You are on page 1of 46

ANG DAIGDIG SA PANAHON

NG TRANSISYON
ARALIN 8
Pamantayan sa Pagkatuto
• Nasusuri ang mga pangyayaring
nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe
sa Gitnang Panahon.
• Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng
paglakas ng Simbahang Katoliko bilang
isang institusyon sa Gitnang Panahon.
• Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-
daan sa pagkakabuo ng “Holy Empire”.
ANG PAG-USBONG NG EUROPE
Ang pagbagsak ng kapangyarihan ng mga Romano ang
nagbigay-daan sa bagong pamumuhay. Nawalan ng
kapangyarihan ang Rome na ipagtanggol ang sarili.
Nagbunga ang pagbagsak ng Imperyong Romano, na
naging daan sa pag-usbong ng Europe dahil sa mga
sumusunod na pangyayari:
• Ang paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang
institusyon
• Ang Holy Roman Empire
• Ang paglunsad ng Krusada
• Ang pag-iral ng piyudalismo, at manoryalismo
ANG PAG-USBONG NG EUROPE
ORGANISASYON NG SIMBAHANG KATOLIKO
SANTO pinakamataas na pinuno ng simbahan
PAPA
pinili ng Santo Papa; katuwang ng Santo Papa
KARDINAL na pinili sa hanay ng mga arsobispo; pangkat
na naghahalal sa Santo Papa

pinakamataas na obispo; pinamamahalaan


ARSOBISPO ng arsobispo ang mga dayosis

pinuno ng mga dayosis sa mga lalawigan; tungkulin ng


OBISPO mga obispo na lutasin ang mga sigalot na may kaugnayan
sa mga aral ng simbahan at gabayan ang mga pari

PARI pinuno ng isang parokya


ORGANISASYON NG SIMBAHANG KATOLIKO
Anyong tatsulok ang organisasyon ng
Simbahan. Nasa tuktok nito ang Santo Papa na
nagsisilbing pangkalahatang pinuno ng Simbahan.
Ang Kardinal ay pinili mula sa pangkat ng mga
Arsobispo. Kapag namatay ang Santo Papa, ang
mga Kardinal ay pumipili ng kanyang kapalit. Ang
mga pari naman ay nagsasagawa ng misa at
sakramento sa mga tao.
• Batas Canon – batas na binuo ng Simbahan
tungkol sa mga aral ng Kristiyanismo, kaasalan,
at moralidad ng mga pari. Ang pinakamabigat
na parusa na ipinataw ng mga simbahan sa mga
nagkakasala ay eskomulgasyon at interdict.
• Eskomulgasyon – parusa ng pag-alis ng
karapatan at prebilehiyo ng isang tao bilang
kasapi ng simbahan
• Interdict – pagtigil sa pagganap ng simbahan sa
mga sakramento sa isang kaharian
BUNGA NG PAGLAKAS NG SIMBAHANG KATOLIKO
Malaki ang naitulong ng Simbahan sa mga tao noong
Gitnang Panahon sa aspektong espiritwal, kabuhayan, at
panlipunan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.
Narito ang ilang ambag ng Simbahan noong Gitnang
Panahon:
• Nagkaroon ng kaayusan sa lipunan.
• Niyakap ng mga barbaro ang Kristiyanismo.
• Umunlad ang ekonomiya sa tulong ng mga tao sa
simbahan.
• Nagsilbing guro ang mga pari.
• Naging bahagi ng simbahan ang pangangalaga sa
kultura.
• Bumalangkas ang Simbahan ng mga batas at nagtatag
ng sariling hukuman na siyang lilitis sa mga
nagkakasala na ang sangkot ay mga pari at mga
pangkaraniwang tao.
• Sa pamamagitan ng mga misyonaryo, naisapuso at
naitanim sa mga tao ang mga aral at salita ng Diyos.
ANG BANAL NA IMPERYONG ROMANO
(HOLY ROMAN EMPIRE)
Sa pagbagsak ng Imperyong Romano ay
dumagsa ang mga barbaro buhat sa hilaga ng
Europe. Tuluyan nilang nasakop ang Rome at ang
mga lalawigan nito sa Western Europe. Bumuo sila
ng maliliit na kaharian at namayani mula ika-5
siglo hanggang sa simula ng ika-7 siglo. Isa sa mga
kaharian na ito ay ang Franks.
FRANKS
• matatagpuan ang kaharian ng
Franks sa Gaul na ngayon ay
kilala bilang France
• Clovis – unang hari ng Franks
• tinanggap ni Clovis ang
Kristiyanismo
• napag-isa ni Clovis ang buong
kaharian at itinatag ang
Dinastiyang Merovingian
• Pepin - Alkalde ng Palasyo na namahala sa
kaharian nang mamatay si Clovis
• Charles Martel – anak ni Pepin na sunod na
namahala sa kaharian. Tinalo ni Charles Martel
ang mga lumusob na Muslim sa kanyang
kaharian
• Pepin the Short – anak ni Charles Martel na
namuno sa posisyong iniwan ng kanyang ama.
Itinatag niya ang Dinastiyang Carolingian.
• Isinalin ni Pepin sa Santo
Papa ang teritoryong
kontrolado ng Lombards
(Germanic Barbarians) na
natalo nila sa digmaan.
Tinawag itong Estado ng
mga Papa
• Noong 751 CE, pinatalsik ni
Pepin ang huling hari ng
Merovingian at itinanghal
siyang hari ng Franks
• Charles at Carloman –
dalawalang anak ni Pepin
the Short na nagmana ng
kaniyang trono
• Nang namatay si Carloman,
natira si Charles na naging
hari noong 771 CE. Tinawag
siyang si Charles the Great
o Charlemagne.
ANG KRUSADA
• Ang Krusada ay
ekspedisyong militar sa
pamumuno ng Simbahan
at pamahalaan ng Europe.
• Layunin nitong mabawi
mula sa kamay ng mga
Muslim ang Banal na
Lupain (Jerusalem).
• Nagsimula ang krusada
noong taong 1096.
PINAGMULAN NG KRUSADA
• Nang namatay si Charlemagne at nang bumagsak
ang kanyang imperyo, ang Kristiyanong Europeo ay
napasailalim ng pag atake ng mga Muslim.
• Pagsapit ng ika-8 siglo, nakontrol ng mga puwersang
Muslim ang hilagang Africa hanggang silangang
baybayin ng Mediterranean at ang kalakhang bahagi
ng Spain.
• Papa Urban II – siya ang namuno na magkaroon ng
krusada upang mabawi ang Banal na Lupain mula sa
kamay ng lumalakas na pwersa ng mga Muslim
KRUSADA MGA TAONG NANGUNA MGA PANGYAYARI
UNA • Robert, duke ng • Narating ang Constantinople
(1096 – Normandy, France (Istanbul) ngunit nagapi sila ng
1099) • Raymond, konde mga Turko sa may talampas ng
3 taon ng Toulouse, Asia Minor (Turkey)
France • Nabawi nila ang Jerusalem
• Godfrey, duke ng noong 1099
Lorraine, France • Nanatili sa kamay nila ang
Jerusalem hanggang 1147
ngunit muling naagaw ito ng
mga Muslim.
KRUSADA MGA TAONG NANGUNA MGA PANGYAYARI
IKALAWA • Haring Louis VII ng • Tinungo ng hukbo ang
(1147 – France Asia Minor subalit hindi
1149) • Conrad III ng pa nila narating ang
2 taon Germany, emperador Edessa nang natalo sila
ng Imperyong Romano ng mga Turko.
KRUSADA MGA TAONG NANGUNA MGA PANGYAYARI
IKATLO • Haring Richard III • Nakuha nila ang Cyprus at
(1189 – ng England lungsod ng Acre.
1192) • Haring Phillip • Sa isang kasunduan,
3 taon Augustus ng pinayagan ang mga Kristiyano
France na dumalaw sa Jerusalem.
• Emperador
Frederick Barbosa
ng Banal na
Imperyong
Romano
KRUSADA MGA TAONG NANGUNA MGA PANGYAYARI
IKAAPAT • Papa Innocent III • Naagaw ang Zara, ang
(1202 – lungsod sa baybayin ng
1204) Adriatiko at karibal ng
2 taon Venice sa kalakalan.
• Inatake ang Constantinople
at nagtatag ng maliit na
kahariang piyudal para sa
pansariling kabuhayan.
KRUSADA MGA TAONG NANGUNA MGA PANGYAYARI
IKALIMA • Leopold VI ng • Napasakamay ng mga
(1217– Austria krusador ang Jerusalem sa
1221) • Andrew II ng pamamagitan ng kasunduan
4 na taon Hungary at diplomasya

(diplomasya - pangangasiwa ng
mga negosasyon sa pagitan ng mga
kinatawan ng mga pangkat o mga
estado na hindi ginagamitan ng
dahas).
KRUSADA MGA TAONG NANGUNA MGA PANGYAYARI
IKAANIM • Haring Frederick • Napakiusapan ang mga
(1228 – II ng Imperyong Muslim na isuko ang
1229) Romano Jerusalem sa mga Kristiyano.
1 taon
MGA BUNGA NG KRUSADA
Nabigo ang mga krusada na mabawi ang
Jerusalem sa kapangyarihan ng mga Muslim ngunit
nagdulot naman ito ng epekto sa buhay ng mga
taga-Europa.
1. Natutuhan ang paggamit ng pana at pulbura sa
pakikidigma, at kalapati sa paghahatid ng mensahe.
2. Pinalakas ng krusada ang mga monarkiya sa
France at England at pinahina ang kapangyarihang
piyudalismo.
3. Nakilala ang mga produkto tulad ng pampalasa (spices
such as cinnamon, clove, nutmeg, ginger, pepper) , seda,
pabango, at gamot.
4. Sa panahon ng krusada, ang mga bapor ang
nagsilbing transportasyon.
PIYUDALISMO
• isang sistema ng pamamalakad ng lupang pag-
aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay
ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may
tungkuling maglingkod sa kanila
• sistemang politikal at militar
• ugnayan ng mga aristokrata at kanilang basalyo
kapalit ng serbisyong militar at iba pang
seguridad
• Aristokrata – mga maharlikang namumuno sa
isang lugar; galing sa napakayamang pamilya o
pamilya ng militar na may mataas na katayuan
• Basalyo (vassal) – tawag sa mga taong binigyan ng
hari o panginoon (lord/aristocrat) ng lupa kapalit
ng paglilingkod dito
• Fief – lupaing ipinagkaloob ng hari o aristokrata
• Knights – mga miyembro ng militar o hukbong
sandatahan na may mataas na katungkulan
• Pesante (peasants/serfs) – mga magsasaka o
mahihirap na tao na nagtatrabaho para sa mga
basalyo
KING

LORDS

KNIGHTS

PEASANTS
MANORYALISMO
• isang sistemang pang-ekonomiya o agricultural na
nakasentro sa nagsasariling estado na kung tawagin
ay manor
• manor – lupaing sakop bg isang panginoong may
lupa na binubuo ng kanyang kastilyo, simbahan, at
pamayanan na may 15 hanggang 30 pamilya
• ugnayan ng mga maharlika (noble/lord/aristocrat)
at hindi maharlika (peasant)
• tungkulin ng isang panginoong may lupa na
bigyan ng pabahay, lupang sakahan, at
proteksiyon ang mga naninirahan sa manor
• kapalit ng proteksiyon ay kailangang
magtrabaho ng mga pesante
• three-field system – tawag sa paghahati ng
bukirin sa tatlong bahagi: taniman sa pagsibol,
taniman sa taglagas, at lupang tiwangwang
ANG KABABAIHAN SA PANAHON NG
PIYUDALISMO AT MANORYALISMO
• Inaasikaso ang pagpapatakbo sa tahanan.
• Nagtuturo sa mga batang babae ng pagluluto,
paglalaba, pananahi, at pagbuburda.
• Kapag umalis ang asawa upang makidigma, siya ang
gumaganap bilang pinuno ng manor at tagapag-
alaga ng kastilyo.
• Limitado ang karapatan ng mga kababaihan.
• Hindi maaaring lumabas ng tahanan.
• Panganay na lalaking anak lamang ang maaaring
magmana ng mga lupain.
• Magkakaroon lamang ng lupain kapag ang
babae ang natitirang tagapagmana o kaya naging
balo ang asawa ng isang panginoong maylupa.
MGA DULOT NG PIYUDALISMO
• Karamihan sa mga panginoong sumama sa krusada
ay hindi na nakabalik.
• Lumakas ang kapangyarihan ng mga hari (monarkiya)
at binuwag ang pamamahala ng mga panginoong
maylupa.
• Ang krusada ay nagbukas ng kalakalan. Dahil dito,
nilisan ng mga tao ang bukid at nanirahan sa mga
bayan.
• Sa pagtatamo ng mga tao ng yaman, nabili nila ang
kanilang kalayaan mula sa mga panginoong maylupa.
• Nagkaroon ng black death na nakapagpabago sa
pamumuhay ng mga tao sa bukid. Ang black
death ay isang bubonic plague o pandemya na
sanhi ng bacterium Yersinia pestis na nakukuha
sa fleas (pulgas) ng malalaking daga. Ang taong
may sakit ay mabilis na makakahawa sa
pamamagitan ng person-to-person contact.

You might also like