You are on page 1of 14

MGA PANITIKAN SA MAYNILA AT KARATIG NA LUNGSOD AT BAYAN

1. KANTAHING BAYAN:

a. Uyayi/hele - Pampatulog ng bata


b. Tikam – Awit sa pakikipagsapalaran
c. Soliranin - awit sa pamamangka
d. Kundiman - Awit sa pag-ibig
e. Hilirao/ Pamatbat – Awit sa pag-iinuman
f. Labay – Awit ng mga ibon sa alamat
g. Kutang - Kutang – Awiting panlansangan
h. Ihiman - Awit pangkasalan
i. Tingud - awit pantahanan
j. Umbay - Awit sa libing

2. MGA TULA

a. Diona - Tulang may pitong pantig bawat linya,tatlong taludtod kada saknong at may isahang
tugmaan.
Ang payong ko'y si inay
Kapote ko si itay
Sa maulan kong buhay

- Raymond Pambit
Lolo, huwag malulungkot
Ngayong uugod-ugod
Ako po'y iyong tungkod
- Gregorio Rodillo

b. Tanaga - Binubuo ng 7 na pantig bawat linya at binubuo ng apat na linya na nagtataglay ng


talinghaga.
Parang talang marikit
May taglay na pang-akit
Hangad niyang makamit
Wag sanang ipagkait

c. Talinghaga - tulang may malalim na kahuluga

MANGGAGAWA
Ni: Jose Corazon de Jesus

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday


alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.
Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.

3. Maikling kwento - naglalahad ng madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at naiiwan ng


kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa.
a. Kwentong bitbit - (bago dumating ang mga kastila) Kwentong bunga ng guniguni.
b. Kakana - (pagdating ng espanyol) Naglalaman ng mga alamat at engkanto,panlibang sa mga
bata
c. Kwento patungkol sa buhay ng mga santa at santo - Layuning mapalaganap ang
kristyanismo.
4. Sanaysay

Ang Ningning at Ang Liwanag


(Mula sa Liwanag at Dilim)
ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata,


upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng
sikat na araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay
maraya. Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang
kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay
at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw, marahil sa
isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang
sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y napapangiti, at
isasaloob. Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng
kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang tunay.
Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa
liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay
nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng
ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang
ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay sa dugo ng
ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang maliwanag, ang
magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning pagka’t di natin pahahalagahan. At ang mga isip
at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katuwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi mapagmalas ng
mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad
sa ningning, mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw sa paningin.
Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng halimbawa at lakas sa
pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina


Panganiban at Panganiban, 1998
5. DULA AT DUPLO

DULA

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang
paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga
dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.

DUPLO

Ang duplo ay isa tulang pandulaan noong unang panahon, ito ay sinasabing siyang humalili sa
karagatan, ito ay paligsahan sa husay sa pagbigkas na pangangatuwiran na patula. Ito ay ginaganap bilang
paggunita sa namatay.

Paano nilalaro ang duplo?

 Maghaharap ang mga kasaling binata at dalaga.


 Sa paligsahang ito ay tinatawag na duplero ang kasaling lalaki at duplera naman ang kasaling babae
 Kapag naglalaro na ang kasaling lalaki ay tinatawag na bilyako samantalang bilyaka naman ang
kasaling babae.
 Mayroong isang palmatorya na ginagamit ng hari kung mayroong nahatulan ng parusa ito ang
kanyang ipinapalo sa palad.
 Ang parusa sa larong ito ay maaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng
namayapa.
 Ang paksa sa larong ito ay tungkol sa nawawalang loro ng hari. kung saan magsusumbong ang
bilyako sa hari sapagkat hinamak ng isang bilyaka.
 Ang duplo ay ginaganap sa bakuran ng isang bahay ng namatay.
 Ang larong ito ay nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian.
 Ang larong ito ay pinangungunahan ng isang matanda kung saan ito ang gaganap bilang haring
tagahatol.
PANITIKAN SA TIMOG KATAGALUGAN
Rehiyon 4-A CALABARZON

KLIMA:
Ang lalawigan ng Batangas, Cavite, at Occidental Mindoro ay may dalawang tiyak na panahon, Tag-
init mula nobyember- abril at tag-ulan sa ibang buwan ng taon.

Produkto:
 Niyog ang pangunahing produkto ng rehiyon.
 Nagtatanim din sila ng iba pang produkto tulad ng palay,mais,tubo,kape gulay at mga prutas.
 Palay ang inaani sa Laguna at Batangas.
 Saging at pinya naman sa cavite.

MGA KILALANG MANUNULAT SA REHIYON (4A)

1. Dr. Jose Rizal (Laguna)


a. Sa aking mga kababata
b. Noli me tangere
c. El felibusterismo 1891
d. Hinggil sa katamaran ng mga pilipino
e. Ang pilipinas sa loob ng isang daang taon.

2. Teo S. Baylen (Cavite)


a. Bawat hukay
b. Takip silim at lumang lambat

3. Rev. Fr. Arnel S. Vitor (Rizal)


a. Ang tutong

4. Buenaventura S. Medina Jr. ( Cavite)


a. Kapangyarihan at punong kahoy

5. Alejandro S. Abadilla (Cavite)


a. Ako ang daigdig at sanaysay sa tula

6. Claro M. Recto (Quezon)


a. Noong bata pa ako

7. Clemente M. Bautista
*Kilalang komentarista sa istasyon ng DZRH
CAVITE

 Ang kabite ang pinakamaliit na lalawigan sa CALABARZON.


 Ang kabite ay isa sa mga lalawigan na mabilis ang pag angat ng ekonomiya sa pilipinas dahil sa
kalapitan nito sa metro manila.
 Ang kabisera nito ay IMUS.
 Pangunahing wika ay tagalog.

KULTURA
 Mardicas dance- Sayaw ng digmaan. Kilala sa bayan ng Ternate
 Karakol Dance- street dancing na kung saan ipinaparada ang mga santo,kasunod ang isang
prusisyon sa ilog.
 Ang debosyon sa virgen ng Soledad ang pinakamalaking ambag ng mga kabitenyo sa kasaysayan
ng debosyon kay maria at sa simbahang katoliko sa pilipinas.

LAGUNA

 Kastilang salita na “Lago” na nangangahulugang lawa.


 Kapanganakan ni Dr. Jose Rizal.
 Halos napapaligiran ng Laguna ang Laguna de bay.
 Napapalibutan ng mga bundok tulad ng Makiling, at Nalepunyos.
 Paglililok,pagtatanim,Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay.

MGA PISTA

 Bangkero Festival
 Tsinelas Festival

MGA KILALANG PAGKAIN

 Puto Biñan
 Okoy
 Kesong puti
 Espasol

BATANGAS

Ang salitang “Batangan” ay tumutukoy sa taong nakatira sa may lawa ng taal na ang
ikinabubuhay ay pangingisda gamit ang mga balsa.
 Pinakamagandang destinasyon para magbakasyon dahil sa mga magagandang resort at Diving
spots na makikita rito.
 Puso ng katagalugan
 Kapeng barako at balisong ang pinakakilalang produkto ng lalawigan.
 Kilala sa pananalitang gamit ang “eh at ga”.

MGA PISTA

 Tinapahan festival
 Tinapay festival

RIZAL

 Ang Rizal ay tinatawag na “ Duyan ng pambansang sining.”


 Kilala sa larangan ng pagpipinta at musika
 Kabisera nito ang Morong

HANAPBUHAY:

 Pag aalaga ng baboy o babuyan


 Pagsasaka at pakikipagkalakalan

MGA SALAWIKAIN:

 Mayaman ka ma't marikit; maganda ang pananamit, pag wala kang tagong bait, walang halagang
gahanip.
 Ang mabigat gumagaan kapag napagtutuwangan.
 Magsisisi ka ma't huli walang mangyayari ,dahil sa walang pagsisisi sa unang nangyari.

MGA AWITING BAYAN:

 Kundiman
 Kasagutan sa pagsinta
 Ako’y bulaklak.
MGA TULA:

1. TAKIPSILIM AT LUMANG LAMBAT

Ang buhay ay parang pamamangka,samu't saring karanasan ang mahihila sa dagat ng


buhay ng lalong nagpapatingkad ng kulay sa tunay na kahulugan ng buhay.

2. SA ISANG MADILIM, GUBAT NA MAPANGLAW

Sa isang madilim, gubat na mapanglaw


dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.

Malalaking kahoy ang inihahandog


pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot,
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa labong matipi’t nagsasayang loob.

Tanang mga baging, na namimilipit


sa sanga ng kahoy, ay balot ng tinik
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
sa kangino pa mang sumagi’t malapit.

Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy


pinakamaputing nag-ungos sa dahon,
pawang kulay luksa at nakiki-ayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.

Karamiha’y sipres at higerang kutad


na ang lihim niyon ay nakasisindak,
ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

Ang mga hayop pang dito’y gumagala,


karamiha’y s’yerpe’t basilisko’y madla
hyena’t tigreng ganid na nagsisisila
ng buhay na tao’t daigdig kapuwa.
Talasalitaan:

1. Mapanglaw-Malungkot

2. Masukal-Madumi

3. Kahipisan-Pighati

4. Dawag-Gubat

5. Nag-ungos - Nagdala

6. Nakaliliyong- Nakakahilo

7. Nagsisila- Pumapatay

REHIYON 4B ( MIMAROPA)

Binubuo ng mga sumusunod:

1. Mindoro

2. Marinduque

3. Romblon

4. Palawan

- Madalas makaranas ng bagyo

- Sagana sa likas na yaman


MGA PANITIKAN

AMBAHAN (Mindoro)– Tulang paawit na ginagamitan ng iskrip,paksa nito'y panunuyo at pag-ibig.

HALIMBAWA NG AMBAHAN :

Kawayan sa may inwag


Labong una naragdag
Poon danga lungalag
Paggamot di mabayad.

URUKAN – Tulang paawit na puspos na puspos ang mga salita ng karunungan at katutubong ulat ng
mga matatanda.

- Sinasaliwan ng gitara,plawta,lira o anumang string instrument.

PANUBONG - Isang tulang paawit bilang pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan o panauhin
sa kanilang baryo.

- Ang Panubong o Pamutong sa tagalog o patungan sa mga tagalog na ang kahulugan


ay pagpuputong ng mga bulaklak sa dalagang may kaarawan.

- Sa pagpuputong iginagawa ng korona ang sinumang panauhin ng lugar at sak


inaalayan ng tula.

- Karaniwan ang tagaputong ay Binata.

- Dinadayong okasyon din bukod sa Moriones na isang kapistahang kasabay ng mahal


na araw o semana santa.

MAY TATLONG BAHAGI ITO:

1. Sisimulan ang pag-awit sa tarangkahan ng bahay ng dalaga.

2. Kapag uma-akyat na sa hagdan ang dalaga.

3. Sa loob ng bahay.
MGA MANUNULAT

N.V.M Gonzales

 Kilalang makata,mamamahayag,manunulat at isang guro

 Isinulat ang mga sumusunod at isinalin sa ibat ibang wika sa India.

 Warm hand
 Children of the asa-covered loom
 Isinulat noong panahon ng hapon kung saan ipinagbawal ang wikang ingles.

MGA KWENTO AT KWENTONG-BAYAN (CALABARZON)

ANG ALAMAT
ni Bernardo Carpio

Nang ang Pilipinas ay sakop pa ng mga Kastila ay may mag-asawang naninirahan sa paanan ng
bundok ng San Mateo, Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali’t sila ay mabait, masipag, matulungin,
at maka-Diyos. Sa mahabang panahon nang kanilang pagsasama ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa
man sila ay masaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalo na sa tulad nilang naghihirap, at sa mga
may sakit. Ang mga bata sa kanilang pook ay inaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy
silang umaasa na balang araw ay magkakaruon din sila ng sariling anak.
Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig ay kinaawaan din sila ni Bathala at dininig
ang kanilang panalangin na magkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan sila ng isang malusog na
sanggol na lalaki. Bukod duon, biniyayaan din ni Bathala ang sanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo
ng lakas ng pananalig at kagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang

Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig. Ilang linggo pa lang
mula nang siya'y ipinapanganak ay nagagawa na niyang dumapa at gumapang mag-isa kaya minsan ay
muntik na siyang mahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi naagapan ng isang Kastilang parina
nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upang magturo ng Kristiyanismo.

Sa suhestiyon ng Kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol, siya ay


pinangalanang Bernardo Carpiong kanyang mga magulang. Hinango ang kanyang pangalan
kay Bernardo de Carpio, isang matapang, bantog, makisig, at maalamat na mandirigma sa bansang
Espanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging maalamat ding buhay ni Bernardo Carpio sa Pilipinas.
Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila-gilalas ang pambihirang lakas ni Bernardo. Mahigit isang taon pa
lang ay nagagawa niyang bunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa kanyang paglalaro. At kapag isinasama
siya ng ama sa pangangaso ay parang walang anuman na binubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang
makagawa ng daanan sa masukal na kagubatan ng San Mateo.

Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay lumaking mabait, matulungin, at matatag ang
loob. Minsan sa kanyang pamamasyal sa gubat, ay may natanaw siyang kabayo na nahulog sa bangin at
napilay.
Agad na nilusong ni Bernardoang bangin upang sagipin at tulungan ang kabayo. Parang walang
anuman na pinasan at iniahon niya ang kabayo sa bangin at dinala sa kanilang bahay upang gamutin at
alagaan. Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni Bernardo ay dumaloy mula sa kanyang mga
kamay at bumahagi sa kabayo na naging dahilan upang mabilis itong gumaling at nagsimulang nagpamalas
din ng pambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas at bilis ang kabayo ay tinawag niyang
si Hagibis at mula nuon si Bernardo at si Hagibis ay laging magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng
San Mateo.

Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga Kastila sa mga karapatan at kalayaan ng


mga Pilipino ay lalung nag-ibayo. Mapagtiis man ang mga Pilipinoay dumating din ang panahon na hindi na
nila matanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang mga kalalakihan ay nagsimulang magpulong-pulong at
bumuo ng mga pangkat sa hangaring ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Dahil sa kanyang
taglay na pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili si Bernardo na namuno sa namimintong
himagsikan laban sa mga Kastila.

Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at
kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsasalita sila at umiibig, namimili sa talipapa at iba
pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon. Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa
dalawang ganitong diwata nuong Unang Panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa
nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang
kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit
naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao. Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-
damit ng sutla (silk) na may borda (embroidered) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang
buhok, abot hanggang sakong (heel) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha (pomelo). Marikit ang
kanyang mga mata kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga
tao sa magalang na pagbati.

Dalawang katulong na Aeta ang lagi niyang kasama pagpunta sa talipapa. Hindi lumalayo ang
mga Aeta, bitbit ang isang buslo (basket) ng luya na ipinagpa-palit ni Mariang Makiling - wala pang salapi
nuon, at ang bilihan sa katunayan ay palitan lamang ng mga dala-dalang bagay - sa mga salakot, banig
(sleeping mats), at sutla (silk).

Isang araw, nagtungo sa talipapa ng Makiling si Gat Dula, ang panginuon sa nayon ng Bai, upang
mamili at mag-aliw. Siksikan ang mga tao duon sapagkat araw ng pamilihan nuon, at lahat sa nayon ay nasa
talipapa. Pati ang mga taga-kalapit baranggay at nayon ay dumayo upang magkalakal din, bitbit ang kanilang
mga paninda.

Nanduon din nuon si Mariang Makiling at nagkataon, nakasabay niya si Gat Dula sa pagtawadsa
isang piraso ng balat ng hayop. Kapwa nakaharap sa nagtitinda, nagkadikit ang kanilang mga balikat, at
nagkatinginan silang dalawa. Hindi sinasadya, nahipo pa ni Gat Dula ang kamay ni Mariang Makiling
sapagkat hawak nilang magka-sabay ang balat ng hayop.

Bilang paumanhin, yumuko si Gat Dula kay Maria na, sa hinhin, ay hindi sumagot at tumingin sa
malayo. Nagkakilala sila at pagkaraan ng mahabang pag-uusap, nakangiti nang bahagya si Maria nang
maghiwalay sila. Mula nuon, madalas dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling,
subalit kahit kailan man, hindi na niya nakaharap si Mariang Makiling. Lagi siyang wala sa bahay at
tumutulong sa mga tao. Nuon kasi, gawi ng mga tao kapag nagigipit, ay lumalapit sa mga diwata at
humihingi ng tulong, at pakay naman ng mga diwata ang tumulong sa mga tao. Isa pang dahilan na hindi
nakita uli ni Gat Dula si Mariang Makiling: Siya ay isang nilalang na tao samantalang si Maria ay isang
diwata. Gaano man katalik sila, hindi maaaring mag-ibigan ang dalawang magka-ibang nilalang.

You might also like