You are on page 1of 32

Aralin 4: Panahon ng Epiko

Ang kapanahunan ng mga epiko ay bahagi din ng matandang panitikan. Nagsisimula ito
sa pali-palibot ng taong 1300 A.D. at natapos sa panahon ng pananakop ni Legaspi noong
1565. Maituturing na isa sa mga pinakamatagal ng panitikan panitikang Pilipino ang mga epiko.
May salaysay ng kabayanihan ang halos bawat pangkat etniko kaya’t mayaman ang matandang
panitikan sa epiko na nagpasalin-salin sa bibig ng tao.
Walang malinaw na tinutukoy kung alin sa mga epikong nasusulat ang pinakamatanda
ngunit dahil sa ang epikong Ibalon ng Bikol ay bumabanggit sa kauna-unang taong namuhay sa
kabikulan na nangyari noong bago pa magdelubyo ay siyang itinuturing na pinakamatanda sa
mga epiko, at ang Epikong Maratgtas naman ang itinuturing na pinakabata sa lahat dahil ito ay
bumabanggit sa mga kalinangan na malinaw na nangyari sa panahon bago ipanganak si Kristo.

Ang Epiko. Ang epiko ay mahabang tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol
sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan. Ang mga katangian na
makikita sa epiko ay ang pagkakaroon ng kaisahan ng banghay, mabilis na aksyon, paggamit
ng mga istoryang kababalaghan, at nakatitinag- damdamin at dakilang paksa. Ang ating mga
ninuno ay naglayong gamitin ang epiko para pangritwal at ipangaral sa mamamayan ang kani-
kanilang mga tungkulin sa sambayanan. Mababanaag ang uri ng kabihasnan, ang tradisyon at
kalinangan ng sinaunang Pilipino sa mga ito.Dahil sa mabagal ang takbo ng buhay noong
panahong iyon, maaring may impluwensiya ang kapanahunan ng alamat. Ang kaugalian,
tradisyon, pamahiin at pananampalataya ay patuloy pa rin sa karamihan sa mga pulo at mga
baranggay na nangatira. Tignan natin ang mga nandayuhan sa panahong ito na nagdala ng
pagbabago.

Ang mga Malay

Ang pandarayuhan ng mga Malay dito sa atin ay may tatlong sapit. Ang unang sapit ay
ang mga Malay na mamumugot o headhunters na naparito sa pagitan ng taong 200B B.C. at
taong 100 A.D. Ang mga Malay na ito ay may pananampalatayang pagano at mga awiting
panrelihiyon. Ang mga inanak nila ay ang mga Igorot, Bontok, Tinggiyan, atbp.
Ang Ikalawang sapit ay ginawa ng mga Malay na may Alibata. Sila’y naglakbay sa
pagitan ng 22 hanggang 1300 A.D. Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano,
Pangasinan, Kapampangan, Bikolano atbp. Ang ninuno ng mga Bisaya at Tagalog ay
nakarating dito noong 700 A.D. Mula sa Borneo, sila ay tumigil muna sa Panay at pagkaraan ng
ilang taon, ang mga Tagalog ay nagtuloy sa Mindoro at Taal.
Ang ikatlong sapit ay ang mga Mahometanong Malay. Sila’y dumating dito noong 1300
at 1500 taon at sila ang mga ninuno ng mga Morong hindi Maranaw. Nagdala sila ng epiko,
alamat, kuwentong bayan at pananampalatayang Islam.

Ipluwensiya ng Kambodya
Sa matandang tradisyon at talaalamatan ng Palawan at Mindoro at ilang bahagi ng
kapuluan ng Sulu ay may mga tiyak na katangian ng mga alamat ng Kambodya (Indo-Tsina).
Ayon sa mananaliksik may mga alamat sa Sulu na bumabanggit sa bayaning “ Orang
Dampuan”, isang bayaning Siames noong unang panahon. Ang matandang alpabeto ng mga
taga-Palawan at Mindoro ay katulad ng silabaryo sa peninsula ng Indo-Tsina, bagamat alam
nating ito’y galling sa mga Indo-Malay ng Sumatra at Borneo.
Ang Kaharian ng Madjapahit
Ang ating kapuluan ay sinakop ni Madjapahit sa kalagitnaan ng ika-14 na dantaon nang
siya ay nasa Java sa Indonesyo. Ang mga kalapit bansang nasakop niya gaya ng Indo-Tsina,
Kambodya, Siam, Annam at Tongkin ay binigyan ng kapahintulutan na magdala at magbili ng
mga kalakal. Kaya’t ang ating bansa ay nagkaroon ng impluwensiya ng mga banggit lalo na sa
panitikan. Ayon pa rin sa aklat ni Salazar (1995) , ang mga kuwentong bayan ng mga nabanggit
na lugar.

Ang Pananakop ng mga Intsik

Ang mga Intsik ang sumakop sa buong Malaysia at timog Silangang Asya sa ilalim ng
ikalawang eperador ng angkan ng Ming na si Yung Lo. Ayon sa aklat ni Panganiban (2005),
sinasabing sila’y nakarating dito noong 1405, 1408, at 1417. Si Cheng Ho, ang manlalakbay na
Intsik ay nanakop sa Pangasinan, Mindoro, Sulu at Maynila. Ngunit noong 1435. Si Cheng Ho
ay binawian ng buhay kayat nanghina ang pamumuno ni Yung Lo kaya’t napatigila ng
pananakop na ng Tsina Pilipinas. Ayon sa pilologo, ang lu-song ay salitang Intsik na
nangangahulugang “South of the storm belt” at ang sung-song ay nangangahulugang “north of
the storm belt”. Kung ito’y totoo, hindi mapag-aalinlangan na angsalitang Luzon o lusong ay
mula sa salitang Intsik.

Kaharian ng Malacca
Ang makapangyarihang kaharian na pumalit ay ang Imperyo ng Malacca, na mula sa Borneo,
ay sumakop sa mga pulo sa timog natin hanggang Luzon, sa palibot ng mga lawa ng Lanaw,
Bumbon (Taal), at Bai (Laguna). Ang mga pinuno ng kahariang ito ay nagpalaganap ng
Mahometanismo (Ito marahil ang pinanggalingan ng ugaling-salita ng mga taga-Batanga at
Laguna na “Al-a-naman!” o “Al-a-eh!”.

Ang iba’t ibang pangkat ng mga Pilipino ay may kanya-kanyang epiko.

Ilan sa mga epikong isinulat ay:

1. Epiko ng Iloko- Biag ni Lam-ang

2. Epiko ng mga Ifugao- Hudhud at Alim
3. Epiko ng Bikol- Ibalon at Aslon
4. Epiko ng Tagalog-Kumintang
5. Epiko ng mga Moro-Darangan: Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Daramoke-a-Babay
6. Epikong Hiram sa Malay-Bidasari
7. Epiko ng mga Bisaya- Maragtas, Lagda, Haraya, at Hari sa Bukid.
8. Epiko ng mga Bagobo- Tuwaang

Ang mga Malay

Ang pandarayuhan ng mga Malay dito sa atin ay may tatlong sapit. Ang unang
sapit ay ang mga Malay na mamumugot o headhunters na naparito sa pagitan ng taong
200 B.C. at taong 100 A.D. Ang mga Malay na ito ay may pananampalatayang pagano
at mga awiting panrelihiyon. Ang mga inanak nila ay ang mga Igorot, Bontok, Tinggiyan,
atbp.
Ang ikalawang sapit ay ginawa ng mga Malay na may Alibata. Sila’y naglakbay
sa pagitan ng 22 hanggang 1300 A. D. Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya,
Ilokano, Pangasinan, Kapampangan, Bikolano atbp. Ang ninuno ng mga Bisaya at
Tagalog ay nakarating dito noong 700 A.D. Mula sa Borneo, sila ay tumigil muna sa
Panay at pagkaraan ng ilang taon, ang mga Tagalog ay nagtuloy sa Mindoro at Taal.
Ang ikatlong sapit ay ang mga Mahometanong Malay. Sila’y dumating dito noong
1300 at 1500 taon at sila ang mga ninuno ng mga Morong hindi Maranaw. Nagdala sila
epiko, alamat, kuwentong bayan at pananampalatayang Islam.

Impluwensiya ng Kambodya
Sa matandang tradisyon at talaalamatan ng Palawan at Mindoro at ilang bahagi
ng kapuluan ng Sulu ay may mga tiyak na katangian ng mga alamat ng Kambodya
(Indo-Tsina). Ayon sa mananaliksik may mga alamat sa Sulu na bumabanggit sa
bayaning “Orang Dampuan”, isang bayaning Siames noong unang panahon. Ang
matandang alpabeto ng mga taga-Palawan at Mindoro ay katulad ng mga silabaryo sa
peninsula ng Indo-Tsina, bagamat alam nating ito’y galing sa mga Indo-Malay ng
Sumatra at Borneo.

Ang Kaharian ng Madjapahit.

Ang ating kapuluan ay sinakop ni Madjapahit sa kalagitnaan ng ika-14 na
dantaon nang siya ay nasa Java sa Indonesyo. Ang mga kalapit bansang nasakop niya
gaya ng Indo-Tsina, Kambodya, Siam, Annam at Tongkin ay binigyan ng kapahintulutan
na magdala at magbili ng mga kalakal. Kaya’t ang ating bansa ay nagkaroon ng
impluwensiya ng mga nabanggit lalo na sa panitikan. Ayon pa rin sa aklat ni Salazar
(1995), ang mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay kagaya ng
mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na lugar

Ang Pananakop ng mga Intsik

Ang mga Intsik ang sumakop sa buong Malaysia at timog Silangang Asya. Sa
ilalim ng ikalawang emperador ng angkan ng Ming na si Yung Lo. Ayon sa aklat ni
Panganiban (2005), sinasabing sila’y nakarating dito noong 1405, 1408 at 1417 sa ilalim
ng pamumuno ng almiranteng si Cheng Ho, ang mananalakay na Intsik ay nanakop sa
Pangasinan, Mindoro, Sulu at Maynila. Noong 1405 ay aging gobenador ng Luzon ang
isang Intsik na si Ko-Ch’a- Lao. Ngunit noong 1435, si Cheng ho ay binawian ng buhay
kayat nanghina ang pamumuno ni Yung Lo. Napabayaan na ng Tsina ang Pilipinas.
Ayon sa mga pilologo, ang lu-song ay salitang Intsik na nangangahulugang “south of the
storm belt” at ang sung-song ay nangangahulugang “north of the storm belt”. Kung ito’y
totoo, hindi mapag-aalinlangan na ang salitang Luzon o lusong ay mula sa salitang
Intsik.

Kaharian ng Malacca
Ang makapangyarihang kaharian na pumalit ay ang Imperyo ng Malacca, na mula sa
Borneo, ay sumakop sa mga pulo sa timog natin hanggang Luzon, sa palibot ng mga
lawa ng Lanaw, Bumbon (Taal), at Bai (Laguna). Ang mga pinuno ng kahariang ito ay
nagpalaganap ng Mahometanismo (Ito marahil ang pinanggalingan ng ugaling-salita ng
mga taga-Batanga at Laguna na “Al-a-naman!” o “Al-a-eh!”.
Talaaan ng mga Epiko mula sa iba’t ibang Pangkat

1. Biag ni Lam-ang – Epiko ng mga Ilokano

2. Hudhud at Alim- Epiko ng mga Ifugao
3. Ibalon at Aslon- Epiko ng Bikol
4. Kumintang- Epiko ng mga Tagalog
5. Darangan: Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Daramoke-a-babay- Epiko ng mga
Moro
6. Bidasari- Epikong Hiram sa Malay
7. Tuwaang – Epiko ng mga Bagobo
8. Maragtas, Lagda, Haraya at Hari sa Bukid- Epiko ng mga Bisaya

Buod ng Mga Kilalang Epiko

Biag ni Lam-ang

Pedro Bukaneg- isinilang siya noong Marso 1592 ngunit dala ng kanyang kapansanan
pagiging bulag sa pagkasilang siya ay itinapon ng kanyang mga magulang sa Ilog ng
Abra, isang babae ang nakapulot sa kanya at siya ay binigyan ng pangalang Pedro
Bukaneg, at nang lumaki ay inampon siya ng mga paring Agustino at dinala sa maynila.
Si Bukaneg ay naging dalubhasa sa wikang Kastila at Samtoy (wikang Ilokano). Noong
1640 ay hinalaw niya ang “Biag ni Lam-ang” mula sa saling-bibig ng isang matanda at
isinulat niya sa Samtoy kung may mga pagbabago man sa nilalaman ng epiko sapagkat
itoy isinulat ni Bukanes sa ganang kanyang sarili o maaring mula na rin sa payo ng mga
paring Agustino.

Buood ng Biag ni Lam-ang

Sina Don Juan at Namongan ay mag-asawa na taga- Nalbuan. Sa kanyang

paglilihi, nakagiliwang kainin ni Namongan ang mga hilaw na sampalok, pias (kamias) at
daligan (balimbing), gayundin ang mga hinog na bayabas, dalanghita at buko o murang
niyog. Gustung- gusto rin niya ang talaba, hipon, kabibe at mga damong – dagat.
            Sa ikapitong buwan ng kanyang pagbubuntis, humiling si Namongan sa
kanyang asawa ng balitang, isang uri ng papag na mataas ang dakong ulunan. Sa
pamamagitan ng kidlat at kulog, naputol ni Don Juan ang mga kailangang kawayan sa
paggawa ng balitang. Upang hindi na mahirapan sa pagbubuhat, inutusan niya ang mga
kawayang magpauna na sa kanya patungo sa kanilang looban.
             May iba pang inihanda si Don Juan tulad ng panggatong, tapayan, kalan at
palayok at panggamot na mga dahon- lahat ay kailangan sa panganganak ni
Namongan. Pagkaraan ng paghahanda, humayo na si Don Juan upang makipaglaban
sa mga kaaway na Igorot. Ngunit hindi na siya nakita mula noon.

          Nang isinilang si Lam-ang, sa tulong ng matandang maninisid na si Marcos,

marunong na agad siyang magsalita. Siya ang pumili ng kanyang pangalan at ang
kanyang ninong sa binyag, ang matandang si Gibuan. Nag-usisa rin si Lam-ang kung
siya ay lehitimong anak o bastardo.
            Nang mabatid ang pagtungo ng ama sa bundok, naisip niya na tungkulin
niyang tiyakin ang naging kapalaran ng ama. Nagpaalam siya sa ina at hinarap ang mga
Igorot sa bundok na nagsasayawan sa harap ng ulo ng kanyang ama. Hinamon niya sa
isang labanan hindi lamang ang mga pinuno kundi ang lahat ng mga Igorot. Tinanggap
ang hamon, kaya pinaulanan ng mga ito si Lam-ang ng mga sibat ngunit nasalo naman
niyang lahat ang mga iyon.
             Sa madaling salita, natalo ni Lam-ang ang mga Igorot. Umagos sa ilog Vigan
ang dugo ng mga ito.

             Bumaba sa bundok si Lam-ang na nanlalagkit at duming-dumi ang buhok.

Naisipan pa niyang linisin ang kamalig ng palay ng ama na hindi nagagawa sa loob ng
siyam na taon. Pagkaraan, sa tunog ng longgangan (gong), ipinatawag niya ang
kanyang mga kaibigang babai upang patulong sa mga ito sa paliligo sa ilog Amburayan.
Nang mahugasan na ang kanyang buhok, nalason ang tubig at nag-unahan sa
pagsampa sa pampang ang mga isda, banagan at mga igat.

             Upang masubok pa ang kanyang kakayahan, sinisid niya ang mga buwaya
sa ilog. Nang magapi niya ang mga ito ay ipinatanggal niya sa mga kaibigang babai ang
mga ngipin ng hayop upang gawing talisman.

Panliligaw ni Lam-ang.

            Nabalitaan ni Lam-ang ang kagandahan ni Donya Ines Kanoyan ng

Kalanutian. Nagbihis siya ng magara at nagpasiyang umakyat ng ligaw kahit
pinaalalahanan siya ng ina na mabibigo lamang. Isinama niya ang kanyang puting
tandang at alagang aso.

           Noo’y nasalubong ni Lam-ang sa daan ang malahiganteng si Sumarang. Ga-

pinggan ang mga mata nito at ang ilong ay sinlaki ng magkatabing dalawang paa.
Nagtangka itong pigilin siya sa pagtungo kay Donya Ines. Nang hindi papigil, sinibat siya
ni Sumarang ngunit nasalo niya ang sandata nito. Pagkaraang bigyan ng babala, si
Lam-ang naman ang naghagis ng sibat kay Sumarang. Sa tulong ng hangin, natangay
si Sumarang ng sibat ni Lam-ang hanggang sa ikasiyam na bundok.

           Pagdating ni Lam-ang sa bahay ni Donya Ines, nakita niya ang maraming
manliligaw. Ang bawat isa’y ibig tawagin ang pansin ng dalaga. Nakaisip siya ng paraan
upang sa kanya mapabaling ang pansin ni Donya Ines. Pinapagaspas niya ang mga
pakpak ng kanyang puting tandang at ang palikuran ng dalaga’y gumuho sa lupa.
Napatakbo sa may bintana si Donya Ines sa pagkagulat. Kasunod halos niyon,
pinaungol ni Lam-ang ang kanyang aso at ang gumuhong palikuran ay naitindig muli.
Humanga si Donya Ines sa kanyang nasaksihan kaya nanaog siya’t inanyayahang
pumanhik sa bahay si Lam-ang. Pinaupo siya sa luklukang balot ng ginto, ipinagsaing
siya at ipinagkatay ng inahing manok. Lahat ng kinain ni Lam-ang ay dinampot niya
mula sa mga pinggang pinagkunan din ni Donya Ines ng pagkain nito.
Pagkapananghalian, inusisa ni Lam-ang ang mga  magulang ng dalaga hinggil sa
kanyang sadya. Sumagot ang kanyang puting tandang; “Ibig magbigay galang ng aming
Panginoon sa inyong mag-anak; at kung mararapatin ninyo, ibig niyang pakasalan ang
inyong anak,“ Hindi tumutol ang mga magulang ni Donya Ines, ngunit humiling kay Lam-
ang ng dote, kasabay ng pagpaparangal ng mga kasangkapan sa kanilang bahay na
yari sa lantay na ginto

            Sumagot si Lam-ang na madali niyang maibigay ang dote. Hindi mauubos ang
laman ng kanyang mga palaisdaan, may dalawang barkong ginto ang kanyang angkan
na nakipagkalakalan sa Tsina na kinaroroonan ng kanyang mga kamag-anak, at
mayroon naman siyang kayamanan na hindi mababawasan nang pagayun-gayon
lamang.

            Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Pinatunog ang longgangan at dumating ang

lahat ng mamamayan doon. Ipinahayag niyang lahat ay sasama sa kanya sa Kalanutian
upang saksihan ang kanyang  kasal. Naghanda sila ng mga baboy, kambing, gulay,
isda. Gayundin, nagdala sila ng mga katingan, palayok, palangana, at mga inumin.
Inihanda din ni Lam-ang ang  kanyang dote kay Donya Ines.

          Pagdating sa Kalanutian, magiliw na tinanggap ang lahat ng mga panauhing

sumaksi at pagkaraa’y dumalo sa kainan, sayawan, at inuman. Inanyayahan ni Lam-ang
ang mga kababayan ni Donya Ines sa Nalbuan at silang lahat ay sumakay sa dalawang
barkong ginto. Pagdating sa Nalbuan, nagpatuloy ang padiriwang hanggang sa
mapagod ang mga tao at magsipag- uwian. Si Donya Ines naman ay iniwan na ng
kanyang kapatid na babaing si Unnayan kay Lam-ang at umuwi ito.

Pagkaraan ng ilang panahon, napatoka kay Lam-ang ang pangingisda ng rarang,

isang kaugalian sa Nalbuan. Nagkaroon siya ng pangitaing kakainin siya ng mabangis
na isdang berkakan. Umano, kapag nangyari ito sasayaw ang kanilang hagdan,
magbabakbakan ang mga nakasabit sa dingding at magkakapiraso ang kanilang kalan.
Nangyari nga ito nang sa pagsisid niya sa rarang, hustung-husto napasuot siya sa
malaking bibig ng berkakan.

Nanimdim si Donya Ines. Hindi nagtagal, ipinasisid niya ang mga buto ng asawa,
sa tulong ng matandang Marcos. Natagpuan naman ang mga buto at saka pinagsama-
sama at inayos. Tinakpan iyon ni Donya Ines ng bidang (tapi) at pagtalikod niya,
tumilaok ang tandang at pumagaspas ang inahin ni Lam-ang. Kumahol naman nang
makalawa ang kanyang aso. Pagkaraan ng ilang sandali, binigyan niya ng salapi ang
matandang Marcos, niyakap at hinagkan ang kanyang mga alaga.

Epiko ng mga Ifugao

Ang mga Ifugao ay nabalita sa buong daigdig dahil sa kanilang mga hinagdang
palayan sa kabundukan ng Bontok at Banaue. sa lalawigang bulubundukin ng mga
Ifugao ay may dalawang tanyag na epikong kung maisasaayos ang pagsasalaysay ay
maaring maipantay sa epikong “Ramayana” ng India.

Hudhud ng mga Ifugao. Binubuo ng mga salaysay hinggil sa kalinangan ng mga Ipugaw
at sa buhay ng kanilang bayaning si Aliguyon, na taga- Gonhandan. Ayon sa mga
Ipugaw, may ilang bahagi ng Hudhud na inaawit nila sa iba’t ibang okasyon tulad sa
kasalan, panggagamot at sa patay.

Sa bayan ng mga Ipugaw ay may dalawang tribung matagal nang may alitan. Ang
unang tribu ay ang mga taga-Hananga na pinamumunuan ni Amtalao at anak niyang si
Aliguyon. Ang mag-amang Pangaiwan at anak niyang si Pumbakhayon sa isa pang
tribu.

Isang araw humingi ng palatandaan si Aliguyon sa kanyang tandang at ibong Idao ukol
sa kanyang pasyang muling ipagpatuloy ang matagal nang nahintong alitan ng
dalawang tribu. Positibo naman ang ibinigay na palatandaan ng tandang at ibon kaya
agad nilang pinuntahan ang palayan ng Daligdigan kung saan naroroon si
Pumbakhayon at hinamon ng laban.

Hinarap naman sila ni Pumbakhayon. Ipinaalam agad ni Aliguyon ang kanilang tunay na
pakay. Sa pagkakataong iyon, lihim na humanga si Aliguyon sa makisig na si
Pumbakhayon. Tinanggap niya ang hamon nito at sinabing magkikita sila sa imbakan ng
palay. Umuwi muna siya upang kumain at humingi rin ng palatandaan sa tandang.
Maganda rin ang ibinigay sa kanyang palatandaan at pinuntahan na niya ang kanyang
makakalaban.

Sa unang pagpapalitan ng kanilang ulos ng kanilang sibat, nalaman na nilang sila’y

magkapantay ng talino at lakas. Sa palayan ng Daligdigan sila naglaban sapagkat hindi
pumayag si Aliguyon na ganapin ang laban sa ibang lugar
.
Pinuri at pinalakpakan ng mga kababaihan ng Daligdigan ang katribung si
Pumbakhayon. Dumating si Daulayan, ina ni Pumbakhayon, kasama ang kanyang
bunsong si Bugan. Pinangaralan ang dalawang naglalaban at tinanong kung bakit di pa
nila itigil ang laban gayong magkapareho naman sila ng lakas. Hiniling niya kay
Aliguyon na makapananghalian muna ang anak na si Pumbakhayon at pumayag naman
ito.

Ipinagpatuloy ang laban pagkatapos mananghalian si Pumbakhayon. Napaurong ni

Aliguyon ang kalaban sa bakod na bato at sa kulungan ng manok. Subalit pagkatapos,
siya naman ang naitaboy sa hagdanang palayan patungo sa ilog. Hindi
mapagpasiyahan ang laban ng dalawa. Lumipas ang isa’t kalahating taong labanan sa
palayan ng Daligdigan. Napansin ni Aliguyon na walang tumubong palay sa palayan
kaya nagpaalam muna sa kalaban na umuwi sa Hannanga. Pumayag naman ang
kalaban subalit sinabing susunod sila doon ng kanyang mga kasamahan.

Nagdiwang ang mga taga- Hannanga sa pagbalik ni Pumbakhayon. Subalit

kinaumagahan, dumating ang pangkat ni Pumbakhayon at muling naglaban ang dalawa.
Patas pa rin ang laban. Dumating si Dumalao, ina ni Aliguyon at kasama ang bunsong si
Aginaya. Nagpahinga ang magkatunggali at nagsipagnganga. Muli silang naglaban at
lumipas ang isang taon patas pa rin ang labanan.
.
Nagpaalam naman si Pumbakhayon upang umuwi sa Daligdigan. Pumayag naman ang
katunggali subalit sinabing susunod rin sila ng kanyang mga kasamahan. Nagdiwang
ang mga taga-Daligdigan sa pagbabalik ni Pumbakhayon. Subalit hindi nagtagal,
dumating sina Aliguyon at ipinagpatuloy na naman nila ang labanan. Tulad ng dati,
dahil pareho sila ng lakas at tapang, pantay pa rin ang laban.

Napabantog sa buong Ipugaw ang kagila-gilalas na labanan ng dalawa. Nabalitaan ito ni

Daulayan, masugid na manliligaw ni Bugan na bunsong kapatid ni Pumbakhayon.
Pumunta siya sa Daligdigan upang ipaghiganti ang inakala niyang namatay na si
Pumbakhayon. Nagtaka siya’t nakita niyang buhay na buhay si Pumbakhayon na
nakikipaglaban. Sa pamamagitan ng mga taong nakasaksi sa labanan, ipinaalam niyang
ibig niyang makausap ang babayawin. Nagpakilala siya dito at sinabing ibig niyang
hamunin ang lalaking di-umano ay nakapatay sa kanyang babayawin. Sinagot siya ni
Pumbakhayon na paano siya mapapatay gayong mahusay siyang mandirigma. Hiniling
ni Daulayan na siya ang haharap kay Aliguyon. Sa kapipilit niya, pumayag na rin si
Pumbakhayon.

Halos hindi masalo ni Daulayan ang sibat kaya tinanong niya ang bagong katunggali.
Sumagot ang kaharap na siya si Daulayan, ang bayaw ni Pumbakhayon. Inasinta ni
Aliguyon ang kalaban at tinamaan ito sa pagitan ng tansong pulseras sa binti. Sa
pagbagsak niya’y agad siyang nilapitan ni Aliguyon upang tuluyang pugutan ng ulo.
Ngunit nagmakaawa si Daulayan na huwag siyang patayin at bilang kapalit
ipanagkaloob niya ang kanyang kuwintas kay Aliguyon.
.
Ipinakuha ni Aliguyon kay Pumbakhayon si Daulayan sa putikan. Buong pag-uyam na
sumagot si Pumbakhayon na kahiya-hiyang sumpa ang nangyari kay Daulayan at ayaw
niya itong maging bayaw. Sinabi niyang ang maaari lamang niyang pahintulutang
maging bayaw ay si Aliguyon.

Mula noon, nagkabati ang magkalabang pangkat. Nagbunyi at nagkasayahan ang lahat.
Kinabukasan, hiningi ni Aliguyon ang kamay ni Bugan sa ama nito. Tinanggap naman
siya ni Pangaiwan na maging manugang sa tulong ni Pumbakhayon.

Umuwi si Aliguyon sa Hannanga upang ihanda ang magiging tahanan nila ni Bugan.
Kasama niya si Pumbakhayon upang wakasan na ang alitan ng dalawang tribu at
isaayos ang kasal nina Aliguyon at Bugan.

Pagkatapos ng inuman, humingi siya ng palatandaan sa tandang upang basbasan ang

pag-iisang dibdib ng dalawa. Pagkatapos ay humiling na lapitan siya ng mga dalaga
upang kanyang awitan. Isa sa mga dalaga ay si Aginaya, ang kapatid ni Aliguyon.

Idinaos ang kasal nina Aliguyon at Bugan. Kasama naman ni Pumbakhayon si Aginaya
nang siya’y umuwi sa Daligdigan sapagkat sila naman ang ikakasal.

Ang dalawang tribu ay pinagbuklod ng pag-ibig. Napabantog sila sa buong

bayan ng Ipugaw sa pagiging mayaman at marangal

Alim ng mga Ifugao. Ito ay kuwento tungkol sa kanilang bathala at sa ilang pangyayari
sa ipinalalagay na langit ng mga Ipugaw.

Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain
ay saganang-sagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda. Ang mga
kagubatan ay may maraming mga hayop na madaling hulihin. Walang suliranin ang mga
tao tungkol sa pagkain. Pag ibig nilang kumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng
biyas ng kawayan at naroroon na ang bigas na isasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya
ring pagsasaingan. Noon, ang daigdig ay patag na patag maliban sa dalawang
bundok. : Ang Bundok ng Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan.

Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga ilog. Namatay
ang mga tao. Humukay ng ilog ang ilang natitirang tao. Ang tubig ay bumalong. Natuwa
ang mga tao at sila ay nagdiwang. Subalit bumuhos ang malakas na ulan, umapaw ang
mga ilog. Tumaas nang tumaas ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang
bundok subalit inabot din sila ng baha. Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa
magkapatid na sina Bugan at Wigan.

Nang humupa na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng

Kalawitan. Nakita ito ni Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw.
Pumunta si Wigan kay Bugan. Nalaman nilang silang dalawa lamang magkapatid ang
natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng bahay si Wigan na tinirahan nila ni Bugan.
Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay nagdalantao. Dahil sa malaking kahihiyan
tinangka ni Bugan na magpakamatay.

Pinigil siya ng isang matanda na bathala ng mga Ifugao, Si Maknungan. Ikinasal ni

Makanungan sina Wigan at Bugan. Nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at
apat na babai. Nang dumating sila sa hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa
apat na babai. Ang bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa.Namuhay
silang masagana.

Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot. Wala silang ani. Naalala ni
Wigan at ni Bugan si Makanungan. Sila'y nanawagan dito at hinandugan nila ng alay na
daga. Patuloy pa rin ang tagtuyot. Naisipan nilang si Igon ang patayin at siyang ihandog
sa Bathala. Natapos ang pagsasalat at tuyot.

Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at paghahandog ng

buhay ni Igon. Isinumpa niya ang mga anak nina Wigan at Bugan. Sinabi niyang
maghiwa-hiwalay ang magkakapatid - sa timog, sa hilaga, sa kanluran, sa silangan.
Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag-aaway at magpapatayan. Kaya't ang mga tribong ito
ng mga tao sa kabundukan, magpahangga ngayon ay naglalaban at nagpapatayan.

Kumintang ng mga Tagalog. Hanggang ngayon ay hindi pa nabuong mapagtagni-tagni

ng mga mananaliksik ang mga bahagi ng mga watak-watak na mga bahagi na awiting
pandigmaan. Ayon kay Panganiban (2005) natatandaan pa ng matatanda sa Batangas,
Laguna, Quezon, Riizal, at Cavite. Ito ay ang kasaysayan ng mga pakikidigma ng mga
kawal nina Datu Dumangsil ng Taal, Datu Balkasusa ng Quezon, at Bai ng Talim. Ito rin
ay ukol sa kasaysayan ng pagsugo ng Haring Solodan sa kanyang tatlong anak a na
sina Bagtas, Mandukit at Dikyaw buhat sa kaharian ng Madjapahit tungo sa Mai at
Luzon na bahagi noon ng Kaharian ng Lontok.

Ibalon ng Bikol. Ilang dahon ng orihinal na sulat Bikol ng epiko ay iningatan ni P. Jose
Castaño bilang alala ng kanyang pagkapari sa Kabikulan noong ika-19 na dantaon.
Isinalin niya ito sa Kastila (Panganiban 2005). Ang “Ibalon“ isang epikong
nagsasalaysay ng kamula-mulaang panahon ng mga unang nanirahan sa mga lupaing
Aslon at Ibalon. Ang epikong ito ay sinabing isinasalaysay ng isang makatang
manlalakbay na si Kadugnong.

Si Baltog ay anak ni Haring Handiong na namuno sa Samar. Si Baltog ay Isang

mandirigmang manlalakbay na binaybay ang Samar hanggang makarating siya ng
Ibalon, matapos ang Gunaw o ang malaking baha. Doon nakasalamuha niya ang mga
buwayang nagliliparan pati na rin ang mga higanteng baboyramo. Siya ay isang
malakas at makisig na mandirigma kung kaya’t walang tumagal na nilalang sa kanya.
Lahat sila ay agad niyang napatay. Subalit mayroong katangi-tanging halimaw doon na
hindi niya masupil. Ito ay ang ahas na may mukha ng babai na nagngangalang Oriol.
Hindi niya ito mapasuko kung kaya’t humingi siya ng tulong sa kanyang ama. Kahit na
dalawa na silang lumaban dito hindi pa rin nila ito magawang matalo. Sa kabutihang
palad, si Oriol ay nakisanib puwersa sa mag-ama at sinugpo lahat ng masasamang
elemento. Nang masiguro ni Baltog na ligtas nang lipatan ang Ibalon ay pinalipat niya
ang kanyang kaharian. Nagsilikas ang mga nasasakupan nila at namuno sila sa Bikol.
Tinuruan ng mag- ama ang kanilang mga nasasakupan ng wastong pamumuhay at mga
industriya. Ang lahat ay namuhay nang maligaya at matiwasay sapagkat itinuro ng mag-
ama ang mabuting pagpapasunuran ng Panginoon at alipin.

Mga Epiko ng mga Bisaya

Ang mga Bisaya ay may apat na epiko: tatlong laganap sa Panay at isang hinggil sa
bundok ng Kanlaon sa Negros.

Ang Maragtas. Ang epikong Maragtas ay kasaysayan ng sampung magigiting,

matatapang at mararangal na datu na tumakas sa kalupitan ni Sultan Makatunao ng
Borneo.Nagtungo sila sa Panay at binili nila ito kay haring Agtang na si Marikudo. Ang
mga datu ay pinamunuan ni Datu Puti.

Ang kasaysayan ng kanilang paglalakbay mula Borneo patungo sa pulo ng Panay

ay buong kasiyahan at pagmamamalaking isinalaysay ng mga taga-Panay. Ayon sa
ilang ulat at pananaliksik na pinagtahi-tahi at pinagdugtung-dugtong, ganito ang mga
pangyayari:

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si

Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring
pinupugayan ng dangal ang mga babai, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga
datu na nasa ilalim niya.
Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at
angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan
Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay sultan Makatunao. Nag-
usap- usap silang palihim. Naisipan din nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng

maraming bansa at marami siyang alam tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu
Paiborong at ni Datu Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na
nais nilang gawin. Ayaw ni Sumakwel sa balak na paglaban.

Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong ministro ni

Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban.
Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa
Borneo. Hindi nila magagapi si Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang
mamamatay. Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni
Sultan Makatunao at hahanap sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila nang
malaya at maunlad. Sila'y mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila'y tatakas sa Borneo. Palihim
silang naghanda ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay.
Naghanda sila ng maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay.
Hindi lamang pagkain ang kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng
halamang kanilang itatanim sa daratnan nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni
Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang malaking pananagutan niya sa
gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni Datu Puti ang itinuturing
na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.

Isang hatinggabi, lulan sa kanilang mga biniday o barangay, pumalaot ng dagat

ang sampung datu kasama ang kanilang asawa at mga anak at buong pamilya pati mga
katulong. Sa sampung matatapang na datu, anim ang may asawa at apat ang binata. Si
Sumakwel ay bagong kasal kay Kapinangan, si Datu Bangkaya ay kasal kay Katorong
na kapatid ni Sumakwel. Ang mag-asawang si Datu Paiborong at Pabulanan, si Datu
Domangsol at ang asawang si Kabiling, ang mag-asawang si Datu Padihinog at
Ribongsapaw, Si Datu Puti at ang kanyang asawang si Pinampangan. Ang apat na
binatang datu ay sina Domingsel, Balensuela, Dumalogdog at Lubay

Ang mga taga-Borneo ay kilala sa tawag na Bisya o Bisaya. Malakas ang loob
nila na pumalaot sa dagat pagkat batid nila ang pagiging bihasa ni Datu Puti at ni
Sumakwel sa paglalayag. Nakita nang minsan ni Sumakwel ang isang pulo makalagpas
ang pulo ng Palawan. Alam niya na ang naninirahan dito ay mga Ati, na pawang
mababait at namumuhay nang tahimik. Alam din niya kung gaano kayaman ang pulo.

Nasa unahan ang barangay ni Datu Puti. Makaraan ang ilang araw at gabi nilang
paglalakbay, narating nila ang pulo ng Panay. Ang matandang pangalan nito ay
Aninipay.

Bumaba si Datu Puti at naglakad-lakad. Nakita niya ang isang Ati. Siya ay
katutubo sa pulong iyon. Pandak, maitim, kulot ang buhok at sapad ang ilong. Sa tulong
ng kasama ni Datu Puti na marunong ng wikain ng katutubo ay itinanong niya kung sino
ang pinuno sa pulong iyon at kung saan ito nakatira. Ipinabalita ni Datu Puti kay
Marikudo na silang mga Bisaya mula sa Borneo ay nais makipagkaibigan.

Si Marikudo ay siyang hari ng Aninipay. Siya ay mabuting pinuno. Ang lahat sa

pulo ay masaya, masagana at matahimik na namumuhay.Walang magnanakaw. Ang
lahat ay masipag na gumagawa. Kilala rin sila sa pagiging matapat at matulungin sa
kapwa.

Dumating ang takdang araw ng pagkikta ng mga Ati sa pamumuno ni Marikudo at

ng mga Bisaya sa pamumuno ni Datu Puti. May isang malaking sapad na bato sa
baybay dagat. Ito ang kapulungan ng mga Ati. Ito ang Embidayan. Dito tinanggap ni
Marikudo ang mga panauhin. Nakita niya na mabait at magalang ang mga dumating.
Ipinaliwanag ni Datu Puti ang kanilang layong makipanirahan sa pulo ng Aninipay. Nais
nilang bilhin ang lupain. Sinabi ni Marikudo na tatawag siya ng pulong, ang
kanyang mga tauhan at saka nila pagpapasyahan kung papayagan nilang
makipanirahan ang mga dumating na Bisaya.

Muling nagpulong ang mga Ati at mga Bisaya sa Embidayan. Nagpahanda si

Marikudo ng maraming pagkaing pagsasaluhan ng mga Ati at mga Bisaya. Dumating
mula sa Look ng Sinogbuhan ang mga Bisaya lulan ng sampung baranggay. Nakaupo
na sa Embidayan si Marikudo kasama ang kanyang mga tauhan. Katabi ni Marikudo
ang kanyang asawa na si Maniwantiwan. Nakita ng mga Ati ang maraming handog ng
mga Bisaya. Ang mga lalaking Ati ay binigyan ng mga Bisaya ng itak, kampit at insenso.
Ang mga babaing Ati ay binigyan naman ng kuwintas, panyo at suklay. Ang lahat ay
nasiyahan. Nagpakita ng maramihang pagsayaw ang mga Ati. Tumugtog ang Bisaya sa
kanilang solibaw, pluta, at tambol habang ang mga lalaki naman ay nagsayaw
pandigma, ang sinurog

Nag-usap sina Marikudo at Datu Puti. Ipinakuha ni Datu Puti ang isang gintong
salakot at gintong batya mula sa kanilang baranggay. Ibinigay niya ito kay Marikudo.
Nakita ni Maniwantiwan ang mahabang-mahabang kuwintas ni Pinampangan. Ito'y
kuwintas na lantay na ginto. Ibig ni Maniwantiwan ang ganoon ding kuwintas. Pinigil ni
Maniwantiwan ang bilihan, kung hindi siya magkakaroon ng kuwintas. Madaling ibinigay
ni Pinampangan ang kuwintas niya kay Maniwantiwan.

Itinanong ni Datu Puti kung gaano kalaki ang pulo. Sinabi ni Marikudo, na kung
lalakad sa baybay dagat ng pulo simula sa buwang kiling (Abril o buwan ng pagtatanim)
ay makababalik siya sa dating pook pagsapit ng buwan ng bagyo-bagyo (Oktubre o
buwan ng pag-aani).

Ang lupang kapatagan ay ibinigay ng mga Ati sa mga Bisaya. Ibinigay rin nila
ang kanilang mga bahay. Ang mga Ati ay lumipat ng paninirahan sa bundok.

Madaling isinaayos ni Datu Puti ang mga Bisaya. Si Datu Bangkaya kasama
ang kanyang asawa na si Katurong at anak na si Balinganga at kanilang mga tauhan at
katulong ay tumira sa Aklan. Sumunod na inihatid ni Datu Puti sina Datu Paiborong at
asawang si Pabulanon at ang kanyang dalawang anak na si Ilehay at si Ilohay. May
mga tauhan ding kasama si Datu Paiborong na kakatulungin niya sa pagtatanim ng mga
buto at binhi na iiwan ni Datu Puti at Datu Sumakwel. Sina Lubay, Dumalogdog,
Dumangsol at Padahinog ay kasama ni Sumakwel. Sila ay sa Malandog naman
maninirahan. Nagpaalam si Datu Puti kay Sumakwel. Kanyang pinagbilinan si
Sumakwel na pamunuang mahusay ang mga Bisaya. Nag-aalala si Datu Puti tungkol sa
kalagayan ng iba pang Bisaya sa Borneo sa ilalim ng pamumuno ng malupit na si
Makatunao.

Matapos magpaalam kay Sumakwel, umalis na ang tatlong baranggay. Kay

Datu Puti ang isa, at ang dalawa pa ay sa dalawang binatang datu na sina Datu
Domingsel at Datu Balensuela. Narating nila ang pulo ng Luzon. Dumaong ang tatlong
baranggay sa Look ng Balayan. Ipinasya ng dalawang datu na dito na sa Taal
manirahan kasama ang mga Taga-ilog. Isang araw lamang at umalis na sina Datu Puti
at Pinampangan upang bumalik sa Borneo.

Ang Haraya. kalipunan ito ng mga tuntunin ng kabutihang-asal na may

mgahalimbawang salaysay sa mga nasabing tuntunin

Ang Lagda. kalipunan ng mga batas na nagpapakilala ng mabuting panunungkulan sa at

pagtupad ng mga tuntunin sa pamahalaan. Nakapaloob sa Lagda ang kilalang “Kodigo
ni Kalantiyaw”

Ang Hari sa Bukid - salaysay ito hinggil sa makapangyarihang haring nakatira sa tuktok
ng bundok ng Kanlaon sa Negros na nagbibigay-biyaya at nagpaparusa.

Darangan ng mga Moro

Kalipunan mg mga Epiko ng mga taga-Mindanao tungkol sa kabayanihan, mga

gawaing kahanga-hanga at di-sukat-kapanipaniwalang kabayanihan at kagitingan ng
mga mandirigmang Moro.

Bantugan- Pinakapopular na epiko ng mga Muslim

Si Bantugan ay kapatid ni Haring Madali mula sa Kaharian ng Bumbaran.Si

Prinsipe Bantugan ay balita sa tapang at lakas kaya’t walang mangahas na dumigma sa
kaharian ng Bumbaran. Marami ring dalaga ang narahuyo sa kakisigan at katapangan
ni Bantugan. Nainggit si Haring Madali sa kapatid at ipinagbawal sa lahat ng
nasasakupan na huwag kausapin si Bantugan. Ang sinumang mahuling nakikipag-usap
kay Bantugan ay parurusahan ng kamatayan. Dahil sa matinding kalungkutan, umalis si
Prinsipe Bantugan at siya ay nagtungo sa ibang lupain. Sa kasamaang-palad, ang
prinsipe ay inabot ng sakit at siya ay namatay sa pintuan ng kahariang nasa pagitan ng
dalawang dagat. Natagpuan nina Prinsesa Datimbang at ng kanyang kapatid na hari
ang bangkay ni Bantugan. Nagulumihanan ang magkapatid dahil hindi nila nakikilala
ang prinsipe kaya’t pinulong nila ang konseho.Habang nagpupulong, biglang pumasok
sa bulwagan ang isang loro at sinabing, ang bangkay ay kay Prinsipe Bantugan ng
kaharian ng Bumbaran. Pagkatapos noon, lumipad na ang loro pabalik sa Bumbaran
upang ibalita naman kay Haring Madali ang nangyari sa kanyang kapatid.

Nang malaman ni Haring Madali ang nangyari kay Bantugan, napawi ang inggit niya sa
kapatid at nangibabaw ang pagmamahal nito sa kapatid. Agad na lumipad sa langit si
Madali kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan.
Samantala dinala naman nina Prinsesa Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa
Bumbaran at nang bumalik sina Haring Madali,pinilit na ibinalik ni Haring Madali ang
kaluluwa ni Bantugan sa kanyang katawan. Dahil sa pagkabuhay ni Bantugan,
nagdiwang ang buong kaharian. Nanauli ang mabuting pagtitinginan ng magkapatid.

Nabalitaan ni Haring Miskoyaw ang pagkamatay ni Bantugan. Siya ay dating kaaway ni

Haring Madali. Pinaghanda ni Haring Miskoyaw ang kanyang hukbo upang salakayin
ang Bumbaran. Sumalakay sina Haring Miskoyaw nang ipinagdiriwang ang muling
pagkabuhay ni Bantugan. Itinigil ang pagdiriwang at si Bantugan ay buong giting na
nakipaglaban. Dahil sa bagong galing lamang sa kamatayan, si Bantugan ay madaling
nanghina kaya’t siya’y madaling nagapi ng mga kalaban. Iginapos siya ngunit nang
manumbalik ang kanyang lakas, nilagot nito ang gapos at buong bangis na
nakipaglaban hanggang sa nalupig niyang lahat ang mga kalaban.

Dinalaw ni Bantugan ang mga kalapit na kaharian ng Bumbaran at pinakasalan ang

lahat ng prinsesang kanyang katipan at iniuwi sa Bumbaran. Iniutos na muli ni Haring
Madali na magkaroon ng panibagong pagdiriwang. Naging maligaya si Bantugan
hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Indarapatra at Sulayman

Noong unang panahon, sa pulo ng Mindanaw ay walang kapatagan kundi puro

kabundukan.Sa kabundukang ito nanirahan nang payapa at maligaya ang mga tao.
Ngunit isang araw, sila’y ginambala ng apat na halimaw.

Ang unang halimaw na may katangi-tanging lakas at maraming paa ay si Kurita. Sandali
lamang niyang kainin at ubusin ang limang tao. Ang ikalawang halimaw ay si Tarabusaw
na nakatira sa Bundok Matutum. Napakapangit niya at wala siyang awa sa taong
kanyang binibiktima. Si Pah ang ikatlong halimaw na nakatira sa Bundok ng Bita. Siya
ay isang dambuhalang ibon na may malalapad na pakpak kaya kung siya’y dumarating,
dumidilim ang kabundukan dahil natatakpan ng kanyang malalapad at malalaking
pakpak ang kalangitan. Ang ikaapat na halimaw ay ibong may pitong ulo at may pitong
pares ng mata kaya’t nakikita nito ang lahat ng bagay at walang sinumang taong
nakakaligtas sa kanya.

Sa kaharian ng Mantapuli ay nabahala si Haring Indarapatra nang malaman niya ang

paghihirap at takot na dinadanas ng mga tao dahil sa mga halimaw. Dahil isang mabuti
at mabait na pinuno si Indarapatra, pinangangalagaan niya ang kapakanan ng kanyang
nasasakupan. Ipinatawag niya ang kapatid niyang si Prinsipe Sulayman at inutusan niya
itong ipaghiganti ang mga buhay ng mga nasawi. Binigyan ni Indarapatra si Sulayman
ng singsing at espada na gagamitin niya sa pakikipaglaban sa mga halimaw. Ibinitin din
ng hari ang isang halaman sa bintana na siyang palatandaan sa sasapitin ni Prinsipe
Sulayman.

Unang pinuntahan ni Prinsipe Sulayman si Kurita sa Bundok Kababalan. Nang hanapin

niya ang halimaw, nayanig ang buong kabundukan at lumitaw si Kurita. Naglaban ang
dalawa hanggang sa natalo niya ang halimaw.

Isinunod niyang pinuntahan si Tarabusaw sa Bundok Matutum. Nakita ni Sulayman

mula sa tuktok ng bundok ang maraming buhay na nasawi. Hinamon ni Sulayman na
lumabas si Tarabusaw. Natumba ang mga punungkahoy sa paglabas nito at pumutol
siya ng mga sanga na kanyang ginamit sa pakikipaglaban kay Sulayman. Makalipas
ang mahabang paglalaban, nagapi ni Sulayman si Tarabusaw. Itinarak ni Sulayman ang
espada sa dibdib ng halimaw. Pagkatapos niyang patayin si Tarabusaw, isinunod
niyang hanapin si Pah, ang ibong may malaking pakpak sa Bundok ng Bita. Nasiraan
siya ng loob nang makita niyang walang katau-tao ang mga bahay.Hindi nagtagal ay
biglang dumilim ang kapaligiran.Dumating si Pah na kanyang kaaway. Itinaas ni
Sulayman ang kanyang espada at nahati sa dalawa ang pakpak ng ibon. Sa
kasamaang palad, nadaganan siya ng pakpak ng ibon at si Sulayman ay nalibing nang
walang kabaong sa bigat ng pakpak na bumagsak sa katawan nito.

Nalaman ni Haring Indarapatra ang kasawian ng kapatid dahil nalanta ang halamang
ibinitin niya sa bintana. Sinabi niyang ipaghihiganti niya ang sinapit ng kapatid.
Sumugod si Haring Indarapatra sa Bundok at inalis ang pakpak ng ibong nakadagan sa
katawan ng kapatid. Luray-luray ang katawan ni Sulayman. Nanalangin si Indarapatra
sa Bathala at ipinakita sa kanya ang tubig na nang ibuhos niya ito kay Sulayman ay
nabuhay ito. Sa malaking tuwa ay nagyakap ang magkapatid.

Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman at si Indarapatra na ang nagtungo sa Bundok

Kurayan upang makipaglaban sa halimaw na may pitong ulo. Lumabas ang halimaw
ngunit wala itong laban sa espada ng hari. Pagkatapos ng kanyang tagumpay ay may
isang diwatang napakaganda ang nagpasalamat sa kanya. Ang buong nayon ay
nagsipagdiwang din. Dahil sa kagandahan ng diwata’y nabihag ang puso ni Indarapatra
at sila ay nagpakasal.

Pagkatapos nito’y nawala ang tubig sa karagatan at lumitaw ang kapaligiran. Dito na
nanirahan si Indarapatra sa pulo ng Mindanaw. Sa pamamalagi roon ni Indarapatra ay
tinuruan niya ang mga tao ng ng pagsasaka, paghahayupan, paggawa ng mga
kasangkapan, paghabi ng mga damit at paggamit ng mga halamang gamot.

Ang Bidasari: isang epiko -romansang Malay. Ang orihinal nito ay nasulat sa wikang
Malay. Isinalin na lamang sa Maranaw at inangking sarili ng mga Moro. Ito rin ay isinalin
sa wikang Ingles ni Chauncey Starkweather.

Ang Sultan ng Kembayat ay sampung taon nang kasal nang malamang nagdadalantao
ang Sultana. Gayon na lamang ang kaligayahan ng hari at ng buong kaharian nang
biglang sumalakay ang ibong Garuda na itinuturing na salot ng kaharian. Lumikas ang
mga tao dahil sa malaking takot nila sa ibon at kasama ang Sultan at Sultana. Dahil sa
kagampan na noon ng Sultana, sila ay napahiwalay sa mga kasama at inabot ng
panganganak ang Sultana sa tabi ng ilog. Sa labis na takot sa ibong Garuda, iniwan
nila ang sanggol sa isang bangka na nakita sa tabi ng ilog. Halos madurog ang puso ng
Sultana.

Isang mangangalakal na nagngangalang Diyuhara ang nakapulot sa sanggol nang sila

ng kanyang asawa ay napadaan sa tabi ng ilog. Tuwang-tuwa ang mag-asawa, iniuwi
nila ang sanggol na babai at ikinuha ng apat na tagapag-alaga. Pinangalanan nilang
Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari, siya ay lalong gumaganda. Naging ganap na
dalaga si Bidasari at naging maligaya sa piling ng mga kinikilalang magulang.

Ang Sultan Mongindra ng Indrapura ay dalawang taon nang kasal kay Sultana Lila Sari.
Ang Sultana ay mapanibughuin at laging nangangambang maagaw ng iba ang kanyang
asawa. Paulit-ulit nitong tinatanong ang Sultan kung siya’y mahal na mahal nito. Kahit
sinasabi ng Sultan na siya’y mahal na mahal ay hindi nawala ang pangamba nito. Isang
araw, naisipan ng Sultana na magpahanap ng babaing higit na maganda kaysa sa
kanya. Nakita ng mga kawal si Bidasari at sa paniniwalang siya’y gagawing dama ng
Sultana, siya ay sumama sa palasyo.

Nagulat si Bidasari pagdating sa palasyo dahil siya’y sinaktan at ipinakulong. Tuwing

aalis ang Sultan Mongindra, pinapasok nito ang silid ni Bidasari at pinarurusahan ang
kaawa-awang dalaga. Nang hindi na matiis ni Bidasari, ang pananakit ni Sultana Lila
Sari, sinabi nito na kunin ang isdang ginto sa hardin ng kanyang ama at kuwintasin niya
sa araw at ibalik sa tubig pag gabi. Hindi maglalaon, siya raw ay babawian ng buhay.
Ipinakuha ni Lila Sari ang isdang ginto sa hardin ng ama ng dalaga at saka pinauwi ang
dalaga sa kanila. Kapag ikinukuwintas ni Lila Sari ang isdang ginto sa araw, si Bidasari
ay nakaburol sa kanila. Sa gabi na lamang muling nabubuhay. Sa takot nina Diyuhara
na tuluyang patayin ni Lila Sari ang kanilang anak, ipinagpatayo nila siya ng isang
palasyo sa labas ng Indrapura. Doon mag-isang nanirahan si Bidasari.

Palagay na palagay na ang kalooban ni Lila Sari sa pag-aakalang mamamatay na si

Bidasari ngunit isang araw, naisipan ni Sultan Mongindra na mangaso sa gubat. Sa
kanyang pangangaso, nakarating siya sa palasyo ni Bidasari. Pinilit niyang pasukin ito
at nakita niya ang natutulog na dalaga. Pinilit niyang gisingin ngunit hindi niya magising.
Umuwi siya nang hapong iyon ngunit kinabukasan nagbalik sa gubat at binantayan ang
dalaga hanggang gumabi. Gayun na lamang ang gulat ni Bidasari nang makita niya ang
Sultan sa kanyang silid. Tinanong ng Sultan kung paano ito napunta roon.
Ipinasalaysay nito kay Bidasari ang buong pangyayari. Nang malaman nito na
kagagawan ng kanyang asawa, siya ay nagalit. Nagpahayag siya ng pag-ibig sa dalaga
at kanyang pinakasalan. Naiwan si Lila Sari na nag- iisa sa kanyang palasyo.

Samantala, ang Sultan at Sultana ng Kembayat ay nagkaroon pa ng isang anak na

lalaki at pinangalanan nilang Sinapati. Isang araw, may isang binatang dumating doon
sa Kembayat. Ang binatang ito ay anak ni Diyuhara at kinikilalang kapatid ni Bidasari.
Nakita nito si Sinapati at kanyang kinaibigan. Sinabi niya rito na may kapatid siyang
babai na kamukha niya. Nang umuwi sa kanilang bahay ang binata, tinanong ang
kanyang ama’t ina kung mayroon siyang kapatid na nawawala. Sinabi naman ng mga
magulang nito na siya ay may kapatid na babai na naiwan nila sa bangka nang
sumalakay ang ibong Garuda. Sa pagbabakasakaling iyon ang anak nila, pinasama nila
si Sinapati sa bagong kaibigan. Ipinakilala ng binata si Sinapati kina Diyuhara.Tinanong
naman ni Diyuhara kung ano ang kanyang sadya sa pagpunta roon. Nang malaman ni
Diyuhara na siya ay naghahanap ng kapatid na babai na naiwan ng mga magulang sa
bangka, natiyak ni Diyuhara na iyon na nga si Bidasari. Isinama ni Diyuhara si Sinapati
kina Sultan Mongindra. Napatunayan na si Bidasari pala ay isang tunay na prinsesa.

You might also like