You are on page 1of 4

Hindi maitatatwang malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika.

Nakatutulong ito upang lubos na makilala ng mga mag – aaral ang pagkakaiba ng
dalawang magkaibang wika sa istruktura at sa kulturang nakabigkis sa bawat isa. Balik
– tanawan natin ang kasaysayan ng pagsasalin sa Pilipinas at sa buong daigdig.

1. Kasaysayan ng Pagsasalin sa Daigdig


Halaw sa aklat ni Savory na pinamagatang “The Art of Translation ang naging
kasaysayan ng pagsasaling –wika. Siya ay nagkaroon nang masusing pagtalakay rito.

Sa Europa, isang griyego ang kinilalang unang tagapagsaling wika, si Andronicus.


Isinalin niya ang Odyssey ni Homer na nasususulat sa wikang Griyego sa salitang
Latin.

Ang unang pagsasaling ito ay pininiwalaang agad na sinundan ng iba pang pagsasalin.
Gumawa sina Naevius at Ennius ng mga pagsasalin sa Latin ng mga dulang Griyego.
Si Cicero naman ay kinilala rin bilang isa sa mahuhusay na tagapagsalin, bukod sa
pagiging isang dakilang manunulat.

Nakaabot sa Baghdad ang isang pangkat ng mga manunulat mula sa bahagi ng Syria.
Sila ang nagpasimula ng pagsasalin sa Arabic ng mga isinulat ng mga kilalang eskolar
tulad nina Plato, Aristotle, Galen at iba pang batikang mga manunulat. Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit sumikat ang Baghdad bilang isang akademya ng
pagsasaling – wika at pinagmulan ng pagpapaunlad ng kaalaman sa kanilang bansa.

Pagkalipas ng mahabang panahon, biglang nanlupaypay ang mga escolar sa Baghdad


dahil nabaling ang kanilang atensyon sa ibang bagay, tulad ng pagsusulat ng mga
artikulo patungkol sa pilosopiya.

Makalipas ang tatlong siglo, pumalit ang Toledo bilang sentro ng karunungan sa
larangang ng pagsasalin. Malaking salapi at mahabang panahon din ang iginugol ng
mga eskolar ng Toledo upang tuluyang isalin ang mga nasusulat sa wikang Arabic sa
salitang Latin.

Ayon kay Savory, maraming eskolar ang naganyak upang maging tagapagsalin sa mga
aklatan. Naging tanyag sina Adelard at Retines. Si Adelard ang nagsalin sa latin ng
mga akda ni Euclid na isinalin na noon sa Arabic. Habang si Retines ang nagsalin ng
koran sa latin noong 1141.

Nagkaroon din ng salin sa iba’t ibang wika sa Europa ang Barlaan at Josaphat. Ito ang
nagtulak sa mga simbahang Latino na kilalanin bilang Santo at Santa sina Barlaan at
Josaphat. Sila ang dalawang tauhan sa akda na uliran sa pag – uugali at paggiging
maka – Diyos, kahit ang mga ito ay kathang – isip lamang.
Ayon kay Savory, umabot sa pinakatuktok ang pagsasalin noong ikalabindalawang
siglo. Ang pagsasalin nang mga panahong iyon ay maaaring napantayan na sa
kasalukuyang panahon, ngunit hindi pa rin nahihigitan. Pinaniniwalaang dito nagsimula
ang pagsasalin sa Bibliya. Ang pagsasalin na isinagawa ni Wyliffe ay sinundan naman
ng salin na isinagawa nina Tyndale at Coverdale.

Ang pagsasalin naman ni Martin Luther (1483 – 1646) ang kinikilalang pinakamaayos at
pinakamabuting salin. Dito nagsimulang makilala ang bansang Germany sa larangan ng
panitikan.

Pumaimbolog din nang mga panahong iyon ang mga salin ni Jacques Amyot. Siya ay
isang Obispo na tinaguriang “Prinsipe ng Pagsasalin” sa bansang Europa. Isa sa mga
pikamalaking naiambag ni Amyot sa larangan ng panitikan ay ang pagsasalin ng “Lives
of Famous Greek and Romans” ni Plutarch noong 1559.

Nakilala naman sa Ingglatera noong 1467 – 1553 ang tagapagsalin na si John


Bourchier. Ayon kay Savory, karamihan sa kanyang salin ay hango sa wikang Kastila.
Nakatala rin sa kasaysayan ng Alemanya ang kahusayan ni Bourchier sa pagsasalin.
Siya ang nagsalin ng Chronicles ni Froissart.

Itinuring ni Savory na ang unang pagsasalin sa Ingglatera ay naganap noong panahon


ng unang Elizabeth, at ang panahon ng ikalawang Elizabeth ang kinilalang
pinakataluktok. Ayon sa salaysay ni Savory, ang pakikipagsapalaran at pananakop ang
pambansang diwang nangibabaw nang mga panahong iyon. Mapapansing ganoon din
ang layunin ng mga tagapagsalin, ang tuklasin ang anomang pagbabago sa larangan
ng panitikan.

Sa pagdating ng mga dayuhan, kasabay ring dumating sa bansa ang pagsasalin.


Makikita ang kasaysayan nito sa apat na yugto ng kasiglahan.

Makabagong Praktika ng Pagsasalin: Machine Translation: Papalit sa Tao?


Kasabay ng pag-unlad ng syensya at teknolohiya ang pagsasaling-wika. Matagal nang
pinipilit ng mga sayantist na makalikha ng machine translator, ngunit hanggang taong
1994, wala pa silang naiimbentong makina o kompyuter na maaaring ipalit sa tao bilang
tagapagsalin.

Minsan ay may nailathalang isang balita na nakaimbento na diumano ang bansang


Hapon ng MTr. Subalit gaya ng inasahan, ang nasabing makina ay limitadong-limitado
lamang sa pagsasalin ng mga paksang lubhang teknikal at tiyak na paksa sa wika, tulad
ng nuclear physics sa Ingles.

Ayon kay Alfonso Santiago, kung mapapalitan ng makina ang tao bilang tagasaling-
wika ay hindi pa natin masasabi sa ngayon, ngunit hindi kataka-taka kung balang araw
ay magkaroon na ng MTr na higit na episyente kaysa tao.
Alam natin na nang unang maimbento ang kompyuter ay hindi pa kasing-episyente ng
nalalaman nating kompyuter sa ngayon. Ngunit patuloy itong pinabubuti pa. Kaya
marahil ay dapat manatiling bukas ang ating isipan sa isang posibilidad na darating ang
panahon na makalilikha ang tao ng MTr na kanyang magiging kapalit.

Nangunguna ang Estados Unidos, Britanya at Rusya sa pagsasagawa ng mga


pananaliksik sa larangan ng MTn. Ayon kay Finlay (1971), sumigla ang pananaliksik ng
bansang Amerika sa MTn dahil sa unang may sakay na taong spaceship na pinalipad
ng Rusya noong 1961. Noong mga panahong iyon ay mahigpit ang paligsahan ng
Rusya at Amerika na magalugad ang kalawakan, kaya nakatuon ang pananaliksik ng
Amerika sa paglikha ng MTr na makapagsasalin sa Ingles ng mga karunungang pang-
agham lalo na ng tungkol sa space exploration.

Noong 1980 ay nagkaraoon ng isang kumperensya sa pagsasaling-wika sa RELC


(Regional Language Center), Singapore. Nagsimula ang talakayan sa isang teorya at
nagwakas din sa isang teorya. Nagpaikot – ikot sa nasabing talakayan sa mga
posibilidad na ang “transformational-generative grammar” ni Chomsky at ng iba pang
modelong panggramatika ay makatutulong nang malaki sa pagbuo ng mapapanaligang
MTr. Marami ang nagpapalagay na binuo ni Chomsky ang kanyang “transformational-
generative grammar” sa pag-asang balang araw ay magagamit ito sa proseso
ng “syntactic analysis” na maaaring iprogram sa kompyuter para sa pagsasaling-wika.

Unang Yugto ng Kasiglahan: Panahon ng mga Kastila sa Pilipinas


Ayon kay Savory, noong panahon ng Kastila nagsimulang magkaanyo ang pagsasalin
sa Pilipinas. Kaakibat nito ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Tulad ng nakasaad
sa kasaysayan, naging bantilawan o urong – sulong ang naging sistema ng
pagpapalaganap ng wikang Kastila dahil hindi konsistent ang Pamahalaan ng Espanya
sa pagtuturo ng wika sa mga Pilipinong nasakop nila. Lumaganap sa masang Pilipino
ang Kristiyanismo sa pamamagitan ng katutubong – wika.

Ikalawang Yugto ng Kasiglahan: Panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas


Nagtuloy – tuloy pa rin ang pagsasalin ng mga orihina na akda sa nasusulat sa wikang
Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa wikang Pambansa ng mga nasusulat sa
Ingles. Karamihan sa mga isinaling dula ay itinanghal sa mga teatro. Ito ang
pinakatanyag na libangan ng mga tao nang mga panahong iyon sapagkat hindi pa uso
ang telebisyon o sinehan.

Sa panahon ng mga Amerikano nagsimulang pumasok sa Pilipinas ang mga salin sa


iba’t ibang genre ng panitikan mula sa kanluran. Nagbago rin ang papel na
ginagampanan ng pagsasalin nang pumalit sa Espanya ang Amerika bilang
mananakop. Kung relihiyon ang ginamit na sandata ng mga Kastila para masakop ang
Pilipinas, ang ginamit naman ng mga Amerikano ay Edukasyon, kung saan napilitan
ang mga Pilipino na pag – aralan pagsulat at pagsasalita sa Ingles.
Ikatlong Yugto ng Kasiglahan: Paglinang at Pagtupad sa Patakarang Bilinggwal
Dito nagsimula ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales na pampaaralan na
nasusulat sa Ingles, gaya ng aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa kaugnay
ng pagpapatupad sa Patakarang Bilinggwal sa sistema ng Edukasyon. Kaugnay nito,
mas marami ang kursong itinuro sa Filipino kaysa sa Ingles.

Ikaapat na Yugto ng Kasiglahan


Dito nagsimulang isalin ang mga katutubong panitikan na di – Tagalog. Nararapat lang
na isagawa ang mga ito kung hinahangad nating makabuo ng panitikan na matatawag
na “Pambansa.”

Mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na isinagawa ng LEDCO


(Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary Language
Teacher Education ng DECS at PNU noong 1987

sa tulong na pinansyal ng Ford Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang


bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin.

Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga


pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa: Cebuano,
Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng mga
piling materyales na nasusulat sa kani-kanilang vernakular upang magamit sa
ikalawang bahagi ng proyekato.

Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop-seminar na


nilahukan ng mga piling tagapagsalin na ang karamihan ay mga edukador na
kumakatawan sa nabanggit na pitong vernakular ng bansa. Nagkaroon pa rin ng mga
pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga
minor na wikain ng bansa.

Sa kabuuan, mahalagang mabatid natin ang pinagmulan ng pagsasalin sa Pilipinas at


Daigdig. Makatutulong ito upang higit na bigyang – pansin at halaga ang pagsasalin.
Makatutulong din ito sa mga tagapagsalin sa hinaharap upang linangin at paunlarin pa
ang dapat linangin.

You might also like