Professional Documents
Culture Documents
Sa Europa, ang kinikilalang unang tagapagsalin ay si Livius Adronicus, isang Griyego. Sa mundo ng
pagsasalin, kilala si Adronicus sa kanyang pagsaling-wika ng “Odyssey” ni Homer sa Latin sa
kaparaanang patula (240 B.C.) (before Christ). Ang unang pagsasaling ito ay pininiwalaang agad na
sinundan ng iba pang pagsasalin. Gumawa sina Naevius at Ennius ng mga pagsasalin sa Latin ng mga
dulang Griyego. Si Cicero naman ay kinilala rin bilang isa sa mahuhusay na tagapagsalin, bukod sa
pagiging isang dakilang manunulat.
Isang pangkat ng mga iskolar mula sa Syria ang nakaabot sa Baghdad. Sila ay nangunguna sa pagsasalin
ng Arabic ng mga isinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at iba pang kilalang mga matatas na
manunulat. Dahilan kung bakit naging tanyag ang Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika
na pinag-ugatan ng pagkalat ng karunungan sa Arabia.
Ang kinikilalang “Prinsipe ng Pagsasalingwika” sa Europa ay si Jacques Amyot na siyang nagsalin
ng “Lives of Famous Greeks and Romans” (1559) ni Plutarch sa wikang Aleman.
Si John Dryden ay ibinibilang din na isang mahusay na tagapagsalin dahil pinag-uukulan niya ng
maingat na paglilimi ang gawang pagsasalin sapagkat naniniwala siyang ang pagsasalin ay isang sining.
Noong 1792, sa aklat na “Essay on the Principles of Translation” ni Alexander Tyler, binigyang diin
ang tatlong panuntunan sa pagsasalin. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal sa diwa.
2. Ang istilo at paraan ng pagsulat ay kailangang katulad ng sa orihinal.
3. Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng “luwag at dulas” ng pananalitang tulad ng sa
orihinal upang hangga’t maaari ay magparang orihinal.
Matthew Arnold – Ayon sa kanya, ang isang salin ay kailangang magtaglay ng bisang katulad ng sa
orihinal.
F.W. Newman – sumalungat sa paniniwala ni Matthew Arnold. Ayon sa kanya, ang isang salin ay
kailangang matapat sa orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na ang kanyang binabasa ay isang
salin at hindi orihinal.
✓ Ang pagsasalin na isinagawa ni Wycliffe ay sinundan naman ng salin na isinagawa niña Tyndale at
Coverdale.
✓ Ang pagsasalin naman ni Martin Luther (1483-1646) ang kinikilalang pinakamaayos at
pinakamabuting salin. Dito nagsimulang makilala ang bansang Germany sa larangan ng panitikan.
KAHULUGAN NG PAGSASALIN/PAGSASALING-WIKA
➔ Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay
nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral
na pahayag sa ibang wika.
➔ Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural
na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y
batay sa istilo.
➔ Sa madaling salita, ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit
na katumbas sa diwa at estilo na nasa wikang isinasalin.
PAMANTAYAN SA PAGSASALING-WIKA
1. Alamin ang pagkasa ng isasalin.
o Magbasa o magsaliksik.
o Pag-aralan ito upang magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
2. Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin.
o Tiyaking naunawaan ang nilalaman ng teksto upang makayanang ipaliwanag o isalaysay kahit
wala ang orihinal sa iyong harapan.
o Tandaang dapat pa ring manatili ang mensaheng ipinapahiwatig kaya’t hindi mo dapat palitan
o bawasan ang ideyang isasalin.
3. Tandaang ang isasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita.
o Ang malawak na kaalaman ay nakatutulong ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at wikang
pagsasalinan.
o Hindi sapat na basta-bastang tumbasan ang mga salita sa teksto.
o Huwag maging palaging literal, isaalang-alang na ang magiging kalabasan ng isinalin ay
maipapalabas pa rin ang tunay na diwa.
5. Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang
iyong isinalin.
o Ipabasa ang isinalin sa isang eksperto upang mabigyang-puna ang paraan ng pagkasalin at
masabi kung naaangkop na sa konstekto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.
LAYUNIN NG PAGSASALIN
➔ Ayon kay Virgilio Almario, may dalawang maituturing na pangkalahatang layunin sa pagsasalin:
Imitasyon at Reproduksyon
IMITASYON - o panggagaya – paghahanap ng katumbas na salita para sa Simulaing
Lengguwahe hanggang sa pagsisikap na gayahin ang anyo at himig ng orihinal na akda.
Hindi ito paggawa ng huwad, sa halip, ito ang pagsisikap na matularan ang isang huwaran.
May layuning maging matapat ang imitasyon sa orihinal.
REPRODUKSYON - o muling pagbuo – maaari itong umabot sa paglalapat ng wikang
higit na maiintindihan ng mambabasa ang salin o sa isang anyong ipinalalagay na mas
ninanais na basahin ng madla.
TAGASALIN
➔ Dalawang wika ang dalawang pagkadalubhasaan ng tagasalin sa ordinaryong sitwasyon.
Simulaing Lengguwahe (SL) o ang wika ng isinaling akda.
Tunguhang Lengguwahe (TL) o ang wikang pinagsasalihan ng akda.
PROSESO NG PAGSASALING-WIKA
➔ Maraming sinusunod na mga paraan ng pagsasaling-wika. Ito ay nababatay sa pagpapasiya ng
tagasalin na ibinabatay naman niya sa kanyang mga layunin at pangangailangan. Narito ang
maaaring sunding pamamaraan:
o Halimbawa:
FILIPINO INGLES
ama father
ambag contribution
biyuda widow
kopyahin copy
pahintulutan authorize
sumigaw nang malakas Shouted loudly
MULA SA ESPANYOL
kusina donya imprenta
kuwelyo kubyerta senyor
MULA SA INGLES
dyip kompyuter impormal
o Halimbawa:
INGLES FILIPINO
have a hand magkaroon ng kinalaman
dress to kill bihis na bihis
give a hand tumulong
4. Adapsyon - ito ay ang pagtanggap ng mga salitang isasalin nang tuwiran at walang pagbabago sa
baybay, kundi man bilang kakabit ng mga katutubong panlapi. Gagamitin ito sa mga pagkakataong
kailangang-kailangan at hindi maiiwasan.
o Halimbawa:
SAGISAG NA PANG-AGHAM
Fe (iron) bakal
H2O (wáter) tubig
HCl (muriatic acid) muriatic asid