You are on page 1of 2

Heograpiyang Pantao (Human Geography)

Ang disiplina ng Heograpiya ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal (Physical
Geography) ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa
kapaligiran; pinag-aaralan dito ang Klima, Heolohiya (Geology),Biolohiya (Biology) at iba pang
sangay ng agham-pangkalikasan.
Ang ikalawang sangay ng heograpiya ay ang Heograpiyang Pantao (Human Geography) o
Heograpiyang Kultural (Cultural Geography), ito ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang
paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung paano
din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Pinag-aaralan dito ang relihiyon, wika, medisina,
ekonomiya, politika, mga lungsod,populasyon, kultura at iba pa.
Sinusuri nito kung paano naaapektuhan ng panlipunan, pangkultural, pampulitika at pangekonomiyang proseso ang espasyo (space) at lugar, sa pamamagitan ng pag-imbestiga sa mga
paksa tulad ng: mga rural at siyudad na komunidad; kalusugan at kapakanan; sustanibilidad
(sustainability); globalisasyon; terorismo at seguridad. Inaalam ng mga heograpong pantao ang mga
dahilan kung paano nababago ng tao ang kapaligiran, kung paano siya nakakalikha ng panibagong
lugar na may kahulugan, at kung paano nababago ng kapaligiran ang paraan ng pamumuhay ng
tao; ang interaksyong ito ang pangunahing sinusuri sa Heograpiyang Pantao.

Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at
pangkat-etniko sa ibat ibang bahagi ng daigdig

Wika
1. Ito'y mabisang instrumento sa pambansang

pagkakaunawaan at pagkakaisa.

. Nagagamit ito sa iba't-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya, panrelihiyon,


pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan.
Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural
at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.
[1]

Ang maraming mga relihiyon ay may mga mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga

sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan

ng buhay osansinukob. Ang mga ito ay humahango ng mga moralidad, etika, mga batas relihiyoso o
pamumuhay mula sa mga ideya nito ng kosmosat kalikasan ng tao. Tinatayang may mga 4,200
relihiyon sa mundo sa kasalukuyan.[2] Ang karamihan ng mga relihiyon ay may organisadong mga
pag-aasal, pinuno (gaya ng kaparian at pastor) o tagapagtatag, isang depinisyon ng kung ano ang
bumubuo sa pagiging kasapi o pagsunod dito, mga banal na lugar at mga kasulatang relihiyoso. Ang
pagsasanay ng relihiyon ay kinabibilangan rin ng mga ritwal, mga sermon, mga pag-alaala o
benerasyon ng isang diyos, mga diyos o mga diyosa, mga paghahandog, mga pista, mgatransiya,
mga inisiasyon, mga puneral, mga matrimonyo, meditasyon, panalangin, musika, sining, sayaw, o
iba pang mga aspeto ng kultura ng tao.[3]
Ang iba't ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o higit pa na
mga salik katulad ng lipi, wika,relihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan. Binubuo ng malaking
mayorya ng populasyon ng pangkat na ninirahan sa kapatagan na Austranesyano, at
naging Kristiyano mula sa pagiging Animismo, Hinduismo, Budismo o Islam sa loob ng
tatlong daang taon ngpananakop ng mga Kastila. Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami
sa mga pangkat na ito ay mga Ilokano, mga Pangasinense, mga Tagalog, mga Kapampangan, mga
Bikolano, at mga Bisaya. Sinasabi minsan na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahing
Austranesyano at/o lahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng marami na walang batayang
pang-agham ang guhit-balangkas na nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa tinuturing na Pilipino ang
mga Negrito sa Pilipinas.

You might also like