You are on page 1of 8

GRADE V

Mga Programa ng mga Pangulo matapos ang People Power 1

ALAMIN MO

Malaking tagumpay ng People Power 1 ang pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand


Marcos matapos ang mahigit 20 taong paniniil at pagpapahirap sa mga Pilipino.

Hirap, gutom, init, sakit at pangamba ay tiniis ng mga Pilipino sa harap ng mga
tangkeng pandigma at mga sundalo ng Pangulong Marcos. Sa loob ng limang araw ay
nagtagumpay ang Pilipino at napatalsik si Pangulong Marcos. Ang kanyang paglisan ay
nag-iwan ng napakalaking suliranin ng mga sumunod na maging panngulo ng bansa
upang pangasiwaan ang pagbabagong-tatag ng pamahalaan, pagpapanumbalik ng
demokrasya, pangangalaga sa karapatang pantao, pagpapanatili ng katahimikan at
kaayusan, at pagpapasigla ng ekonomiya upang makahabol sa mga karatig-bansang
Asyano.

Sa modyul na ito ay matutunan mo ang ibat’t ibang mga programa ng mga pangulo
matapos ang People Power 1.

Handa ka na ba?

HKS 5 M-46
PAGBALIK-ARALAN MO

Sa nakaraang modyul ay pinapahalagahan mo ang mga kayanihan at pagkakaisa


ng mga Pilipino upang muling makamit ang kanilang kalayaan at karapatan. Matagumpay
na napatalsik sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon si Pangulong Ferdinand
Marcos na namahala sa bansa mahigit dalawangpong-taon at naging bagong pngulo ng
bansa si Ginang Corazon C. Aquino. Natatandaan mo pa ba kung sino si Pangulong
Corazon Aquino? Isulat ang kanyang mga katangian sa sa kahon na nasa ibaba:

Mga Katangian ni Pangulong Corazon C. Aquino

HKS 5 M-46
PAG-ARALAN MO

Suriin ang mga larawan na nasa ibaba. Sino-sino ang mga nasa larawan? Ano-ano
ang kanilang mga programa sa pag-unlad ng bansa matapos ang EDSA People Power 1?

Nakarating ang magkapatid na Eric Emmanuel at Angelic Joyce Galang sa EDSA


Shrine noong ika-28 ng Marso 2012. SIla ay 16 at 17 taong-gulang pa lang. Sa loob nito
ay nakita nila ang napakagandang museum at tahimik na simbahan. Manghang-mangha
ang magkapatid sa photo exhibit na nakikita nila sa loob ng shrine, dito nila unang
nasulyapan ang lahat ng mga larawan ng kabayanihan at pagkakaisa ng mga Pilipino sa
panahon ng EDSA People Power Rebolusyon noong Pebrero 1986. Habang pinagmasdan
ng magkapatid ang makatindig balahibong larawan ng rebolusyon, bigla nilang tinanong
ang kanilang mga sarili kung ano na ang kalagayan ng bansa ngayon pagkatapos ng
rebolusyon noon 1986. Kaya pagkadating nila sa paaralan ay tinanong nila ang guro nila
sa Araling Panlipunan 5.

Ito ang tugon ng guro nilang si Gene T. Cadungog tungkol sa mga mahahalagang
programa ng mga pangulo ng bansa pagkatapos ng EDSA People Power 1:

 Pagbabagong-tatag ng Pamahalaan
 Nilikha ang Presidential Commission on Human Rights at
Presidential Commission on Good Government
 Pagpapatibay ng Saligang Batas ng 1987
 Inilunsad ang Comprehensive Agrarian Reform Program
 Sinimulan ang patakarang National Reconciliation
 Libreng pag-aaral sa elementary at sekundarya at
pagbibigay ng tulong sa lahat ng pribadong paaralan
 Pagkatatag ng Philippine Sports Commission
 PAgtataguyod ng Lokal na Awtonomiya sa CAR at ARMM

HKS 5 M-46
 Pagpapatibay ng Medium-Term Philippine Development Plan
o Philippies 2000
 Binigyang-tuon ang people empowerment o sentro ang tao sa
pag-unlad
 Itinatag ang Presidential Committee to Fight Poverty (PCFP)
 Pagsuporta ng pamahalaan sa Subic Bay Freeport Zone
 Pagkatatag ng National Unification Commission (NUC)
 Pagbuo ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC)
 Inilunsad ang sistemang multigrade sa mga paaralan
 Batas na nagbigay espesyal na pribelihiyo sa mga senior
citizen

 Epektibong pamamalakad ng pamahalaan


 Itinaguyod ang komprehensibong repormang pansakahan at
namahagi ng 100,000 ektaryang lupang sakahan
 Paglunsad ng Enhanced Retail Access for the Poor (ERAP)
at pagtatag ng mga rolling stores

 Binigyang pansin ang mga hakbang upang matugunan ang


kakulangan sa badyet
 Ipinagpatuloy ang rolling stores
 Namahagi ng 200,000 ektaryang lupain
 Sinimulan ang pakikipagsundo ng pamahalaan sa mga CPP-
NPA at MILF

Lalong tumibay ang paniniwala at paghanga sa mga naging pangulo ng bansa ang
magkapatid na Eric at Angel dahil sa ipinaliwanag ng kanilang guro.

Ikaw, may mga iba ka pa bang nalalaman tungkol sa iba’t ibang program ng mga
pangulo ng ating bansa? Isulat ito sa ibaba:

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

HKS 5 M-46
PAGSANAYAN MO

A. Isulat mo sa “retrieval chart” ang mga mahalagang programa ng mga pangulo na


tumutugon sa mga hinaing ng mga mamamayan bago ang People Power Revolution 1.

Pangulong Corazon Pangulong Pangulong Joseph Pangulong


Aquino Fidel Ramos Estrada Gloria Arroyo

B. Sa palagay mo, magkakaugnay ba ang mga programa at patakaran nga mga pangulong
nabanggit? Bakit?

TANDAAN MO

Ang bawat panguo ng bansa ay tagapagtaguyod lamang upang matugunan ang


mga pangangailangan ng mga mamamayan. Maari silang mapatalsik o mapaalis sa
kanilang pwesto sa pamamagitan ng mga mamamayan. Kaya’t sinisikap ng mga pangulo
ng bansa na maibigay nila sa abot ng kanilang makakaya upang manatili ang kaayusan,
kaunlaran at kapayapaan ng bansa.

Ikaw, anong masasabi mo sa pangulo ng bansa sa kasalukuyan? Umunlad ba ang


buhay ng mga tao sa kanyang panunungkulan? Paano?

HKS 5 M-46
ISAPUSO MO

Kung ikaw ay pagpipiliin sa apat na pangulo ng bansa, sino ang pipiliin mo?
Bakit siya ang pinili mo? Sa palagay mo, Ano-ano ang mga katangian ng isang
mabuting pangulo? Kopyahin ang larawang bahay na nasa ibaba at isulat sa loob ng
bahay ang mga katangian ng isang mabuting pangulo ng bansa:

GAWIN MO

Gawin ang sumusunod sa iyong kwadernong sagutan.

Ilagay mo sa timeline ang sakop ng panunungkulan nina:

A. Pangulong Corazon Aquino - 1986-1992


B. Pangulong Fidel V. Ramos - 1992-1998
C. Pangulong Joseph Estrada - 1998-2001
D. Pangulong Gloria Arroyo - 2001-2004
- 2004-2010

1985 1995 2005 2015

HKS 5 M-46
1. Ilang taon ang panunungkulan ng bawat pangulo ng bansa?

________________________________________________________
2. Bakit maiksi ang taong panunungkulan ni Pangulong Joseph Estrada?

__________________________________________________________________
3. Bakit Mataas ang taong panunungkulan ni Pangulong Gloria Arroyo?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Nakakabuti ba ang kabuhayn ng bansa sa panunungkulan ni Pangulong Gloria
Arroyo? Bakit?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang pangalan ng mga pangulong nagpatupad ng sumusunod na mga


programa. Gawin ito sa iyong kwadernong sagutan.

1. Nagpatupad ng libreng pag-aaral sa elementarya at sekundarya.


2. Nagtulong sa mga mahihirap na makabili ng murang pagkain at gamot.
3. Sinimulan ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program
4. Tinaguriang Centinnial President dahil inihalal siya sa panahong ng ika-100
taong anibersryo ng kalayaan ng bansa.
5. Namigay ng humigit 200,000 ektaryang lupain sa mga magsasaka.
6. Nagpapaigting ng programa laban sa mga kriminal at human trafficking.
7. Nagbigay awtonomiya sa mga taga Cordillera at Moro.
8. Nagpaparami sa mga Rolling Stores sa bansa.
9. Namahagi ng 100,000 ektaryang lupang pansakahan.
10. Nagbigay ng espesyal na pribilihiyo para sa mga senior citizen.

HKS 5 M-46
PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Magsaliksik ng talambuhay ng kasalukuyang pangulo. Isulat ang kaniyang


mahahalagang programa para sa seguridad, ekonomiya, edukasyon, kalusugan at
ugnayang panlabas.

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na


modyul.

HKS 5 M-46

You might also like