You are on page 1of 5

Sanaysay

Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman


ng punto de vista (pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay
maaaring magkaroon ng mga element ng pagpuna, opinyon,
impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari,
ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

Kahulugan ng Sanaysay

Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa


na may iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang
sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o
pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay
nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang
damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning
maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.

Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng


pagtuturo ukol sa paggawa ng mainam na sanaysay. Tinuturuan ang
mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng
paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.

Mga Uri ng Sanaysay

Sulating Pormal o Maanyo


Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao,
bagay, lugar, hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang
kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang
lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na sanaysay at
komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang
mabuti ng sumulat. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at
kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa
asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Sulating Di-pormal o Impormal

Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay


karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang
may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa
kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang
sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang
mga sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan
tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at
nararanasan ng may akda.

Filipino - Sanaysay (kahulugan at bahagi)

Maraming kahulugan ang binibigay sa Sanaysay, at ito ang mga binigay


sa ating klase:

1) Ayon sa Tuklas 3 (ang ating libro sa Filipino):


~> Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong
tuluyan. Ito ay ang paglalahad ng matalinong opinyon ng sumulat/may-
akda, base sa kanyang...

a. Damdamin

b. Karanasan

c. Kaalaman

d. Haka-haka/Opinyon

...Anumang bagay ay maaaring paksain sa pagsulat ng sanaysay.

2) Ayon sa Diksyunaryo:

~> Ang sanaysay ay may natatanging paksa na hight na maikli at


pormal kaysa sa alinmang akda; pagtataglay ng paniniwala, pananaw at
kaisipan ng sumulat.

3) Ayon kay Dr. Samuel Johnson:

~> Ang sanaysay ay isang malayang igpaw ng pag-iisip.

4) Ayon kay Alejandro Abadilla

~> Ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na


karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.

5) Ayon kay Genovera E. Matute

~> Ang sanaysay ay ang pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan


at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuru-kuru, palagay at
ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman o
magturo.
Ang sanaysay ay nahahati sa tatlong bahagi: Simula, Gitna at Katawan.
Ang mga bahagi na ito at ang mga paraan ng pagsusulat nito ay
nakalista sa ibaba:

1) Simula (Introduksyon) - Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay.


Ito ay dapat nakakakuha ng attention ng bumabasa para basahin niya
ang natitirang bahagi ng sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang...

a) Pasaklaw na Pahayag - Inuuna ang pinakamahalagang


impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye (inverted pyramid)

b) Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong ang nagbabasa


para hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.

c) Paglalarawan - Pagbibigay linaw at "descriptions" sa paksa.

d) Sipi - Isang kopya o copy galing sa ibang mga literaturang gawa


gaya ng libro, artikulo, at iba pang sanaysay.

e) Makatawag Pansing Pangungusap - Isang pangungusap na


makakakuha ng atensyon ng nagbabasa.

f) Kasabihan - Isang kasibahan o salawikain na makakapagbigay ng


maikling explanasyon ng iyong sanaysay.

g) Salaysay - Isang explanasyon ng iyong sanaysay.

2) Gitna (Katawan) - Dito nakalagay ang lahat ng iyong mga ideya at


pahayag. Pwede itong isulat sa paraang...
a) Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.

b) Paanggulo - Pinapakita ang bawat angulo o "side" ng paksa.

c) Paghahambing - Pagkukumpara ng dalawang problema, angulo


atbp ng isang paksa.

d) Papayak o Pasalimuot - Nakaayos sa paraang simple hanggang


kumplikado at vice versa.

3) Wakas (Konklusyon) - Dito nakalagay ang iyong pangwakas na


salita o ang buod sa sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang...

a) Tuwirang Sinabi - Mensahe ng sanaysay.

b) Panlahat ng pahayag - Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay.

c) Pagtatanong - Wine6awakas ang sanaysay sa pamamagitan ng


isang (retorikal na) tanong.

d) Pagbubuod - Ang "summary" ng iyong sanaysay.

You might also like