You are on page 1of 26

PAG-AALAGA

NG MAYSAKIT,
BATA, AT
MATATANDA

Group 1
Miyembro ng grupo:
Bea
Jr
Reymoore
Cyril
NARANASAN MO NA BANG MAGKASAKIT?

1. Anu – ano ang iyong mga


naramdaman?
2. Naranasan mo na bang mag alaga ng
may sakit? Ano ang iyong ginawa?
Ang pag – aalaga ng may sakit sa
tahanan ay nangangahulugan ng
pag aaruga at pagmamaghal
kung kaya’t ang pakiramdam ng
may sakit, siya’y ligtas sa piling
ng mga mahal niya sa buhay.

Nagbibigay ito sa maysakit ng


hangaring siya’y gumaling agad
dahil alam niyang siya’y
inaalagaan at minamahal.
MGA DAPAT MALAMAN KAPAG MAYROONG
SAKIT ANG PAMILYA

1.Kaalaman ng mga sintomas ng sakit


2.Kaalaman sa pangunang lunas sa anumang sakit
3.Kaalaman sa pag- aalaga sa may sakit
4.Kaalaman sa pagpapasaya ng maysakit
PANUNUGUTAN SA MAYSAKIT NA KAANAK

Halina’t ating alamin ang mga sintomas ng karamdaman


1. Lagnat – Ang taong may lagnat ay higit na may mataas na temperature ng katawan kaysa sa
normal na kalagayan. Maaari itong malaman sa pamamagitan ng paggamit ng termometro.

Narito ng paggamit ng digital na termometro:


Pindotin ang on ng termometro
Punasan ang dulo ng termometro gamit ang alcohol
Ilagay ito sa dila o kili-kili. Iwasan ang pag lalagay ng termometro sa ilalim ng dila kung bata
pa ang maysakit. Mainam sa kili-kili na lamang ito ilagay. Kung sanggol pa naman ang
kukunan ng temperatura, ilagay ito sa puwit.
Hayaan ito ng tatlong minute saka tanggalin. Basahin ang numero ng temperatura. Ang
temperaturang umabot ng 37.6 degree Celsius pataas ay nangangahulagang may lagnat ang
pasyente.
• 2. Kirot – Ang pangingirot ay nangangahulugang
may diperensya sa bahaging ito ng katawan. Maaring
lagyan ito ng langis o anumang pain reliever. Kung
tumitindi at di nawawala ang pangingirot, mainam na
ipasuri ito sa espesyalista.

• 3. Bugnutin – Ang taong buntin ay balisa at


mayayamutin. Maaaring may nararamdaman siyang
kakaiba o may kirot siyang nararamdaman sa
kanyang katawan. Mainam na kausapin ang taong ito
upang malaman ang kayang dinaramdam.
4. Pagkahilo at Pagkawala ng Malay – Maraming
maaaring sanhi ang pagkahilo at pagkawala ng malay-
tao. Ito ay maaaring gutom, masakit ang ulo, anemia o
kakulangan sa dugo, at marami pang ibang
karamdaman. Luwagan ang damit at hayaang makahiga
ang pasyente na bahagyang nakataas ang paa kaysa sa
ulo. Painumin ng mainit na kape o tsaa pag
nagkamalay. Mainam na ikunsulta ito sa doktor kung
lagi itong nangyayari.

5. Hindi normal na pulso – Maaring napakabilis o


napakabagal ng pulso. Nakukuha ang pulso sa pagsalat
sa may bahagi ng leeg o kamay gamit ang magkadikit
na hintuturo at hinlalato. Komunsulta agad sa isang
doktor.
6. Walang Gana Kumain – Ang kawalan ng gana kumain
ay maaaring sintomas ng karamdaman o maaari din
namang may mabigat na suliranin ang pasyente. Mainam
na kausapin siya.

7. Galos – Hugasan sa dumadaloy na tubig o gumagamit


ng agua oxinada. Lagyan ng antiseptic o tintura de yodo
pagkatapos linisin. Sa panahon ngayon, betadine na ang
ginagamit sa pag lilinis ng sugat
• 8. Kagat ng Insekto – Maaaring pahiran ito ng ammonia,
medicated ointment, at iba pang pamahid

.
9. Puwing sa Mata – Iwasang kuskusin ang napuwing na mata.
Mainam ipikit-pikit at imulat-mulat ang mga mata upang
maluha. Ang luha ang siyang lilinis sa puwing.
10. Salubsob – Kung mababaw lamang ang salubsob
ay gumamit ng malinis na kamay para alisin ito.
Gumamit naman ng karayom o tyani na pinakuluan
kapag malalim.

11. Alibadbad/Pagduruwal – Pasukahin ang


pasyente sa pamamagitan ng soda water o solusyon
ng tubig at asin. Huwag bigyan ang pasyente ng
pagkain ang pasyente, mga isa o dalawang oras ng
pag susuka.

12. Pagdurugo ng Ilong – Itaas ng nakatuwid ang ulo


ng pasyente habang nakahiga. Lagyan ng ice pack ang
ilong kung patuloy ang pagdurugo.
KABINET NG GAMOT

Narito ang dapat nilalaman ng


kabinet ng mga gamot:
A. Bulak

B. Gasa
C. Benda
D. Tintura de yodo/Antiseptic
E. Ammonia
F. Alkohol
G. Mga gamot tulad ng
paracetamol, pamahid na langis,
antibiotiko, at iba pag gamot
MGA KARAMDAMAN NA NAKAKAHAWA AT
KAILANGANG IHIWALAY SA MGA KASAMBAHAY
UPANG MAIWASAN ANG PAGKALAT NG SAKIT

Ilan sa mga halimbawa nito ay


Ubo
Sipon
bulutong-tubig
hepatitis,
at TB.
Kung maaari ihiwalay din ang kanilang mga gamit lalo na ang gamit
nila sa pagkain.
M G A G AWA I N N A M A K A PA G D U L O T N G
K A G I N H AWA A N S A M AY SA K I T:

*Hayaan siyang magpahinga sa isang


tahimik at malamig na lugar
*Bigyan siya ng pagkakataon na
makapagpahinga nang walang abala
*Huwag gumawa ng kung anumang bagay
namaaaring makagambala sa kaniyang
pamamahinga
*Bigyan siya ng gamut o anumang bagay na
makakapag bigay sa kanya ng kaginhawaan
*Ipatingin sya sa espesyalista kung malubha
ang napapansing sintomas sa kanya
MGA GAWAIN NA MAKAPAGDULOT NG
KAGINHAWAAN SA MAYSAKIT:
**Tiyakin na malinis ang kanyang higaan at pati
na rin ang kanyang paligid
*Iwasan ang mga nakakasilaw na liwanag sa
kanyang ulunan
*Hayaang makalanghap siya ng sariwang hangin
*Bantayan siya upang mayroon siyang makausap
at magsisilbing pangangailangan niya
*Painumin siya ng gamot sa tamang oras
PAGPAPASAYA SA MAYSAKIT
• Bigyan siya ng bagay na mapapaglilibangan. Halimbawa
larawan ng pamilya, magasin, at iba pang kapaki-
pakinabang na basahin.
• Bigyan siya ng bulaklak upang maging espesyal ang
kaniyang pakiramdam sa sarili.
• Makipag kuwentuhan sa kanya ukol sa mga bagay na
kaniyang magugustuhan.
• Patugtugin ang kaniyang paboritong patugtugin.
• Hayaan siyang manood ng mga palabas na kaniyang
paborito.
PAG-AALAGA SA MATANDA AT MAYKAPANSANAN
Dapat malaman, maunawaan, at tanggapin
ang mga likas na ugali ng matatandang
kasapi ng pamilyaupang sila ay
mapangalagaan. Ang mga sumusunod ang
ilang mga katangian ng isang katangian:
• Mahinang pandinig at paningin
• Mahinang panunaw ng pagkain
• Humihinang kakayahang mag-isip
• Walang ganang kumain at madaling
magkasakit
• Naghahangad ng atensiyon, pagmamahal,
at pagkilala sa kahalagahan sa tahanan
M G A T U L O N G N A K A I L A N G A N N G N A K ATATA N D A S A K A N I L A N G P I S I K A L N A PA G H I A AT PA N G A N G A I L A N G A N G
SIKOLOHIKO

1. Bigyan ng masustansiyang pagkain at komportableng damit.


2. Magpakunsulta sa doktor upang matiyak ang kalusugan
3. Bigyan ng pag-uunawa at pagpapasensyia
4. Subay-bayan ang araw-araw na ginagawa nila upang maiwasang
makagawa ng anumang makakasakit sa kailang sarili.
5. Iparamdam na mahalaga sila sa pamilya sa pamamagitan ng
pagsali sa kanilang gawain na kapaki-kapakinabang.
6. Tulungan sila sa pag-aayos, pagdadamit, paghahanda, at iba pang
pangangailangan.
7. Ibigay ang kanilang gamot
8. Tulungan sila sa pamimili at pagbabadyet
9. Samahan sila sa kanilang pag-alis at paguwi ng bahay
10.Tulungan sa paggamit ng palikuran
PANGANGALAGA SA NAKABABATANG KAPATID

Narito ang mga aspetong sakop ng nakababatang


kapatid habang sila ay lumalaki:
1. Aspetong pisikal – tumutukoy sa mga buto at
kalamnan sa katawan habang na nagbabago
habang lumalaki
2. Aspetong intelektwal – tumutukoy sa kakayahang
mag isip para sa sarili.
3. Aspetong emosyonal – tumutukoy sa kakayahang
makaramdam ng pag-ibig, galit at iba pang
emosyon
4. Aspetong sosyal – tumutukoy sa pakikipag
ugnayan sa kapwa lalo na sa mga magulang,
kapatid, atbp.
MGA ASPETONG PAG UNLAD

1.Pag-unlad ng aspetong pisikal


Ang mga bata ay sadyang may marupok na buto at kalamnan. Sa tulong ng tamang
pagkain at paggalaw, ito ay tumitibay at nagiging matatag. Sa kaniyang paglaki,
natututo siyang umupo, tumayo, lumakad, tumakbo at kinalaunan ay maglaro.
Ang mga gawaing ito ay nakakatulong upang lalong matibay at matigas ang
kaniyang mga kalamnan at buto.
MGA ASPETONG PAG UNLAD

2. Pag-unlad ng Aspetong Intelektwal


Ayon sa isang pilosopo, ang utak ng musmos ay parang isang kuwadernong walang
laman. Hindi nito kayang mangatwiran o mag-isip man lamang. Ito ay kumikilos
lamang sa likas na pag-uugali o instinct.
Instinct – ang pwersang nagpapagalaw sa isang tao na hindi kailangang mag-isip
pa.
Halimbawa: kapag nagugutom ang mga sanggol ay inilalagay nila ang kamay sa
kanilang bibig upang ipahiwatig na sila ay nagugutom.

Sa kanilang paglaki, sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanila, natututunan nila


ang mga bagay sa kanilang paligid at kawagan sa mga ito. Natututunan din nilang
unawain ang maraming bagay na nagiging daan upang sila’y mangatwiran.
MGA ASPETONG PAG UNLAD

2. Pag-unlad ng Aspetong Emosyonal


Emosyon – tumutukoy sa iba’t –ibang damdamin
gaya ng pagmamahal, pagkagalit, pagkatuwa,
pagkatakot, at marami pang iba.

Ang sanggol ay nagpapakita lamang ng


limitadong emosyon. Umiiyak ito kapag
nararamdaman ang gutom, sakit, takot at galit.
Ngumingiti naman ito kapag nasisiyahan o
natutuwa. Habang siya’y lumalaki, natututunan
niyang ipakita ang iba pang emosyon na kaniyang
nararamdaman.
MGA ASPETONG PAG UNLAD

4. Pag-unlad ng Aspetong Sosyal


Ang musmos ay sadyang mahilig
makipaglaro. Ito ay kanyang pamamaraan sa
pagpapaunlad ng kaniyang pamilya, natututo
siyang makibagay at makipag ugnayan sa
mga kaibigan, kaklase at iba pang tao sa
pamayanan
PANGANGALAGA NG NAKABABATANG KAPATID

1.Pakainin ng masustansiyang pagkain :


tiyakin na nasa tamang oras ang pagpapakain at
angkop sa kaniyang edad ang ipapakain. Iwasan
ang pagpipilit sa bata na kumain, sa halip gawing
kasiya-siya ang oras ng pagkain. Ibigay sa kaniya
ang mga pagkaing masasarap, masusustansya at
madaling nguyain. Turuan siya ng tamang asal
habang kumakain. Mainam na bigyan siya ng
bibero upang maiwasang marumihan at Mabasa
ang kaniyang damit. Tuwinang painumin siya ng
tubig matapos kumain.
PANGANGALAGA NG NAKABABATANG KAPATID

2. Palagiang palitan ang kaniyang damit:

Ang bata ay mabilis pagpawisan dahil sa


kanyang paglalaro. Mainam na bigyan siya ng
bimpo sa likod upang maiwasan ang
pagbababad nito sa pawis. Palagiang ipasuot
ang mga damit na maginhawa sa kaniyang
pakiramdam gaya ng mga damit na walang
kuwelyo at manggas. Agad itong palitan kung
ito ay nabasa na ng pawis
PANGANGALAGA NG NAKABABATANG KAPATID

3. Panatilihin ang kalinisan ng kanyang


katawan:

Ang bata ay sadyang malilikot at mabilis na


marumihan. Mainam na siya ay lagging
paliguan ng maligamgam na tubig upang
mapanatili ang kanyang kalinisan. Iwasan ang
pagbababad sa kanya sa tubig upang hindi siya
malamigan. Punasan at bihisan kaagad
matapaso paliguan
PANGANGALAGA NG NAKABABATANG KAPATID

4. Samahan siya sa kaniyang paglilibang at


pagkatuto

Ang bata ay natututo mula sa mga taong nakapaligid sa


kanya. Turuan siya ng mga nursery rhyme at mga
pambatang awitin. Mainam na kausapin sila ng maayos
na pananalita upang mabilis siyang matutong magsalita.
Bigyan siya ng mga laruang walang panganib at
nakalilibang. Ilayo sa kaniya ang mga bagay na
matutulis, matitigas, at mababasag. Ang paglalaro ay
magtuturo sa kaniyang makibagay sa mga kapatid,
kaklase, kaibigan at iba pang tao sa pamayanan.

You might also like