You are on page 1of 6

Wika

- ang pangunahing kasangkapan sa pagsasalin.


-pinakasusing sangkap sa komunikasyon ng tao
-Pangunahing elemento sa pagsasalin.
-Dalubhasa: Simulaang Lengguwahe (SL) ( wika ng isinasaling akda) Tunguhang Lengguwahe (TL) ( wikang
pinagsasalinan ng akda.)

-Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6- Nagsisilbi itong representasyon ng ating pagiging Pilipino.

-Konstitusyon ng 1987, Seksyon 7

(GEBA-SAM)

Griarte, 2014 - paglilipat ng mga salita o mensahe

Eugene Nida, 1964- natural na katumbas ng mensahe

Benilda Santos- malikhain at mahabang proseso

Alfonso Santiago-basong tubig

Savory- unang tagasalingwika ay si Andronicus, isang Griyego. Isinalin sa Latin ang Odyssey ni Homer.

Martin Luther (1483-1646).- pinakamaayos at pinakamabuting salin , pagsasalin ng Bibliya

Mga Salin ng Bibliya: AGL “Tatlong Pinakadakilang salin ng Bibliya”

1. Aramaic – Matandang Tipan 1. Saint Jerome (Latin)

2. Griyego – Origen (Septuagint) 2. Martin Luther (Aleman)

3. Latin – Jerome noong ikaapat na siglo 3. Haring James (Ingles-Inglatera)

Mga Kilalang Tagapagsaling-wika Sa Daigdig at Pilipinas (CIAR-JJ-RBP)

Cicero-Romanong pilosopo at consul, pinakamagaling sa wikang Latin.Hal :In Verrem, De Inventione, De


Oratore

Iskolar sa Syria- isang pangkat na nakaabot sa Baghdad at doon ay isinalin nila sa wikang Arabic ang mga
sinulat ni Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates

Adelard - nagsalin sa Latin ng The Principles of Euclid

Retines - nagsalin sa Latin ng Koran noong 1141.

Jacques Amyot – kinikilalang “Prinsipe ng Pagsasalingwika” sa Europa siya ang nagsalin ng


“Lives of Famous Greeks and Romans”(1559) ni Plutarch sa wikang Aleman.

John Wycliffe – kauna-unahang nagsalin ng Bibliya sa wikang Ingles

Rolando Tinio –Ang mga dulang isinalin niya ay ipinalabas sa mga piling teatro sa Kamaynilaan lalo na CCP.

Behn Cervantes - isang kilalang mandudula ng Pilipinas na naging aktibo gawain ng pagsasaling –wika
Pascual Poblete - isinalin sa wikang Filipino ang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere nakalathala sa wikang
Espanyol.

KASAYSAYAN NG PAGSASALING-WIKA SA PILIPINAS

Unang Yugto - Panahon ng Kastila

-pagpapalaganap ng Kristiyanismo

Ikalawang Yugto- Panahon ng mga Amerikano

 Nagtuluy-tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang orihinal na

nasusulat sa wikang Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa wikang pambansa ng mga nasusulat sa Ingles.

 Karamihan sa mga isinaling dula ay itinanghal sa mga teatro na siyang pinakapopular na libangan ng mga tao

 Ang pagsasalin sa panahong ito ay isinagawa sa paraang di-tuwiran, ibig sabihin ang isinasalin ay hindi ang
orihinal na teksto kundi ang isa na ring salin.

 Ang ilang halimbawa ay ang mga kwentong “Puss N’ Boots”, “Rapunzel”, “The Little Red Hen” , “Mga
Kuwentong Bayan Mula sa Asia, Rama at Sita”, at iba pa.

Ikatlong Yugto- Patakarang Bilingual

-kagamitang pampagtuturong nakasulat sa Ingles.

 Ito ay nakaangkla sa Patakarang Bilinggwal sa ating sistema ng Edukasyon Department Order No. 52.series
of 198, na nagsasaad na “Ang Pambansang Wika sa bansa ay Filipino at kailangan itong pagyamanin at
pagyabungin batay sa mga umiiral na mga wika sa bansa at iba pang wika”.

 Ang ilan sa mga halimbawang isinalin :Science, Home Economics, Good Manners and Right Conduct,
Health Education, at Music. Isinalin din ang Tagalog Reference Grammar, Program of the Girl Scouts of the
Philippines at iba pa.

Ikaapat na Yugto- Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang Di – Tagalog

 Sa panahong ito, isinalin ang mga katutubong panitikang di –Tagalog.

 Mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na isinagawa ng LEDCO (Language Education
Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary Language Teacher Education ng DECS at PNU noong 1987
sa tulong na pinansyal ng Ford Foundation.

 Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin.

 Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga pangunahing manunulat at iskolar
sa pitong pangunahing wikain ng bansa: Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte Pampango,
Pangasinan.

 Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop seminar na nilahukan ng mga piling
tagapagsalin na ang karamihan ay mga edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong vernakular ng bansa.
 Nagkaroon din ng Pagsasalin ang GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano. Pumili ang mga manunulat na
Ilocano ng mahuhusay na kwento sa wikang Iloco at isinalin sa Filipino, pagkatapos ay ipinalimbag ang salin at
tinawag na KURDITAN.

Ikalimang Yugto ng Pagsasalin – Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian

 Ang panahong ito ay nakatuon sa pagsasalin ng mga panitikang AfroAsian. Kinailangan ang pagsasaling ito
dahil kasama na sa kurikulum ng ikalawang taon sa hayskul ang pagtuturo ng Afro-Asian.

 Ayon kay Isagani Cruz, “Para tayong mahihina ang mga matang mas madali pang makita ang malayo kaysa
mga likha ng mga kalapit bansa natin.”

KAHALAGAHAN NG PAGSASALIN
-Ang pagsasalin ay nakatutulong sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa isang lugar.

-Sa pagsasalin ng teksto nagkakaroon tayo ng kaalaman sa iba’t ibang lengguwahe.

-Mahalaga sa pagsasalin na malaman ang kasaysayan at kultura ng tekstong pinagmulan upang malaman ang
wastong gamit ng wika at balarila ng teksto.

-Kailangan din ito upang maunawaan ang mga salita na ginamit sa panahon kung kailan nagawa ang akda.

-Nagkakaroon din ng pagkakaunawaan at interaksiyon ang dalawang wika. Nagagamit ang pagsasalin upang
makabuo ng panibagong interaksyon sa pagitan ng magkaibang lugar.

PAGSASALIN: SINING O AGHAM


Batid ni Nida ang walang sistemang katangian ng lapit na practiceoriented kaya tinangka niyang maagham na
ibalideyt ang kanyang metodolohiya at gamitin ito sa pagsasalin sa kalahatan.

“Though no one will deny the artistic elements in good translating, linguists and philogists are becoming
increasingly aware that the process of translation area amenable to rigorous description.”- Nida (1964).

Ipinaliwanag pa ni Nida na kapag pinagusapan ang agham ng pagsasalingwika (science of translating)

Si Savory (1959) naman ay naniniwalang isang sining ang gawaing pagsasalin.

“The contention that translation is an art will be admitted without hesitation by all who have had much experience
of the work of translating; there may be others who will not so readily agree (but) a sound method is to compare
the task of translating in all its forms with the universally acknowledged arts of painting and drawing. They are
found to be parallel, step by step.”

Ibig sabihin, ipinapaliwanag ni Savory na sa pagpipinta, ang maling kulay o laki ng isang guhit ay katumbas ng
isang maling salita sa pagsasalingwika; na ang pagkakamali sa dimensyon, sukat o proporsyon ng alinmang
bahagi ng larawan ay katumbas ng pagkakamali sa pagbibigay - kahulugan sa tunay na diwa ng isang parirala.
KATANGIAN NG TAGASALIN
Batay kay E. Nida at Savory

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin

Ayon kay Nida, ang katangiang ito ang “first and foremost requirement of any translator.”

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin

Ito ay tumutukoy sa kaalaman sa kakanyahan ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Kailangang


maunawaan ng tagapagsalin, halimbawa, ang pagkakaiba sa balangkas ng Ingles at Filipino.

3. Sapat na kakakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag

Ang ginamit na parirala ni Nida rito ay “capacity for literary expression.”

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin

Ang isang guro, halimbawa, na hindi nagtuturo ng biology ay hindi magiging kasinghusay na tagapagsalin ng
gurong nagtuturo nito.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin

Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.

PART II

Otanes (1972) na ang mga pariralang pangngalan ay nauuri sa dalawa:


(1) count nouns na nagbabago ang anyo sa bilang – isahan/pangmaramihan (hal. desk/desks)
(2) mass nouns na hindi nagbabago ang anyo sa gayong paraan (hal. water).

TEORYA NG PAGSASALIN

Si Theodore Savory ay may itinalang mga nagsasalungatang mga teorya sa pagsasalin sa kanyang aklat na The
Art of Translation (1968).

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1.A translation must give the words of the original.

-Word for word o literal ang kinalabasan ng salin.

2. A translation must give the ideas of the original

-maaaring gawin ang teorya 1 nguni’t kailangang maisaalang-alang ang teorya 2

3. A translation should read like an original work.

4. A translation should read like a translation.


-kalalabasang tunog ng pagakakasalin-kung tunog orihinal na tunog-salin. sinasabing tunog orihinal ang salin kng
natural ang daloy nito kapag binasa.

5. A translation should reflect the style of the original

6. A translation should posses the style of the translator

-estilong dapat lumitaw sa salin – kung estilo ng awtor ng orihinal o estilo ng tagasalin.

7. A translation should read as a contemporary of the original

8. A translation should read as a contemporary of the translator

- tungkol sa kinapapalooban ng orihinal na tekstong isinalin. Sinasabi na di dapat bawasan, dagdagan o palitan ng
tagasalin

9. A translation may add to or omit from the original.

10. A translation may never add to or omit from the original.

PROSESO NG MAKAAGHAM

-Ang source Language Form ang anyo ng wikang isinalin o Simulaang Lengguahe. Mula rito makikitang may
ginawang analysis o pagtuklas sa kahulugan. Kapag nakuha na ang kahulugan, isinasagawa na ang restructuring
o muling pagpapahayag ng kahulugan Receptor Language Form, - ang anyo ng wikang pagsasasalin o TL.

MGA PARAAN NG PAGSASALIN- (W-LMS-KIA)

1. Word-for-Word - pinakapangkaraniwang kahulugan.

2. Literal – pinakamalapit na katumbas sa TL.

3. Matapat – (Faithful) makagawa ng eksaktong kontekstuwal ng orihinal

4. Semantik – maganda at natural na tunog ng teksto ng SL.

5. Komunikatibo – eksaktong kontekstwal na kahulugan ng orihinal sa wikang katanggaptanggap at madaling


maunawaan ng target na mambabasa.

6. Idyomatik – Mensahe, diwa o kahulugan ng orihinal ang isasalin.

7. Adaptasyon -pinakamalayang anyo ng salin. Madalas gamitin ang adaptasyon sa salin ng dula at tula.
HAKBANG -HAKBANG NA YUGTO NG PAGSASLIN

AKTWAL NA PAGSASALIN

A. Paglilipat -mula sa kakayahang semantik patungo sa pagsulat ng unang burador ng salin.

B. Pagsulat ng Burador - binabalikan ng nagsasalin ang tekstong isinasalin at tekstong salin.

Mga Paalala na dapat isaisip ng tagasalin:

1. Kung sino ang gagamit ng salin

2. Ang antas ng edkasyon ng babasa

3. Ang layunin ng awtor

4. Ang paksa ng talata

5. Paksangdiwa ng buong materyal na kinapapalooban ng talata.

C. Pagsasaayos ng Burador

-hindi ginagalaw ng mga isa o dalawang linggo

Ebalwasyon ng Pagsasalin

6 paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin para kay Larson (1984) na kanyang tinalakay.

1. Paghahambing ng Salin sa original.

2. Balik-salin (Back Translation)

3. Pagsubok sa pag-unawa (Comprehension)

4. Pagsubok sa pagiging natural ng wikang ginagamit sa salin (naturalness test)

5. Pagsubok sa gaan ng pagbasa (Readability Test)

6. Pagsubok sa konsistensi (Consistency Checks)

PAGSASALING TEKNIKAL- nakapokus sa impormasyon, terminolohiya, at estruktura ng mga pangungusap.

Santiago (1994), ang mga materyales o tekstong teknikal ay ginagamitan ng tuwiran o tiyak.

PAGSASALING PAMPANITIKAN

-isang uri ng pagsasaling naiiba sapangkaraniwan at pangkalahatang konsepto ng pagsasalin. Ito ay


kinabibilanganng tula, dula, maikling kwento, nobela, at sanaysay.

You might also like