You are on page 1of 12

Aralin 2

ANG MGA SINAUNANG FILIPINO:


PINAGMULAN NG MGA LUMANG AKDANG
PANITIKAN
Ang mga Negrito o Ita

-kauna-unahang mga nanirahan sa Filipinas


-dati-rating nanirahan sa Tsina ngunit nang magkaroon ng pagsabog ang
mga bulkan sa ilalim ng dagat ay nagkawatak- watak ang mga gilid ng
lupa ng Tsina at ang sumabog na lupa'y naging Filipinas.
-magkatulad na magkatulad ang mga unang Ita sa Filipinas at ang mga
nuno ng mga Intsik.
-naninirahan na sa Filipinas mula pa noong 25,000 taon
• -Walang sariling kulturang masasabi
• -Walang nalalaman sa agham, sa paghahanapbuhay, sa pamahalaan, sa
sining, sa pagsulat at sa pamumuhay
• -Sa panitikan ay wala silang nalalaman kundi ilang awitin at pamahiin
• -Ang kanilang kasangkapan ay busog at panang ginagamit sa paghanap
ng makakain.
- Sa ngayon, sila'y sa mga bundok naninirahan ngunit natuto na rin ng
ilang bahagi ng kulturang Filipino.
Ang Pagdating ng mga Indonesyo

• -nakarating sa Filipinas may 8,000 taon na ang nakaraan.


-

• -ang unang sapit ng mga Indonesyo ay may lahing Mongol at


Kaukaso kaya't sila'y mapuputi at manila-nilaw ang mga
balat.
• -matatangkad at balingkinitan ang kanilang katawan.
• -walang masasabing gaanong kultura maliban sa sila'y
marunong nang mamahay nang sarili, marunong magtanim
ng mga halaman at marunong nang mangisda.
Ang Pagdating ng mga Malay
-
- Ang unang pangkat ay nakarating humigit-kumulang sa 200 taon bago
namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo.
- nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting
panrelihiyon.
- nangatira sa kabundukan ng Luzon
- ninuno ng mga Igorot, Buntok at Tinguianes.
Ang ikalawang pangkat ng Malay ay dumating dito mula noong 100
hanggang 1,300 taon pagkamatay ni Kristo.
-
- ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano, Pangasinan, Ibanag,
Kapampangan, Bikolano at iba pa.
- may dalang wika alpabeto, awiting bayan, kwentong bayan, mga
alamat at mga karunungang-bayan.
- Sila ang nagdala ng barangay.
Ang ikatlong pangkat ay ang mga Malay na Moslem.
- -Nagsidating noong 1,300 taon at 1,500 taon
-Sila ang mga ninuno ng mga Moslem.
- Nanggaling sila sa Malaysia at nanirahan sa Mindanao
at Sulu.
- Nagdala sila rito ng epiko alamat, kwentong bayan at ng
pananampalatayang Moslem.
Ang mga Intsik
 
-
- Nakarating sa Filipinas sa pagitan ng ikatlo hanggang ikawalong siglo. --
Marami sa kanila ang mga nanirahan sa baybayin ng Batangas, Quezon,
Sorsogon, Samar, Silangan Mindanao, Palanan, Marinduque at Mindor.
- Nagdala mahigit sa 600 salitang Intsik tulad ng gusi, susi, mangkok, talyasi,
kawali, inso, kuya, diko, sangko .
- Dala rin nila ang mga kaugaliang sosyal panggalang, pagkakalapit at
pagkakaisa ng pamilya at katipiran.
- Ang paglalagay ng bangkay sa gusi bilang kabaong ay isang kaugaliang
dinala rito kaya't sila'y tinawag na manggugusi.
- Sila ang nagbigay ng pangalang Luzon o Lusong sa pinakamalaking pulo sa
Filipinas.
Impluwensiya ng mga Bumbay
-Ang mga Bumbay o Hindu ay nakarating noong ikalabing dalawang
siglo.
--Sila'y nandarayuhan muna sa Indonesya bago nakarating sa Filipinas.
- Ang unang sapit ng mga Bumbay ay nanggaling sa Borneo at sila'y
nagdala ng pananampalatayang Budismo, epiko, at mahiya.
- Ang ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo din noong
ikalabing-apat na siglo, noong panahon ng Imperyo ni Madjapahit.
Nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang
epiko, awiting bayan, at liriko.
- Marami ring salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang
Filipino. Ang mga ito'y guro, bansa, mukha, likha, hukom, dukha at
iba pa.
 
Mga Arabe at Persiyano
 
-Dumating ang mga mangangalakal na Arabe sa Filipinas noong ika-
12
- siglo.
-Nagdala ng pananampalatayang Muslim ay ang tinatawag na
“Hadramaut Sayyids”, mga misyonerong Arabe na nanggaling sa
Malaysia na dumating sa Filipinas noong ika-16 na siglo. Kasama nila
ang maraming mga nangangalakal na Arabe at Persiyano, sila'y nanirahan
sa Mindanao at Sulu. Nagdala rin sila ng mga epiko, alamat, kwentong
bayan at dula.
 
Impluwensiya ng Imperyo ng Madjapahit.
-
-Pinakasentro ay Java sa Indonesyo ay naging napakamakapangyarihan
at maraming mga kalapit bansa ang nasakop kabilang ang Indo Tsina,
Cambodia, Siam, Anma, Tonkin at Filipinas.
Ang mga bansang ito'y nagkalapit-lapit at nagkapalitan ng mga kalakal
at kultura. Kaya't ang Filipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng mga
bansang nabanggit lalo na sa panitikan.
Ang mga kwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay
katulad ng mga kwentong bayan ng mga nabanggit na mga bansa.
• 
  Ang Imperyo ng Malacca

 - Sa pagbagsak ng Imperyo ng Madjapahit ay ang Imperyo naman ng


Malacca ang naging makapangyarihan sa Silangan.
-- lumaganap sa Borneo, Luzon at Mindanao.
- Nagtatag ng pamahalaang pinamumunuan ng mgaSultan o Rajah.
- Tumagal ang kapangyarihan ng may 20 taon mula noong 1430
hanggang 1450.
- Sa mga baybayin ng mga lalawigan Batangas, Rizal, Mindoro,
Laguna, Quezon at Lanao, naninirahan ang mga Muslim na ito.
- Sinasabing ang karaniwang pahayag na “Allah-eh” sa Batangas ay
impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.
 

You might also like