You are on page 1of 3

Si Usman Ang Alipin

Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman.


Pinaniniwalaang nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang
alipin. Matapang, matas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y
matapat.

Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa


palasyo ng namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang
ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya
matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng
mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at
maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis


na nag-ulat ang mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa
tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan
na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng
mga tauhan ang kautusan ng sultan.

Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay


nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binate.
Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at
nagmakaawang patawarin at pakwalan si Usman.

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang


kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama.

Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo


ng kanyang anak.

“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.


“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre
Maasita ngunit hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang
kagustuhan.

Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang


kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng
mga mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating
nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa
siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay
ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t
isa sina Usman at Potre Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan
nila sa isa’t isa.

Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang


inihatol ng sultan para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo
sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang malakas.
Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo.

Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng


kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa
malupit na tao.

Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa


bilangguan. Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman.
Mabilis pa sa kidlat niyang tinutulungan ang mga sugatan at ang mga
nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din si Potre Maasita sa mga naulila
at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga.

Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan.


“Mabuhay si Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat
ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan
nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y
may mabuting kalooban.

Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang


alipin, ay naging sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.
Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng
kaunlaran sa buong kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan
at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang panahon kung saan namayani
ang kapangitan at kalupitan.

You might also like