Professional Documents
Culture Documents
Layunin:
a) Nalalaman ang kasaysayan ng Pagsasalin-wika sa daigdig.
b) Nakikilala ang mga taong nagpasigla ng pagsasaling wika sa iba’t -ibang dako
ng daigdig.
c) Nalalaman ang pag-unlad ng pagsasalin sa iba’t ibang panahon.
Andronicus - kinikilalang unang tagasaling-wika. Isinalin niya nang patula sa Latin ang
Odyssey ni Homer na nasusulat sa wikang Griyego noong 240 B.C.
Euripides (484 BCE - 406 BCE) - isang sinaunang Griyegong manunulat ng dulang
trahedya. Kalimitang may desperasyon at biyolente ang kanyang mga dula. Sa huling
bahagi ng kanyang buhay, nagsimula siyang sumulat ng mga trahedyang komedya na
may masasayang mga katapusan, ang simula ng bagong gawi sa dramang Griyego.
Halimbawa ng kanyang mga akda: Hecuba, Iphigenia at Aulis, at Hippolytus.
Cicero - isang Romanong pilosopo at consul. Siya rin ay isang bihasang manunulumpati,
manunulat, kinikilalang pinakamagaling sa wikang Latin at nakilala rin bilang isang
mahusay na tagasaling-wika.
Halimbawa ng kanyang mga akda: In Verrem, De Inventione, at De Oratore
Dahil sa palawak nang palawak na pag-uugnayan ng mga bansa, noong 1200 A.D. ay
nakaabot na sa Toledo ang mga orihinal na teksto ng mga literaturang nasusulat sa
wikang Griyego. Dahil dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga tagasaling-wika na
magsalin nang tuwiran sa Latin mula sa Griyego.
Noong nagsimula ang pagsasalin sa Biblia. Ang salin ni Wycliffe ay sinundan ni Tyndale
at Coverdale.
Wycliffe - isang paring Katoliko ay bihasa sa Latin. Pero naisip niya na hindi dapat Latin
ang gamitin sa pagtuturo ng Kasulatan dahil iilan lamang ang marunong nito. Isinulat
niya: “Ang kaalaman sa kautusan ng Diyos ay dapat ituro sa wika na pinakamadaling
maunawaan dahil ang itinuturo ay ang salita ng Diyos.” Kaya si Wycliffe at ang kaniyang
mga kasama ay bumuo ng isang grupo para isalin ang Bibliya sa wikang Ingles. Ang
pagsasalin ay tumagal nang mga 20 taon.
IKA-17 SIGLO
Hobbles - ang mga salin niya sa Thucydides at Homer ay hindi gaanong nagustuhan ng
mga magbabasa.
IKA-18 SIGLO
Alexander Pope - ang salin niya sa Ingles na akda ni Homer na Iliad ay lumabas sa
pagitan ng 1715 at 1720; ang kanyang Odyssey ay noong 1725.
Alexander Tytler - (1792) nailathala ang isa kanyang namumukod tanging aklat na
“Essay on the Principles of Translation”.
IKA-19 SIGLO
Omar Khayyam - ang kanyang salin ng Rubaiyat noong 1859 ay tinawag ni Savory na
pinakadakilang salin.Dito nagsimulang mauso ang isang uri ng saknong sa tula na may
apat na pentamento na ang ikatlong linya ay hindi magkatugma.
IKA-20 SIGLO
Nang sumapit ang Ikadalawangpung siglo ay isa na lamang karawinang gawain ang
pagsasaling-wika.Ang lahat daw halos ay nagtatangkang magsalin, kaya naman ang uri
ng ilang nagsisunod na salin ay waring mababa sa uring nararapat at hinihingi ng
makabagong panahon. At wari raw na karamihan sa mga nagsasalin ay sahol sa
inspirasyon sapagkat ang pangunahing layunin na lamang ay “dami” at hindi na ang “uri.”
Ritchie at Moore – noong 1919 naglathala sila ng isang artikulo na nagsasabing ang
tunay na panitikan ng France ay hindi lubusang maabot sa pamamagitan lamang ng mga
salin.
Ang totoo’y maliit na bahagi lamang ng mga ito ang naisasalin sa Filipino sapagkat ang
wikang Ingles ay ginagamit ding wikang panturo sa paaralan. Ang magagandang
halimbawa marahil ay ang bansang Japan. Malaking halaga ang ginugugol ng
Pamahalaang Hapon para makaabot sa higit na nakararaming mamamayan ang
karunungan ng daigdig sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga ito sa wikang Niponggo.
Ayon kay Savory, mayroong dalawang kadahilan kung bakit hindi maiiwasang mabanggit
ang pagsasalin ng Biblia?
1. Una, sapagkat ang paksa sa Biblia, lalo na sa Matandang Tipan, ay tumatalakay
sa sa tao – sa kanyang pinagmulan, sa kanyang layunin at sa knayang
destinasyon.
2. Ikalawa, kung bakit naiiba ang Biblia sa karaniwan sa larangan ng pagsasaling-
wika ay ang di mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito.
Ang Bibliang kinagisnan natin, kahit sa anong wika nasusulat, ay isang salin. Ang orihinal
na manuskrito o teskto nito ay sinasabing wala na.
Origen – buhat sa salin niya sa wikang Griyego noong ikatlong siglo na nakilala sa tawag
na Septuagint.
John Wycliffe – sinasabing sa kanya nagmula ang kauna unahang salin sa Ingles ng
Biblia, ayon kay Savory noong ikalabing-apat na siglo.
John Purvey – Kalihim ni Wycliffe, at siyang nagrebisa ng unang bersyon upang maalis
ang mga pangungusap na literal o mga istrukturang sunod sa Latin.
John Rogers – siya ang nagpatuloy sa pagsasalin isinagawa ni Tyndale. Gumamit siya
na sagisag panulat na Thomas Matthew. Taong (1537) nailathala ang nasabing salin.