You are on page 1of 10

Ang mga Pagsisikap ng mga Pilipinong

Maitaguyod ang Ikatlong Republika


Mga Suliranin, Isyu at Hamon ng Ikatlong
Republika
1. Pagtatamo ng Pilipinas ng malaking pinsala pagkatapos ng
digmaan
– Labis na naapektuhan ang kabuhayan ng Pilipinas pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mahigit sa sampung bahagdan
ng mga bahay, gusali at kalsada at mga tulay ang nasira.
Gayundin ang mga pananim at hayupan sa bansa.
2. Pagbaba ng produksiyon dulot ng di epektibong pamamalakad
ng pamahalaan.
- Sa panahon din ng ikatlong republika ay lumaganap ang katiwalian
sa pamahalaan. May mga usaping kinasangkutan ang mga pinuno
ng mga pinuno ng pamahalaan tulad halimbawa ng pagmamalabis
sa tungkulin, anomalya sa mga lihim na transaksiyon sa
goberyno, at iba pang hindi kanais-nais na gawain.
3.Pagtaas ng antas ng pag-aangkat ng mga produkto
kaysa pagluluwas.
 Bunga ng pagkasira ng mga sakahaan at taniman, mga
imprastraktura, gusali at ang maraming likas na yaman
ng bansa ay napilitan ang pamahalaan na umangkat
nang umangkat ng mga produkto sa ibang bansa.
4. Pagbaba ng pagpapahalagang Moral ng mga tao.
- Ang krimen at kriminalidad ay naghari sa maraming
mga lugar. Dala ito marahil ng malawakang pagkasira
ng mga ari-ariang nagdulot ng kahirapan at
kapighatian samga tao.
Pagtugon ng Pilipino sa mga Suliranin,
Isyu at Hamon

Ang pamahalaan ng ikatlong Republika ay tumagal ng


dalawampu’t limang taon. Ito ay pinamahalaan ng
anim na pangulong nagsumikap na masolusyunan ang
mga suliraning pangkabuhayang kinaharap ng bansa.
Narito ang ilang mahahalagang hakbang na isinagawa
ng Republika upang mapabuti at maisaayos ang
kalagayan ng pamumuhay ng mga tao.
Pagpapaunlad ng Kabuhayan ng Bansa
Nasyonalisasyon ng Tingiang Pangangalakal
Retail Trade Act – Ito ay nagtatadhana na ang
makapangangalakal lamang nang tingian sa bansa ay
ang mga korporasyon o samahang ganap na Pilipino.
 Pagpapaunlad ng buhay sa mga baryo
- Upang hindi maiwan ang mga baryo sa pag-unlad at
mas madaling mapuntahan ang mga ito mula sa mga
bayan at poblasyon ay bingyang pansin ng pamahalaan
ang pagpapatayo ng mga kalsada at mga tulay.
Pangulong Magsaysay
ACCFA(Agricultural Credit and Cooperative Financing
Administration) – Upang matulungan ang mga magsasaka
sa pagbebenta ng kanilang ani.
FACOMA (Farmers Cooperative Marketing
Association)- kung saan ang mga kasapi ng kooperatibang
ito ay maaring umutang sa ACCFA upang magkaroon ng
perang magagamit pambili ng mga kalabaw, mga pataba at
gayundin ang iba pang kagamitan para sa pagsasaka.
Land Tenure Reform Law- kung saan itinadhana ang batas
na ito ang paghati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng
pamahalaan upang maipamahagi nang hulugan sa mga
kasama.
Pagpapataas ng Produksiyon Partikular ang Pagsasaka
 Upang higit na mapaunlad ang kalagayan ng mga
magsasaka ay bumuo ang pamahalaan ng reporma sa
lupa sa pamamagitan ng Agricultural Land Reform
Code na inilusad ni Pangulong Macapagal ay
napahalagahan at napangalagaan ang karangalan ng
maliliit na magsasaka at naligtas sila masasamang
kinagawiang pinairal sa mga sakahan.
 Pagpapabuti sa Sistemang Pananalapi ng Bansa
 Upang matiyak ang pagsulong ng ekonomiya at
katatagang pananalapi ng bansa ay itinatag noong
Enero 3, 1949 ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
 Ito ang kinilalang charter ng ekonomiya ng bansa.
Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon
Isa sa mga hakbang na ginawa ng pamahalaan upang
maturuan ang mamamayan na mahalin ang bansa,
magkaroon ng malalim na pagpapahalaga sa paggawa,
at higit sa lahat ay mapataas ang antas ng buhay ng
mga Pilipino binago ang sistema ng edukasyon sa
bansa.
Senador ArturoTolentino- na siyang naging pangulo
ng senado noong 1966 sa kanyang talumpati ay
kanyang ipinaabot sa mga taong nanunungkulan sa
Kagawaran ng Edukasyon na kinakailangang muling
pag-aralan ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Paaralang pamayanan ( Community
Schools)
Ang konsepto nito ay nakasalig sa layuning mapaunlad
ang kalagayang panlipunan, pang ekonomiya at
pangkalusugan ng mga mamamayang naninirahan sa
rural na lugar.
Sinikap na maituro ang ang mga gawaing kapaki-
pakinabang sa pagpapataas ng antas ng buhay ng mga
mamamayan.
Itinuro sa mga kalalakihan ang makabagong paraan ng
pagsasaka, tamang paraan ng paggamit ng pataba, pag-
aalaga ng manok, bibe at baboy.
Sa mga kababaihan namn ay itinuro ang pagluluto,
pananahi at iba pang bagay na may kinalaman sa
edukasyong pantahanan.
Paglulunsad ng patakarang “Pilipino
Muna”
Isa sa pinakatanyag na programang inilunsad ng
pamahalaan upang mapaunlad ang kabuhayan ng
bansa ay ang patakarang “ Pilipino Muna”.
Ito ay patakarang ipinatupad ni Pangulong Garcia sa
bisa ng Resolusyon Blg. 204 sa pagpapasunod ng
National Economic Council noong Agosto 21, 1958.
Ang patakarang ito ang nagbigay karapatan sa mga
Pilipinong magbukas ng mga kalakal bago ang mga
dayuhan.
Ang patakarang “Pilipino Muna” ay nagdulot ng
panibagong pag-asa sa taong bayan.

You might also like