You are on page 1of 2

Apale, Lorna C.

BS Entrep 1-10

1. Kasaysayan ng Pagsasaling wika sa daigdig at Pilipinas.

Ayon kay Savory:

Andron Griyego

- Siya ang kinikilalang unang tagasaling-wika sa Europa.

- Isinalin niya nang patula sa Latin ang Odyssey ni Homer

May isang pangkat ng mga iskolar sa Syria ang nakaabot ng Baghdad sa pagsasalin sa Arabic ng mga isinulat
nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates at marami pang ibang kilalang mga pantas.

Dakong ikalabindalawang siglo, sinasabing nagsimula ang pagsasakin ng Bibliya. Si Martin Luther (1483-1626)
ng kinikilalang my pinakamabuting salin ng Bibliy sa wikang Almeman. Sa katotohanan ay dito nagsimulang
makilala sa larangan ng panitikan ang bansang Alemanya.

Elizabeth I

- Nagsimula ang pagsasaling-wika a Inglatera.

Elizabeth II

- Ito ang panahon na pinakatuktok sa larangan ng pagsasaling-wika.

- Ang pambansang diwang nangingibabaw sa panahong ito ay pananampalataya at pakikipagsapalaran.

Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas:

Unang Yugto (Panahon ng Kastila)

- Ito ang panahon na nagsimulang magkaanyo ang pagsasaling-wika sa Pilipinas kaugnay ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

Ikalawang Yugto (Panahon ng Amerikano)

- Nang pumalit ang Amerika sa Espanya bilang mananakop ng Pilipinas, nagbago na rin ang papel na
ginagampanan ng pagsasaling-wika. Ang naging pangunahing kasangkapan na pananakop noong panahon ng
Kastila ay krus o relihiyon; noong panahon naman ng Amerikano ay aklat o edukasyon sa pamamagitan ng
wikang Ingles.

Ikatlong Yugto (Paglinang at Pagpatupad sa Patakarang Bilinggwal)

- Ito ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa Ingles tulad ng mga aklat,
patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa kaugnay sa pagpapatupad sa patakarang bilinggwal sa ating
sistima ng edukasyon. Kaugnay ng nasabing kautusan, mas marami ang kusong ituturo sa Filipino kaysa
Ingles.

Ikaapat na Yugto (Pagsasalin ng mga Akda at Tekstong di-Tagalog)

- Sa panahong ito, isinalin ang mga katutubong panitikang di-Tagalog. Kailangang-kailangang isagawa ang
ganito kung talagang hangad nating makabuo ng panitikang talagang matatawag na "pambansa."

- Ang mga proyekto na isinagawa sa pagsasalin ay nagkaroon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at


Pagsasalin. Sa unang bahagi, inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga pangunahing
manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa. Pinagdala sila ng mga piling materyales na
nasusulat sa kani-kanilang vernakular upang magamit sa ikalawang bahagi ng proyekto. Sa ikalawang bahagi,
isinagawa ito sa loob ng isang linggong workshop-seminar na nilahukan ng mga pilig tagapagsalin na ang
karamihan at mga edukador na kumakatawan sa nabanggit na pitong vernakular ng bansa.

Ikalimang Yugto (Translation Project)

- Pinondohan ng Toyota Foundation ang isang proyekto hinggil sa pagsasalin ng mga piling panitikan ng ating
mga kalapit-bansa sa pakikipagtulungan ng Solidarity Foundation.

- Sa pagsasaling-wika sa Pilipinas, ang tanggapang maituturing na nangunguna at kinikilala sa larangang ito ay


ang Komisyong sa Wikang Filipino na sadyang itinatag ng pamahalaan upang siyang mangalaga sa
pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang pambansa.

2. Mga Batayang Kaalaman sa Pagsasaling Wika

- Daan tungo sa matagumpay na pagsasalin *maingat na pananaliksik kaugnay ng akdang isasalin.


*kasanayan sa pagtukoy sa teoryang gagamitin sa pagsasalin. *maingat na pagtuklas sa kahulugan at
katumbas. *pagpapahalaga sa tatanggap ng salin *pagpapahalaga sa orihinal at sa salin.

- Ang pagsasaling wika ay muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na


katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng ika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.

3. Pagsasalin ng isang Panulaan

- Ang poesya ay isang sining ng paggamit ng salita upang lumikha ng ilusyon sa ating mga pandama' isang
sining upang gawin sa pamamagitan ng mga salita ang ginaga a ng pintor sa pamamagitan ng ga guhit at
kulay.

4. Pagsasalin ng Prosa

- Prosa o tuluyan ang uring malikhaing pagsulat na gumagamit ng pangungusap na tuloy-tuloy. Kabilang sa
prosa ang maikling kuwento, nobela, sanaysay, talambuhay, anekdota at iba pa.

- May karapatang magsalin ang isang taong “nakababad sa panitikan,” o mayroon nang mahabang taonng
likas na pagkahilig o pagkahumaling sa pagbabasa ng panitikan. Hindi man siya tagalikhang panitikan, ang
pagkahilig na ito sa panitikan ay makakatulong na ng malaki sa isang tagasalin sa pagpapakahulugan o
interpretasyon.

You might also like