You are on page 1of 8

FILIPINO

GRADE 10 - QUARTER 3 MODULE-BASED REVIEWER

MITOLOHIYA MULA SA AFRICA

MITOLOHIYA
● Ang mitolohiya ng Africa ay nakabatay sa mga halo-halong paniniwala at kultura ng iba’t ibang
tribo na naninirahan sa bawat dako ng kontinente. Kadalasang taglay ng mitolohiyang ito ang
tema na binubuo ng mga iba’t ibang diyos, kaluluwa ng mga yumao, at kuwento ng mga
mitolohikal na bayani at mga hari.

Liongo (Mula sa bansang Kenya)

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang
nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas
din siya tulad ng isang higante at hindi nasusugatan ng anumang mga armas. Ngunit, kung siya’y
tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang
kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana
sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop sa trono ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si


Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna- unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging
mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng
kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at
ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (refrain) nito ay inawit ng
mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay.

Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa
kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at
palaso at kalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay
madakip ngunit muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay
na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang
anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon, si
Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.

PAGSASALING-WIKA
● Ang paglipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa
wikang isasalin. Ang isasalin ay ang diwa ng talata at hindi ng bawat salitang bumubuo rito.
(Santiago, 2003). Mahalaga sa isang salin ay kailangang katulad ng orihinal sa diwa o mensahe.
● Ayon naman kay Nida (1994), Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng
pinakamalapit at likas na katumbas ng mensahe ng simulaing wika, una ay sa kahulugan at
ikalawa ay sa estilo. Ang estilo at paraan ng pagkasulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.

1
FILIPINO
GRADE 10 - QUARTER 3 MODULE-BASED REVIEWER

● Binigyan naman ng pagpakahulugan ang pagsasaling-wika ng manunulat ng aklat na ni Savory


noong 1986 sa kanyang aklat na The Art of Translation. Binanggit nito, na ang pagsasaling wika
ay isang proseso na maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa
likod ng pananalita.
● Sa madaling salita, ang pagsasaling wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na
katumbas na mensahe ng tekstong isinalin sa wika o dayalektong pinagsasalinan.

KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG TAGAPAGSALIN


1. Ang isang tagapagsalin ay kailangang may sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
sa pagsasalin.
2. Kinakailangang magkaroon ang tagapagsalin ng sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin.
3. Kinakailangang may sapat na kaalaman ang tagapagsalin sa paksang isasalin sapagkat siya ang
higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
4. Nagtataglay ang tagapagsalin ng sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng
pagpapahayag.
5. Kinakailangan ding magkaroon ng sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay
sa pagsasalin.

GABAY SA PAGSASALING-WIKA
1. Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuoang diwa nito.
2. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang
isasalin at sa wikang pagsasalinan.
3. Mahalaga rin ang kakayahang makapagsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng
pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
a. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang pagsasalin ay diwa at hindi salita.
b. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaan ang pagdaragdag, pagbabawas,
pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang makabuluhang
dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin
c. Rebisahin ang salin upang ito'y maging totoo sa diwa ng orihinal. Pansinin din ang
aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.
d. Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba't ibang kahulugan ng isang
salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang
kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.

2
FILIPINO
GRADE 10 - QUARTER 3 MODULE-BASED REVIEWER

ANEKDOTA MULA SA PERSIA O IRAN

MULLAH NASSREDDIN
● Kilala sa tunay na pangalang Nasreddin Hodja, isang pilosopo noong ika-13 siglo.
Pinaniniwalaan na ang kaniyang sinilangang-bayan ay matatagpuan ngayon sa bansa ng Turkey.
Kilala si Nassreddin dahil sa kaniyang nakatutuwang mga kuwento at anekdota. Siya’y may
matalas na pag-iisip, ngunit palagi siyang tampulan ng biruan. Ang “Mullah” ay isang titulo na
ibinibigay sa matatalinong Muslim. Halos lahat ng Muslim ay pamilyar sa mga kuwento ni
Nassreddin. Kahit ang mga di-Muslim sa Tsina ay alam din ang kaniyang mga anekdota , at sa
wikang Tsino ang pangalan niya ay “Afanti.”

ANEKDOTA
● Ay isang kuwentong nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nitong
makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa
lamang kung ang karanasan o mga pangyayari ay makatotohanan.
● Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na makakukuha ng interes ng mambabasa ang
bawat pangungusap Dapat na kapana-panabik ang panimulang pangungusap. Ang isang
magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na
ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

Mullah Nassreddin (Mula sa bansang Persia)

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga
Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah
Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa
mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang
kaniyang mga naisulat mula noon magpasa hanggang ngayon. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang
magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba
ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala
akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya
ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang
mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam
na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis.
Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si
Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang
kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam
ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay
lumisan.

3
FILIPINO
GRADE 10 - QUARTER 3 MODULE-BASED REVIEWER

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ANEKDOTA


1. Alamin ang paksa o layunin sa paggagamitan ng personal na anekdota. Piliin ang pangyayari sa
iyong buhay na angkop sa paksa at layunin. Dapat ay makatotohanan at may isang paksa.
2. Alalahanin ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo sa iyong anekdota.
3. Sa paglalahad ng iyong anekdota ay huwag munang sasabihin ang kasukdulan upang hindi
mawala ang pananabik ng mga mambabasa.
4. Sa pagwawakas ay dapat isaalang-alang ang kakintalang maiiwan sa mga mambabasa.

TULA MULA SA UGANDA

TULA
● Isang anyo ng panitikan na binubuo ng taludtod at saknong. May dalawang uri ito ang tulang
tradisyonal at ang malayang taludturan. Ang Tradisyonal na tula ay binubuo ng mga taludtod o
linya na nahahati sa mga pantig. Ang mga pantig ng isang taludtod o mga salita maging paraan
ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o matatalinghagang pananalita,
simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung bigkasin kaya’t
maaari itong lapatan ng himig.

● Sa pagsulat ng tulang tradisyonal, kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento nito.

a. Sukat
- Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
b. Tugma
- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.
c. Kariktan
- Ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuoan nito.
d. Talinghaga
- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig
ng may-akda

HELE NG INA SA KANIYANG PANGANAY (BUOD)


https://www.tagaloglang.com/hele-ng-ina-sa-kaniyang-panganay/

EPIKO MULA SA MALI, WEST AFRICA

EPIKO
● Ang epiko ay isang mahabang tula o kuwento na naglalarawan sa mga pakikibaka at
kabayanihan ng mga tauhan sa mga makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng isang lugar o
kultura.

4
FILIPINO
GRADE 10 - QUARTER 3 MODULE-BASED REVIEWER

Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali

Sa kaharian ng Niani, nahinuha na ng isang mahiwang mangangaso na si Maghan Sundiata


(Mari Djata) ay magiging isang magaling na mandirigma. Ngunit pitong gulang na siya pero hindi pa siya
nakakalakad. Sa paglisan ni Haring Maghan Kon Fatta, itinalaga ng kanyang pinaka unang asawa na si
Sassouma Bérété na si Dankaran Touma, kanyang anak ang magmamana ng trono. Pinalayas nila sa
kahariaan si Mari Djata at ang kanyang ina na si Sogolon Kadjou, at sila ay naghirap.

Isang araw, nais mamitas ni Sogolon Kadjou ng dahon ng baobas kaya nagpunta siya kay Reyna
Sassouma Bérété upang humingi ng kaunting dahon, ngunit sa halip na bigyan siya ay pinahiya pa siya
ni Sassouma.

Umuwi siya na puno ng kahihiyan at poot. Pagkauwi ng bahay ay napagbuhusan niya ng galit
ang kanyang anak na si Mari Dyata. Pinangako naman niya na makakatayo na siya sa araw ding iyon, at
di lamang dahon ang dadalhin niya sa ina, kundi buong puno at ugat ng baobab.

Inutusan ni Sundiata na hanapin ang pinakamagaling na panday ng kanyang ama, si Farakourou,


upang gumawa ng isang tungkod na bakal. Noong araw na iyon ay natunghayan ng mga panday ang
himala ng Diyos para kay kanya.

Gumapang siya patungo sa dambuhalang bakal. Sa pamamagitan ng kamay, siya ay lumuhod


habang ang isang kamay naman niya ay inihawak sa bakal. Pilit niyang itinaas ang kanyang mga tuhod
mula sa lupa, ang hawak niyang bakal ay bumaluktot at naging pana. Umawit ng “Himno ng Pana” si
Balla Fasséké habang lubos ang galak na nadama ni Sogolon nang nasaksihan ang unang hakbang ng
kanyang anak.

Tinupad na nga ni Maghan Sundiata ang kanyang pangako sa ina, binunot niya ang buong puno
ng baobab at itinanim sa harapan ng kanilang bahay. Simula ng araw na yun ay lubos na paggalang na
ang tinamasa ng kanyang ina.

Sa kanyang pagbibinata, naging isang magaling na mangangaso at lider ng kanyang hukbo si


Maghan Sundiata. Samantalang si Soumaoro Kanté naman, isang salamangkero at haring mananakop
ng Sosso ay unti- unting sinasakop na ang mga lungsod na kalapit ng Mali. Malakas at
makapangyarihan si Soumaoro ngunit siya ay may kahinaan, at sa kagustuhang makapaghiganti ng
pamangkin niyang si Fakoli, sumagpi siya kay Sundiata. Sinabi nila Fakoli at Nana Triban kanya ang
makakapagpabagsak kay Soumaoro, ito ay ang pagdampi ng tari ng tandang sa balat nito. At dito nabuo
ang kanilang planong paggapi kay Soumaoro. Sa pagtatagpo ng dalawa, itinutok ni Sundiata ang
kanyang pana na may tari ng tandang, pag- atake, dumaplis ito sa balikat ni Soumaoro.

Unti-unting nanghina si Soumaoro at nawalan ng kapangyarihan. Tumakas siya gamit ang kanyang
kabayo at nagtago. Nagtago rin ang iba lang sofas ng Sosso. Di kalaunan, napabagsak na rin nila ang
lungsod ng Sosso.

Mula noon, si Sundiata ay kinilala ng mga griot na kanilang pinakahari at pinamunuan niya ang
buong Emperyo ng Mali.

5
FILIPINO
GRADE 10 - QUARTER 3 MODULE-BASED REVIEWER

MAIKLING KWENTO MULA SA EAST AFRICA

MAIKLING KWENTO
● Masining na akdang nilikha upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang
isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan, lugar o mahahalagang kaganapan. Taglay nito
ang pagkakaroon ng:

1. may iisang kakintalan;


2. may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon;
3. tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay;
4. may mahalagang tagpuan
5. may kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas

● Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan na ang binibigyang diin ay ang
ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwento na iyong binasa ay nakatuon sa katangian ng
tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumikilos ayon sa kaniyang paligid.

ANG ALAGA (BUOD)


https://www.youtube.com/watch?v=nWWFJAIWnRs

TALUMPATI MULA SA SOUTH AFRICA

SINO SI NELSON MANDELA?


Si Nelson Mandela (1918-2013) ay naging presidente ng Timog Aprika noong 1994 hanggang
1999. Siya din ang kauna-unahang “Black African” na naging presidente. Noong 1948, pinamahalaan
niya ang mga National Party sa Timog Africa. Ito ay ang gobyernong binubuo ng mga polisiyang
maghihiwalay sa mga puti at hindi buti na siya ding tinatawag na Apartheid. Sa polisiyang ito,
kinakailangan manirahan at gumamit ng pampublikong lugar ang mga hindi puti. Naging bawat din sa
kanila ang pakikipag-isang dibdib sa isang puti. Ang ganitong sistema ay nanatili pa rin kahit madami an
nagprotesta at lumaban. Samakatuwid ay namatay o nakulong ang mga nanguna sa pag-aklas at
lumaban sa polisiyang ito kasama na si Nelson Mandela na kilala din bilang isang freedom fighter.
Nakalabas ng kulungan si Nelson Mandela at nakipagtulungan kay President F.W. Klerk para
makapagtatag ng bagong konstitusyon noong 1990 sa Timog Africa kung saan, naging hudyat ito nang
pagkakawala ng apartheid. Ginawaran silang dalawa ng Nobel Prize for Peace dahil na rin sa kanilang
mapayapang pagkilos at sa kanilang kahanga-hangang hakbang tungo sa pagbabago at kapayapaan
noong 1993. Bilang tandang nawakasan na ang mahabang panahon ng racial discrimination, nahalal
bilang pangulo ng Timog Africa si Nelson Mandela noong 1994.

TALUMPATI
● Ay isang halimbawa ng sanaysay na nagpapahayag ng saloobin, kaisipan at damdamin sa isang
masining na pamamaraan. Ito ay kabuoan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang
mananalumpati sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay maaaring magmula sa
pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan.

TALUMPATI NI NELSON MANDELA


https://www.youtube.com/watch?v=ZgBqPYU8Q44

6
FILIPINO
GRADE 10 - QUARTER 3 MODULE-BASED REVIEWER

SANAYSAY
● Isang uri ng panitikan na isinusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa sariling
kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.
Maibibilang sa uring ito ng panitikan ang mga sulating pampahayagang gaya ng artikulo,
natatanging pitak o lathalain, at tudling. Kasama rin sa uring ito ang mga akdang pangdalubhasa
gaya ng tesis, disertasyon, at diskurso; gayundin ang mga panunuring pampanitikan at mga
akdang pampananaliksik. Ito ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan
tungkol sa paksang nais nitong talakayin.

MGA KATANGIAN NG SANAYSAY


1. Makabuluhan ang paksa nito na maaaring pang-edukasyon, pang-kaugalian, pangkabuhayan,
panlipunan, panrelihiyon, at iba pang paksa.
2. May kaisahan na nauukol sa isang paksa lamang ang dapat talakayin at dapat ay sunod-sunod
ang paghahanay ng kaisipan nito.
3. Tamang pananalita o mga salita ang ginagamit ayon sa paksang inilalahad
4. Makatawag-pansin ang pamamaraan kung saan ang paglalahad nito ay sa paraang masining.

Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito


sa mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas.

Ang balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang


isusulat. Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.

Ang talumpati ay isang uri ng pampublikong komunikasyon na tumatalakay o nagpapaliwanag tungkol sa


isang paksa. Ito ay isang halimbawa ng sanaysay na binibigkas sa harapan ng maraming tao.

Noong 1580, isinilang si Michel de Montaigne sa Pransiya at siya ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay.”
Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang
pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.

Sa Pilipinas naman, ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay ang “pagsasalaysay ng isang
sanay.” Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal. Naririto ang pagkakaiba ng
dalawa:

PORMAL
● Nagbibigay ng ito ng impormasyon, mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng
makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay. Maingat na pinipili ang pananalita
sa pagsulat nito at ang tono ay mapitagan. Ang paraan ng paglalahad ng sanaysay ay obhetibo o
di-kumikiling sa damdamin ng may-akda

DI-PORMAL O PERSONAL
● Nagsisilbing aliwan o libangan ang ganitong sanaysay. Nagbibigay-lugod ito sa pamamagitan ng
pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw, at personal. Ang himig ng pananalita ay
parang nakikipag-usap lamang at ang tono ay parang kausap ang kaibigan. Subhetibo ang
paglalahad nito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda

7
FILIPINO
GRADE 10 - QUARTER 3 MODULE-BASED REVIEWER

Ang tuwiran at di-tuwirang pahayag ay nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang


diskurso. Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay o talumpati dahil dito. Madaling matukoy sa mga
ito ang katotohanan o opinyon.

May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento upang makahikayat.


Ang mga halimbawa nito ay sa katunayan, ang totoo, bilang patunay, at iba pa.

TUWIRANG PAHAYAG
● May pinagbatayan at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala ito. Ito ay naglalahad ng eksaktong
mensahe o impormasyong ipinahahayag ng isang tao. Gumagamit ito ng mga panipi upang
ipakita ang buong sinabi ng mamamahayag.

DI-TUWIRANG PAHAYAG
● Binabanggit lamang muli kung ano ang tinuran o sinabi ng isang tao. Hindi ito ginagamitan ng
mga panipi. Madalas din ay ginagamitan ito ng mga pang-ukol tulad ng alinsunod sa/kay, batay
sa/kay, ayon sa/kay, atbp. Bagama’t ito ay batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa
mga tagapakinig o mambabasa.

NOBELA MULA SA NIGERIA

NOBELA
● Isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinaghahabi-habi
sa isang mahusay na pagbabalangkas. Ang pangunahing layunin ng isang nobela ay ang
paglahad ng hangarin ng bida at kontrabida ng kuwento. Ito ay ginagawa sa isang malikhaing
pagsasalayasay ng pangyayari. Ang mga pangyayaring ito ay may kaniya-kaniyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng
nobela.

ELEMENTO NG NOBELA
1. Tagpuan - Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan - Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw - Panauhang ginagamit ng may-akda
a. Una - Kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. Pangalawa - Ang may-akda ay nakikipag-usap
c. Pangatlo - Batay sa nakikita o obserbasyon
5. Tema - Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin - Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan - Istilo ng manunulat
8. Pananalita - Diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo - Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan

PAGLISAN (BUOD)
https://www.youtube.com/watch?v=vKZ-2TNjol0

REMINDER:
Magsaliksik tungkol sa Klino at Analohiya :)

You might also like