Professional Documents
Culture Documents
2RASON KUNG BAKIT PINAG-UUSAPAN ANG PAGSASALIN NG BIBLIA AYON KAY SAVORY
1. Sapagkat ang paksa sa Biblia, lalo na sa Matandang Tipan ay tumatalakay sa tao – sa kanyang pinagmulan, sa
kanyang layunin at sa kanayang destinasyon.
2. Ang di-mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkakasulat nito
Ang orihinal na manuskrito ng Biblia ay wala na. Ang Bibliang kinagisnan natin, kahit sa anong wika nasusulat, ay
isang salin. Ang nakatalang kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan ana nasusulat sa wikang Aramaic ng
Ebreo ay naging malaganap noong mga unang siglo, A.D. Naniniwala ang marami na dito buhat ang salin ni Origen
sa wikang Griyego noong ikatlong siglo na nakilala sa tawag na Septuagint, gayon din ang salin sa Latin ni Jerome
noong ikaapat na siglo.
Si Jerome ay isa sa iilan-ilang kinikilalang pinakamahusay na tagasaling-wika sa Biblia noong kanyang
kapanahunan. Ang kanyang Vulgate na salin sa Latin ng Biblia ay mataga na panahon ding naging popular.
Ayon kay Savory, tatlo ang dinakilang salin ng Biblia:
1. Salin ni Jerome sa Latin
2. Marthin Luther sa Aleman
3. Haring James sa Ingles (Inglatera) na mas kilala sa taguring Authorized Version
Ang kauna-unahang salin sa Ingles ng Biblia, ayo kay Savory, ay isinagawa ni John Wycliffe noong ikalabing-apat
na siglo. Ito ay may dalawang edisyon na ang una ay isinalin ni Nicholas (1382) ang ikalawa ay noong 1390.
Nangyari ito sapagkat lubhang literal ang pagkakaslain. Sa ibang salita, pinanatili sa salin ang estruktura ng mga
pangungusap sa wikang Latin, kayat ang naging resulta ay hindi idyomatikong Ingles. Kayat sa tulong ng kanyang
kalihim na nagngangalang John Purvey ay nirebisa ang unang bersyon upang maalis ang mga pangungusap na
literal o mga estrukturang sunod sa Latin.
Noong 1526 ay nagsagawa si William Tyndale ng isa ring pagsasalin sa Ingles ng Biblia buhat sa wikang Griyego
na salin naman ni Erasmus. Ang salin ni Tyndale ay naiiba sa ibang salin dahil sa masalimuot na mga talababa o
notasyon. Subalit hindi ito natapos ni Tyndale (ang Matandang Tipan) at ipinagpatuloy ito ni John Rogers na
gumamit ng sagisag-panulat na Thomas Matthew. Noong 1537 nalathala ang nasabing salin ngunit makaraan ang
dalawang taon, ito ay nirebisa ni Richard Taverner.
Noong 1538 ay nagkaroon ng kautusan na ang lahat ng simbahan ay dapat magkaroon ng isang bersyon lamang
ng Biblia upang magamit ng lahat. Upang matugunan ang ang pangangailangang ito ay muling nirebisa ni
Coverdale ang Biblia ni Matthew. Ang nirebisang Biblia ay nakilala sa taguring Great Bible na naging popular nanag
mahabang panahon sapagkat ito’y nagtataglay ng mga Salmo.
Ang Geneva Bible naman ay lumitaw noong 1560. Ito’y isinagawa nina William Whittingham at John Knox at iba pa
upang makatulong sa pagpapalaganap ng Protestantismo. Ito rin ang Bibliang tinagurian Breeches Bible dahil sa
bahaging sumusunod Genesis III, 7: “… and they sowed fig-tree leaves together and made themselves breeches.”
Nang mga panahong iyon ay nagkaroon na rin ng mga pagtatangka ang mga Katoliko Romano na magkaroon ng
sarili nilang Biblia. Ang unang salin ay nakilala sa tawag na Douai Bible. Ang New Testament ay nalathala diumano
sa Rheims noong 1582, ang Old Testament naman ay noong 1609.
Noong 1603, si Haring James ay nagdaos ng isang komperensya na dinaluhan ng mga arsobispo at iba pang pari
sa Hampton. Apatnapu’t pitong arsobispo at pari ang hinirang ni Haring James upang bumuo ng tanging lupon na
siyang gagawa ng isang salin ng Biblia na higit na maayos kaysa mga naunang salin. Ang ginamit ng lupon bilang
pinakasaligang salin ay ang Bishop’s Bible at ang mga sanggunian naman ay ang ibang mga saling nabanggit sa
itaas, gayundin ang mga teksto sa Griyego at Ebreo. Naging panuntunan ng lupon, batay sa kagustuhan ni Haring
James, na ang kanilang isasagawang pagsasalin ay kailangang maging matapat sa orihinal na diwa at kahulugan
ng Banal na Kasulatan. Dito ng nakilala ang tinatawag na Authorized Version na naging malaganap ang wikang
Ingles ay buhay.
Nagkaroon din ng puna ang Authorized Version, kaya’t noon 1870 ay nagmungkahi si Obispo Winchester na
rebisahin ang nasabing salin. Tumagal ng labinlimang taon ang pagrebisa sa nasabing bersyon. Noong 1881 ay
inilimbag ang nirebisang salin nito na nakilala sa tawag na English Revised Version.
Ang maituturing na pinakahuling salin ng Biblia sa taong 1970 ay ang The New English Bible na inilimbag ng
Oxford University Press. Ito ay 20 taong pinagtiyagaaang ihanda ng itinuturing ng simbahang Orthodox na
painakadalubhasang pangkat ng mga tagapagsalin at iskolar ng wika.
Ang New English Bible ay isinalin nang tuwiran mula sa orihinal na mga katitikang Ebreo at Griyego sa liwanag ng
pinakahuli at mapananaligang tuklas ng mga mananaliksik. Sa nasabing bersyon ay isinama ang Apocrypa. Ang
Apocrypa na pinagkukunutan ng noo ng marami dahil diumano’y di-mapananaligan ay siyang nag-uugnay sa
Matanda at Bagong Tipan.
Sundan pa rin natin si Savory sa kanyang Aklat. Sinipi niya sa Virginia Woolf sa pagsasabing: “Isang pag-aaksaya
lamang ng panahon ang pagbabasa ng mga salin ng panitikang Griyego. Ang alinmang salin ay tiyak na hindi
makapapantay sa orihinal.”
Batid ng lahat na ang kalakhan ng kinikilalang mga akdang klasika, ay mga orihinal na nasusulat sa Griyego at
Latin. Sa pagpasok ng ika-20 siglo, ang daigdig ng pagsasaling-wika ay halog umiinog lamang sa pagsasalin sa
Ingles ng mga Literaturang Griyego at Latin. Ito rin ang naging kadluan ng sumusunod na salinlahi.
Ang wikang Griyego ay isa sa iilang dinadakilang wika sa daigdig. Diumano may mga katangian ang wikang ito na
wala sa ibang wika, kaya’t ito ay labis na nakaakit sa mga iskolar ng wika
Ayon kay Woolf, ang wikang Griyego ay isang wikang may pang-akit na waring
napakamakapangyarihan. Ito, aniya, ay maugnayin, mabisa, tiyak, at waring may aliw-iw na
nakaiigayang pakinggan. Hindi kataka-taka sabi pa niya, kung ang wikang Griyego ay kilalaning isa
sa dakilang wika, kundi man pinadakila, sa buong daigdig.
Ayon kay Savory, may dalawang pangkat ng mga tagasaling-wika sa Ingles ng panitikang Griyego
1. Hellinizers (Pangkat ng mga makaluma) – matapat
(maging matapat sa pagsasalin sa paghahangad na mapanatili ang orihinal na
diwa at katangian ng kanilang isinasalin. Sa kanilang pangkat ang ibig sabihin ng
katapatan ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng mga kakanyahan ng wikang
isinasalin sa paraan ng pagpapahayag, tulad ng balangkas ng mga pangungusap at
mga idyoma. Samakatwid, kailangang tagalay nito ang mga katangian at kakanyahan
ng wikang isinasalin.)
2. Modernizers (Makabago) – Malaya
(Naglalayon sialang makalikha ng mga salin sa kanilang wika, mga saling
nahubdan na ng mga katagian at idyoma ng wikang isinalin at nabihisan na mga
katangian at idyoma ng wikang pinagsalinan.)
Paliwanag ni Robert Browning, sa kanyang “Panimula” ng kanyang salin ng Agamemnon na ang isang tagasaling-
wika ay kailangang maging literal hangga’t maaari, maliban kung ang pagiging literal ay lalabag sa likas na
kakanyahan ng wikang pinagsasalinan. Dagdag pa niya, higit niyang matatanggap ang ang isang salin na
nagpapanatili sa kakanyahan ng orihinal kaysa isang malayang salin na nawawala na ang kakanyahan ng orihinal.
Ang pahayag ni Robert Browning ay parehas naman sa simulain ni Robert Bridges.
Samantala, unti-unting nahalinhan ng Roma ang Athens bilang sentro ng karunungan nang mga panahong iyon.
Ang mga palaaral na dati’t sa Athens nagsisitungo ay sa Roma na nagsasagawa ng kanilang pananaliksik at pag-
aaral.
Nang lumaon, pati aklatan sa Athens ay napunta na ng Roma at tinanggap ng mga mag-aaral ang wikang Griyego
dahil sa karunungang kanilang nadudukal mula rito. Kaya noong ipinatayo ni Haring Augusto ang isang malaking
aklatan sa Roma ay hinati niya ito sa dalawang principal na departamento: ang wikang Latin at wikang Griyego.
Sa paglilinaw ni Savory, kung gaano kabilis ang pagtaas ng wikang Griyego ay ganoon din ang pagbagsak nito na
taliwas sa nangyari sa wikang Latin. Dahil sa kahalagahan nito ay nanatili itong wikang pampanitikan hanggang sa
mga panahon nina Horace at Virgil. Hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin sa potitika, relihiyon, medisina,
agham at iba pang larangan ang maraming terminolohiyang hango sa wikang Latin .
Sinabi ni Day-Lewis (nang isalin nia ang Aeneid – ang pagsasalin sa Ingles ng kung paano ito sinabi ni Virgil sa
Latin), upang mahuli ng tagapagsalin ang “hilig at damdamin” sa orihinal na teksto, kinakailangang magkaroon ng
ispirituwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin . Ngunit ang isang pinakakaraniwang paraan ng mga
tagapagsalin ay ganito: Pag-aralan ang katauhan ng awtor – ang kanyang sinilangang pook, ang kanyang
kabataan, natapos na kurso, mga karanasan, pag-ibig, at kung ano-ano pang mga bagay tungkol sa kanya
sapagkat isang katotohanang sadyain man o hindi ng awtor ay nasasalamin sa kanyang isinulat o isinusulat ang
kanyang katauhan. Dagdag pa niya upang makagawa ng mabuting salin kinakailangang: may sapat na kaalaman
sa wikang ginagamit sa orihinal at sa wikang gagamitin sa pagsasalin at sapat na kaalaman sa paksang
tinatalakay.
Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay masasabing nagsimulang magkaanyo noong panahon ng pananakop ng mga
Kastila, kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo.
Kinakailangan ng mga panahong yaon na isalin sa Tagalog at sa iba pang katutubong wika sa kapuluan ang mga
katesismo, mga akdang panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng Iglesia Catolica
Romana.
Bagama’t nadiskubre ni Magellan ang ating kapuluan noong 1521, ang aktwal na pananakop o kolonisasyon ng
Espanya ay nagsimula noon lamang 1565 nang dumaong sa Cebu ang ekspedisyong pinamumunuan ni
Adelantado Miguel Lopez de Legazpi, kasama ang sundalong-pare na si Fr. Andres de Urdaneta. Sa panahon ng
pananakop, pinairal nila ang kanilang dalawang layunin – ang Kristiyanismo at Hispanisasyon ng bansang Pilipinas.
Hindi naging konsistent ang Pamahalaang Espanya sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga “Indios” na kanilang
sakop. And dahilan: Batay sa kanilang karansan sa Timog at Hilagan America, higit na nagiging matagumpay ang
pagpapalagap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng mga wika ng mga katutubo. Sa ibang salita, mas
madali na sila ang mag-aral ng mga wika ng mga katutubo kaysa ang mga katutubo ang mag-aral ng wikang
Kastila. Ikalawa, mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na ginagamit ng mga prayle ang kanilang
katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng Diyos. Ikatlo, ito’y hindi lantarang inihayag ng mga Kastila : may lihim
silang pangamba nab aka kung matuto ang mga “Indios” na wikang Kastila ay maging kasangkapan pa nila ito
tungo sa pagkamulat sa kanilang kalagayang political at sila ang balikan.
Ang panahong ito ng pananakop ng mga Kastila ang maituturing na unang yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-
wika sa Pilipinas.
Malalagom na ang naging tuon ng mga isinagawan pagsasalin noong panahon ng Kastila ay tungkol sa mga
mateyales na panrelihiyon, kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo.
Nang pumalit ang Amerika sa Espanya, nabago rin ang ginampanan ng pagsasaling-wika – ito ay sa pamamagitan
ng aklat o edukasyon sa pamamagitan ng wikang Ingles .
Dapat banggitin sa bahaging ito, kung sabagay, na kahit hindi na sakop ng Espanya ang Pilipinas, nagpatuloy pa
rin ang pagsasalin ng mga piyesang orihinal na nasusulat sa wikang Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa
wikang Pambansa ng mga nasusulat sa Ingles.
Karamihan sa mga isinasaling dula ay itinatanghal sa teatro. Nang panahong iyon, teatro ang siyang
pianakapopular na libangan ng mga tao sapagkat wala pa noong mga sinehan at telebisyon. Mapapansin din ang
dami ng mga salin sa iba’t ibang uri o genre ng panitikan sapagkat sa panahon ng Amerikano nagsimulang
makapasok sa Pilipinas nang lansakan ang mga iyon mula sa Kanluran.
Naging masigla noon ang pagsasalin sa wikang Pambansa, lalo na ng mga akdang klasika. ang panahong ito ang
maituturing na ikalawang yugto ng kasiglahan ng pagsasaling-wika sa Pilipinas.
Masasabing “bumaha” sa ating bansa ang iba’t ibang uri at anyo ng karunungan mula sa Kanluran.
Sa larangan ng malikhaing panitikan, masasabi ring uhaw na uhaw na tinanggap ng mga manunulat na Pilipino ang
mga bagong kaalman sa pagsualat na hindi nila naranasan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasalin sa Filipino ng mga akdang klasika ang digdig bagamat
karamihan ng mga pagsasalin ay sa paraang di-tuwiran.
Mababanggit din ang magandang proyekto na isinagawa ng National Book Store noong 1971. Ipinasalin ng NBS
ang mga popular na nobela at kwentong pandaigdi at isinaaklat upang magamit sa mga paaralan. Halos lahat ay
salin ng salin at Ingles ang naging wikang tulay.
Ang Goodwill Bookstore ay naglathala rin koleksyon o antolohiya ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle,
Aquinas, Kant, at iba pang kilalang popular na pilosopo.
Ang Children’s Communication Center ay may proyekto rin sa pagasalin ng mga akdang pambata.
Ang maituturing na ikatlong yugto ng kasiglahan ng pagsasaling-wika ay ang mga pagsasalin sa Filipino ng mga
materyales, pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at ibapa,
kaugnay ng pagpapatupad ng patakarang bilinggwal sa ating sisteman g edukasyon.
Ayon sa Department Order No. 25, s. 1974 na nirebisa noong 1987 sa pamamagitan ng Department Order No. 52,
higit na marami ang kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles. Kaya naman, napakahalaga ng pagsasalin sa
sistemang ito akung masusunod ang rekomendasyon ng EDCOM (Educational Commision), Filipino na ang dapat
na wikang panturo sa elementarya at sekundarya pagsapit ng taong 2000.
Ang maituturing namang ikaapat na yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika ya ang pagsasalin ng mga
katutubong panitikang di-Tagalog.
Mapapansin na ang ipinangangalandakan nating “pambansang panitikan,” sa katotohanan ay panitikan lamang ng
mga Tagalog sapagkat bahagyang-bahagya na itong kakitaan ng panitikan ng ibang pangkat-etniko ng bansa.
Sa panahong ito, makatuwang na isinagawa ng LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at ng
SLATE (Secondary Language Teacher Education) ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong na pinansyal ng Ford
Foundation. Ang proyekto ay nagkaroon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin.
Ang sumunod ay ang GUMIL (Gunglo Dagit Mannurat ng Ilocano), isang Samahan ng mga manunulat na Ilocano.
Isinalin nila ang mga mahuhusay na kuwentong nasusulat sa Ilocano at isinalin sa Filipino.