Professional Documents
Culture Documents
Panimula
Noong
1792,
sa
aklat
na
“Essay
on the
Principles of Translation
” ni Alexander Tyler,
binigyang diin ang tatlong panuntunan sa
pagsasalin. Ang mga ito ay ang mga
sumusunod: Ang isang salin ay
kailangang katulad na katulad ng
orihinal sa diwa; Ang istiloat paraan ng
pagsulat ay kailangang katulad ng sa
orihinal; Ang isang salin ay
kailangang magtaglay ng “luwag at
dulas” ng pananalitang tulad ng sa
orihinal upang hangga’t maaari ay
magparang orihinal. Ayon naman
kay Matthew Arnold ang isang salin
ay kailangang magtaglay ng bisang
katulad ng sa orihinal. Ang
paniniwalang ito ay sumasalungat
sa paniniwala ni F.W. Newman na
ang isang salin ay kailangang
matapat sa orihinal, na kailangang
madama ng bumabasa na ang kanyng binabasa ay isang salin at hindi orihinal. Sa
pagsapit ng ikadalawampung siglo ay isa na lamang karaniwang gawain ang
pagsasalingwika kaya naman ang uri ng mga nagsisunod na salin ay mababa sa uring
nararapat.
Ang orihinal na manuskrito o teksto ng Bibliya ay sinasabing wala na. Ang kauna-
unahang teksto nito ay nasusulat sa wikang Aramaic ng Ebreo at ito ang
pinaniniwalang pinagmulan ng salin ni Origen sa wikang Griyego na kilala sa tawag
na Septuagint gayon din ang salin ni Jerome sa wikang Latin.
Ang tatlong itinuturing na pinakadakilang salin ng Bibliya ay ang kay Jerome (Latin),
ang kay Luther (Aleman) at ang kay Haring James (Ingles-Inglatera). Samantalang
ang kauna-unahang salin sa Ingles ng Bibliya ay isinagawa ni John Wyclif. Ang unang
salin ng mga Katoliko Romano ay nakilala sa tawag na Douai Bible. Sa lupong binuo
ni Haring James sa pagsasalin ng Bibliya, naging panuntunan na ang pagsasalin ay
maging matapat sa orihinal na diwa at kahulugan ng Banal na Kasulatan, dito nga
nakilala ang “Authorized Version”. Ang maituturing naman na pinakahuling salin ng
Bibliya ay ang “The New English Bible” (1970) na inilimbag ng Oxford University. Sa
dinami-dami ng mga pagsasaling isinagawa sa Bibliya, kinailangan pa rin ang muling
pagsasalin dahil sa mga sumusunod na dahilan: (1) Marami nang mga natuklasan ang
mga arkeologo na naiiba sa diwang nasasaad sa maraming bahagi ng mga unang
salin; (2) Naging marubdob ang pag-aaral sa larangan ng linggwistika na siyang
naging daan ng pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Bibliya; (3) Ang
sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay hindi na halos maunawaan ng
kasalukuyang mambabasa bukod sa kung minsan ay iba na ang inihahatid na diwa.
Ayon naman kay Robert Browning, ang tagasaling-wika ay kailangang maging literal
hangga’t maaari maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa kalikasan ng wikang
pinagsasalinan.