You are on page 1of 4

KASAYSAYAN NG PAGSASALIN WIKA.

Ano ang pagsasalin ?


- ito ay ang paglalahad sa pinag salinang wika ng pinakamalapit at
natural na katumbas ng orihinal. Ang mensaheng isinasaad ng wika, una ay batay sa
kahulugan , ang ikalawa naman ay estilo. Ang unang yugto ng pagsasalin ay
naganap noong panahon ng kastila.

Ang pagsasaling-wika sa pilipinas ay nagsimula sa pangangailangan mapalaganap


ang mga mananakop na kastila ang relihiyong Iglesia Catholica Romana.
Kinakailangan ang Pagsasalin sa tagalog at sa iba pang katutubong wika ng mga
dasal at mga Akdang panrelihiyon. Sa pagnanais ng mga kastila na mapalaganap
ang Iglesia Catholica Romana ay ka nila itong sinubo sa mga katutubong pilipino, sa
una ay hindi naman talaga maintindihan ng mga katutubo ang sinasaad ng
Relihiyon. Sapagkat ang lahat ng dasal ay nakasulat sa wikang kastila, tulad
nalamang Ave maria, sa puntong ito naganap ang unang pagsasalin sa pilipinas,
isinalin at itinuro ng mga prayleng kastila ang mga dasal at awit panRelihiyon, base
sa kung anong wika ang ginagamit ng mga katutubo Ngunit hindi naging konsistent
ang mga kastila sa pagtuturo ng wikang kastila sa mga pilipino, dahil ayon sa
kanilang karanasan sa pananakop, higit na magiging matagumpay ang
pagpalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng wika ng mga
katutubo at naging mas katanggap- tanggap sa mga katutubo ng marinig na
ginagamit ng mga prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng
diyos sa kadahilanan ngang ito niyakap at tinangkilik ng karamihan sa mga pilipino
ang pagbabagong ito sa Relihiyon, sapagkat alam naman natin na bago pa man
dumating ang mga kastila, ay naniniwala na tayo sa ,ga diwata, anito, at babalain.
Higit na katanggap- tanggap sa mga katutubo, ang marinig ginagamit ng mga prayle
ang kanilang katutubong wika upang mas maintindihan at maunawaan ang
nilalaman ng mga ito, ang ikatlong dahilan na hindi lantarang ipinahahayag ng mga
kastila ay ang pangamba na kung matuto ang mga pilipino ng wikang kastila ay
maging kasangkap pa nila ito sa pagkamulat sa totoong kapangyarihang espanyol
sa pilipinas, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang nasa wikang kastila
alam naman nating lahat na ,mayroong Hide agenda ang mga kastila sa pananakop,
makasarili at matalino ang kolonyalismong ito. Ang mga kastila ay natatakot na
malaman ng mga katutubo ang totoong sitwasyon sa ating bansa, nangangamba sila
na mag resulta ito sa pagkamulat ng bawat isa at humantong sa Rebolusyon at
pag-aaklas.

Ikalawang yugto ang pagsasalin sa wika sa panahon ng mga amerikano


- sa panahon ito , naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa
ng mga akdang klasika na nasa wikang ingles, Edukasyon ang pangunahing
patakaran pinapairal ng amerikano kaya naman bumaha sa ating bansa ang iba’t
ibang anyo at uri ng karunungan mula sa kanluran lalo na sa larangan ng panitikan,
ang pagsasalin sa panahong ito ay isinasagawa sa paraang di-tuwirang , ibig sabihin
ang isinasalin ay hindi , ang orihinal na teksto kundi ang isa naring salin.
Matatandaan rin pinakilala sa atin ng mga Amerikano ang mga Akda at Librong pang
edukasyon, na isinalin nadin ng mga manunulat . samakatuwid ang pagsasalin sa
panahong ito ay hindi narin ang orihinal na teksto kundi ang isa naring anyo ng salin.
Isa sa mga tagapagsalin marami ang naisaling klasikong akda ay si Rolando Tinio.
Ang mga dulang isinalin niya ay ipinalabas sa mga piling teatro sa kamaynilaan lalo
na CPP

Si Rolando Tinio ay isang batikang manunulat sa Nakaraan


Marami na siyang nalikha at naiambag sa kasaysayan ng panitikan Ngunit hindi siya
pahuhuli sa larangan ng pagsasalin salita.

Isang magandang Proyekto rin ang isinagawa ng National bookstore (1971) kung
saan ipinasalin ang mga popular na nobela at kwentong pandaigdig at isinaaklat
upang magamit sa paaralan. Ang ilang halimbawa ay ang mga kwentong “Puss n
Boots” “Rapunzel” “The Little Red Hen” at iba pa.

Pangatlong yugto ng pagsasalin sa patakarang bilingwal


- ang pagsasalin sa filipino ng mga materyales pampaaralan na
nasusulat sa ingles tulad ng mga aklat , patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa.
Kaugnayan ito ng pagpapatupad ng patakarang bilinggwal sa ating sistema ng
edukasyon. Bilinggwal ang pamamaraan ng sistema ng edukasyon na kung saan
gumagamit ng dalawang klase ng wika sa pagtuturo, ayon sa department order
NO.25, s. 1974 Higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa ingles.

Nangangahulugan, sumakatawid na lalong dapat pasiglahin ang mga Pagsasalin sa


Filipino ng mga kagamitang panturo nakasulat sa ingles.
Sa pamamagitan ng department order No.25 s. 1974 mapauunlad at
mapagyayabang ang pagsasalin sa wikang Filipino sapagkat binibigyang pansin ang
mga pagsasalin ng mga kagamitang pang edukasyon, sa ating Sariling wika, upang
mas higit na maunawaan ng mga mag aaral ang ilang nga sa mga halimbawa ng
mga isinalin sa panahon ito ay ang mga gabay ng pagtuturo sa Science, Home
economics, Good manners and Right conduct, Health education at Music, isinalin din
ang tagalog Reference Grammar, Program of the Girl Scouts of the Philippines at
marami pang iba.

Ikaapat na yugto ng pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-tagalog.


- kinakailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang
di-tagalog upang makabuo ng Panitikang Pambansa. Ang tinatawag natin
“Pambansang panitikan” ay panitikan lamang ng mga tagalog sapagkat
bahagyang-bahagya na ito kakitangan panitikan ng ibang pangkat-etniko ng bansa.
Makikita natin sa yugtong ito na mas pinagtuunan pansin ng pagsasalin ng mga
Akdang Pampanitikan sa Pilipinas, Tulad nalamang ng pagsasalin cebuano sa
tagalog. Upang maisakatuparan ito nagkaroon ng proyekto sa pagsasalin ng LEDCO
(Language Education Council of the Philippines) at SLATE ( Secondary Language
Teacher Education ) ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong ng Ford Foundation.
Inaanyayahan sa isang kumperensya ng kinikilalang mga pangunahing manunulat at
iskolar sa pitong Pangunahing wika ng bansa. ( Cebuano , ilocano, Hiligaynon, bicol,
samar-leyte, pampanga, at Pangasinense) pinagdala sila ng piling materyales na
nakasulat sa kani kanilang bernakular upang magamit sa pagsasalin, sa proyektong
ito nagkaroon din ng pagsasalin sa ilang chinese-filipino Literature, Muslim at iba
pang panitikan ng mga minor na wika ng bansa.
Nagkaroon din ng Pagsasalin ang GUMIL (Gunglo Dagiti Manunulat nga Ilocano)
pumili ang mga manunulat ng ilocano ng mahuhusay sa wikang iloko at isinalin sa
Filipino , pagkatapos ay inilimbag ang salita sa at inihayag na KURDITAN.

Sa pamamagitan ng pagsasalin, ang kwento ng Orihinal na sinulat sa Iloko ay


nalagay na sa katayuan upang mapasama. Sa Pambansang panitikan, sapagkat
meron nang bersyon.

Panglima ang pagsasalin sa panitikang Afro-Asian.


- kinakailangan ang pagsasalin ito dahil kasama na sa kurikulum ng
ikalawang taon sa High School, ang pagtuturo ng Afro-asian. Ayon nga kay Isagani
Cruz, para tayong Mahihina, mga matang mas madali pang makita ang malayo kesa
sa mga likha ng mga kalapit bansa natin, ang pagsasama sa kurikulum ng panitikan
afro-asian, ay masasabing, pagwawastong pagkakamali sa pagkat noong
Nakaraang panahon mas binigyang halaga ang pagsasalin, ang panitikang pang
kanluranin , at hindi ang panitikan ng mga kalapit na bansa, kaugnayan nito
nagkaroon ng pagsasalin ng isang pangkat ng mga manunulat , ng mga piling
panitikan, ng mga kalapit na bansa , pinondohan ng Toyota Foundation at Solidarity
foundation, na tinatawag na Translation Project. Pinangunahan naman nina Rolando
Tinio at Behn Cervantes. Ang pagsasalin ng banyagang akda nasa Larangan ng
Drama.
Samantalang , may ilan ring pangkat o institusyon nagsasagawa ng mga proyektong
pagpapaunlad ng wikang pambansa ito ay ang NCCA ( National Commission on
Culture and Arts) at PETA (Philippine Educational Theatre Association
Isinali naman ng komisyon sa wikang Filipino ang mga karatula ng iba’t ibang
Departamento at Gusali ng Pamahalaan, Dokumento , papeles para sa Kasunduang
panlabas, saligang batas at ipa ba. Sa kabila ng mga kasiglahan nabanggit , ang
pagsasaling-wika bilang isang sining ay hindi pa gaanong nakakalayo sa kanyang
kuna o duyan, lalo na kung ihahambing sa antas ng kaunlaran sa larangan ito sa
ibang kalapit- bansa natin sa silangang Asya, ang isa pang hindi naisasagawa
hanggang sa ngayon ay ang paghahanda ng isang talaan ng mga taga pag
saling-wika o Registered Translators.
Maaaring isagawa ng komisyon sa wikang Filipino ang paghahanda ng
kinakailangan mga instrumento sa pagsusulit at sistema o proyekto sa pagwawasto
at iba pang bahagi ng proseso. Ang pagtatalaga ng samahan sa pagsasaling wika
ay maaaring makatulong ang malaki sa pag papasigla ng mga gawain sa larangan
ito.

Biglang paglalahad ang unang yugto ay ang pagsasalin ng mga akdang


Panrelihiyon.
Pangalawang yugto naman ay pumapatungkol sa pagsasalin pang edukasyon.
Pangatlo yugto ay ang tungkol sa patakarang bilinggwal sa filipino at edukasyon sa
larangan ng pagtuturo
Pang Apat na yugto ay ang pagbibigay kahulugan sa pagsasalin ng mga katutubong
panitikang hindi tagalog .

Ang huling yugto naman ay pagsasalin ng mga Akdang afro-asian , kasalungat ng


mga nagdaang panahon na kung saan ay tumutukoy sa lahat, sa mga akdang,
kanluranin.

GROUP II
Leader- JoveLyn Asuncion
Mem:

Karen Abellera
Delma Raguindin
Kristine Orpiano
Princess Fabular
Joanna Tubon

Frenz Millan
Benjie Bernal
Dexter Nisperos

You might also like