You are on page 1of 4

1. Ano ang inilarawan sa dalawang linyang ito?

Kahit na tanghali ay tila rin gabi,


Ang iisang ilaw ay ayaw magsindi.
‘’Bayang Malaya’’ – Amado V. Hernandez
A. bayan B. bahay C. brawnawt D. bilangguan
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo hinggil sa sarswela?
A. isang dulang musical C. karaniwang paksa ang pag-aalsa
B. sinasaniban ng sayaw at tutugin D. unang umunlad sa Espanya noong ika-17 dantaon
3. Ang batutian ay isang mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may kayarianng isang dula.
Ito ay ipinangalan sa makatang si
A. Francisco Baltazar C. Jose de la Cruz
B. Jose Corazon de Jesus D. Crisostomo Sotto
4. Sa anong panahon naisulat ang mga taludtod na ito?
Wala nang pamana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawing hirap;
tiis ay pasulong, patente’y nagkalat,
rekargo’t impuesto’y nagsala-salabat.
A. Panahon ng Americano C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Kastila D. Panahon ng Batas ng Militar
5. Mula anong mayayaman ang tulang ito?
Alam natin ang katutuhanan
Tayo man ay nasaan:
Pagsapit ng hapon
Lumulubog ang araw.
‘’Ambahan Tungkol sa Paggawa’’
A. Tagalog B. Mangyan C. Ivatan D. Ilocano
6. Basahin ang mga linyang sumusunod.
Huwag ninyo akong alukin
Ng mga taludtod
Kung ang tula ay isa lamang
Pumpon ng mga salita.
‘’kung ang Tula Ay Isa Lamang’’-
Jesus Manuel Santiago
Ang ‘’ninyo’’ sa unang linya ay tumutukoy sa mga
A. manunulat B. ambibigkas C. manlilimbag D. makata
7. Alin ang pinaka-angkop na buod ng halaw?
Ang pinakamabisang paraan ng paglupig sa isang bansa ay pagbihag sa kanilang
Kaisipan. Ang tagumpay ng military ay hindi nangangahulugan ay pagsakop ng bansa.
‘’ Ang Maling Edukasyon ng mga Filipino’’ – Renato Constantino
A. mas matindi ang pagkalupig ng isipan kaysa pagsakop sa teritoryo ng bansa.
B. Ganap ang pagsakop kung nagapi ng mga military ang mamamayan.
C. walang saysay ang lakas ng military sa tatag ng kultura ng bansa.
D. Nararapat labanan ang lahat ng uri ng pananakop ng nga dayuhan.
8. Anong kaisipan ang ipinapahiwatig ng dalawang linyang ito?
Sa gitna ng salon, ang boses ng tanso ay tumataginting
Sinusundan-sundan ng apat na pang salit kung maglambing.
‘’Three O’clock in the morning’’ – Cirio H. Panganiban
A. pagbabalatkayo C. Pagtataksil
B. pagbabakasakali D. pagmamahalan
9. Sagutin ang bugtong.
Nang bata pa’y paruparo
Nang tumanda ay latigo.
A. saging B. sinturon C. singkamas D. sitaw
Basahin ang bahagi ng nobela at sagutin ang tanong 10 at 11.
Nang mag-aalas singko ay hindi makalakad sa Atong kahit walang dala. Hindi niya maitapak
ang kaliwang paa niya nang dala ang buong bigat ng kanyang katawan.
__________Pa’no kaya akong makakauwi nito?
__________Ihahatid kita, kung gusto mo, __________ sabi ni Julio.
__________Sige na nga, pakisuyo. Sa bahay ka na tuloy tsumitsa.
Sa Mga Kuko ng Liwanag – Edgardo M. Reyes
10. Alin ang tumutukoy nang tama sa mga tauhan at tagpuan?
A. manggagawa sa lungsod C. puno sa tanggapan
B. tambay sa kanto D. magsasaka sa nayon
11. Ano ang ibig sabihin ng huling salitang ginamit?
A. magpahinga B. kumain C. matulog D. maghintay
12. Anong kaugalian o paniniwala ang nilalaman ng awiting-bayang ito?
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto, salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri parang tandang.
A. ang mga Filipina ay parang mga paruparo.
B. ang mabuting babae ay dapat nasa lansangan.
C. nasa loob dapat ng bahay ang kababaihan.
D. ang nasa labas ng bahay ay haliparot.
Basahin ang halaw upang masagot ang 13 at 14.
Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap na mabigat na katungkulan,
Kaya bago pahikayat ang loob ng tao sa pagnanasa ng karangalan, ay ilingap muna
Ang mata sa katungkulan, at pagtimbang-timbangin kung makakayang pasanin.
Urbana at Felisa – P. Modesto de Castro
13. Ang karangalan na binabanggit ay tumutukoy sa
A. pag-uugali B. karunungan C. kapangyarihan D. pinag-aralan
14. Aling pelikula ang may katumbas o katulad na tema?
A. Batman B. Superman C. Zsa-Zsa Saturna D. Spiderman
15. Saan nagmula ang halaw na ito?
Nakatagpo ni baltog ang mga buwayang lumilipad sa Bicol at mga baboy-ramong kasinlalaki ng
mga elepante. Pinagpapatay niya ang mga ito.
A. epiko B. korido C. kuwentong-bayan D.kuwento ng kababalaghan
16. Anong uri ng sinaunang porma ng literature ang nasa ibaba?
Dagang malaki, dagang maliit
Heto ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan mo ng magandang kapalit.
A. awiting-bayan B. bulong C. dalit D. bugtong
Mahagit kang aba sa mapagpunuan
Ng hangal na puno at masamang asal,
Sapagkat ang haring may hangad sa yaman
Ay mariing hampas ng langit sa bayan.
Florante at Laura- Francisco Baltazar
17. Alin ang tumpak na pagpapahulugan ng siniping bahagi?
A. ang mga gahamang pinuno ay walang pinag-iba sa mga haring gahaman
B. malaking parusa sa bayan ang magkaroon ng punong gahaman at duhapang sa kayamanan.
C. maituturing na sabwatan ang pagkaroon ng mga hangal na puno at ngitngit ng kalangitan.
D. mas malubha angg kasalanan ng mga taong pinagkatiwalaang mamuno ngunit nagging
gahaman.
18. Anong katutuhanan hinggil sa kasaysayan ang ipinapakita sa tagpong ito ng nobela?
Sa liblib na aking kinatataguan ay nagdaan ang dalawang makabebe na kasama ang mga
Amerikano, at aking napakinggan sa kanila ang sumusunod na salitaan:
UNANG MAKABEBE: ‘’Ito ang nuno ng tapang. Sino ang mag-aakalang makamatay pa ng
walong Amerikano, ang koronel na itong halos ay naghihingalo na lamang?’’
IKALAWANG MAKABEBE: ‘’Sinasabi ng Amerikanong manggagamot na kung sa mga sugat
daw lamang ay maaari pa siyang nabuhay, pagkat ang punglo’y hindi naman nakasira sa
sangkap na mahahalaga sa loob ng katawan; ngunit, may kahirapan daw siyang iligtas dahil sa
lubhang kakulangan ng dugo, kaya nawawala tuloy ang pag-asa dahil sa kahinaan ng
katawan.’’
Ang singsing ng dalagang marmol – Isabelo de los Reyes
A. ang kabayanihan ng mga rebolusyonaryo.
B. ang karahasan ng mga kasali sa digmaan
C. ang pagtataksil sa bayan ng ilang mamamayan
D. ang kalupitan ng Amerikanong mananakop.

Basahin ang halaw.


Tulad ng pista, ang dyipni ay bahagi ng buhay Filipino. Katunayan, ang Ford, Toyota,
Volkswagen,at Chysler ay mga kompanyang multinasyonal na sumakay sa popularidad ng dyipni
at lumikha ng ganitong sasakyan. Ngunit dahil nilikha nang maramihan, wala sa mga ito ang
sining o ang disenyong baroque. Sa halip, isahang lagyan ng makulay na disenyo ang kanilang
sasakyan upang makopya ang magic ng dyipni. Masyadong diretso ang linya ng mass produced
ng dyipni at hindi akma sa sensibilidad ng Pilipino.
‘’Alisin Ka Mo ang Dyipni? Teka Muna’’ – Valerio L. Nofuente
19. Ano ang pinupunto ng sanaysay?
A. ang dyipni ay bahagi ng pangkulturang pagkakakilanlan ng mga Filipino.
B. ang dyipni ay nagtataglay ng kanluraning estilo kagaya ng baroque art.
C. ang dyipni ay pilit ginagaya ng ibang mga bansa pero pawing nangabigo sila.
D. Ang dyipni ay may tatak ng parehong katutubo at dayuhang sensibilidad.

Basahin ang halaw at sagutin ang huling tanong.


Sa mga epiko nati’y wala ang phenomenon ng himagsikan. Ngunit kung hindi tayo tututol nang
malakas, kung hindi natin itataas an gating mga boses, kung hindi natin mauunawaan na ang
salitang reconciliation ay matagal nang patay at ang salitang dapat natin ngayon ay
registration, baka lumihis ng landas an gating bayan. Baka mawala sa ating morpolohiya an
gating kasaysayan. Sa halip na mapatay natin ang kontrabidang pamahalaan ay baka tayo ang
mapatay ng mga mahihirap. Sa kanila nanggaling an gating mga epiko’t maaari rin nilang
baguhin ang morpolohiya, baralira, at gramatika ng mga ito.

‘’Si Lam-Ang, si Fernando Poe Jr., at si Aquino: Ilang Kuro-kuro


Tungkol sa Epikong Filipino’’ – Isagani R. Cruz
20. Ano ang implikasyon ng kinatatakutan ng may-akdang kritiko?
A. ang masa ay karaniwang naaakit sa himagsikan.
B. ang mga epiko ay sandata sa paglaban ng mamamayan.
C. ang lipunan ay dapat sunud-sunuran sa mga epiko.
D. ang mga mahihirap ang mapagpasyang uri sa lipunan.
21. Which story has a circular plot?
A. Dead Stars B. May Day Eve C. Magnificence D. Harvest
22. ‘’But, alas, the heart forgets; the heart is distracted; and _____________ passes; summer ends,
the storms break over the rot-ripe orchards and the heart grows old; . . .’’
A. May day eve B. Mayday midnight C. May night D. May-time
23. Alfredo Salazar undergoes epiphany at the end of Marquez-Benitez’ story.
What does epiphany mean?
A. regret B. insight C. freedom D. confusion
24. ‘’There was nothing to fear, for the man was always so gentle, so kind.’’ What literary device is
employed in this from Magnificence?
A. foreshadowing C. symbolism
B. en medias res D. flashback
25. ‘’It was not quite five, and the bread was not yet ready.’’ What does the bread symbolize in
Bread of Salt?
A. The boy’s unreciprocated love for Aida.
B. The embarrassment of the boy in the presence of Aida.
C. The boy’s dream of becoming a famous violinist.
D. The differences in the social status between Aida and the boy.

You might also like