastila na ikinagulat ng mga taga isla, sa takot ay nagtalunan sa tubig at lumangoy palayo. Pinaliwanag
naman ng mga kastila ang dahila ng kanilang pagpapaputok, kaya nagsibalik na muli ang mga katutubo sa
barko.

Ayon kay Pigafetta,ang islang ito ng Homonhon ay tinawag nilang Agwada De Buenos Señales
hindi, dahil sa dalawang sariwang bukal ng tubig, kundi makikita rin ang katibayan na sa islang ito ay
napakarming ginto,mayroon ding mga puting Korales,mga puno ng pili na tinatawag ni Pigafetta na Almond.
Noon ay ikalimang linggo nang mahal na araw ng san lazaro, kaya bininyagan ng grupo ng mga kastila
ang isla bilang “ ISLAS DE SAN LAZARUS”.

Biyernes, MARSO 16, 1521, tulad nang naipangako ng mga taga isla, bumalik sila sa Homonhon na
sakay ng dalawang bangka na puno ng dalanghita,banga ng alak ng niyog, mga niyog ,at mga manok.
Binayaran ng mga kastila ang kanilang mga produkto. Matandang lalaki ang kasamang pununo ng taga isla
na may pinta ang mukha at may hikaw ang taynga, ang mga lalaki na nakasunod sa kanya ay may pulseras
na ginto, at may nakataling panyo sa ulo.

Walong araw na nakadaong ang mga barko ni Magellan sa pantalan ng Homonhon, ngunit araw-
araw ay bumababa s’ya mula sa barko, upang dalawin ang kanyang mga kasamahang may sakit sa
isla.Pinapainom niya ng alak ng niyog ang mga ito, na s’yang nagpagaling sa kanilang karamdaman.

Isinulat din ni Pigafetta na ang mga tao sa isla ay may naglalaylayang malalaking taynga, na
maaaring maipasok ang mga braso sa hikawan. CAPRES ang tawag sa mga taong ito na ibig sabihin ay
GENTILES, gaya ng nasa bibliya. hubad at tinatakpan nila ang kanilang maselang bahagi ng isang maliit na
balat ng puno o kaya ay maliit na telang cotton na may burdang sutla, may pintura ang katawan at nilalagyan
ng langis ng niyog,at gugo, bilang proteksyon sa init ng araw, itim ang buhok na hanggang baywang, may
mga dala silang kutsilyo ,panangga, pampalo at sibat na mga armas na may adornong ginto. Gumagamit
din sila ng kaskas, at salapang sa pangingisda, may lambat at bangkang kahawig ng mga nasa Europa.

Lunes Santo nang mahal na araw Marso 25, 1521 ito raw ang nakagigimbal, pero milagrosong
karanasan ni Pigafetta sa Homonhon. Paalis na ang barko nila nang maisipan n’yang mangisda muna
habang nasa barko, nadulas s’ya at tuloy tuloy na nahulog sa dagat humingi sya ng saklolo, ngunit di s’ya
marinig ng mga kasamahan nangangamba na s’ya, ngunit biglang nahulog ang lubid ng layag sa kanyamg
harapan agad n’yang itinali sa kanyang katawan at muling humingi ng saklolo, at s’ya’y nailigtas, para kay
Pigafetta, ang mahal na birhen daw ang nagligtas sa kanya.Sa araw ring iyon ay umalis na ang barko ni
Magellan patungong silangan at timog kanluran dumaan sila malapit sa apat na isla ng Canalo, Huinang,
Ibusson, at Abarien.

Huwebes MARSO 28, 1521. Sa dilim ng gabi ay napansin nila ang liwanag ng isang isla
kinabukasan ay pinuntahan nila ito at sa daungan ay nakakita sila ng maliit na Bangka na ang tawag ng mga
katutubo ay BALOTO, May sakay na kalalakihang katutubo, at papalapit sa kanila.
Ikalawang kabanata
Pagkikita nina Magellan at dalwang hari ng Mindanao at limasawa ---colambu at rajah siagu
(Ang mga taga cebuano ay mahuhusay at magagaling sa musika at magaganda ang kababaihan)

“Sa panahong iyon ang malalking piraso ng ginto ay panghandog ng mga tao sa sa kapuluan ng bisaya at
Mindanao, iniisip tuloy ng mga kastila na maaaring ito ay isla ni haring Solomon na nasusulat sa bibliya”.

Biyernes MARSO 29, 1521, Tinawag ni Kapitan Magellan Si Enrique, upang makipag-usap sa
walong kalalakihang dumating,sakay ng baloto,dahil ayaw ng mga itong umakyat sa barko,Para mawala
ang pangamba ng mga ito,nagpahagis si Magellan ng pulang sombrero,at iba pang mga alay na nakatali sa
kahoy, upang madali nilang makuha na ikinagalak naman ng mga taga isla.Agad din silang umalis,upang
ipaalam sa kanilang hari ang pagdating ng mga banyaga,( Kastila) sa kanilang isla.

Ilang oras lang ay bumalik na ulit ang mga taga isla sakay ng dalawang balangay na parehong puno
ng kalalakihan,ang hari ang nakasakay sa mas malaking balangay, muling nakipag usap si Enrique sa mga
dumating, at nagkaunawaan silang mabuti. Pinaakyat ni Magellan ang hari at ang mga tauhan nito sa barko
ngunit nagpaiwan ang hari sa balangay. Malugod na tinanggap ni Magellan ang taga isla binigyan ng mga
alay, bilang pakikipagkaibigan.

Nang mabatid ng hari ang tungkol sa mga alay ng kapitan ay nais din nyang alayan ng isang pirasong
malaking ginto,kasama ang isang bayong luya, ang kapitan,ngunit tinanggihan ito ni Magellan. Bago
gumabi ay inilapit ni Magellan ang barko sa isla ng hari. Kinabukasan , inutusan ng kapitan si Enrique na
pumunta sa hari, upang tanungin,kung mayroon s’yang pagkain, at ibang mga bagay na kakailanganin ng
mga mandaragat, babayaran n’ya lahat nang ibibigay ng hari. Pinasabi rin n’ya na hindi kaguluhan, o away
ang dala nila sa isla, kundi tunay, at wagas na pakikipagkaibigan.

Nang mabatid ng hari ang tunay na pakay ng mga kastila s’ya na mismo ang pumunta rito kasama
ang ilang pangunahing tauhan. Binigyan sila ng hari ng tatlong palayok na kanin at dalawang malalaking
isda at iba pa. tinumbasan naman ng kapitan ng damit pang- itaas na pula, at dilaw na moda ng TURKEY at
pulang sombrero,binigyan naman n’ya ng salamin at kutsilyo ang mga tauhan na kasama ng hari, at
pinaghanda ng pagkain. Pagkatapos ay inutusan ang kanyang mga tauhan na magpaputok ng mga kanyon at
mga baril bilang hudyat ng pagkakaibigan. Isa sa kanyang mga tauhan ay pinagsuot ni Magellan ng baluting
bakal,upang ipakita sa hari ang kagalingan nito. Inutusan din ng kapitan ang isa pa niyang tauhan na tusukin
ng espada ang katawan nang nakasuot ng baluti, upang patunayan sa hari na hindi ito masasaktan.
Ipninasyal ng kapitan ang hari at ang mga tauhan nito sa likuran ng barko, habang ipinakikita ang mga mapa
at kompas.

Kinabukasan ay pinasundo ni Magellan ang kapatid ng hari, na hari rin ng isang isla na sumama kina
Pigafetta pabalik sa barko, upang makilala si Magellan.Malugod na tinanggap ni Magellan ang ipinasundong
hari, Ipinaliwanag ni Enrique sa hari,kung paano nila nakita ang kalusutan patungo sa malawak na dagat
pasipiko, kung saan matatagpuan ang mga pulong pagdadaungan nila ngayon,sa pamamagitan ng dala nilang
Mapa at Kompas. Gulat ang hari sa natuklasan.Isinama naman ng hari ang dalawang tauhan ni Magellan sa
isla, upang ipakita ang kaibahan nito sa katubigan, sa tahanan ng hari ay kumain sila ng baboy, kahit alam ni
Pigafetta na Biyernes santo noon,pagkatapos ay ipinaliwanag ni Pigafetta ang kahalagahan ng mga bagay na
dala nila sa pasulat na paraan sa sa harap ng mga katutubo,pagsapit nang dapi-thapon, nagsipag sindi sila ng
kandila na tinatawag nilang ANIM, na mukhang goma na nakabalot sa dahon ng niyog, o dahon ng saging
na tinawag ni Pigafetta na FIG.

Nakaharap din ng kapitan ang isa pang hari na agad inalok na kumain at binigyan ng alay. Ang
haring ito ay nakatira, kung saan matatagpuan ang butuan at calagan (Mindanao),kapag gusto nilang
magkitang magkapatid ay nagkikita sila sa isla ng Massana (Limasawa) mas mataas na hari si raha Colambu
ng Isla Limasawa, at ang sumunod ay si raha ziagu,
Lingo nang pagkabuhay (MARSO 31, 1521),unang misang ginanap sa Massana” (limassawa) pina
punta ni Magellan si Enrique sa hari, upang ipaalam ang gagawing misa, na nakagawian ng kanilang
paniniwala. Sumang-ayon ang hari, 50 mandaaragat ang bumaba mula sa barko,upang gumanap sa
pamisa.Nagtungo sila sa lugar,kung saan naroon ang magkapatid na hari na naghihintay sa kanila.
Binasbasan muna ni Magellan ang magkapatid ng tubig na may pabango,bago sila magmisa. Humalik sa
krus ang mga kastila na ginaya naman ng dalawang hari,ngunit hindi sila nag-alay,lahat na ginawa ng mga
kastila sa misa ay ginaya nila.

Pagkatapos ng misa ay iniutos ni Magellan sa mga tauhan na magdala ng isang malaking krus na
may adornong mga pako at isang koronang tinik. Si Enrique ang nagpaliwanag,(para kay Magellan), na ang
krus na iyon ay bandila na ipinagkakatiwala kay Magellan ng Emperor ng Europa ang karapatan na itayo
ang Krus sa mga lugar na mararating nila. Ito ang magiging palatandaan para sa mga Europyanong
mandaragat na daraan sa lugar,at hindi sila pipinsala ng mga mamamayan at kabuhayan sa mga lugar na
yaon, sapagkat alam nilang may naunang barko ng Europyano na dumating dito at tinanggap bilang kaibigan
ng mga taga islang may nakatayong krus.Kung mangyari naman na may Europyanong bumihag ng mga taga
isla,ipakita lamang nila ang krus,at agad-agad na papalayain ng mga ito ang bihag.

Habang ginaganap ang misa ay tinanong ni Magellan ang dalawang hari, kung sila ba ay mga Moro,o
Gentiles( mga taong hindi Israelitas ayon sa Bibliya. Sumagot ang dalawang hari na hindi sila sumasamba sa
kahit anong bagay. Itinaas ng dalawang hari ang kanilang mga kamay sa langit,upang ipakita sa mga kastila
na sila ay sumasamba at naniniwala sa nag-iisang pinakamakapangyarihang panginoon na si ABA ( Allah,o
Diyos ).Habang nakataas ang mga kamay ni Haring Colambu ay binibigkas niya ang patunay na siya ay
isang tapat na kaibigan ng mga kastila.

Nabanggit din ng hari kay Magellan ang kanyang problema tungkol sa dalawang karatig na isla.
Sinabi ni Magellan na p’weding gamitin ng hari ang kanyang mga barko, pati na ang kanyang mga tauhan,
kung gustong lusubin ang naturang mga isla,subalit hindi pa raw panahon, para ‘y lusubin ayon kay Haring
Colambu.

May mga pantalan na maaaring puntahan sina Magellan, upang makabili ng pagkain ayon sa hari ng
isla,ito’y ang mga isla ng Ceylon ( Leyte),Zubu ( Cebu ),at Calagan sa Mindanao. Humiling ng isang
kasama si Magellan mula sa hari na magtuturo sa kanila ng daan,at mag-iiwan din sila ng isang mandaragat
na kastila,pumayag ang hari subalit mas pinili ng hari na siya mismo ang sumama sa mga kastila patungong
Cebu,ngunit dahil anihan noon sa Limasawa ay minabuti muna ng hari na mapalipas sila roon ng mga pitong
araw,at sa loob ng panahong ito ay napag-aralan ng mga kastila ang kaugalian at kultura ng mga katutubo.

Isa sa kaugalian sa isla ay ang pagnguya ng bunga na ang tawag ay ARECA mula sa puno rin nito na
tinatawag naman nilang BETRE, na mukhang blueberry ang hitsura.Sinasangkapan nila ng puting pulbos
ang naturang bunga,binabalot ng sariwang dahon, saka nginanganga,pagkatapos nguyain ay ibinubuga nila
na nag-iiwan ng pulang kulay sa kanilang bibig at mga labi..Isa pang kapuna-puna sa isla ay napakaraming
ginto.( Limasawa )

Mula sa Limasawa ay naglayag ang mga barko ni Magellan patungong Zubu ( Cebu ).Kasunod nila
ang maliit na Balanggay na sinasakyan naman ni Haring Colambu ng Limasawa.Dumaan sila sa karagatan
ng limang isla, Ceylon ( Leyte )Bohol, Canigan, Baybay at Gatigan. Sa Gatigan ay nakahuli sila ng isang
paniking kasinglaki ng Agila na nang kanilang lutuin ay kasinglasa ng karneng manok.Mula sa Gatigan ay
lumaot sila patungong kanluran. Hindi na umabot ang maliit na Bangka ng hari,kaya nagpasya si Magellan
na hintayin sila sa malapit na mga isla ng…POLO,TICOBON at POZON

Abril 21,1521, Linggo,sumapit ang mga barko ni Magellan sa pantalan ng Zubu ( Cebu ) Inutusan ni
Magellan ang kanyang Ambasador na si Enrique na kausapin ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon,upang
sabihin ang kanilang pakay sa isla,at bakit ang kanilang isla ang ninais nilang daungan. Sinabi ni Enrique sa
hari na ang kanyang amo ang pinakamakapangyarihan sa mundo at ang kanilang intension ay makarating sa
Mollucas.,Sinabi rin niya na ipinararating din ng hari ng Limasawa na si Haring Colambu ang kanyang
pagpupugay na kasama rin nilang dumating sa Cebu.
Sinabi ng hari kay Enrique na ipalam sa kanyang amo na lahat nang barko na dadaong sa pantalang
nasasakupan niya ay magbabayad muna sa kanya. Sinabi rin nito na sa nakalipas na apat na araw ay may
Jonque ng Siam ( Thailand) ang dumaong upang kumuha ng alipin at ginto. Nagbayad muna ito sa
kanya,upang patunanayan ay tinawag nito ang isang mangangalakal na Moro na isa ring taga Siam,na siyang
nagpatotoo sa sinabi ng hari. Sinagot ni Enrique ang hari na ang kanyang amo ay hindi nagbabayad kahit
kanino mang makapangyarihang hari sa mundo sapagkat mas makapangyarihan ito. Dinagdag pa ni Enrique,
na,” KUNG NAIS NINYO AY KATAHIMIKAN,IBIBIGAY NIYA’Y KATAHIMIKAN, pero “ KUNG
NAIS NINYO AY LABANAN KAYO’Y KANYANG TATAPATAN”.

Lumapit ang nakikinig na Moro na taga Siam sa hari at sinabing “ CATA RAJAH CHITA” ( mag-
inagt ka sa taong ito ) dahil inakala pala ng moro na ang mga kastilang ito ang mga Portuges na bumihag sa
mga lupain ng CALLICUT MALLACA at ng kabuuan ng India. Sinabi ni Enrique na ang hari ng Espanya
ay mas makapangyarihan kaysa sa hari ng Portugal,sa batayan ng armas, sa dami ng mandirigma, sa dami ng
mga barko,at mga sasakyang pandagat. Kung pinili lang ng hari ng Espanya at ng Emperor nang buong
Kristyano sa mundo na maging kaaway sila, sana raw ay dumagsa na ang mga barko na kayang pinsalain
ang buong isla,sinang-ayunan din naman ng Morong taga Siam ang sinabi ni Enrique. Sa narinig ay nalito
ang hari,at bahagyang nag-isip.

Ipinasya ni Haring Humabon na tanggapin na lang nang mahinahon ang hiling ng mga kastila,at
nagpahanda pa s’ya ng pagkain,para sa mga dayuhan. Pagkatapos kumain ay bumalik na si Enrique at
kasama nitong mandaragat sa barko upang sabihin kay Magellan ang lahat nilang nakita at nrinig mula sa
hari ng Cebu. ( Ang hari ng Limasawa na si Haring Colambu ay pangalawa sa pinakamakapangyarihang
hari na sumunod sa hari ng Cebu na si Rajah Humabon ) Pumunta rin si Rajah Colambu sa isla, upang
makatyap si Haring Humabon,para sa pakay ni Magellan sa Cebu.

Nagpabinyag din si Rajah Humabon at ang Reyna kay Magellan sa pagiging Kristiyano. Bininyagan
ang Reyna sa pangalang JUANITA, bilang paggalang sa ina ng Emperor ng Espanya. Ang asawa naman ng
prinsipe ay KATERINA,at ELIZABETH naman ang ipinangalan sa Reyna ng Limasawa na asawa ni Rajah
Colambu. Pinabinyagan ang lahat na kababaihan at kalalakihan ng isla sa ibabaw ng isang inhandang
entablado.Ipinakita naman ni Pigafetta sa Reyna ang dala niyang isang maliit na imahen ni Birheng Maria
karga ang sanggol na si Hesus na ikinagalak ng Reyna at agad na pinapalitan kay Pigafetta ang lahat na a-
nitong mga imahen ng istatwa ng mahal na inang Birhen.

Dito na rin nagtinda ng kanilang mga dalang kalakal ang mga dayuhang kastila. Nakiusap ang hari
kay Magellan na pasamahan pa siya ng ilan sa kanyang mga tauhan,upang magturo sa mga katutubo ng
Misteryo,at obligasyon ng Kristiyanidad.Pumayag naman si Magellan sa kasunduang palitan ng dalawang
mga anak na lalaki ng pinuno ng isla na dadalhin nila sa Espanya, para pag-aralin ng Espanyol,upang
pagbalik nila sa isla ay maibahagi nila ang kanilang mga nakita’t natutuhan sa Espanya.

Lahat na nabinyagan ay nangakong susunugin nila ang lahat na anitong kanilang sinasamba,subalit
may ilang nagtago ng mga anito sa halip na sunugin. Naghihiyaw sa galit si Magellan nang malaman ang
pangyayaring ito,subalit nagpaliwanag ang mga taga islang hindi nagsunog ng kanilang anito,na kaya lang
sila nag-aalay sa mga anito ay, para sa mga katribu nilang may karamdaman na nakagawian na sa isla at mga
karatig pook. Isa sa mga inihihingi nila ng kagalingan sa mga anito ay ang kapatid ni Haring Humabon na
may malubhang karamdaman,dahil apat na araw na itong hindi nakakapagsalita. Sa narinig, sinabi ni
Magellan na KUNG TALAGANG MAY PANINIWALA KAYO KAY HESUKRISTO, SUNUGIN
NINYO KAAGAD ANG MGA ANITO,at BIBINYAGAN NIYA ANG MAY SAKIT NA LALAKI
UPANG GUMALING.

Malubha na talaga ang karamdaman ng kapatid ng hari. Bininyagan ito ni Magellan,katulong ang
ilang mandaragat,kasabay na bininyagan ang dalawa nitong asawa,at sampung mga anak na babae.
Pagkatapos ay tinanong ng kapitan, kung ano na ang nararamdaman ng lalaki. Sa awa ng Panginoon ay bigla
itong nagsalita,at bigla ring gumaling na ikinamangha ng lahat na nakasaksi. Nagdasal at nagpasalamat
naman si Magellan sa kapangyarihan ng DIYOS. Pinainom niya nang nakaaayang tubig ang maysakit.Pag-
katapos ng limang araw ay tuluyan nang gumaling ito. Sa harap ng mga tao ay una nitong sinunog ang
anitong sakdal na sinasamba.

Ipinasunog na rin ng kapitan ang mga templong sambahan sa tabing-dagat,pati na rin ang lahat na
mga anitong itinago ng mga matatanda na ikinagalak naman ng mga katutubo,at iminungkahi nila sa Kapitan
na sila na mismo ang sisira at susunog sa mga natitira pang mga anito at mga templong sambahan sa mga
tabing-dagat ng isla. Sa sumunod pang mga araw ang mga katutubo ng isla at mga karatig pook ay
nabinyagan na rin.

Ang isang isla na hindi pumayag na maging Kristiyano ang mga naninirahan,ay sinunog ng mga
kastila ang mga baryo,at tinayuan nila ng mga krus,dahil ang mga ito raw ay sumasamba sa mga anito.Kung
ang nakatira raw sa islang ito ay mga Moro,malamang ay tinayuan nila ito ng mga haliging bato na tanda
raw nang matitigas nilang mga puso..

Nagturo na rin si Magellan ng Katekismo,at ipinaliwanag ang maraming kaalaman sa relihiyon,para


lalong igalang ang kanilang hari,at sundin ang mga ipinag-uutos ni Magellan na dumalo siya sa misa na na-
kasuot ng sutla. Iniutos din nito na isama ang kanyang dalawang kapatid na lalaki, na si BONDARA ama ng
Prinsipe,at si CADARO, kasama rin ang mga pinuno na sina MIUT,BULAIA,SAKAY at MAGALIBE.Iniutos
ni Magellan sa mga ito na sundin nila si Haring Humabon.Gayundin naman ,sinabi ni Magellan sa Rajah na
ipangakong susundin nito ang lahat nang kanyang sinabi,at maging tapat sa hari ng Espanya. Matapos ang
sermon ay hinugot ng Kapitan ang kanyang espada sa tapat ng Imahen ng Birhen,at sinabi sa Rajah na”
Kapag Nabigkas na ang Pangako,Kamatayan ang katumbas kapag ito’y hindi Natupad. Handa rin daw
mamatay ang kapitan kahit na isang libong beses,bago niya suwayin ang pangako sa Inang Birhen,at sa
ngalan ng Emperor ng Espanya na kanyang pinagsisilbihan,at sa paggalang sa kanyang Sutana.

Inalayan ni Magellan ang hari ng isang silyang Velvet na laging dadalhin ng hari sa harapan ng
kanyang mga pinuno sa lahat nang lugar na kanilang pupuntahan.Ipinakita rin ni Magellan ang mga dapat
gawin ng hari sa paggamit ng silyang velvet.Sinira na rin ang iba pang mga anito na nasa bahay ng hari,
habang isinisigaw nila ang mga salitang” MABUHAY CASTILLA” bilang parangal sa hari ng Espanya na
nakatira sa Castilla,Spain.
Maraming mga isla ang matatagpuan sa Cebu,bawat isla ay may pinuno.Si Laton sa isla ng
Cingapola, Kasama niya sa pamunuan sina Guibacan,Maninga,Maticat,at si Canibul.Ang baryong Mandani
ay nasa ilalim ni Aponoan, Ang Lanlan ay kay Teten,ang Laluta ay kay Japau,at si Lumai naman ang
namamahala sa baryo Lubucin.Ang lahat na baryong ito sa Cebu ay napasailalim ni Magellan,at nagbabayad
sa mga kastila.
May isang isla na karatig ng cebu na tinatawag na MATAN ( Mactan ) May pantalan sa nasabing isla
kaya ipinasya ni Magellan na dumaong dito. Ang isla ay pinamumunuan nina Zula at Lapu-Lapu.Ito rin ang
islang nakasasakop sa baryo Bulaia na sinunog ng mga kastila.
Abril 26,1521.inutusan ni Zula ang isa sa kanyang mga anak na pumunta kay Magellan sa barko.May
Dala itong dalawang kambing para sa Kapitan.Sinabi nitong hindi niya nadala ang lahat na hiniling ng kapi-
tan,ngunit hindi raw sa ayaw ng kanyang amang si Zula,kundi ng isang pinuno ng Mactan na si Lapu-lapu,
Dahil tumanggi itong kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya.Sinabi rin daw ni Lapu-Lapu,na kung gusto
ni Magellan na tulungan sila,bakit ang dala nilang mga barko ay may mga mandirigmang may armas, Tini-
tiyak daw nito ( Lapu-Lapu ) na mag-uumpisa ang digmaan. At kung mag-uumpisa raw ang digmaan ay na-
rarapat na supilin agad ang lahat na kaaway. Nang mabatid ng kapitan ang ganitong mga senaryo ni Lapu-
Lapu,kaagad itong nagpasyang pumunta sa isla.Binalaan siya ng kanyang mga tauhan..subalit sinabi nito..na
bilang mabuting pastol,hindi niya pababayaan ang kanyang kawan.
Nang hatinggabi ring iyon,isinama ni Magellan ang kanyang animnapung (60) tauhan,pati na rin sa
Pigafetta. Nagsuot sila ng baluting balat,at sumakay sa tatlong barko patungo sa isla ng Mactan.Si Haring
Humabon na pinuno ng Cebu,ang Prinsipe na kanyang manugang,mga pinuno ng Cebu,kasama ang kan-
yang mga mandirigmang nakaarmas ay sumakay rin sa 20-30 balangay at sumunod sa mga barko. Madaling
araw ng Abril 27,1521ay malapit na ang mga barko sa Mactan.Hindi muna sumugod ang mga kastila bagkus
ay nagpadala si Magellan Magellan ng isang Moro kay Lapu-Lapu,upang ipaalam sa pinuno ng Mactan at sa
kanyang mga tauhan,na kung gusto nilang sumunod sa hari ng Espanya,ay kailangan muna nilang sumunod
sa hari ng bagong Kristyano sa Cebu ( Rajah Humabon),ayon sa utos ni Magellan.
Kapag si Lapu-Lapu raw ay sumunod sa utos na ito ng Kapitan,ayon sa sugong Moro..si Lapu-Lapu
raw ay magiging kaibigan ng Espanya,at kung hindi naman ay matitikman ng pinuno ng Mactan gayon din
nang kanyang nasasakupan ang bagsik ng kanilang sibat. Hindi nasindak ang mga taga Mactan sa sinabing
ito ng sugong Moro,sinabi rin nila rito na sabihin sa Kapitan na sila man ay may mga sibat din na
kasingbagsik ng sibat ng mga kastila,kahit na ang mga ito’y gawa lang sa matutulis na buho,at mga batong
pinatigas sa apoy,at pakutya pa nilang sinabi sa sugo, na huwag muna silang lumusob sa gabing iyon sapag-
kat hinihintay pa nilang dumating sa kinaumagahan ang kanilang mandirigma ( Lapu-Lapu ),upang higtan
ang dami ng mga mandirigma ni Magellan. Pinasabi rin nito na lumusob ang mga kastila sa dilim sapagkat
naghukay sila ng mga patibong sa buhanginan sa pagitan ng baybay dagat at ng kanilang mga tahanan.
Abril 27,1521..Magbubukang liwayway na nang Sabado,ipinasya ng Kapitan na lusubin ang isla ng
Mactan.Tumalon sila sa mababaw na bahagi ng dagat,sapagkat hindi na makalalapit nang husto ang mga
barko sa dalampasigan ng Mactan,dahil malalaki ang mga bato at mababaw na ang tubig. Apatnaput-siyam
na mandirigma lang ang kanyang isinama,labing-isa ang naiwan sa mga barko upang magbantay.Kailangan
nilang maglakad nang malayo patungo sa pampang ng isla. Ganun na lamang ang gulat ng mga kastila nang
malapit na sila sa dalampasigan ng Mactan, nang magsulputan ang hindi kukulang sa isang libo’t limang
daang mandirigma na nakaabang sa kanilang pagdating.
Dalawang batalyon ng mga mandirigma ang agad sumugod sa kaliwa,at sa kanang bahagi ng mga
kastila,ang isang batalyon ay sumugod sa harapan. Agad na hinati ng kapitan ang kanyang grupo sa
dalawa.Lumaban nang halos kalahating oras ang kanyang mga de baril na Musketeros,ngunit sa layo nang
pagitan ay walang tamaan o madaplisan man lang sa mga katutubong mandirigma.Ang mga katutubo
namang tinatamaan ng mga sibat ng kastila ay lalong tumatapang sa galit.Alam ng mga taga Mactan na
napakarami nila kumpara sa mga kastila,kahit na wala silang mga armas na pumuputok,kaya wala silang
takot kung sumugot.
Upang matakot naman ang mga taga isla ay inutusan ni Magellan ang dalawa niyang kawal na
piliting makapunta sa pampang st sunugin ang mga bahay ng mga katutubo, sa ganitong paraan ay baka
magawa nilang takutin ang mga kalaban,ngunit nang Makita ng mga taga isla ang pagliyab ng kanilang mga
tahanan ay lalo na silang naglalit,at naging mabagsik, May 20-30 bahay ang nasunog
Kinuyog nang husto ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu ang pangkat ni Magellan na wala nang maga-
wa sa dami nila.Isang sibat ang tumama sa binti ng kapitan na hindi nababalutan ng balat na panangga,kayat
inutusan nito ang mga kawal na umatras nang paunti-unti at magpakatatag,subalit marami na sa mga kawal
ang nagsipagtakbuhan na at mabilis na tumakas pabalik sa kanilang barko.Pito,o walo na lamang ang natiti-
rang naiwan sa tabi ng kapitan na buong giting pa ring ipinagtatanggol ang kanilang pinuno.Kahit na may
mga suot na baluti ang mga kastila,mga paa at binti naman ang pinupuntirya ng mga mandirigma sapagkat
wala silang panangga sa mga bahaging iyon. Ang kanilang mga kanyon na nasa mga barko ay nawalan ng
silbi dahil hindi umaabot ang kanilang mga bomba sa layo ng distansya,kaya minabuti na lamang ng ibang
musketero na magpaputok ng mga baril habang umaatras.
Isa sa mga tauhan ni Lapu-lapu ang nagawang tusukin ng sibat ang noo ni Magellan,na ginantihan ng
Kapitan ng tusok ng espada sa katawan,na hindi na niya nagawang bunutin dahil sinugod na rin sya ng iba
pang mandirigma ng palo,sibat at taga.Tadtad ng sugat ang braso at binti ng kapitan na tuluyan nang
nagpahina rito at hindi na makalaban.Isa pang malakas na taga ang tumama sa kanyang binti na tuluyang
nagpabagsak sa kapitan nang padapa.Wala na ring nagawa ang iba niyang natitirang tauhan kundi ang
tuluyan siyang iwan na pinapatay ng mga katutubo.Hindi na rin hinabol ng mga taga Mactan ang tumakas na
mga kaaway.Sa nanlalabo namang mga mata ng kapitan ay pilit niyang tinitiyak kung nakarating sa barko
ang natitira niyang tauhan na ligtas bago tuluyang ipinikit ang mga mata.

Pumanaw ang Portuges na nagpailalim sa Espanya na isang bayani, para sa kanyang mga tauhan.Si
Magellan na naging tagapagtanggol ng mga kastila, kahit na siya ay isang Portuges na itinakwil ng kanyang
kaharian,ngunit nag-iwan ng bantayog sa puso ng mga mandirigmang espanyol. Mapait na pinagmasdan na
lamang ng mga kastila ang patay na katawan ng kanilang pinuno habang nakahadusay sa buhanginan,sa
gitna ng mga nagbubunying mga tauhan ni Lapu-Lapu.Katotohanang si Magellan ay namatay hindi sa
kamay ni Lapu-lapu, kundi sa mga kamay ng kaniyang matatapang na mga mandirigma.

Ang pagkamatay ni Magellan ay ang pagsilang ng Kristyanismo sa kapuluan ng Pilipinas ,maliban sa


isla ng Mactan na hinadlangan ng mandirigmang si Lapu-lapu.
IKALAWANG EKSPEDISYON

RUY LOPEZ DE VILLALOBOS,1542-1543

Si Ruy López de Villalobos (isinilang sa CA1500 Malaga Spain- namatay Abril 4,1544)Amboina


Mollucas Islands,(Indonesia) ay isang eksplorador na naglayag patungong Pilipinas noong Nobyembre
I,1542,mula sa Barra Natividad,Nueva España,(Bagong Espanya) na naging Mexico.Siya ay bayaw ni
Antonio de Mendoza,ang Biseroy ng Bagong Espanya, na nagtalaga sa kanya ( Ruy Lopez de Villalobos)
bilang pinuno ng ekspedisyon.

Dumating sa Mindanao (Pilipinas) si Ruy Lopez de Villalobos noong Pebrero 2,1543,ang kauna-
unahang espanyol na nakatungtong sa lupain ng Mindanao. Siya ang nagbigay ng Pangalang “ Las Islas
Filipinas” sa buong kapuluan ng Pilipinas.,( na ayon sa antasyon ni Rizal kay Morga,ang pangalang Las
Islas Pilipinas ay sa isang isla lang ipinangalan ni Vllalobos, sa Isla ng TANDAYA, o LEYTE, gayundin
ang Samar, na kalaunanan ay ginamit sa buong Pilipinas

Ang pangalang “ Las Islas Filipinas” ay ipingalan ni Villalobos sa buong kapuluan sunod sa
pangalan,bilang parangal sa prinsipe ng Espanya na si Don Felipe na kalaunan ay naging Haring Felipe II
ng Espanya (para sa archipelago ng sinaunang Pilipinas noong 1564..sa panahon ni Legaspi ). Naglayag si
Villalobos sa Pasipiko,para magtatag nang bagong kolonya, para sa Espanya sa Silangang Indies na malapit
sa Linya ng demarkasyon (o Paghahati) ng Portugal noong 1543.

Sinabi ni PabloPastells,S.J.,na ang pangalang"Felipinas"ay pinatunayan ni haring Felipe II ng Espan-


ya sa ilalim ng proklamasyon na may eksaktong petsa,sa Villadolid,España sa direktiba ng Biseroy ng Nue-
va,España na si Don Luis de Velasco, noong Styembre 24,1559

Samantala,matapos masakop ng mga Portuges ang Mollucas,hinadlangan nan g mga ito ang sino
mang mga espanyol na nagbabalak manirahan sa mga karaig-isla,at itinuring nila si Ruy Lopez de Villalobos
na isang kaaway.

Pagkalipas nang mahigit dalawang taong pakikibaka ni Villalobos,naging Refugee sila sa Mollucas.
Na-obliga na itong isuko ang sarili sa mga Portuges,Ikinulong sila sa isla ng Amboina (Maluku).Namatay si
Villalobos sa matinding karamdaman na ayon sa mga Portuges ay isang “tropical Illness) 0 “ of the broken
heart”

117 sa mga kasamahan niya ang nakaligtas kasama sina De Mafra,at Guido de Lavezaris.Nakapagta-
la si De Mafra ng isang manuskrito hinggil sa isinagawang“Circumnavigation”nina Magellan-Elcano noong
1519,na hindi naging matagumpay.Naipadala niya ang kalatas na ito sa espanya sa pamamagitan ng isang
kaibigan.Ang manuskritong ito ni Mafra ay hindi napagtuunan nang pansin sa mga nagdaang mga
taon.Nadiskubre lang ang nasabing manuskrito noong ika-20 siglo,at nailathala sa pahayagan noong 1920.

Ang iba pang natatanging mga tala ng kasaysayan ay naisalaysay ng isang Italyanong ay mandaragat
na si Juan Gaetano,at nailathala noong mga taong 1550-1559,sa artikulo ni Giovanni Battista Ramusio,isa
ring Italyanong manunulat ng, “Navigations and Travels” nina Marco Polo,Magellan,Alvar Nuñez Cabeza
de Vaca,atbp.

“Expedition to the Philippine Islands. López de Villalobos was commissioned in 1541 by the


Viceroy of New Spain, Antonio de Mendoza, who was the first colonial administrator in the
New World, to send an expedition to the Islas del Poniente, meaning Islands of the West,
now known as the Philippines.”

You might also like