You are on page 1of 49

ANG DAIGDIG

PANAH ON
SA C

NG
TRANSISYON
ARALIN 6
ANG PAG-USBONG NG
EUROPE
• Ang pagbagsak ng kapangyarihan ng mga Romano
ang nagbigay-daan sa bagong pamumuhay
• Hindi naganap sa isang iglap lamang ang pagbagsak
ng Imperyong Romano. Iniwan ng mga sundalong
nagbabantay ang mga tanggulan, ang mga sulat at
balita ay hindi nakararating sa mga lungsod, at ang
mga daan ay nangasira na rin
• Nagdatingan sa imperyo ng Rome ang mga
mananakop na barbaro buhat sa hilaga ng Europe.
Walang sawa silang nagsira at nagdambong sa mga
ari-arian, nagsunog ng mga gusali, at nagwasak sa
mga lansangan at mga tulay sa lungsod
• Tuluyang nasakop ng mga barbaro ang Rome at ang
mga lalawigan nito sa Kanlurang Europe noong 476
CE
ANG MGA
FRANK
• Naging hari ng mga Frank si Clovis noong 481
CE. Naglunsad siya ng digmaan upang
pagisahin ang lahat ng kahariang Aleman
• Sa pagkapanalo sa isang digmaan noong 496
CE, tinanggap ni Clovis ang Kristyanismo
• Noong 511 CE, napag-isa niya ang buong Gaul at
kinilala si Clovis bilang tagapagtatag ng
dinastiyang Merovigian
• Nang mamatay si Clovis ay nagkaroon ng digmaan
sa kaharian dahil sa pagaagawan ng mga kaanak
niya sa pwesto. Dahil dito ang alkalde na lamang ang
namahala sa palasyo. Sa panahong ito, iniasa sa
pamamahala sa alkalde ng palasyo at ang haring
Merovingian ay hari na lamang sa pangalan
• Tinalo ni Charles Martel, ang mga lumulusob na
Muslim sa kanyang kahariansa labanan sa
Tours
• Ang posisyong iniwan ni Charles Martel ay napunta sa
kanyang anak na si Pepin, the Short
Pepin the
Short
• Ang pagkalagay sa puwesto ni Pepin ay inaprubahan ng
Papa at dito nagsimula ang linya ng mga haring
Carolingan. Pinamunuan ni Pepin ang sandatang lakas
laban sa mg Lombards na nagbabanta sa Kapapahan
• Noong 756, isinalin ni Pepin sa papa ang bahagi ng
teritoryong kontrolado ng mga Lombards. Ito ay
tinawag na Mga Estado ng Papa
• Noong 751, pinatalsik ni Pepin ang huling haring
Merovingian at itinanghal siyang hari ng mga
Frank
• Pagsapit ng 768 CE, ang dalawang anak ni Pepin na
sina Charles at Carloman ang nagmana sa trono.
Nang mamatay si Carloman, natira si Charles upang
maging hari noong 771 CE. Tinawag siyang si Charles
the Great o Charlemagne
• Ang buong France at ang malaking bahagi ng
Germany at Italy ay napasakamay ni Charlemagne
Tinawag
siyang
Charles the
Great o
Charlemagne
• Bilang emperador, nagpatupad si Charlemagne ng mga
pagbabago sa pamamahala. Kanyang hinati ang imperyo
sa duchies at counties na pinamumunuan ng isang duke
o konde
• Ipinatupad din ni Charlemagne ang mga sumusunod:
- ipinamigay ang malalawak na lupain (fief)

sa mga lider militar;


-ipinagkaloob niya sa mga maliliit na haring may
taglay na kapangyarihang administratibo,
militar, at hudikatura ang pangangasiwa sa kanilang
sariling teritoryo;at
-nagtalaga siya ng mga missi dominici o mga
tagasiyasat sa bawat teritoryo na
nangangasiwa bilang kinatawan niya
• Pinalago ng Imperyong Carolingian ang karunungan. Binalak ni
Charlemagne na gawing bagong Rome ang Aachen kaya
dinala niya roon ang mga iskolar. Inatasan niya ang mga
monghe na magbukas ng mga paaralan at paramihin ang
kanilang mga aklatan.
• Noong 814 CE, pumanaw si Charlemagne at ang humalili sa
kanya ay ang anak na si Louis the Pious
Louis the
Pious
ANG BANAL NA
IMPERYONG ROMANO
• Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga anak ni
Louis the Pious, matapos siyang pumanaw dahil
nag- agawan ang mga ito sa kapangyarihan
• Pagsapit ng 843 CE, nabuo ang Kasunduan sa
Verdun, kung saan ang imperyo ay hinati sa tatlong
magkakapatid sa pagitan nina Lothair, Louis the
German, at Charles the Bald. Ang gitnang bahagi ay
napunta kay Lothair, kay Charles the Bald napunta
ang France at kay Louis the German napunta ang
Germany
Charles
the Bald
Lothair
Louis the
German
• Noong 870 CE, ang buong kaharian ni Lothair ay
muling nahati sa pamamagitan ng Kasunduan sa
Mersen. Ito ang nagtalaga sa hangganan ng Silangan
at Kanlurang Frank. Ang silangang bahagi ay
napunta kay Louis (the German) at ang kanlurang
bahagi naman ay napunta kay Charles II (the Bald).
• Noong 936 CE ay umupo sa trono si Otto I at
muling lumaban ang mga hari ng Frank
Otto the
Great
• Kinoronahan si Otto na tinawag na “Ang Dakila”
bilang Emperador ng Banal na Imperyong Romano
noong 963 CE at kanyang itinalaga si Papa Leo III
bilang kanyang kapalit
• Pagkaraan ng maraming pag-aalsa ay pinalitan ni
Otto I ang kanyang mga patakaran. Ang pamumuno
sa mga duchies ay sinubukan niyang ipagkaloob sa
mga Obispo at abbot. Ginamit niya ang mga
capellani, tulad ng paggamit ni Charlemagne sa
mga missi dominici na naging kinatawan ng mga
emperador
ANG PAGLAKAS NG SIMBAHANG
KATOLIKO
• Ang simbahan ay naging pangunahing
institusyon sa Gitnang Panahon. Nakasentro ito
sa Rome at
bagama’t watak-watak ang lipunan at
pamahalaan,
binigkis ng Simbahan ang mga tao at tumugon
sila sa pangunahing pangangailangan nila.
Umasa ang mga Romano sa Simbahan para sa
kanilang kaligtasan
MGA DAAN SA PAGLAKAS NG
KAPANGYARIHAN NG KAPAPAHAN
• Pagbagsak ng Imperyong Romano
-Nang pumasok ang mga barbaro sa Imperyong
Romano, ang tanging institusyon na hindi kinalaban ay
ang Simbahan. Ang Simbahan ang nangalaga sa mga
pangangailangan ng tao kaya ibinaling ng mga tao ang
kanilang buhay sa Simbahang Katoliko. Maging ang
mga barbaroay naimpluwensiyahan din ng Simbahan
at pumayag sila na mabinyagan at maging tapat na
kaalyado ng mga pari
• Ang Organisasyon ng Simbahan
-Anyong tatsulok ang organisasyon ng Simbahan.
Nasa tuktok nito ang Santo Papa na nagsisilbing
pangkahalatang pinuno ng Simbahan. Ang Papacy o
Kapapahan ay tumutukoy sa katungkulan ng Papa
bilang Pinuno ng Estadong Papal na kilala bilang
Vatican
-Ang mga Obispo naman ang ikalawang antas
na katuwang ng Santo Papa sa pamamahala
-katulong ng Obispo ang isang Curia, na
binubuo mga Kardinal na pinili mula sa pangkat ng
Arsobispo
-kapag namatay ang isang Papa, ang mga Kardinal
ay
pumipili sa kanyang kapalit
-Ang nasa huling antas ay mga pari na
ng
nagsasagawa mga misa at sakramento sa tao
-Ang Papa ang gumaganap sa tungkuling ehekutibo,
le
hislatibo, at hudikatura ng Simbahang Katoliko
-Bumuo ang Simbahan ng isang batas na tinatawag
na
Batas Canon. Ito ay kalipunan ng mga batas tungkol
sa
mga aral ng Kristiyanismo, kaasalan, at moralidad ng mga
pari
-Ang pinakamabigat na parusa na ipinataw ng
simbahan sa mga nagkakasala ay eskomulgasyon at
interdict
-Ang eskomulgasyon ay isang parusa ng pag-
alis sakarapatan at prebilehiyo ng isang tao bilang
ng
kasapi
Simbahan
-Ang interdict ay pagtigil sa pagganap ng
Simbahan sa mga sakramento sa isang
kaharian
-Ang lay investure ay karapatan ng mga hari
na pumili ng mga Obispo ng Simbahan
• Ang Pamumuno ng mga
Monghe
-Ang mga monghe ay binubuo ng mga pangkat ng
pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay
mga
at mga monasteryo. Kontrolado sila ng mga abbot at Papa
sa
-Ang abbot ang pinakamataas na pinuno ng
mga sa isang monastery
-pangunahing gawain ng mga monghe
ang pagdarasal
-para sa mga monghe ang paggawa ay tunay
na paglilingkod sa Diyos
-ang mga paaralan noong panahong iyon ay itinatag
ng mga monghe
ANG
KRUSADA
• Ang Krusada ay serye ng labanang panrelihiyon ng mga
kristiyano mula sa Kanlurang Europe laban sa mga
Muslim upang mabawing muli ang Banal na Lupain
• Ito ay unang isinagawa noong 1096, at nagwakas sa
huling bahagi ng ika-13 siglo
• Ito ay unang ginamit upang ilarawan ang pagsisikap ng
mga Europeo na mabawi mula sa mga Muslim ang banal
na lungsod ng Jerusalem na siyang lugar kung saan
ipinako si Hesukristo
PINAGMULAN NG
KRUSADA
• Nang mamatay si Charlemagne at nang bumagsak
ang kanyang imperyo ang Kristiyanong Europeo ay
napasailalim ng pag atake ng mga Muslim. Ito ay
sinimulan nga mga vikings at sinundan ng mga
muslim na pinakamapanganib, pagkaraan ng
kamatayan ni Muhammed. Pagsapit ng ika-8 siglo,
nakontrol ng mga puwersang muslim ang Hilagang
Africa hanggang silangang baybayin ng
Mediterranean at ang kalakhang bahagi ng Spain
MGA KRUSADA PETSA TAONG NANGUNA MGA KAGANAPAN

Unang Krusada 1096-1099 • Robert, ang duke ng • Narating ng pangkat


Normandy ang Constantinople
• Raymond konde ngunit nagapi sila ng
ng Toulousse mga Turko sa may
• Godfrey, duke ng talampas ng Asia
Lorraine Minor
• Nabawi ang Jerusalem
hanggang 1187
ngunit muli itong
naagaw ng mga
Muslim

Ikalawang Krusada 1147-1149 • Haring Louis VII ng • Tinungo ng hukbo ang


France Asia Minor, subalit hindi
• Conrad III Emperador pa nila nararating ang
Imperyo ng Rome Edessa ay natalo na
sila ng mga Turko
MGA KRUSADA PETSA TAONG NANGUNA MGA KAGANAPAN
Ikatlong Krusada 1189-1192 • Haring Richard I ng • Nakuha nila ang lupain
Britain ng Cyprus at lungsod
• Haring Philip ng Acre
Augustus ng France • Sa isang kasunduan,
• Emperador Frederick pinayagan ang mga
Barbarossa ng Banal Kristiyano na dumalaw
na Imperyong Jerusalem
Romano
Ikaapat na Krusada 1202-1204 • Konde Bonifacio ng • Naagaw ang Zara, ang
Monserrat lunsod sa baybayin
ng Adriatic at karibal
ng Venice sa
kalakalan
• Inatake ang
Constantinople noong
1204. nanatili sa
Constantinople at
nagtatag ng maliit na
kahariang pyudal para
sa pansariling
pangkabuhayan
MGA KRUSADA PETSA TAONG NANGUNA MGA KAGANAPAN
Ikalimang Krusada 1217-1221 • Leopold VI ng Austria • Napunta ang
• Andrew II ng Hungary sa kamay ng
mga krusador sa
pamamagitan
ng kasunduan at
diplomasya
Ikaanim na Krusada 1228-1229 • Haring Frederick II ng • Napakiusapan ang
Imperyong Romano Muslim na isuko
ang Jerusalem sa
mga Kristiyano
BUNGA NG
KRUSADA
• Natutuhan ang ang paggamit ng pana at kalapati
sa paghahatid ng mensahe sa larangan ng
pakikidigma. Mula naman sa mga Muslim,
natutuhan ng mga Kristiyano ang paggamit ng
pulbura, kaalaman sa astronomiya, at algebra
• Nabawasan ang katanyagan ng Simbahan dahil sa
pandarambong ng mga ilang sumama sa krusada.
Sa iba, nagsilbi itong inspirasyon na gumawa ng
mga dakilang bagay sa ngalan ng Kristiyanismo
• Pinalakas ng krusada ang monarkiya sa France at
England at pinahina naman nito ang kapangyarihang
piyudal
• Nakilala ang mga produktong nagmula sa silangan,
tulad ng rekado, seda, pabango, at gamot. Ang mga
bapor na nagsilbing transportasyon ay nagamit sa
kalakalan. Umunlad ang pagbabangko at ang
kabuhayan sa Europe
ANG
PIYUDALISMO
• Ang piyudalismo ay isang sistemang politikal at
militar sa kanlurang Europe noong Gitnang
Panahon
• Ito ay isang ugnayan ng mga aristokrata
o panginoon at kanyang basalyo
DALAWANG DAHILAN NG PINAG-
UUGATAN NG PIYUDALISMO
• Isa rito ang ugnayang namagitan sa pangkat ng
mandirigmang Aleman sa kalakhang Europe
noong Gitnang Panahon
• Ang huli ay sumumpa ng katapatan sa kanilang
pinuno hanggang sa kamatayan kun kinakailangan.
Bilang kapalit, trinato silang mabuti at iginalangn
ng pinuno ang mga mandirigma
ANG LIPUNAN SA
SISTEMANG PIYUDAL
• Noble
-sa pangkat ng mga noble kabilang ang hari,
kanilang basilyo, at ang mga nakakababang
panginoon. Ang kanilang katayuan ay namamana
-sa ilalim ng piyudalismo, ang mga panginoon
ang komokontrol sa mga lupain. Siya rin ang
nangangasiwa sa pagpapatanim sa mga manor kung
saan naroon ang kanyang fief.
• Klerigo
-Ang mahihirap na naging kleriko ay naging pari sa
mga nayon. Ang bawat pari ay nakatira sa isang maliit na
dampa, malapit sa kanyang Simbahan
• Pesante
-Ang mga magsasaka ay nasa pinakamababang antas
ng lipunan. Bukod sa pagsasaka ng lupa ng kanyang
panginoon, ang isang pesante ay gumaganap din ng iba
pang trabaho
ng pagsisibak ng kahoy, at pag-aayos ng mga kalye at
tulay
-ang pinakamaliit na pangkat ay binuo ng mga
malayang tao. Umuupa sila sa panginoon sa lupang kanilang
sinasaka.
ANG
MANORYALISMO
• Ang manoryalismo ay sistemang agrikultural na nakasentro
sa mga nagsasariling estado na kun tawagin ay manor
• Ang manor ay lupang sakop ng isang panginoong maylupa
na binubuo ng kanyang kastilyo, simbahan, at pamayanan
na may 15 hanggang 30 pamilya
• ang bawat manor ay sentro ng gawaing panlipunan
at pangkabuhayan ng bawat taong nakatira roon.
ANG
KABABAIHAN
• Ang kababaihan ay nagtuturo sa mga batang
babae ng pagluluto,paglalaba, pananahi, at
pagbuburda
• Sila ay nabubuhay ng marangya at sila ang
pumapalit sa puwesto ng kanilang asawa kung ito
ay umaalis
ANG PAGHINA NG SISTEMANG
PIYUDAL
• Ang sistemang piyudal ay humina dahil marami sa
mga panginoonng piyudal ay sumama sa krusada
at karamihan sa kanila ay hindi nakabalik. Ang iba
naman, dahil sa pangangailangan ng salaping
mmagagamit sa pagsama sa krusada ay nagbenta
ng mga karapatan sa pagkakaroon ng sariling
pamahalaan
ANG PAGSILANG NG MGA BAYAN AT
LUNGSOD
• Ang mga kaganapan sa Imperyong Byzantine,
ang impluwesiya ng Simbahan, ang piyudalismo
at Krusada ay naging daan sa unti-unting
pagbangon ng Europe
• Dahan-dahang sumulpot ang mga bayan at
lungsod sa mga lugar na naging tagpuan ng
kalakalan
ANG MGA RUTANG
PANGKALAKALAN
• Ang mga produkto sa silangan ay dinadala
pakanluran ng mga mangangalakal na Tsino
at Muslim sa pamamagitan ng apat na ruta:
1. Mula sa daungan sa Black Sea ay nagtungo sila
sa Constantinople sakay ng mga barkong
pangkalakal
2. Mula sa Indian Ocean at Red Sea
hanggang marating ang mga daungan sa
Egypt
3.Mula sa Persian Gulf ay naglakbay ang mga
mangangalakal hanggang marating ang patungo
sa mga daungan sa Silangang Mediterranean
4.Ang mga Italyano ang naging tagapamagitan
ng mga mangangalakal galing sa Asya at ng mga
mangangalakal buhat sa Gitna at Hilagang
Europe
MGA PAGBABAGONG DULOT NG
PAGSIGLA NG KOMERSIYO
• Sa panunumbalik ng sigla sa industriya at komersiyo,
isa-isang sumulpot ang mga bayan at lungsod sa
mga tagpuan ng kalakalan. Dahil sa pagdami ng mga
bayan at lungsod, at sa kawalan ng pinuno na
magsasaayos nito, hindi naging maganda ang bunga
nito sa maraming tao
• Noong ika-14 na siglo, namatay ang halos isang-
kapat na populasyon ng Europe dahil sa bubonic
plague o tinawag na black death
EPEKTO AT KONTRIBUSYON DULOT
NG MGA BAYAN AT LUNGSOD
• Ang mga bayan at lungsod ang sentro ng kalakalan
at industriya, at dahil dito, ang kalakalang
pandaigdig ay nalinang na ngayon ay bahagi na ng
ating kabuhayan
• Umunlad ang mga guild noong Gitnang Panahon
• Nagkaroon din ng samahan ng mga may
espesyalisasyon. Ang samahang ito ang kumontrol
sa kalidad at presyo ng mga produktong ibinebenta
sa pamilihan
• Naging sentro rin ng kultura ang mga bayan qat
lungsod tulad ng pagpipinta, eskultura, at
arkitektura
ANG SISTEMANG
GUILD
• Ang guild ay ang pangkat na binuo upang
pangasiwaan ang produksiyon at komersiyo
• Ang crafts guild ay binubuo ng mga sapatero,
Platero, samahan ng mga gumagawa ng baril, at iba
pa.
• Sa guild nasanay ang isang artisan. Dumadaan ang
isang artisan sa dalawang antas ng pagsasanay:
ang apprentice at ang journeyman
• Ang apprentice ay tinuturuan ng isang master o
dalubhasa ng mga bagay na kailangan niyang pag-
aralan
• Ang journeyman ay isang bihasang artisan na
naglilingkod sa panibagong master at mayroon na
siyang sahod
ANG HANSEATIC
LEAGUE
• Ang mahalagang komersiyal na lungsod sa
baybayin ng North Sea at Baltic Sea ay bumuo ng
liga na tinawag na Hansa. Ito ay upang magbigay-
proteksiyon ang mga gawaing pangkomersiyoito
ay may higit sa 70 miyembrong lungsod
ANG KAPITALISMO AT
PAGBABANGKO
• Ang kapitalismo at pagbabangko ay dalawang
bunga ng muling pagsigla ng kalakalan sa Europe
• Ang kapital ay bahagi ng kita na inimpok at ginamit
na puhunan upang magkaroon ng tubo
• Ang kapitalismo ay sistemang pang-ekonomiya
kung saan ang mga pribadong indibidwal ay
ginamit ang kanilang kayamanan para sa kapital
• Sistemang domestic – sa loob ng tahanan
ginagawa ang gawain

You might also like