Professional Documents
Culture Documents
Nagsimula ito sa Europa na kung saan isang griyego na nagngangalang Livius Andronicus ay
nakilala nang isinaling-wika niya ang kilalang Odyssey ni Homer sa wikang Latin. Ito ay naisalin
niya sa anyong patula noong 240 B.C. Kinilala siyang “Ama ng Roman Drama”, at sa panahon niya
ay nakilala rin ang pangalang Naevius.
Nakilala naman ang lungsod ng Baghdad bilang isang paaralan ng pagsasaling-wika. Sa
pamamagitan ng paaralang ito ang isang pangkat ng mga Arabiko na mga iskolar na nakaabot sa
lugar na ito ay nagsalin sa wikang Arabiko ang mga isinulat ng mga kilalang pantas na sina
Aristotle, Plato, Galea, Hippocrates at iba pa.
Nang naisalin na sa iba’t-ibang wika ng mga nakasulat sa bibliya, natatanging ang pagsasaling
wika ni Martin Luther (1483-1646) ang kinilala bilang may pinakamainam at pinaka-
maimpluwesiya na saling Aleman. Mangyari pa na nais Luther ang pagpapahalaga sa kulturang
Aleman.
Isa sa layunin niya na bigyan nang kakayahan ang mga nagsasalita ng wikang Aleman na
Kristiyano na mabasa ang salita ng Diyos sa kanilang wika. Ang kanyang pagkukumpleto ng
kanyang salin ng Luma at Bagong Tipan mula sa Hebreo at Griyego sa bernakular na Aleman
noong 1534 ang isa sa pinakamahalagang mga akto ng Repormasyon.
Taong 1559 nakilala o ipinakilala ang prinsipe ng pagsasaling-wika mula sa Europa ng isinalin ni
Jacques Amyot ang “Lives of Famous Greeks and Romans” sa wikang Aleman na orihinal na
isinulat ni Plutarch. Isang pranses sa panahon ng muling pagkabuhay (Renaissance). Nang
matapos mag-aral sa Paris ay nagtungo siya sa Italya (1548-1552) para magsaliksik ng panitikan.
Si John Dryden ay ibinibilang din na isang mahusay na tagapagsalin dahil pinag-uukulan niya ng
maingat na paglilimi ang gawang pagsasalin sapagkat naniniwala siyang ang pagsasalin ay isang
sining.
Isang Ingles na makata, kritiko sa pagsulat, tagasalin at manunulat ng palabas na ginawa ng
unang Poet Laureate ng England noong 1668.
Nakabuo siya ng tatlumpong (30) mga dula, iba’t ibang satire at kinilala siya bilang mahusay na
dramatista ng kanyang panahon.
1792, nakilala sa aklat na “Essay on the Principles of Translation” ni Alexander Tyler
Mayroon siyang binigay na mahahalagang puntos hinggil sa pagsasaling-wika
1. Ang isang salin ay kailangang katulad na katulad ng orihinal na diwa.
2. Ang istilo at paraan ng pagsulat ay kailangang katulad ng orihinal.
3. Ang isang salin ay kailangang magtaglay ng dulas at luwag ng pananalitang katulad ng sa
orihinal upang hanggat maaari ay may paraang orihinal.
Masasabing ang pagsasalin ay naging pinakamasigla at pinakakilala sa panahon ng pagsasalin ng
salita ng Diyos na nasa Bibliya. Pinaniniwalaang ang orihinal na kopya ng Bibliya ay nawala na.
Ang kauna-unahang teksto nito ay nasusulat sa wikang Aramaic ng Ebreo at ang pinaniniwalang
pinagmulan ay ang salin ni Origen sa wikang Griyego na kilala sa tawag na Septuagint gayon din
ang salin ni Jerome sa wikang Latin.
Ang maituturing naman na pinakahuling salin ng Bibliya ay ang “The New English Bible” (1970)
na inilimbag ng Oxford University. Sa dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya,
kinailangan pa rin ang muling pagsasalin dahil sa mga sumusunod na dahilan:
Marami nang mga natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming
bahagi ng mga unang salin.
Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang naging daan ng
pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya.
Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na halos maunawaan ng
kasalukuyang mambabasa bukod sa kung minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.
Sa kasaysayan ng pagsasaling-wika, ang Bibliya ay maituturing ng isa sa mga klasikong akdang
sumabay sa kalakaran ng pagsasaling-wika sa daigdig. Klasikong akda ito kung ituring, sapagkat
laman nito ang kasaysayan ng pinagmulan ng tao, ng daigdig, at ng mga bagay-bagay tungkol sa
tao at daigdig mismo
Mayroong dalawang dahilan kung bakit isinalin ang bibliya:
1. Dahil ang Bibliya ang tumatalakay sa tao – kaniyang pinagmulan, sa kaniyang layunin at sa
kaniyang destinasyon
2. Dahil sa di-mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito.
Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi makabuo ng machine translator para sa di-
teknikal na Paksa:
1. Pagkakaiba ng istraktura o pagkasusunod-sunod ng mga salita ng wika.
2. Maraming kahulugan ang maaring ikarga sa isang salita.
3. Napakaraming oras naman ang magugugol sa pre-editing at post-editing ng tekstong
isusubo rito
4. Wala pang computerized bilingual dictionary.
5. Narito pa ang mga problema sa paglikha ng machine translator:
6. Ang isip ng tao ang pinakakumplikadong computer machine.
7. Kulang pa sa nalalamang mga teorya ang mga linggwista tungkol sa paglalarawan at
paghahambing ng mga wika upang magamit.
1. Panahon ng Kastila;
Sa kagustuhang mapalaganap ng mga Kastila ang relihiyong Iglesia Catolica Romana,
kinakailangan ng pagsasalin sa Tagalog at sa iba pang katutubong wika ng mga dasal at ng mga
akdang panrelihyon. Hindi nagtagal ang pagtuturo ng kastila sa mga Pilipino, dahil ayon sa
pangyayari, mas higit na naging matagumpay sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa
pamamagitan ng paggamit ng wika ng mga katutubo na siya namang tinanggap ng mga katutubo
nang marinig nila ang kanilang katutubong wika ang ginagamit ng mga prayle sa mga dasal at
pagtuturo sa mga salita ng Diyos
2. Panahon ng Amerikano
Naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa ng mga klasikong nasa wikang Ingles. Dahil
ang pagkatuto, ang Edukasyon ang naging pangunahing patakaran ng mga Amerikano kaya
naman bumaha sa atin ang ibat-ibang anyo ng karunungan mula sa Kanlu.ran at lalo na sa
larangan ng Panitikan.
Ang pagsasalin sa panahong ito ay isinasagawa na di-tuwiran, ibig sabihin ay isinasalin ang
tektstong hindi orihinal. Kinilala sa panahong ito si Rolando Tinio, isang mahusay na maraming
naisalin sa paraang klasiko, karamihan sa mga naisalin niya ay ginamit at ipinalabas sa piling
teatro sa kamaynilaan.
Isang magandang proyekto rin ang isinagawa ng National Bookstore (1971) kung saan ipinasalin
ang mga popular na nobela at kwentong pandaigdig at isinaaklat upang magamit sa paaralan.
Ang ilang halimbawa ay ang mga kwentong “Pussy N’ Boots”, “Rapunzel”, “The Little Red Hen” at
iba pa.
Ang Goodwill Bookstore naman ay naglathala ng koleksyon ng mga klasikong sanaysay nina
Aristotle, Aquinas, Kant at iba pa. Ang Children’s Communication Center naman ay nagsalin at
naglathala ng mga akdang pambata tul ad ng “Mga Kuwentong Bayan Mula sa Asia, Rama at
Sita”, Palaso ni Wujan”, “Mga Isdang Espada” at iba pa.
Mga naisalin ni Rolando Tinio:
Death of a Salesman ni Arthur Miller (Pahimakas sa Isang Ahente)
Oedipus Rex ni Sopokles (1960) (Haring Edipo )
The Merchant of Venice ni William Shakespeare (1977) (Ang Negosyante ng Venecia)
Romeo and Juliet ni William Shakespeare (1981) (Romeo at Julieta)
Waiting for Godot ni Samuel Beckett (1967) (Paghihintay Kay Godo)
5. Panahon ng Afro-Asian
Kinailangan ang pagsasaling ito dahil kasama na sa kurikulum ng ikalawang taon sa hayskul ang
pagtuturo ng Afro-Asian. Ang pagsasama sa kurikulum ng panitikang Afro-Asian ay masasabing
pagwawasto sa pagkakamali sapagkat noong nakaraang panahon, mas binigyang halaga ang
pagsasalin ng panitikang Kanluranin at hindi ng panitikan ng mga kalapit na bansa.
Ang pagsasama sa kurikulum ng panitikang Afro-Asian ay masasabing pagwawasto sa
pagkakamali sapagkat noong mga nakarang panahon mas binigyang halaga ang pagsasalin ng
panitikang Kanluranin at hindi ng panitikan ng mga kalapit na bansa.