You are on page 1of 13

Ang kuwentong-Bayan ay bahagi ng ating

katutubong panitikang nagsimula bago pa man


dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at
nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa
paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan
ang mga kuwentong-bayan at karaniwang naglalahad
ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito
nagsimula at lumaganap.
Masasalamin sa mga kuwentong-bayan ang
kaugalian, pananampalataya at mga suliraning
panlipunan sa panahon kung kailan ito naisulat. May
mga Kuwentong-Bayang ang pangunahing layunin ay
makapanlibang ng mga mambabasa o tagapakinig
subalit ang karamihan ng mga ito ay kapupulutan din
ng mahahalagang aral sa buhay.
Ilang halimbawa ng mga Kuwentong-Bayan sa bawat
rehiyon:
1. Si Mariang Makiling (Tagalog)
2. Ang batik na Buwan (Bisaya)
3. Si Monki, si Makil at ang mga Unggoy
(Mindanao)
SI USMAN, ANG ALIPIN
(Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova
batay sa pagkukuwento ni Datu Abdul Sampil na
isang Maguindanaoan mula sa lungsod ng
Cotabato (1983).
Nang mga nagdaang panahon, may isang
nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang
nananahanan siya sa malayong sultanato at isa
siyang alipin. Matapang, mataas at kayumanggi si
Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat.
Isang umaga, nagpasya si Usman na bumisita
sa palengke malapit sa palasyo ng namumunong
sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni
Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil
hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa
siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking
nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin
ang buhay at maglaho.
Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan
ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga tauhan
sa sultan pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y
mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang
sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay
patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang
kautusan ng sultan.
Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang
anak ng sultan si Usman ay nakadama siya agad ng
pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binata.
Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang
sultan at nagmakaawang patawarin at pakawalan si
Usman.
“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si
Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ng dalaga sa ama.
Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya
nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak.
“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika
niya sa sarili.
“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang
panangis ni Potre Maasita ngunit hindi siya pinansin
ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng
paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking
labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga
mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y
ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos
sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na
malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay
ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong
maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre
Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa
isa’t isa.
Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na
kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa
kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid
na pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang
malakas. Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo
ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang
pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa
malupit na tao. Samantala, sinubukan nina Usman at
Potre Maasita na makalaya mula sa bilangguan.
Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si
Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinulungan ang
mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako,
tumulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga
nangangailangan ng tulong at pagkalinga.
Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay
ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si Potre
Maasita!” ang pagbubunyi at labis na
pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre
Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang matanto
nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita
nama’y may mabuting kalooban.
Nang sumunod na araw, isang kasalan ang
naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan
at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.
Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng
pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong
kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan
at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang panahon
kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan.
Panuto. Maghinuha ng kaugalian at kalagayang
panlipunan ng Maguindanao na pinagmulan ng
Kuwentong-Bayan na Si Usman, Ang Alipin.
Halimbawa: 1.Nang makalabas sa kulungan si Usman ay hindi siya
Isang malaking bato ang nagdalawang-isip tumulong. Mabilis pa sa kidlat
s
bumagsak sa ulo ng sultan na niyang tinutulungan ang mga sugatan at ang mga
naging sanhi ng kanyang nasawi. Makikita sa pangyayari na si Usman ay
biglaang pagka-matay. Isa itong _____________________________
malupit na kamatayan para sa
___________________________________________
malupit na tao. Mahihinuha sa
___________________________________________
pang-yayaring ito na:
Ang mga maguindanaoan ay 2. Natagpuan ng taumbayan ang
naniniwala na ang masa-samang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng
bagay na ginawa mo sa iyong kapwa nagdaang panahon kung saan namayani ang
ay babalik sa iyo. Kilala rin ito sa
tawag na karma na pinaniniwalaan kapangitan at kalupitan. Mahihinuha sa
din ng iba pang pangkat sa Pilipinas. pahayag na ito na
_____________________________________
_____________________________________
TANDAAN:
 Sa kuwentong- Bayang Si Usman, Ang Alipin
masasalamin ang pamumuhay ng mga
mamamayan sa ilalim ng isang malupit na Sultan.
Makikita rin dito ang mga paniniwala at kaugalian
ng mga Maguindanaoan.
 Ang kuwentong bayan ay bahagi ng ating
katutubong panitikan.
 Ito ay uri ng panitikang lumaganap at nagpasalin-
salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang
pasalindila o pasalita.
 Nasasalamin dito ang kaugalian,
pananampalataya at tradisyon ng lugar kung saan
ito nagmula.
 Maraming kuwentong-bayan ang pumapaksa sa
mga hindi pangkaraniwang pangyayari.
 Kapupulutan ng mga mahahalagang aral sa
buhay.
 May kilalang kuwentong-bayan ang bawat
rehiyon sa Pilipinas. Nagkaroon lamang ng iba’t
ibang bersyon dahil lumaganap ito nang pasalita.
Pangalan: ________________________________ kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin ang buhay at maglaho. Ano ang
Sukatin ang iyong natutuhan! mahihinuhang pag-uugali ni Sultan Zacaria sa pangyayaring ito?
(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.) A. Isinasaalang-alang ang nasasakupan
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan at itiman ang bilog ng B. responsableng pinuno
wastong sagot. C. gahaman sa kapangyarihan
1. Ang mga sumusunod ay masasalamin sa Kuwentong-Bayan, maliban D. pagsasamantala sa kanyang posisiyon
sa isa. 7. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa
A. kaugalian B. tradisyon dalawa, biglang lumindol nang malakas. Mahihinuha na ang Maguindanao ay
C. paniniwala D. katatakutan A. nakararanas din ng lindol
2. Bakit kaya sa kabila ng mga di pangkaraniwang paksa ng kuwentong- B. laging handa sa paglikas
bayan ay kapupulutan pa rin ito ng aral? C. nasa mataas na bahagi ng Pilipinas
A. nagpapakita ito ng kultura, paniniwala at kaugalian D. ligtas sa anumang sakuna
B. naglalahad ng takbo ng kuwento 8. Nang makalabas si Usman mula sa kulungan ay mabilis pa sa kidlat
C. nakabatay sa totoong buhay ang mga pangyayari niyang tinulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Mahihinuha rito na si
D. nauunawaan ito ng mga bata Usman ay
3. Bakit nagkaroon ng iba’t ibang bersyon ang mga kuwentong-bayan sa A. marunong manggamot
Pilipinas? B. likas na matulungin
A. lumaganap sa paraang pasalindila C. mapagbigay sa kapwa
B. impluwensya ng mga kastila D. matapat na alipin
C. pamana ng mga dayuhan 9. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng
D. isinulat ng mga kilalang awtor taumbayan. Labis na pagpapasalamat ang mga ito kina Usman at Potre
4. Sinasabing ang Kuwentong-bayan ay Pasalindilang Panitikan. Ano nga Maasita. Mahihinuha sa pangyayaring ito na ang mamamayan ng sultanato
ang ibig sabihin ng pasalindila? ay ______
A. nailimbag sa mga aklat A. masayahin
B. nagkamit ng parangal B. maasikaso sa kapwa
C. isinapelikula C. matapat sa pinuno
D. lumaganap ng pasalita D. marunong tumanaw ng utang na loob
5. Ang kuwentong-bayan ay nasa anyong _______ kung kaya ito ay may 10. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak.“Walang
banghay. sinumang makapipigil sa akin,” ang wika ng sultan sa kanyang sarili. Ang
A. tuluyan C. piksiyon sultan ay_____.
B. patula D. di-piksiyon A. matalinong pinuno
6. Dahil hindi matanggap ni Sultan Zacaria ang kanyang anyo, B. mapagmahal na ama
nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa C. mapagkumbabang sultan
D. makasariling tao

You might also like