Professional Documents
Culture Documents
Ang unang pagsasaling ito ay pininiwalaang agad na sinundan ng iba pang pagsasalin. Nasundan
naman ng isang pangkat ng mga manunulat mula sa bahagi ng Syria. Sila ang nagpasimula ng
pagsasalin sa Arabic ng mga isinulat ng mga kilalang eskolar tulad nina Plato, Aristotle, Galen at
iba pang batikang mga manunulat. Pagkalipas ng mahabang panahon, biglang nanlupaypay ang
mga escolar sa Baghdad dahil nabaling ang kanilang atensyon sa ibang bagay, tulad ng
pagsusulat ng mga artikulo patungkol sa pilosopiya.
Makalipas ang tatlong siglo, pumalit ang Toledo bilang sentro ng karunungan sa larangang ng
pagsasalin. Nagkaroon din ng salin sa iba’t ibang wika sa Europa umabot sa pinakatuktok ang
pagsasalin noong ikalabindalawang siglo. Ang pagsasalin nang mga panahong iyon ay maaaring
napantayan na sa kasalukuyang panahon, ngunit hindi pa rin nahihigitan. Pinaniniwalaang dito
nagsimula ang pagsasalin sa Bibliya.
At noong 1986 ang pagtuklas ng Silver Scrolls, na pinaniniwalaan na ang pinakalumang teksto
ng Bibliya kailanman, ay inihayag. Natagpuan ang mga ito tatlong taon bago ang Lumang
Lungsod ng Jerusalem.
LAYUNIN NG PAGSASALIN
2. Pampanitikan
Mataas na uri ng pagsasaling-wika na nagpapahalaga sa timbang na bigat ng impormasyon at
estilo ng pagkakasulat.
3. Idyomatiko
Nagpapahalaga sa pragmatiks at simbolong kultura sa pagpili ng mga itinutumbas na salita.
4. Teknikal at pang-agham
Nakapukos sa ugnayan ng imporamasyon at epekto nito sa institusyong panlipunan.
5. Malikhaing Pagsasalin
Pagpapahalaga sa bagong kaisipan, estilo o paraan ng paglikha ng sining.
6. Mapanuring Pagsasalin
Nakatutok sa pagpapakahulugan kaysa pagtutumbas lamang ng mga salin.
Kung titingnan ang panahon nito, maipagpapalagay na ang pagsasalin ay di lamang bahagi ng
pag-aaral natin ng mga prosesong nakapaloob sa panitikan. Masasabi na ang pagsasalin ay may
malaking impluwensiya sa ating kasaysayan bilang mga Pilipino at sa pagsisimula ng ating
pagsasabansa.
Pagtatamo ng kalayaan ng ating bansa Ang mga propagandista na palibhasa’y aral sa wikang
Kastila ay nagsisulat sa wikang Kastila kaya’t ang kanilang mga akda ay kinakailangang isalin sa
mga katutubong-wika sa Pilipinas upang lumagaganap ang kanilang mga prinsipyo at kaisipan.
Sinalin ang mga bantog na dula sa daigdig upang makapangaliw sa mga Pilipino noong panahon
ng digmaan. Nagamit nang panahon ng digman ang pagsasalin upang bakahin ang pangamba na
naghahari sa mamamayan. Ang pakikibaka sa larangan ng agham at teknolohiya Kung nais
nating sumulong ang ating ekonomiya ay kinakailangan ding sumulong ang ating wika, agham at
teknolohiya.
Ang Pagsasalingwika, higit na mahirap magsalin kapag ang dalawang wikang sangkot ay hindi
magkaangkan. Sa mga wikang Filipino at Ingles bukod na likas na may kaibhan sa istruktura sa
mga bansang pinaggamitan ng mga wikang nabanggit.Si Otanes,1972. Kilala bilang ko-awtor ng
isang respetableng grammar ng Tagalog ay nagbigay ng ilang tiyak na kakanyahan ng wikang
Filipino at Ingles na may kinalaman sa pagsasalingwika. Ang ang mga pariralang pangangalan ay
nauuri sa dalawa. Ang mga tinatawag na count nouns, na nagbabago ang anyo sa bilang-
isahan/pangmaramihan at mass nouns na hindi nagbabago ang anyo sa gayong paraan. Ang
dalawang uri ng mga pangangalang ito ay magkaiba ang ginagamit na pananda.
Ang isa sa mga sangkap na nagpapasalimuot sa pagsasalin ng tula ay ang pagtataglay nito ng
mga tayutay. Ang paggamit ng mga tayutay ang nagpapaganda sa sining ng pagtula. Ang
tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwamh kayarian ng wika upang makapagbigay ng sariwa,
naiiba at kasiya-siyang pagpapahayag at pagbibigay katuturan sa tulong ng paghahambing ng
dalawang bagay na magkaiba ngunit naipagtutulad sa isa’t isa. Hindi ito ang mabulakkal na
paggamit ng mga salita kundi masining na pagpapahayag (Ongoco sa Santiago, 1994).
Kailangang makuha ng tagasalin ang iba’t ibang kahulugang taglay ng bawat salita o pahayag.
6) Transposition (Transposisyon) – tinatawag ding shift na ang ibig sabihin ay ang pagkakaroon
ng pagbabago sa gramatika ng pinagmulang wika kapag isinalin sa target na wika.
10) Descriptive Equivalent (amplipikasyon) – tinatawag din itong amplification, na ang ibig
sabihin ay pagbibigay ng katumbas na kahulugan sa pamamagitan ng depinisyong
naglalarawan, gaya ng paggamit noun-phrase o adjctival clause.
15) Paraphrase (Hawig) – ito ang tawag sa malayang pagpapaliwanag sa kahulugan ng isang
segment, pangungusap o talata. Tinatawag din itong recasting of sentence at sinasabing
pinakahuling dapat gamitin ng tagasalin, sapagkat malimit na mas mahaba pa ito kaysa orihinal.
EBALWASYON NG PAGSASALIN
1. Paghahambing ng salin sa orihinal- layunin ito upang tingnan kung pareho ang
nilalamang impormasyon ng dalawa. Dapat tandaan na ang layunin ay hindi ipareho ang
salin sa forms ng Simulang Wika (Source Language). Ang forms na tinutukoy ay ang mga
paimbabaw na estruktura (surface structure) o ang mga aktuwal na salita, pararila,
sugnay, pangungusap na sinasalita o sinusulat.
2. Balik-salin (Back – translation) sa balik-salin o back-translation, mayroon munang literal
rendering ng salin. May isa-sa-isang tubasan (one to one correspondence.) upang
mapakita ang kayarian o structure ng salin Pero ang mga pangugusap sa balik-salin ay
nasa karaniwang anyo ng gramatika ng wika isinasalin.
4. Pagsubok sa pagiging natural ng wikang ginamit sa salin (Naturalness Test) ang layunin
ng pagsubok na ito ay upang matiyak na natural ang anyo ng salin at nagbabagay ang
estilo. Natural ang salin kung ito ay madaling basahin at malinaw ang mensahe.
5. Pagsubok sa gaan ng pagbasa (Readability Test) isinasagawa ang pagsubok na ito ng mga
nagsalin o tester sa pamamagitan ng pagbasa ng isang tagabasa sa isang bahagi. Itatala
ng mga tester ang alinmang bahagi na hindi nabasa ng maayos.