You are on page 1of 21

Araling

Panlipunan
5
Araling
Panlipunan 5
Sabihin ang TAMA kung ang
pangungusap ay tumatalakay sa
paniniwala ng mga sinaunang Pilipino at
MALI kung hindi.
TAMA 1. Naniniwala ang mga
sinaunang Pilipino na ang kanilang mga
tato sa katawan ay may mahika o
kapangyarihan.
TAMA 2. Pinaniniwalaan nila na ang
mga kasangkapang isinama nila sa
paglilibing ay magagamit ng mga yumao
sa kabilang buhay.
MALI 3. Naniniwala sila na ang mga
espiritu ng yumao ay mapupunta sa
langit.
TAMA 4. Naniniwala noon ang mga
Pilipino sa maraming diyos.

TAMA 5. Pinaniniwalaan nila na si


Bathala ang pangunahing Diyos.
Paglaganap at
Katuruan ng
Islam
Layunin:
Natatalakay ang
paglaganap at kultura ng
Islam sa Pilipinas
AP5PLP-Ii-10
Relihiyong Islam
Ang Islam ay salitang Arabic na ang ibig
sabihin ay “pagsuko”. Muslim ang tawag sa
mga taong naniniwala dito. Si Allah ang
tinuturing nilang iisang Diyos. Si Muhammad
ang propetang nagtatag ng relihiyong ito.
Qurán/ Koran ang tawag sa kanilang banal na
babasahin.
Paglaganap ng Relihiyong Islam sa
Pilipinas
Lumaganap ang relihiyong Islam sa
Mindanao.
1210- Dumating ang mga Arabong
mangangalakal sa katimugang bahagi ng
Pilipinas
1280- Dumating sa Sulu si Tuan
Masha’ika , siya ang itinuturing kauna-
unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.
Nagpakasal siya sa anak ni Rajah Sipad at
nagtayo ng pamayanang Muslim sa Sulu.
1380- Mula Malacca ay dumating si Karim-
Ul Makdum sa Sulu at nangaral ng Islam.
Nagtayo ng kauna-unahang moske sa Tawi-
tawi.

1390- Dumating si Rajah Baginda ng


Palembang sa Sulu. Matagumpay niyang
nahikayat ang ilang mga katutubo na
lumipat sa relihiyong Islam
1450- Dumating Si Abu Bakr mula
Palembang. Siya ang kinilalang
nagpalaganap ng Islam sa Sulu .
Pinagkalooban siya ng pangalang Sharif ul-
Hashim nang maging kauna-unahang sultan
sa Sulu. Napangasawa niya si Prinsesa
Paramisuli anak ni Rajah Baginda. Sa
panahong ito mabilis na lumaganap ang
Islam sa Sulu.
KATURUAN NG
ISLAM
HALIGI NG ISLAM
1. Shahadah o ang pagpapahayag ng
paniniwala-Walang ibang Diyos maliban
kay Allah at si Muhammad ang sugo
niya.
2. Salat o dasal- kailangang limang ulit na
magdasal sa isang araw na nakaharap sa
Ka’aba na matatagpuan sa Mecca, ang
banal na Lungsod ng Islam.
3. Zakat o pagkakawanggawa- minsan sa loob ng
isang taon, kailangang magbigay ng tulong ang mga
Muslim sa mga nangangailangan.
4. Sawn o pag-aayuno- isang buwan ang pag-aayuno
ng mga Muslim kung Ramadan.
5. Hajj o paglalakbay sa Banal na Lungsod ng
Mecca- inaatasan ang bawat Muslim na may sapat
kakayahang pinansyal malusog na pangangatawan na
makarating sa Mecca kahit minsan sa kanyang
buhay.
Aral ng Islam
1. Paniniwala sa iisang Diyos na si Allah.
2. Paniniwala sa mga anghel.
3. Paniniwala sa mga banal na Aklat.
4. Paniniwala sa mga propeta na sugo ng
Diyos.
5. Paniniwala sa araw ng paghuhukom.
6. Paniniwala sa tadhana.
B

D
TAMA

TAMA

MALI

TAMA

MALI
A

C
D
Takda :page 19
B. Pagtapatin
Page 20
III. Pagsasanay

You might also like