You are on page 1of 45

(FilPan030)

PANALANGIN
Nicole Centeno
Kabanata II:
Ang Literaturang Filipino Bago Dumating
Ang Mga Kastila
✓ Kaligirang Kasaysayan
❑ Ang mahabang panahon ng matandang panitikan ay nahahati sa dalawang
bahagi:

• Ang Kapanahunan ng Alamat


• Ang Panahon ng Epiko
• Nagsimula sa lalong kauna-unahang panahon ng ating lahi
Ang magtapos sa paglipas ng ikalawang pandarayuhan sa mga
pulong ito ng mga Malay sa pali-palibot ng taong 1300 A.D.
Kapanahunan • Ang mga nakatira sa kapuluang ito ay mga Ita o Aetas,
ng Alamat bagama’t hindi tahasang gala, ay walang panatilihang tahanan.
• Ang panitikan noon ay saling-dila o lipat-dila na ang nag-iingat
at nagpapahayag ay ang mga apo; na karaniwang puno ng tribo
Ang o pinaka-pari ng kanilang relihiyon.

Kapanahunan • Ang relihiyon noon ay pagsamba ng Araw, pagsamba sa


ng Alamat punongkahoy o anumang kalagayan ng Kalikasan at ang lahat ng
kababalaghan ay gawa ng mabubuti at masasamang hilagyo
(spirit) na tinatawag nilang “anito”.
Ang Panahon ng Epiko
❖ Nagsimula sa pali-palibot ng taong 1300 A.D. at nagtatapos sa panahon
ng pananakop ni Legazpi noong 1565 A.D. Ito ang panahon ng
pandarayuhan ng mga Malay na marunong bumasa’t sumulat.

❖ Dalawang uri ng alpabeto ang naging laganap sa buong kapuluan.

❖ Ang Baybayin na ginagamit sa pulo ng Luzon at Kabisayaan,


samantalang ang Sanskrito ay sa pali-palibot ng Mindanao at
Sulu.
Baybayin

Mga patinig: a e-i o-u


Mga katinig: ba ka da/ra

ga ha la
ma na nga
pa sa ta

wa ya
✓ Mga Unang Anyo ng Maikling Kuwento
A. Mito - ay matatandang kuwentong-bayan tungkol sa mga bathala, sa
pagkakalikha ng daigdig at iba pang kalikasan; tungkol sa pinagmulan o
pagkakalikha ng mga unang tao, tungkol sa mga bayani - sa kanilang
kagitingan at kapangyarihan, at tungkol sa iba pang bagay na may
kinalaman sa pagsamba ng tao sa kanilang anito o diyos-diyosan.

Halimbawa: Ang Buwan at Araw


mula sa Tribo ng Tinggian
✓ Mga Unang Anyo ng Maikling Kuwento
B. Alamat - ay mga kuwentong-bayan na maaaring kathang-isip lamang o
hango sa isang tunay na pangyayari. Ito’y tungkol sa pinagmulan. Maaaring
pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman, o pungungkahoy, ng ibon, ng
bulaklak o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng isang pangalan.

Hal. Ang Alamat ng Bundok Kanlaon


-alamat mula sa Negros Occidental
✓ Mga Unang Anyo ng Maikling Kuwento
C. Pabula - isang maikling salaysay na patalinhaga at kinatha upang
maglarawan ng isang aral na moral. Ang mga panauhan dito ay mga hayop o
mga bagay na binigyang-katauhan, gaya ng kapangyarihang magsalita at
umisip na parang tao.

Hal. Ang Langaw at Gagamba


✓ Mga Unang Anyo ng Maikling Kuwento
D. Kuwentong-bayan - maaaring kuwento ng panlilinlang, katusuhan,
kapilyuhan, katangahan atbp. Ito’y maaaring kuwento ng kababalaghan o
enkantado.

Hal. Naging Sultan si Pilandok


✓ Mga Unang Anyo ng Dula

1. Ritwal
Ito ay isang uri ng seremonya na ginagamitan ng tula,
sayaw, at awit. Ito’y karaniwang pinangungunahan ng isang
babaylan o sinaunang pari na naglalayong mamagitan sa mga
Diyos at mga taong mortal hinggil sa lahat ng nasa kalooban ng
mga ito. Ang ritwal ay ginagamit sa pagpapasalamat,
pagdiriwang sa pag-aani, pagtataboy ng masamang espiritu,
paghiling ng anak o pagpapawala sa inaakalang poot ng mga
diyos.
✓ Mga Unang Anyo ng Dula
2. Sayaw
May mga sayaw na hindi ginagamitan ng tula kundi ng mga
instrumentong pantugtog lamang. Sa pamamagitan ng
pamumuwestra o senyas nailalahad ang damdamin o salaysay ng
mga nagsasayaw.
Halimbawa ay mga sayaw hinggil sa tagumpay ng
pangangaso, kagitingan sa pakikidigma o pakikipaglaban sa
kaaway o kaya’y nagpapa-hiwatig ng pag-ibig sa napusuang
dalaga.
✓ Mga Unang Anyo ng Dula

3. Laro at Libangan
Maraming laro ang mga batang maaaring ipalagay na
nasa anyong dula. Ang pagtataguan, paghahabulan at patintero
at bahay-bahayan ay may ibig ipahiwatig na saysay.
✓ Mga Unang Anyo ng Dula
4. Wayang Orang at Wayang Purwa
Ito ang mga unang dula sa Pilipinas na matatagpuan sa
pulo ng Panay, Cebu, at Dumaguete.
Ito’y katulad ng “puppet show” na binubuo ng tugtog sa
agong ng tanso, sayaw sa galaw ng kamay, leeg, ng mga mata
at pabigla-biglang hakbang. Mayroon itong banghay hinggil sa
isang sultan at mga aliping babae, o parusa ng bathala sa
kalupitan ng sultan o datu sa nga babae.
✓ Mga Unang Anyo ng Dula
5. Embayoka o Sayatan
Buhat sa mga Muslim ng Lanao to Hulu;
Ang embayoka ay isang pagtatalong patula na katulad ng “Balagtasan” ng mga
Tagalog. Karaniwan isang babae at isang lalaki ang binabayaran ng salapi
upang gumanap sa pagtatalo.
Ito ay sinusundan ng isang laro sa panyo na tinatawag na Sayatan. Sa larong
ito, sinasabing ang ginang, na may mahalagang papel ay may dalang panyo.
Habang tumutugtog ay lalapitan niya ang pangkat ng mga kabinataan at
kadalagahan; tatakipin niya ang balikat ng lalaki. Ang lalaking ito ang
magbibigay ng panyo sa nagugustuhang dalaga. Aawit ang lalaki at isasayaw
ang dalaga. Magsisimula ang sayaw sa pamamagitan ng pambungad na
talumpati ng pinuno ng pamayanan.
✓ Mga Unang Anyo ng Tula

A. Karunungang-Bayan
B. Bulong
C. Kantahing-Bayan
D. Epiko
✓ Mga Unang Anyo ng Tula
A. Karunungang-Bayan - Ito’y binubuo ng mga bugtong,
palaisipan, salawikain at kasabihan.

1. Bugtong
Ito ay maiikling tugmang naghahamon sa tao
na mag-isip nang madalian nang walang pagbabatayan
kundi ang inilalarawan ng mga salita. Ang ganitong gawain
ng isipan ay nagpapatibay ng kasiglahan ng guniguni. Ito’y
karaniwang binubuo ng dalawang taludtod na may sukat at
tugma.
Halimbawa ng bugtong:

Isang butil na ilaw Kung kailan mo pinatay

sikip sa buong bahay. (ilaw) saka humaba ang buhay.


(kandila)

Nang maliit ay gulok Nakalulubo’y walang init

nang lumaki ay sandok. (niyog) umaaso kahit malamig.


(yelo)
✓ Mga Unang Anyo ng Tula

A. Karunungang-Bayan

2. Palaisipan
Ito ay tila baga isang pagsasanay sa
pagpapatalas ng isip, upang marahil kapag dumating ang
isang suliranin sa buhay ay may kaalaman na sila kung
paano lulutasin. Ang palaisipan ay maaaring ilahad sa
paraang patula o tuluyan na karaniwang nagpapakita ng
payak na katalinuhang pang-aritmetika, panlohika o dili
kaya’y pansintido-komon.
Halimbawa ng Palaisipan:

May prinsesa sa tore ay nakatira


balita sa kaharian pambihirang ganda
bawal tumingala upang siya’y makita
Anong gagawin ng binatang sumisinta?
✓ Mga Unang Anyo ng Tula

A. Karunungang-Bayan

3. Salawikain
Ito ay mga butil ng karunungang-bayang hango
sa karanasan ng mga matatanda. Ito’y kinapapalooban ng mga
mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalaala
tungkol sa mga batas ng kaugalian. Ang salawikain ay
karaniwang patalinhaga at nasusulat nang may sukat at tugma.
Halimbawa ng Salawikain:

Ang sakit sa kalingkingan Sa taong nagugutom


Damdam ng buong katawan. Walang sunog na
tutong.

Kung walang pagod magtipon, Ang bayaning


nasusugatan
Walang hinayang magtapon. Nag-iibayo ng tapang .
✓ Mga Unang Anyo ng Tula

A. Karunungang-Bayan

4. Tugmang Pambata o Tugmang-bayan - mga


tugmang walang diwa, o kaya’y mga tugmang mababaw ang
isinasaad na kahulugan. Ito’y maikli, maindayog, mapanukso
at mapagtawa. Nagtataglay ng magkakatulad na tunog sa
hulihan ng bawat taludtod.
Halimbawa ng Tugmang Pambata o Tugmang-bayan:

Buwan, buwan
Hulugan mo ako ng sundang
Aanhin mo ang sundang?
Gagawin ko ng bahay
Para kanino ang bahay?
Sa aking mga magulang.
✓ Mga Unang Anyo ng Tula

B. Bulong
Ginagamit ito bilang pagbibigay-galang o
pagpapasintabi sa mga bagay o pook tulad ng punong
balete, sapa, ilog, puno sa punso atbp. Pinaniniwalaang
tirahan ng mga lamang-lupa, maligno at iba pang
makapangyarihang ispiritu nang hindi magalit at manakit.
Halimbawa ng bulong:

Tabi, tabi nuno


Kami lang po’y
Makikiraan.

Huwag magalit kaibigan


Aming pinuputol lamang ay
Ang sa ami’y napag-utusan.
✓ Mga Unang Anyo ng Tula
C. Kantahing-Bayan
Ang mga nilalaman nito’y nagpapakilala ng iba’t
ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao, mga kaisipan
at damdamin ng bayan. Nagpapahayag ito ng tunay na
kalinangan ng mga Pilipino. Bunga ito ng matulang
damdaming buhay sa puso at kaluluwa ng bayan.
Ang mga kantahing-bayan ay maaaring uriin sa mga sumusunod:
a. soliranin - awit sa pagsasagwan e. diona - awit sa panliligaw
b. dalit - awit sa simbahan f. sambotani- awit ng tagumpay
c. talindaw - awit ng pamamangka g. oyayi - awit ng paghehele
d. kumintang - awit ng digmaan h. kundiman - awit ng pag-ibig
Halimbawa ng kantahing bayan:

Dadansoy

Dadansoy, bayaan ‘ta ikaw


Pauli ako sa Payao
Ugaling kon ikaw hidlawon
Ang Payao imo lang lantawon

Dadansoy, kon ako imo apason


Bisan tubig di magbalon
Ugaling kon ikaw uhawon
Sa dalan magbobon-bobon.
✓ Mga Unang Anyo ng Tula

D. Epiko - Ito’y isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa


kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng
mga diyos o diyosa. Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan
ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
Mga Katangian ng Epiko:

❑Mahaba
❑Batay sa oral na tradisyon o salimbibig.
❑Di-makatotohanang pangyayari o supernatural na
makabayaning gawain, maladiyos na bayan, kaugnay sa
kabutihan, materyal o ispiritwal na kalagayan ng mga
tribo at katutubo.
❑May sukat at tugma.
❑Matiim o seryoso ang layunin, paniniwala, makabayan at
may ilang ukol sa pananampalataya.
MGA EPIKO NG BISAYA
Apat ang kinikilalang epiko ng mga Bisaya: Haraya,
Lagda, Maragtas at Hinilawod.

▪ Hinilawod - Itinuturing na pinakamatanda at


pinakamahabang epiko ng Panay. Binubuo ng 18 na
salaysay at ang bawat kwento ay kumakatawan sa
tatlong henerasyon. Kasaysayan ito ng pag-iibigan ng
mga bathala ng mga unang naninirahan sa Iloilo,
Aklan at Antique.
MGA EPIKO NG BISAYA

▪ Maragtas - Ang salitang “maragtas” ay


nangangahulugang kasaysayan. Ang akdang ito
samakatuwid ay kasaysayan ng mga pangyayari sa
pulo ng Panay mula sa pagdating doon ng mga datu
mula sa Borneo hanggang sa mga unang taon ng ika-
19 ng siglo.
EPIKO NG BIKOLANO
▪ Ibalon - Ito’y matandang epiko ng Bikol na isinalaysay ni Cadregong, isang
makatang manlalakbay. Ito ay nagsasalaysay tungkol sa tatlong bayani ng Bikol:
sina Baltog, Handiong, at Bantog.

Ang Ibalon ay binubuo ng 60 saknong. Ang sukat ay 12 pantig sa bawat


taludtod. Ang epikong ito ay nahahati sa dalawang bahagi, ang unang bahagi ay
ang kahilingan ni Iling kay Kadugnung na awitin nitong muli ang mga
pangyayaring magpapakilala sa kabayanihan ng bayaning si Handiong. Ang
ikalawang bahagi ay ang awit ni Kadugnung na naglalaman at naglalahad ng mga
pangyayaring naganap noong matagal nang panahon.
MGA EPIKO NG IFUGAO

▪ Alim - Ito’y ipinaglalagay ni Dr. Otley Beyer na


pinakamatandang epiko sa Pilipinas. Higit na makarelihiyon ang
anyo nito at inaawit sa mga pagtitipong nauukol sa relihiyon.
MGA EPIKO NG IFUGAO

▪ Hudhud - Ito ay inaawit naman sa mga pagkakataong di-


panrelihiyon. Ito ay tungkol sa buhay ni Aliguyon, ang
pinakamasipag, pinakamakisig, pinakamatapang at
pinakamalakas na tao sa buong Gonhandan.
EPIKO NG ILOKANO
Biag ni Lam–ang - Isinalaysay dito ang
pakikipagsapalaran sa buhay ng bayaning si Lam-ang.

Ito’y akda ng isang bulag na si Pedro Bukaneg, na taga - Abra


at naging bihasa sa wikang Samtoy sa Kastila. Siya’y isinilang
noong Marso, 1592 na isang bulag ngunit inampon ng mga
Paring Agustino at ipinadala sa Maynila upang doon ay mag-aral
ng wikang Kastila.
EPIKO NG MARANAO
▪ Darangan - Isa ito sa pinakamatanda at pinakamahabang
epiko ng mga Pilipino. Binubuo ito ng 25 kabanata. Ang
pinakamagandang bahagi nito ay ang ukol sa prinsipe na
nagngangalang Bantugan na nangunguhulugang “kapuri-
puri.” Ang epikong ito ay naglalarawan ng pagkawala ng
kaharian ni Bambaran at ng matandang tahanan ng mga
Maranaw. Ang kahariang ito ay natagpuan sa Cotabato sa
Mindanao sa panahon ng panunungkulan ng unang Sultang
Diwatanda-o Gibon.
PANALANGIN
Carmela Caratao
(FilPan030)

You might also like