You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


Office of the Vice President for Branches & Satellite Campuses
BANSUD ORIENTAL MINDORO BRANCH

Lizzie Ann Carbonel


BSED ENG 1-1
April 23, 2022

Gawain/Pagtataya

A. Sagutan ang mga sumusunod.

1.Paano nagsimula ang pagsasaling-wika sa daigdig at bansa?

Pagkatapos kong mabasa at maunawaan ang mga impormasyon mula sa


kagamitang pampagtuturo sa Pagsasalin sa Kontekstong Filipino, nalaman ko na
nagsimula ang pagsasaling-wika sa daigdig dahil sa pag-usbong ng mga mahuhusay na
tagapagsalin. Ayon pa nga doon ay may isang unang kinikilalang tagapagsalin at nasundan
pa ng iba dahil sa kanilang kakayahan sa pagsasaling-wika. Kaugnay dito ang mga pangkat
ng iskolar na nagpakilala ng pagsasaling-wika sa Lungsod ng Bagdad.Gayundin, naging
karaniwang gawain na ito at pagkalipas ng maraming siglo ay mas marami pa ang naging
tanyag sa larangan nito. Nagkaroon ng maraming pagsasalin sa Bibliya at sa mga akdang
klasika at nagkaroon din ng iba’t-ibang paniniwala ang mga tagapagsalin kung papaano
nga ba dapat ang pagsasagawa nito.

Sa Pilipinas naman ay nagsimula ang pagsasaling-wika dahil sa pananakop ng mga


Kastila at Amerikano. Dahil sa pagnanais na mapalaganap ang relihiyon at
pagtuturo/edukasyon, kinailangang isalin ang mga dasal, akdang panrelihiyon, at mga
panitikang mula sa wika ng mananakop para isalin sa Tagalog at katutubong wika. Kasama
pa sa kasaysayan ng pagsasaling-wika sa ating bansa ang patakarang bilingwal na naging
dahilan kaya mas pinasigla ang mga pagsasalin sa Filipino. Nagkaroon din ng mga
pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-tagalog at Afro-Asian.

1
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Office of the Vice President for Branches & Satellite Campuses
BANSUD ORIENTAL MINDORO BRANCH

2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pagsasaling-wika sa ibat-ibang bansa sa


daigdig at sa ating bansa?

Malaking katulungan ang hatid sa atin ng pagsasaling-wika dahil ang pagkakaroon


nito ay nangangahulugan din ng pagkamit ng mga kaalaman na makukuha natin hindi
lamang sa ating sariling bansa kundi pati narin sa iba’t-ibang bansa sa daigdig. Sa
pamamagitan nito, ang mga akda ay naibabahagi para sa lahat na nasa paraang
mauunawaan ng bawat isa batay sa kanilang wikang ginagamit.

3. Ano ang mga bagay na ginamit na paraan upang maisakatuparan ang pagsasaling
-wika?

Ayon sa aking pagkakaunawa, ang mga bagay na ginamit na paraan upang


maisakatuparan ang pagsasaling-wika ay ang bibliya at mga panitikan. Sa presensya ng
mga bagay na ito na aking nabanggit ay mas lumaganap at nakilala ang sining ng
pagsasaling-wika. Kapansin-pansin din na napagyayabong ito ngayon at mas binibigyan ng
pag-iingat upang mapanatili ang diwa mula sa orihinal. Isang malaking impluwensya din
ang kakayahan at karunungan na maituturing kong pinakamahalagang bagay na taglay ng
awtor upang makapaglimbag ng mga libro/akda para maisakatuparan ang pagsasaling-wika
ng maayos at malinaw.

2
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Office of the Vice President for Branches & Satellite Campuses
BANSUD ORIENTAL MINDORO BRANCH

B. Magsagawa ng karagdagang pananaliksik hinggil sa pagsasaling-wika sa daigdig


at bansa.

Mga karagdagang impormasyon

Sanggunian: Teachersidney. (2015, July 31). Pagbabalik-Tanaw: Kasaysayan ng


Pagsasaling-Wika sa Pilipinas at daigdig. teachersidney. Retrieved May 5, 2022, from
https://teachersidney.wordpress.com/2015/07/31/pagbabalik-tanaw-kasaysayan-ng-
pagsasaling-wika-sa-pilipinas-at-daigdig-3/

• Hindi maitatatwang malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika.


Nakatutulong ito upang lubos na makilala ng mga mag – aaral ang pagkakaiba ng
dalawang magkaibang wika sa istruktura at sa kulturang nakabigkis sa bawat isa.

• Ayon kay Savory, maraming eskolar ang naganyak upang maging tagapagsalin sa
mga aklatan. Naging tanyag sina Adelard at Retines. Si Adelard ang nagsalin sa
latin ng mga akda ni Euclid na isinalin na noon sa Arabic. Habang si Retines ang
nagsalin ng koran sa latin noong 1141.

• Nagkaroon din ng salin sa iba’t ibang wika sa Europa ang Barlaan at Josaphat. Ito
ang nagtulak sa mga simbahang Latino na kilalanin bilang Santo at Santa sina
Barlaan at Josaphat. Sila ang dalawang tauhan sa akda na uliran sa pag – uugali at
paggiging maka – Diyos, kahit ang mga ito ay kathang – isip lamang

• Ayon kay Savory, umabot sa pinakatuktok ang pagsasalin noong ikalabindalawang


siglo. Ang pagsasalin nang mga panahong iyon ay maaaring napantayan na sa
kasalukuyang panahon, ngunit hindi pa rin nahihigitan. Pinaniniwalaang dito
nagsimula ang pagsasalin sa Bibliya.

• Ang pagsasalin naman ni Martin Luther (1483 – 1646) ang kinikilalang


pinakamaayos at pinakamabuting salin. Dito nagsimulang makilala ang bansang
Germany sa larangan ng panitikan.

3
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Office of the Vice President for Branches & Satellite Campuses
BANSUD ORIENTAL MINDORO BRANCH

• Nakilala naman sa Ingglatera noong 1467 – 1553 ang tagapagsalin na si John


Bourchier. Ayon kay Savory, karamihan sa kanyang salin ay hango sa wikang
Kastila. Nakatala rin sa kasaysayan ng Alemanya ang kahusayan ni Bourchier sa
pagsasalin. Siya ang nagsalin ng Chronicles ni Froissart.

• Itinuring ni Savory na ang unang pagsasalin sa Ingglatera ay naganap noong


panahon ng unang Elizabeth, at ang panahon ng ikalawang Elizabeth ang kinilalang
pinakataluktok. Ayon sa salaysay ni Savory, ang pakikipagsapalaran at pananakop
ang pambansang diwang nangibabaw nang mga panahong iyon. Mapapansing
ganoon din ang layunin ng mga tagapagsalin, ang tuklasin ang anomang
pagbabago sa larangan ng panitikan.

• Kasabay ng pag-unlad ng syensya at teknolohiya ang pagsasaling-wika. Matagal


nang pinipilit ng mga sayantist na makalikha ng machine translator, ngunit hanggang
taong 1994, wala pa silang naiimbentong makina o kompyuter na maaaring ipalit sa
tao bilang tagapagsalin.

• Minsan ay may nailathalang isang balita na nakaimbento na diumano ang bansang


Hapon ng MTr. Subalit gaya ng inasahan, ang nasabing makina ay limitadong-
limitado lamang sa pagsasalin ng mga paksang lubhang teknikal at tiyak na paksa sa
wika, tulad ng nuclear physics sa Ingles.

• Ayon kay Alfonso Santiago, kung mapapalitan ng makina ang tao bilang tagasaling-
wika ay hindi pa natin masasabi sa ngayon, ngunit hindi kataka-taka kung balang
araw ay magkaroon na ng MTr na higit na episyente kaysa tao.

• Alam natin na nang unang maimbento ang kompyuter ay hindi pa kasing-episyente


ng nalalaman nating kompyuter sa ngayon. Ngunit patuloy itong pinabubuti pa. Kaya
marahil ay dapat manatiling bukas ang ating isipan sa isang posibilidad na darating
ang panahon na makalilikha ang tao ng MTr na kanyang magiging kapalit.

4
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Office of the Vice President for Branches & Satellite Campuses
BANSUD ORIENTAL MINDORO BRANCH

• Nangunguna ang Estados Unidos, Britanya at Rusya sa pagsasagawa ng mga


pananaliksik sa larangan ng MTn. Ayon kay Finlay (1971), sumigla ang pananaliksik
ng bansang Amerika sa MTn dahil sa unang may sakay na taong spaceship na
pinalipad ng Rusya noong 1961. Noong mga panahong iyon ay mahigpit ang
paligsahan ng Rusya at Amerika na magalugad ang kalawakan, kaya nakatuon ang
pananaliksik ng Amerika sa paglikha ng MTr na makapagsasalin sa Ingles ng mga
karunungang pang-agham lalo na ng tungkol sa space exploration.

• Noong 1980 ay nagkaraoon ng isang kumperensya sa pagsasaling-wika sa RELC


(Regional Language Center), Singapore. Nagsimula ang talakayan sa isang teorya at
nagwakas din sa isang teorya. Nagpaikot – ikot sa nasabing talakayan sa mga
posibilidad na ang “transformational-generative grammar” ni Chomsky at ng iba pang
modelong panggramatika ay makatutulong nang malaki sa pagbuo ng
mapapanaligang MTr. Marami ang nagpapalagay na binuo ni Chomsky ang
kanyang “transformational-generative grammar” sa pag-asang balang araw ay
magagamit ito sa proseso ng “syntactic analysis” na maaaring iprogram sa
kompyuter para sa pagsasaling-wika.

You might also like