Professional Documents
Culture Documents
SA ISTRAKTURA AT
GRAMATIKANG
FILIPINO
JOEMIL A. NAM-AY
BEED II-A
Muling Pagsulyap
sa Kasaysayan at
Pag-aaral ng Wika
Mabuting bigyan ang pag-unlad ng
istraktura at gramatikang Filipino dahil lubos
itong nakatutulong sa pagkatatag at pag-aaral
ng wika sa kasalukuyan.Kung tatahakin ang
kasaysayan ng gramatika,makapagbibigay ito
ng masaklaw na pagtingin at pag-unawa sa
proseso ng pag-aaral nito.
Mahalagang aspekto ang pagtingin sa
linggwistika kung pag-aaral sa istraktura ng
wika ang tatalakayin dahil ang linggwistika ay
tumutukoy sa makaagham na pag-aaral sa
wika.Napakahalaga ang ambag ng linggwistika
sa lipunang Pilipino dahil ito ang nagbunsod sa
maraming mga iskolar at dalubhasa upang
bigyang tuon ang pag-aaral ukol dito.
Upang lalong maunawaan ito,muli nating
sulyapan ang maikling kasaysayan ng
linggwistika sa Pilipinas sa bahaging ito upang
magabayan tayo sa mga naging pagbabago at
sa daang tinahak ng pag-aaral ng wika sa
bawat panahon gayundin ang naging ambag
ng mga ito sa pag-unlad ng pag-aaral ng wika.
Panahon ng
mga Kastila
Ayon sa kasaysayan ,ang mga Kastila ang
unang sumakop sa Pilipinas . Dahil sa layunin
nilang maipalaganap ang Kristiyanismo sa ating
bansa ,ninais nilang sa halip na ituro ang wikang
kastila sa mga katutubo ,sila na ang nagsagawa
ng pag-aaral at natuto sa wika ng mga katutubo.
Inakala nilang kabilang sa wikang Europeo ang
wika sa Pilipinas kaya ginawa nilang modelo ang
latin at kastila.Upang maisakatuparan
ito,sumulat sila ng mga katesismo,gramatika at
bokabularyo gamit ang wikang tagalong na
naging malaki ang kontribusyon sa pag-aaral ng
wika sa Pilipinas.
Karamihan sa mga naunang pag-aaral sa mga
wika ay ginawa ng mga misyonero o mga
prayle.Ang Doctrina Cristiana sa wikang tagalong
(1593) ang naging unang publikasyon. Maraming
pag-aaral ang naisagawa sa wikang Tagalog at iba
pang wika sa Pilipinas tulad ng Bisaya,Pampango,
Bikol, Ilokano at maging Pangasinense. Naging
malaking tulong din sa lalong madaling paglaganap
at pagkakaroon ng pag-aaral at pagsuusulat ng mga
aklat sa gramatika,bokabularyo at iba pang
babasahin ang pagkakaroon at pagkakahati ng mga
prayle sa apat na orden na naitalaga sa iba’t ibang
bahagi nga Pilipinas.
Nagkaroon ng kani-kanilang imprenta ang
mga orden sa lugar kung saan sila naitalaga.Ang
mga Dominican na itinalaga sa Pangasinan at
Cagayan ay nagkaroon ng sariling imprenta
noong 1593, ang mga Franciscan sa Camarines
ay nagkaroon ng imprenta noong 1606,ang mga
Heswita na nasa kalahati ng Bisaya ay nagtatag
noong 1610 at ang mga Augustinian na nasa
kalahati din ng Bisaya, Ilocos at Pampanga ay
nagkaroon naman ng imprenta noong 1618.
Sa tulong ng mga imprentang ito,lalong
napabilis ang pagpapalaganap at pagkakaroon
ng mga aklat.Pinaniniwalaang sa mga
katesismong ginawa ni Padre Juan de
Plasencia nanggaling ang Doctrina Cristiana na
nalimbag nong 1593 na inihanda para sa
imprenta ni Padre Juan de Oliver na siya ring
sumulat ng Doctrina Cristiana sa Bikol.
Marami pang pag-aaral sa mga gramatika at
bokabularyo sa iba’t ibang wika ang isinagawa
ng mga naturang prayle na nagkaroon ng
malaking kontribusyon sa pag-aaral ng mga wika
sa Pilipinas. Ang mga ito ay nags ilbing unang
hakbang tungo sa siyentipikong pagsusuri at
pag-aaral sa wika. Kaya pinaniniwalaang dito
nagsimula ang pag-aaral sa wika.Kaya
pinaniniwalaang dito nagsimula ang pag-aaral
sa larangan ng linggwistika.
Narito ang ilan sa mga isinagawa ng mga Kastila
tungkol sa wikang Tagalog:
• Arte y Reglas de la lengua Tagala (1560-1614)
ni Francisco Blancas de san Jose,nilimbag ito ni
Tomas Pinpin ,gumamit ang edisyong ito ng
katutubong baybayin
• Compendio de la Arte de la Lengua Tagala ni
Francisco Blancas de San Jose
• Arte de la Lengua Tagala ni Agustin de la
Magdalena ,binubuo ito ng 75 pahina
• Compendio del Arte de laa Lengua Tagala
(1650-1724)ni Gaspar de san Agustin
,binubuo ng 54 pahina
• Arte y Reglas de la Lengua Tagala (1668-1742)
ni Tomas Ortiz ,binubuo ng 136 pahina ,ayon
kay Tavera (1903),matatagpuan ang isang
kopya sa Bibliotica sa Londres
• Arte y de la Lengua Tagala (1745)ni Sebastian
de Totanes
• Gramatica de la Lengua Tagala (1850) na
binubuo ng 171 pahina
• Nueva Gramatica Tagalog (1872) ni Joaquin
de Coria
• Lecciones de Gramatica Hispano-Tagalog
(1841-1904)ni Jose Hevia Campomanes
• Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala (1878)
ni Toribio Minguella
Panahon ng
Amerikano
Nagsimula ang siyentipikong pag-aaral ng
wika sa panahon ng mga Amerikano. Sa
panahong ito,nagkaroon istraktura ang pagsusuri
ng mga wika.Marami ring mga ;pag-aaral sa
wikang Tagalog ang isinagawa ng mga dalubhasa
tulad nina Cecilio Lopez, Morice Vanoverbergh
,Otto Scheerer ,Herman Costenoble, Carlos
Everett Conant, Frank R.Blake at Leonard
Bloomfield. Sa mga isinagawa nilang pag-aaral
,naging makaagham at siyentipiko ang proseso
nila sa pagsusuri ng wikang Tagalog na
nagkaroon din ng malaking ambag sa pag-aaral sa
wikang Tagalog.
Herman Costenoble
-gumawa ng anim na artikulo tungkol sa mga
salitang-ugat na binubuo ng isang pantig
lamang (monosyllabic) sa pagkakaiba at
pagkakahawig ng mga tunog sa ilang mga
pangunahing wika sa Pilipinas at
paghahambing sa pandiwa ng mga ito.
• Otto Scheerer-nagsulat simula noong 1909
hanggang 1932 ng mga aklat at babasahin
tungkol sa mga wika sa hilagang Luzon-
Kalinga,Ilongos,Isinai at Bontoc.