You are on page 1of 11

5

Ikapitong Linggo

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami,
sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

1|P age
Aralin Paglaban ng Katutubong Igorot
7 Para Mapanatili ang Kasarinlan

Ano ang target ko?

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang napahahalagahan mo ang mga katutubong


Pilipinong lumaban upang mapanatili ang kanilang kasarinlan gaya ng pangkat ng mga Igorot.

Ano ako magaling?

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Saang lugar sa Pilipinas ang hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol?
A. kabundukan ng Aklan C. kabundukan ng Maguindanao
B. kabundukan ng Cordillera D. kabundukan ng Sulu
2. Alin ang hindi dahilan ng pagsakop ng mga Espanyol sa Cordillera?
A. Dahil sa ginto. C. Dahil sa Kristiyanismo.
B. Dahil sa polo y servicio. D. Dahil sa monopolyo sa tabako.
3. Bakit patuloy ang pagpapadala ng gobernadora-heneral ng mga misyon sa Cordillera?
A. Upang magkagawa sila ng bahay na gawa sa ginto.
B. Upang may magamit sila para palaguin ang ekonomiya sa bansa.
C. Upang may ihandog na regalo sa nalalapit na kaarawan ng Prinsesa ng Espanya.
D. Upang makahanap ng ginto para pantustos sa pagsiklab ng Thrity Years War sa
Europe.
4. Kailan tuluyang huminto ang paghahanap ng minang ginto ng mga Espanyol sa
Cordillera?
A. 1624 B. 1781 C. 1800 D. 1856
5. Alin ang kailangang paniwalaan ng mga katutubong Igorot tungkol sa kaligtasan ng
kanilang kaluluwa na ayon sa mga Espanyol?
A. Kristiyanismo B. Pangangayaw C. Animismo D. Sibilisado

2|P age
6. Alin ang hindi dahilan ng pagkabigo ng mga Espanyol sa misyong binyagan sa
Kristiyanismo ang mga Igorot?
A. Dahil sa pinag-utos ng Hari ng Spain na itigil ang pagbibinyag.
B. Dahil nagkaroon ng kakulangan sa misyonaryo na maaaring ipadala sa Cordillera.
C. Dahil nahiraparan ang mga sundalong Espanyol na lupigin ang mga madirigmang
Igorot.
D. Dahil nahirapan ang mga misyonaryo na tunguhin nang madalas ang bulubundukin
ng Cordillera.
7. Sino ang namuno sa Misyong Relihiyoso sa Cordillera na ipinadala ni Gobernador-
Heneral Francisco de Tello de Guzman?
A. Mateo de Aranda at Esteban Marin
B. Antonio de Martin at Jose Basco y Vargas
C. Miguel Lopez de Lopez at Mateo de Aranda
D. Esteban Marin at Jose Basco y Vargas
8. Ito ay pamahalaang militar ng mga Espanyol upang maging mapayapa ang isang
teritoryo at sumunod sa mga patakaran ang mga nakatira.
A. Pueblo C. Encomienda
B. Comandancia D. Monopolyo sa tabako
9. Bakit nagkaroon ng karapatan ang mga Espanyol na magmina sa Cordillera?
A. Dahil sa pagkakatatag ng Sociedad Minero-Metalurgica Cantabro-Filipina de
Mancayan.
B. Dahil sa Misyong Relihiyoso.
C. Dahil sa Thirty Years War sa Europe.
D. Dahil sa pagkakatatag Comandancia del Pais de Igorrotes.
10. Sino ang namuno sa pagbuo ng Comandancia del Pais de Igorrotes sa Cordillera?
A. Mateo de Aranda C. Theodoro Agoncillo
B. Guillermo Galvey D. Antonio de Martin

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi sa sagutang papel.
1. Sumiklab ang himagsikan sa Spain noong Setyembre 19, 1868.
2. Si Carlos Maria de la Torre ang dahilan kung bakit pinatay ang GomBurZa.
3. Ang paring regular ay ang mga paring Espanyol na kabilang sa ordeng relihiyoso.
4. Paring sekular ang tawag sa mga Pilipinong pari na hindi maaaring mapabilang sa
alinmang samahang relihiyoso.
5. Ang GomBurZa ay hinatulan ng kamatayan at ginarote noong Pebrero 17, 1872.

3|P age
Ano ang gagawin ko?

Nakikilala mo ba ang nasa larawan? ____________


Anong tawag sa mga katutubong ito? ____________
Saan kaya sa Pilipinas sila nakikita? _____________

Ano ang kahulugan?


Paglaban ng Katutubong Pilipino para Mapanatili ang Kasarinlan
Ang mga Igorot sa Cordillera
Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ay ang mga
kabundukan ng Cordillera. Naninirahan dito ang mga Igorot, na nahahati sa iba’t ibang pangkat
etnolingguwistiko. Kasama rito ang mga Ibaloi, Isneg (Apayao), Kankanaey, Kalinga, Bontoc, at
Ifugao.
Nakabatay ang kanilang hanapbuhay sa pagsasaka, gayundin sa paghahabi ng tela, at
pagnganga. Pati ang pagngangayaw o paglahok sa mga digmaan laban sa ibang pangkat etniko.
Mayroon din silang paniniwalang panrelihiyon kung saan tinitignan ang kalikasan bilang tahanan
ng mga espiritu.
May tatlong dahilan kung bakit sinakop ang mga Igorot ng mga Espanyol. Una’y dahil sa
ginto. Pangalawa ay dahil sa Kristyanismo. At pangatlo ay dahil sa monopolyo ng tabako.
Pananakop sa mga Igorot dahil sa Ginto
Bahagi ng tangkang pananakop ng mga Espanyol sa mga Igorot ay ang pagpapalaganap
ng Kristyanismo. Ang paniniwalang animismo ng mga Igorot ay itinuturing ng mga Espanyol na
isang uri ng pagsamba sa mga demonyo.
Ayon sa mga mananakop, upang maligtas ang kaluluwa ng mga Igorot, kailangan nilang
yakapin ang Kristiyanismo. Dagdag pa rito, hangad din ng mga Espanyol na gawaing “sibilisado”
ang mga Igorot tulad ng kanilang ginawa sa mga katutubo.
Gustong sakupin ng mga Espanyol ang Cordillera sapagkat hangad nila ang deposito ng
ginto sa Cordillera. Natuklasan nila mula kay Miguel Lopez de Legaspi. Ang mina ng ginto sa
Cordillera na ayon sa balita ay dinadala ng mga Igorot sa Ilocos.
Agad nagpadala ng misyon si Legaspi sa Ilocos. Ito ay sa pamumuno ng kaniyang apo na
si Juan de Salcedo . Upang siyasatin niya ang mga gintong ibenebenta rito ng mga Igorot.
Pinagpatuloy ng mga gobernador heneral ang pagpapadala ng mga misyon sa Cordillera.
Upang hanapin ang ginto rito para mayroon silang pangtustos sa pagsiklab ng Thirty Years War
sa Europe.

4|P age
Noong 1624, tuluyang huminto sa paghahanap ng minang ginto sa Cordillera. Kasunod
nito, napag-alamang mababang kalidad lamang ng gintong nangagaling dito.
Pananakop sa mga Igorot dahil sa Kristiyanismo
Matapos ang hindi matagumpay na paghahanap ng ginto sa Cordillera. Nagpadala ng
Misyong Relihiyoso sa Cordillera si Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman.
Pinamunuan ito ni Kapitan Mateo de Aranda at Padre Esteban Marin, ang kura paroko ng Ilocos.
Tinangka ni Marin na kumbinsihin ang mga Igorot na makipagtulungan sila kay Aranda.
Sa katunayan, sinubok niyang magsulat ng isang diksiyunaryo sa wikang Igorot. Ito ay upang
maging mas madali ang pakikipagtalastasan sa mga katutubo.
Mahigpit na tinutulan ng mga Igorot ang tangkang binyagan sila sa Kristiyanismo. Ilan sa
mg prayleng misyonero ay kanilang dinakip at pinatay. Bilang tugon pinasunog ni Aranda ang
mga bahay ng mga Igorot. At puwersahang sinupil ang mga katutubo.
Ngunit, hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa misyong binyagan sa Kristyanismo ang
mga Igorot. Ito sa mga kadahilanang mahirap para sa mga misyonaryo ang tunguhin nang madalas
ang bulubundukin ng Cordillera. Pagkakaroon din ng kakulangan sa misyonero na maaaring
ipadala sa Cordillera. At dahil din sa kabisado ng mga Igorot ang pasikot-sikot ng bulubundukin
ng Cordillera. Kaya naging mahirap para sa mga sundalong Espanyol na lupigin ang mga
mandirigmang Igorot.
Pananakop sa mga Igorot dahil sa Monopolyo sa Tabako
Pagsapit ng ika-19 siglo, muling nagpadala ng misyon ang mga Espanyol sa Cordillera
upang magtatag dito ng pamahalaang militar. Ito ay upang masigurong susunod ang mga Igorot
sa ipinatupad ni Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas sa monopolyo sa tabako noong 1781.
Sa ilalim ng monopolyo sa tabako, lahat ng maaaning tabako ng mga Igorot bukod tanging
sa pamahalaang kolonyal lamang ibenta. Gayunpaman, hindi ito sinunod ng mga Igorot na patuloy
pa ring nagbebenta ng tabako ng patago sa ibang mangangalakal.
Upang mabantayan ang mga Igorot gayundin ang mga taga-Pangasinan, itinatag ang
Comandancia del Pais de Igorrotes. Ang Comandancia ay pamahalaang militar na itinatag ng
pamahalaang kolonya upang masigurong maging mapayapa ang partikular na teritoryo at susunod
sa mga patakarang Espanyol ang mga nakatira. Ang Comandancia del Pais de Igorrotes ay binuo
ng mga beteranong sundalo sa pamumuno ni Guillermo Galvey.
Nahati sa iba’t ibang comandancia ang rehiyon ngunit hindi ito napasunod ang mga Igorot sa
monopolyo sa tabako. Kasunod nito, noong 1856 ay nabigyan din ang mga Espanyol ng
karapatang magmina sa rehiyon. Dahil sa pagkakatatag ng Sociedad Minero-Metalurgica
Cantabro-Filipina de Mancayan.
Gayunpaman hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na masakop ang mga Igorot. Dahil dito,
tinagurian sila ng historyador na si William Henry Scott bilang tribus independientes (tribong
malaya).

Sagutin ang mga katanungan.


1. Ibigay ang mga dahilan kung bakit sinakop ng Espanyol ang Cordillera. ___________
2. Paano ipinagtanggol ng mga Igorot ang kanilang kasarinlan? _____________
3. Bilang isang mag-aaral paano mo ipaglalaban ang iyong karapatan? ______________

5|P age
Ano pa ang gagawin ko?

Gawain A. Panuto: Sagutan ang crossword puzzle.


3
Across:
1. Lugar na pinagdalhan ng mga Igorot ng ginto
4. Dahilan kung bakit nais sakupin ang Cordillera ng
mga Espanyol
5 Down:
2 4 2. Pinuno siya ng Comandancia del Pais de Igorrotes
1 3. Relihiyong ipinakilala ng mga Espanyol sa mga
Igorot
5. Lugar kung saan naninirahan ang mga Igorot.

Gawain B. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung hindi sa
sagutang papel.
1. Ang Cordillera ay nasakop ng mga Espanyol.
2. Nabigyan ng karapatan ang mg Espanyol na magmina sa Cordillera noong 1856.
3. Ang mga Igorot ay may paniniwalang panrelihiyon tungkol kalikasan bilang tahanan
ng mga espiritu.
4. Sinakop ng mga Espanyol ang mga Igorot dahil sa tatlong dahilan.
5. Si Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman ang nagpadala ng Misyong
Relihiyoso sa Cordillera.

Gawain C. Panuto: Hanapin ang/mga salita na nasa loob ng kahon na bubuo sa anolohiya.
1. _______ : Cordillera : : Espanyol : Spain
2. Kristiyanismo : EspanyoL : : ______ : Igorot
3. Francisco de Tello de Guzman : dahil sa kristiyanismo : : Miguel Lopez de Legazpi :
____
4. Igorot : pagpatay sa mga prayle : : Espanyol : _______
5. Umabuso : __________ : : inabuso : katutubo

Espanyol
dahil sa Ginto
Igorot
pagsunog sa mga bahay
Animismo

6|P age
Ano ang natamo ko?

Tandaan Natin Ito!


Ang isang lugar na hindi nasakop ng mga Espanyol ay ang mga kabundukan ng Cordillera.
Sa Cordilera naninirahan ang mga Igorot. Gustong sakupin ng mga Espanyol ang Cordillera dahil
sa mga deposito nitong ginto. Kailangan ng mga Espanyol ng ginto upang maging panustos nila
sa pagsiklab ng Thirty Years War sa Europe. Ngunit nabigong sakupin ng mga Espanyol ang
Cordillera.
Dahil dito, nagpadala sila ng Misyong Relihiyoso sa Cordillera upang binyagan sa
Kristiyanismo ang mga Igorot. Subalit, hindi naging nagtagumpay ang mga Espanyol na sakupin
ito.
Ang naging dahilan ng kabiguan ng mga Espanyol sa pagsakop sa Cordillera ay ang
bulubundukin ito.

Ano ang kaya kong gawin?


Panuto: Basahin ang sitwasyon at isulat kung ano ang iyong nais sabihin.
“Tinalakay sa inyo ang mga ginawa ng mga katutubo upang mapanatili ang kanilang
kasarinlan. Naalala mo na pinagtawan mo ang iyong kaklaseng katutubo. Napagtanto mo na
mali na laitin at maliitin ang isang katutubo. Ano ang sasabihin sa kanya?”

Kumusta ang target ko?

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Sino ang nagpadala ng Misyong Relihiyoso upang binyagan ang mga Igorot?
A. Esteban Marin C. Jose Basco y Vargas
B. Juan de Salcedo D. Francisco de Tello de Guzman
2. Ano ang ginawa ng mga Igorot para mapanatili ang kanilang kasarinlan?
A. Kinausap ng mga Igorot ang Hari ng Espanya.
B. Ipinaglaban ang kanilang kalayaan.
C. Sumunod sila sa mga sinabi ng mga Espanyol.
D. Binayaran ng mga Igorot ang Gobernador Heneral ng ginto.
3. Sino ang namuno sa misyon na ipinadala ni Legaspi sa Ilocos?
A. Juan de Salcedo C. Guillermo Galvey
B. Jose Basco D. Esteban Marin

7|P age
4. Ano ang dapat gawin ng mga Igorot para maligtas ang kanilang kaluluwa ayon sa
mga Espanyol?
A. Kailangan ng mga Igorot na yakapin ang Kristiyanismo.
B. Kailangan nilang ibigay ang lahat ng ginto na meron sila.
C. Dapat nilang ibigay ang lahat ng kanilang ari-arian nila.
D. Dapat nilang hanapin si Padre Pedro Marin upang sila ay iligtas.
5. Sino ang kura paroko na namuno sa Misyong Relihiyoso na ipinadala sa Cordillera?
A. Padre Pedro Taberna C. Pardre Apolinario de Guzman
B. Padre Esteban Marin D. Padre Mateo de Agustin
6. Alin ang hindi kabilang sa mga pangkat ng mga Igorot?
A. Ibaloi B. Bagobo C. Isneg D. Kalinga
7. Sinong historyador nagsabing ang mga Igorot ay tribus independientes?
A. William Henry Scott C. Francisco de Tello de Guzman
B. Guillermo Galvey D. Miguel Lopez de Legaspi
8. Saan lamang maaaring ibenta ng mga Igorot ang kanilang aning tabako sa ilalim ng
programang monopolyo sa tabako?
A. pamahalaang kolonyal C. sa ibang bayan
B. sa mga mangangalakal na Tsino D. sa mga karatig na lalawigan
9. Sino ang nagpatupad ng monopolyo sa tabako sa Cordillera?
A. Guillermo Galvey C. Jose Basco y Vargas
B. Juan de Salcedo D. Miguel Lopez de Legazpi
10. Bakit nagpadala ng misyon ang mga Espanyol para itatag ang pamahaalang militar
sa Cordillera?
A. Upang sumunod sa polo y servicio ang mga katutubo.
B. Upang sumunod ang mga katutubo sa monopolyo ng tabako.
C. Upang ihanda ang mga katutubo sa pagsapit ng digmaang.
D. Upang sanayin ang mga katutubo sa mga gawaing militar

Ano pa ang kaya kong gawin?

Gawain A. Panuto: Hanapin ang mga salita na nasa kahon at bilugan ang salita sa loob ng
puzzle chart.

I F U G A O Q B R T
S Y A R Q J M O Z Y Ibaloi
N T N K A L I N G A Isneg
E Z X Q O M T T S Y Ifugao
Kalinga
G N H I B A L O I B Bontoc
Z V C K G J H C V N

8|P age
Gawain B. Panuto: Panuorin ang video at sagutin ang mga sumusnod.
https://www.youtube.com/watch?v=qIBZnIh1u70
1. Paano inilalarawan ng mga Espanyol ang mga Igorot?_________________________
2. Ano ang naging tugon ng mga Igorot sa pananakop ng mga Espanyol? ____________

SANGGUNIAN

• Gabuat, M.A.P, Mercado, M.M, Jose, MD dL. Araling


Panlipunan 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa, pp.210-213,
Karapatang sipi , 2016 Vibal Group Inc. FEP Printing Corporation
• https://www.youtube.com/watch?v=qIBZnIh1u70
• https://vectortoons.com/collections/product-tag/products/a-male-middle-school-
student-looking-sharp-and-confident
• https://www.google.com/search?q=igorot%20pose&tbm=isch&tbs=il:cl&rlz=1C1V
DKB_enPH946PH946&hl=en&sa=X&ved=0CAAQ1vwEahcKEwiog6HcxOzvAhUA
AAAAHQAAAAAQAg&biw=1583&bih=757#imgrc=72ja3ZS7oywDIM

9|P age
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

• Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


• Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
• DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

• Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS
• ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

• Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
• Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

• Writer: JESTER JUDE F. MENDEZ
• Content Evaluator: CAROL C. JINAHON
• Language Evaluator: SHEILA Z. MALLARI
• Reviewers: FERDINAND PAGGAO
• CAROL C. JINAHON
• SHEILA Z. MALLARI
• Illustrator: CRISELLE G. FERRERAS
• Lay-out Artist: MA. CRISTINA A. NARVAS
• Content Validator: JULITA L. MACARANAS
• Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
• REPRESENTATIVES

School Head In-Charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)

DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)

EPS In-Charge: FERDINAND PAGGAO, • EPS – ARALING PANLIPUNAN
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros, Upper Bicutan, Taguig City

Telefax:

Email Address:

10 | P a g e

You might also like