You are on page 1of 6

Pang-estadong Unibersidad ng Pangasinan

Lingayen Campus
Lingayen Pangasinan

FIL 109
ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO
Unang Semestre 2023-2024

Inihanda ni :
Bunny A. Soriano
Althea Rose C. Paltep
Nilalaman:
1. Panahon ng mga Kastila
2. Panahon ng mga Amerikano
3. Mga Pag-aaral na Isinagawa ng mga Pilipino

Ang wika ay isa sa pinakamahalagang instrumento na ginagamit ng mga tao sa


pakikipagtalastasan sa araw-araw. Ito ay sentro ng komunikasyon ng mga tao simula
pa noon hanggang sa modernong panahon. Marami ang pinagdaanan ng ating wika
bago pa man natin matagumpay na magamit sa kasalukuyan. Upang lalong
maunawaan ito, ating sulyapan ang maikling kasaysayan ng linggwistika sa Pilipinas sa
bahaging ito upang magabayan tayo sa mga naging pagbabago at sa daang tinahak ng
pag-aaral ng wika sa bawat panahon gayundin ang naging ambag ng mga ito sa pag-
unlad ng pag-aaral ng wika , na rito ay ang mga naging batayan ng ating wikang Filipino
sa panahon ng kastila at amerikano.
PANAHON NG MGA KASTILA

Panahon ng mga Kastila


 Ayon sa kasaysayan, ang mga kastila ang unang sumakop sa Pilipinas. Inakala
nilang kabilang sa wikang Europeo ang wika sa Pilipinas kaya ginawa nilang
modelo ang Latin at Kastila. Upang maisakatuparan ito, sumulat sila ng mga
katesismo, gramatika at bokabularyo gamit ang wikang tagalog na naging malaki
ang kontribusyon sa pag-aaral ng wika sa Pilipinas.

 Karamihan sa mga naunang pag-aaral sa mga wika ay ginawa ng mga


misyonero o mga prayle. Ang Doctrina Cristiana sa wikang tagalog ang unang
publikasyon. Naging malaking tulong din sa lalong madaling paglaganap at
pagkakaroon ng pag-aaral at pagsusulat ng mga aklat gramatika, bokabularyo at
iba pang babasahin ang pagkakaroon at pagkakahati ng mga prayle sa apat na
orden na naitalaga sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ang mga Dominican na
itinalaga sa Pangasinan at Cagayan ay nagkaroon ng sariling imprenta noong
1593, ang mga Franciscan sa Camarines ay nagkaroon ng imprenta noong
1606, ang mga Heswita na nasa kalahati ng Bisaya ay nagtatag noong 1610 at
ang mga Agustinian na nasa kalahati rin ng Bisaya, Ilocos at Pampanga ay
nagkaroon ng imprenta noong 1618.

 Pinaniniwalaang sa mga katesismong ginawa ni Padre Juan De Placencia


nanggaling ang Doctrina Cristiana na nalimbag noong 1593 na inihanda para sa
imprenta ni Padre Juan De Oliver na siya ring sumulat ng Doctrina Cristiana sa
Bikol.

Narito ang mga ilan sa mga isinagawa ng mg Kastila tungkol sa wikang Tagalog:

1. Arte y Reglas de la Lengua Tagala (1560-1614) ni Francisco Blancas de


san Jose, inilimbag ni Tomas Pinpin, gumamit ang edisyong ito ng
katutubong baybayin.
2. Compendio de la Arte de la Lengua Tagala ni Francisco Blancas de san
Jose.
3. Arte de la Lengua Tagala ni Agustin de la Magdalena, binubuo ito ng 75
pahina.
4. Compendio del Arte de la Lengua Tagala (1650-1724) ni Gaspar de san
Agustin, binubuo ng 54 pahina.
5. Arte y Reglas de la Lengua Tagala (1668-1742) ni Tomas Ortiz, binubuo
ng 136 pahina, ayon kay Tavera (1903), matatagpuan ang isang kopya sa
Biblioteca sa Londres.
6. Arte de la Lengua Tagala (1745) ni Sebastian de Totanes
7. Gramatica de la Lengua Tagala (1850) na binubuo ng 171 pahina.
8. Nueva Gramatica Tagalog (1872) ni Joaquin de Coria.
9. Lecciones de Gramatica Hispano-Tagalog (1841-1904) ni Jose Hevia
Campomanes.
10. Ensayo de Gramatica Hispano-Tagalog (1878) ni Toribio Minguella.

PANAHON NG MGA AMERIKANO

Sa panahon ng mga Amerikano nagsimula ang siyentipikong pag-aaral ng wika. Sa


panahong ito , nagkaroon ng istraktura ang pagsusuri ng mga wika. Marami ring mga
pag-aaral sa wikang Tagalog angisinagawa ng mga dalubhasa tulad nina Cecilio Lopez,
Morice Vanoverbergh ,Otto Scheerer ,HermanCostenoble, Carlos Everett Conant,
Frank R.Blake at Leonard Bloomfield.

Narito ang ilan sa mga isinagawang pag-aaral ng mga dayuhang linggwistika hinggil sa
wikang Tagalog na nagkaroon din ng malaking ambag sa pag-aaral sa wikang Tagalog.

Herman Costenoble - gumawa ng anim na artikulo tungkol sa mga salitang-ugat na


binubuo ng isang pantig lamang (monosyllabic) sa pagkakaiba at pagkakahawig ng
mga tunog sa ilang mgapangunahing wika sa Pilipinas at paghahambing sa pandiwa ng
mga ito.

Otto Scheerer- nagsulat simula noong 1909 hanggang 1932 ng mga aklat at babasahin
tungkolsa mga wika sa hilagang Luzon-Kalinga, Ilongos, Isinai at Bontoc.

Morice Vanoverbergh - sumulat ng gramatika at diksyunaryo ng Iloko at mga


etnograpiyang pag-aaral ng mga Isneg at Kankanay.

Carlos Everett Conant - may sampung pag-aaral na ginawa tungkol sa mga wika sa
Pilipinas mula1908 -1916,kasama ang ;

(a) pag-aaral sa ponolohiya ng Tirurui (1913);

(b)ang ebolusyon ng ‘pepetvowel ‘ sa 30 wika sa Pilipinas ;

(c) ang mga tunog na ‘f’ at ‘v’ sa iilang wika sa Pilipinas ,

(d)angcorrespondence ng mga tunog na R-G-H-Y-NULL at R-L-D sa mga wika sa


Pilipinas – ang wikang Tagalog ,Bisaya,Ibanag,Magindananao,Tausug at Bagobo ay
napapabilang sa ‘g-languages’,angIlokan at Tirurai sa ‘r-languages’,ang Pangasinense ,
Kankanai ,Iboloy ,Bontoc at Kalamian sa ‘l-language’,at ang kapampangan ,Ivatan ,at
Sambal sa ‘y-language’;

(e) pag-aaral tungkol sagramatika ng wikang Isinai at sa mga salitang ugat sa


Kapampangan na naging monosyllabic.

Frank Blake - may 15 artikulo tungkol sa mga wika ng Pilipinas mula 1911 hanggang
1950 ,7tungkol sa wikang Tagalog tinagurian siyang may pinakamahalagang
kontribusyon sa linggwistikasa Pilipinas.

Leonard Bloomfield – gumawa ng pagsusuri sa wikang Tagalog at tinaguriang siya


ang maypinakamagaling na naisagawang pag-aaral sa anumang wika sa Pilipinas.
John U.Wolff - gumawa ng pag-aaral tungkol sa mga morpolohiya at sintaks ng
Cebuano at mgapedagodikal na libro, gumawa rin siya ng dirsyunaryo ng Cebuano
Visayan.

David Zorc - gumawa ng klasipikasyon sa wikang Bisaya at gumawa


ng rekonstruksyonsa mgaito.

MGA PAG-AARAL NA ISINAGAWA NG MGA PILIPINO

Maraming Pilipino ang maituturing bilang iskolar sa larangan ng wika, ito’y dahil sa
pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa. M alaki ang naitulong nila tungo sa
pagiging siyentipiko ng pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas lalo na noong naitatagang
Summer Institute of Languages (SIL) sa ating bansa. Ilan sa mga nagsagawa ng pag-
aaral ang mgasumusunod:

Cecilio Lopez- isa siya sa mga naipadala.Siya ang kauna-unahang nakatapos


ng Doktorado sa larangan ng Linggwistika kaya tinagurian siyang “Ama ng Linggwistika
sa Pilipinas” dahil siya ang pinakaunang linggwistang Pilipino. Sinulat niya noong 1940
ang gramatika ng wikang Tagalog. May humigit kumulang30 na pag-aaral ang
naisagawa ni Lopez tungkol sa mga ponolihiya, morpolohiya, at sintaks ng mga wikasa
Pilipinas .Tinalakay rin niya ang leksikon sa Tagalog at Malay, at ang pangkalahatang
katangian ng mgawika sa Pilipinas.

Ernesto Constantino- May 11 artikulong isinulat mula 1950-1970.Kabilang sa mga


isinulat niya ang;

(a)sentence patterns of the Ten Major Philippine Languages” (1964) na naghahambing

sa istruktura ng mga pangungusap sa Tagalog, Waray, Bikol, Cebuano, Hiligaynon,

Tausug ,Ilookano, Ibanag, Pangasinense at iba pa;

(b) “ the sentence patterns of twenty- six Philippine languages” kung saan tinalakay
niya ang uri ngmga pangungusap batay sa mga instrukturang bumubuo nito at ang mga
kaukulang transpormasyon;

(c)“Tagalog and other major languages of the Philippines” (1970) na naglalahad ng


deskripsyon sa mganaisagawang pag-aaral sa linggwistika ng Pilipinas mula panahon
ng Kastila hanggang 1970,at lumabasdin ang maraming artikulo niya at publikasyon
hinggil sa mga diksyunaryo ng English-Filipino (1996-1997) at Filipino-English at iba pa.

Consuelo J.Paz- sumulat siya ng deskripsyon at ebalwasyon sa mga naunang mga


pag-aaral ngwika sa Pilipinas.Isang mahalagang kontribusyon niya ang historical na
pag-aaral niya tungkol sa “ A Reconstruction of Proto-Philippine Phonemes and
Morphemes (1981)”.

Fe Otanes- Naging katuwang siya ni Paul Schacter sa pagsulat ng gramatika ng


wikang Tagalog(1972).

Teodoro Llamson- gumawa ng pag-aaral sa ponolohiya at sintaks ng


Tagalolg .Gumawa rin siyang klasipikasyon sa mga wika ng Pilipinas at pinagtuunan
niya ng pansin ang debelopment ngpambansang wika at pagplano nito.

SANGGUNIAN:

Pinpin, Tomas. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Retrieved
from https://philippineculturaleducation.com.ph/pinpin-tomas/

San Agustin De Tanza.(n.d.)sanagustindetanza.weebly.com.


https://sanagustindetanza.weebly.com/kasaysayan-ni-san-agustin.html?
fbclid=IwAR3jTD8fJRCvgiw4sOiv9qYWLPYFiTB2FRB_kMG_M7XgaUrX0IeriqFEA-I

Uploaded by Hans Christer Rivera. Batayan ng kaalaman sa Istruktura at Gramatikong


Filipino. Retrieved by https://www.scribd.com/document/396131472/Batayang-
Kaalaman-Sa-Istraktura-at-Gramatikang-Filipino.

You might also like