You are on page 1of 25

FILIPINO 10

Quarter 3
Week 1-3

Bb. JOLLIBEE ALVIOLA, LPT


Facebook: July Bee
ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

ARALIN 1: MITOLOHIYA
MGA LAYUNIN
• Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa
at Persia
• Nabibigyang pagpapaliwanag ang mitolohiyang Africa at Persia.
• Nauunawaan ang mga katangian na dapat tanglayin ng isang
tagapagsalin.

I. Preliminaries
Bago ka magpatuloy sa bagong aralin na masaya at kapana-panabik sa
linggong ito, magkaroon muna ng "self-check"! Ang self-check ay
makakatulong sa iyo na malaman kung ikaw ay pisikal at mental na
handang matuto. Kaya, kailangan mong malaman ang acronym “COPA”:

C is for cleanliness (kalinisan): Suriin kung malinis ang iyong paligid.


Ang kalinisan ay nagpapanatili sa ating katawan, isip, at kaluluwa na
malinis at mapayapa
Sabi nga sa quotation na "Ang kalinisan ay kasunod ng kabanalan".

O is for orderliness (kaayusan): Bukod sa pagiging malinis, dapat


maayos rin ang iyong paligid. Tiyaking kumpleto ang iyong mga module
at sundin ang iskedyul kung anong paksa ang kailangan mong sagutin
mula Lunes-Huwebes.
P is for prayer (panalangin): Maging sa iyong komportableng posisyon
sa pag-upo, at magkaroon ng kamalayan sa presensya ng Diyos.
Panginoon, maraming salamat po sa araw-araw na biyayang Inyong
ibinigay sa amin. Nawa’y maunawaan namin ang aming aralin sa araw na
ito at maikintal sa aming isipan ang mga dapat naming matutunan sa aralin
na ito. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
A is for attendance: Bago basahin at sagutin ang iyong modyul sa
asignaturang Filipino, siguraduhin na ikaw ay nasa isip at handa. Ilayo ang
iyong mga telepono, laptop, o anumang mga gadget na maaaring
makagambala sa iyo at tumuon sa pag-aaral ng mga aralin nang buong
puso.

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 2 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Kung natupad ang COPA, handa ka na!


Drill: Tongue Twister
Subukin ang galing sa pagbasa ng salitang:
NAKAKAPAGPABAGABAG (basahin sa limang sigundo)
NAKAKAPAGPABAGABAG (basahin sa dalawang sigundo)

Pagbabalik – aral: (Note: hindi na kailangan pang isumite ang iyong


kasagutan dito)
Sa nakaraang aralin natutun an mo ang tungkol sa sanaysay, paano
nakakatulong ang sanaysay sa pgbibigay ng iyong opinyon sa mga bagay –
bagay?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Focus: Mitolohiya, Pagsasalin Wika

Pagganyak
Tanong: Nakabasa ka na ba ng mga kwento tungkol sa mga mythical
creatures?

Activating Prior Knowledge (APK)


Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan, sining sa inukit na
bato, arkitektura ang mga palasyo, at museo na yari sa putik, may musika,
at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng kanilang lahi. Gayundin ang iba
pang mga bansa na may samu’t saring mga akda na masasalamin ang mga
kultura nito. Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa
pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya, na isang kwentong may hindi
pangkaraniwang pangyayari na kung saan ang mga pangunahing tauhan ay
mga diyos at diyosa. Maihahalintulad ito sa mga maikling kwento at epiko
na isa ring kwento nagtatalakay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan
II. LESSON DEVELOPMENT
a. Key Takeaways (Paglalahad ng Konsepto)

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 3 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Ang mitolohiya ay naglalayong magbigay ng paliwanag sa mga bagay na


mahirap ipaliwanag dahil sa ang mga ito ay hindi pangkaraniwang
nangyayari sa mundo at sa lipunan. Kapag binanggit ang salitang
mitolohiya ay agad pumapasok sa isipan ng tao ang Mitolohiyang Griyego
dahil sa pagiging tanyag ng mga ito sa buong mundo. Gayunpama’y
marapat maipabatid at mabigyang- diing mayroon ding mitolohiya o
koleksiyon ng mitolohiya ang iba’t ibang lahi sa mundo. Basahin ang
isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung masasalamin ba
dito ang kanilang kultura.
“Liongo”
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng


Kenya. Siya ang nagmamayari ng karangalan bilang pinakamahusay na
makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang
higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y
tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si
Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya
ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta
sa kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang
kaunaunahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula
sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo sa Patrilinear na
pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad
na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si
Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit
ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na
hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-
awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong
naninirahan sa kagubatan.
Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na
kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng
hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti
lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa
digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang
anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang
pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na
nagtraydor at pumatay sa kaniya.

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 4 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Ang iyong akdang nabasa na isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles.


Ano nga ba ang pagsasalin?
Pagsasaling Wika
- pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe ng
tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan (translation).

Karagdagang Kaalaman!!
Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo
rito. (Santiago, 2003).

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin


1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya
ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na.
Kumokonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na
himaymay ng kahulugan at halagang pandamdamin taglay ng mga
salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin. Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa
pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng
diwang nais ipabatid ng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng
mga salita, wastong pagkakabuo, at pagsusunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang
kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya
kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na
tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin
ay may higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na
nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin. Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng
wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa
pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.

Gabay sa Pagsasaling-wika

Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang


diwa nito. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng
malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan.

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 5 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar


sa mga estilo ng pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng
isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang
pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na
diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang
paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan.
Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang
wikang kasama sa pagsasalin. Kung gagamit ng diksiyonaryo ay
isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng isang salita.
Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha
ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.

Basahin ang isang halimbawa ng pagsasalin wika:

Translation consists in producing in the receptor language


the closest natural equivalent of the message of the source language,
first in meaning and secondly in style.
-E. Nida (1959-66)
“Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa
pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal
ang mensaheng isinasaad ng wika,
una’y batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.”

Sa pagsasaling-wika kailangang maipahatid nang tama ang mensahe ng


isinasalin kaya naman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang
sumusunod na paalala o pamantayan sa pagsasaling-wika:

Mga paaala o pamantayan sa pagsasaling-wika:


1. Alamin ang paksa ng isasalin. 
Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon nang
mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
2. Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin. 
Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos
kakayanin mo nang ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang
orihinal sa iyong harapan. Hindi dapat baguhin, palitan, o bawasan
ang ideya o mensahe ng iyong isinasalin.

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 6 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

3. Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mesahe at hindi


lang mga salita. 
Hindi sapat na bata tumbasan lang ng salita mula sa pinsagmulang
teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang
kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapapalabas ang tunay
na diwa ng isinasalin.
4. Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng
mambabasa. 
Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong
nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan di ng mga
mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa
salin.
5. Ipabasa sa isang ekperto sa isang wikang pinagsalinan o sa isang
katutubong nagsasalita ng wika ang iyong
isinasalin. Makakatulong nang malaki ang pagbabasa ng isinalin sa
isang taong ekperto o katutubong nang wikang ito upang
mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito
ba’y naaangkop na sa konteksto ng isng taong likas na gumagamit
ng wika.
6. Isaalang-alang ang iyong kaaalaman sa genre ng akdang
isasalin. Makakatulong sa epektibong pagsasalin ang kaalaman ng
tagapagsalin sa genre na kinabibilangan ng isasalin. Kung tula ang
isasalin, kailangn lumabas parin itong isang tula at hindi prosa. Kung
ito’y may sukat at tugma, kailangang pagsikapan na tagapagsaling
mapanatili rin ito.
7. Isaalang-alang ang kultura at kenteksto ng wikan isasalin at ng
pagsasalinan. May mga pakakataon kasing ang paraan ng
pagsasaayo ng dokumento sa isang wika depende sa kanilag
nakasanayan ay naiiba sa wikang pagsasalinan kaya’t dapat din itog
bigyang-pansin ng magsasalin.
8. Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinangsa pagdaan
ng panahon at napagbubuti ng karanasan. Kung sakaling sa
unang pagtatangka mo ay hindi mo agad magawang makapagsalin
nang halos kahimig ng orihinal ay huwag kang mag-alala dahil
habang tumatagal ka sa gawaing ito at nagkakaroon nang mas
malawak na karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng
kahusayan sa gawaing ito.

Tandaan mo!!
 Narito ang kahalagahan ng Mitolohiya sa:

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 7 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Sining: Ang mitolohiya ay nakakatulong sa mga pintor, manlililok at


arkitekto para sa ikagaganda at ikauunlad ng kultura na kinapapalooban ng
mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.
Lipunan: Sa kuwentong mitolohiya ay nagiging mapanaliksik ang mga
tao para sa ikauunlad ng mga gawaing panlipunan.
Pananampalataya: Sa pamamagitan ng kuwentong mitolohiya ay
nabibigyang buhay at lalong umuunlad ang paniniwalang panrelihiyon at
nagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.
Kabuhayan: Dahil sa kaalaman ng tao tungkol sa mitolohiya ay
nagkakaroon tayo ng sapat na kakayahan at pagtitiwala sa sarili dahil sa
magandang halimbawa na ipinakita ng mga diyos at diyosa kaya’t ang tao
ay nagkakaroon ng lakas ng loob sa pakikibaka sa hamon ng buhay.
 Tandaan ang mga gabay para sa mabuting pagsasalin.

TANONG: (Note: Hindi na kailangan pang isumite ang iyong kasagutan


dito)

Bilang mag – aaral bakit kinakailangan na matutunan ang iba’t ibang


mitolohiya sa ibang bansa?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

b. Broadening of Concepts (Pagpapalawak ng Konsepto)

Ano ang kagandahang bigay ng mitolohiya sa buhay mo?


Mahalaga ito dahil naimpluwensyahan nito ang ating sining,
pananampalataya, kabuhayan, at lupain. Sa sining ay naging pundasyon ito
ng mga tao sa kasalukuyan at maaaring ginagawa rin ng kwento ng mga
manunulat hinggil sa mitolohiya. Katulad ng mga salita ng Diyos, na
naging pundasyon natin sa lahat ng mga pagsubok sa buhay.
Kinakailangan na ating bigyan ng oras at pansin ang nakasulat sa bibliya
sa ganun ay malaman natin ang pinagmulan nito at ang mga magagandang
bagay na ibinigay Niya sa atin. Na iimpluwensyahan nito ang ating buhay
lalong lalo na kung tayo ay may malalim na pinagdadaanan. Sa tulong

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 8 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

nito, mas magiging malakas tayo upang harapin ang lahat ng pagsubok na
darating.

III. Four-Pronged Integration


Mangyaring basahin nang mabuti ang pagsasanib ng ating aralin. Ang
iyong mga sagot sa mga sumusunod na gabay na tanong ay dapat na
sumasalamin sa iyong huling output para sa paksang ito.
a. Ignacian Core Value
Faith/ Strong Faith in God
1. Ano – ano ang mga mahahalagang dulot ng Mitolohiya sa ating
buhay?
2. Ano – ano ang mga bagay na nagpapakita ng pagmamahal ng Diyos
sa buhay mo?

b. Social Orientation- Mahalagang malaman natin ang mga kwento


tungkol sa mga sinaunang diyos at diyosa dahil ito ay bahagi na ng ating
kasaysayan. Upang ating mas maunawaan at maintindihan ang ating
kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang rehiyon ng ating bansa at
ng ibang bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay
kababalaghan. Nagbibigay ito ng kalinawan sa mga pangyayari noong
unang panahon na siyang daan upang mas maintindihan ang kasalukuyan.
Para sa iyo, paano nakakatulong ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga
pangyayari noong sinaunang panahon? Itanong sa sarili at ilakip ito sa
pagsagot ng iyong summary/action.

c. Lesson Across Discipline- Ang konseptong tinalakay sa araling ito ay


matatalakay rin sa asignaturang English kung saan itinuturo ang
Mythology.

d. Biblical Reflection- “Si Cain ang panganay na anak nina Adan at Eba.
Si Abel naman ang pangalawa…” Genesis: 4:1-8

Sanggunian

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 9 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

1. Marasigan, E. V., & Del Rosario, M.G., (2019). Ikalawang Edisyon


Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.

ARALIN 2: ANEKDOTA
MGA LAYUNIN
• Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.
• Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota at
nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orhinal na anekdota.

I. Preliminaries
Bago ka magpatuloy sa bagong aralin na masaya at kapana-panabik sa
linggong ito, magkaroon muna ng "self-check"! Ang self-check ay
makakatulong sa iyo na malaman kung ikaw ay pisikal at mental na
handang matuto. Kaya, kailangan mong malaman ang acronym “COPA”:

C is for cleanliness (kalinisan): Suriin kung malinis ang iyong paligid.


Ang kalinisan ay nagpapanatili sa ating katawan, isip, at kaluluwa na
malinis at mapayapa
Sabi nga sa quotation na "Ang kalinisan ay kasunod ng kabanalan".

O is for orderliness (kaayusan): Bukod sa pagiging malinis, dapat


maayos rin ang iyong paligid. Tiyaking kumpleto ang iyong mga module
at sundin ang iskedyul kung anong paksa ang kailangan mong sagutin
mula Lunes-Huwebes.
P is for prayer (panalangin): Maging sa iyong komportableng posisyon
sa pag-upo, at magkaroon ng kamalayan sa presensya ng Diyos.
Panginoon, maraming salamat po sa araw-araw na biyayang Inyong
ibinigay sa amin. Nawa’y maunawaan namin ang aming aralin sa araw na

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 10 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

ito at maikintal sa aming isipan ang mga dapat naming matutunan sa aralin
na ito. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
A is for attendance: Bago basahin at sagutin ang iyong modyul sa
asignaturang Filipino, siguraduhin na ikaw ay nasa isip at handa. Ilayo ang
iyong mga telepono, laptop, o anumang mga gadget na maaaring
makagambala sa iyo at tumuon sa pag-aaral ng mga aralin nang buong
puso.
Kung natupad ang COPA, handa ka na!
Pagbabalik – aral: (Note: Hindi na kailangan pang isumite ang iyong
kasagutan sa iyong guro)

Sa nakaraang aralin natutunan mo ang tungkol sa mitolohiya, para sa iyo


ano ang mahalagang maibibigay sa pag – aaral nito?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Focus: Anekdota

Pagganyak
TANONG: Sino ang iyong idolo? Kung bibigyan ka nag pagkakataon,
nais mo bang mas makilala pa ang iyong idolo?

Activating Prior Knowledge (APK)


Katulad ng talambuhay na isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao ang anekdota naman ay isang uri ng
akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may
dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga
ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

II. LESSON DEVELOPMENT


a. Key Takeaways (Paglalahad ng Konsepto)

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 11 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang


pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang
magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang
kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan. Isang malikhaing
akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes
ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-
panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa
mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

Naririto ang ilang katangian ng anekdota:


a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa
pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng
kahulugan sa ideyang nais ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa
kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa.
Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod
pang mangyayari.

Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama
ng Medo, at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang
Tribong Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpana at pangangabayo.
Ang pagsasabi ng katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila
sa maraming bansa sa daigdig.
Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala
dahil sa dalawang kadahilanan: Una ang pagiging simple sa paggamit ng
direktang lengguwahe o salita upang makabuo ng isang mahusay na aklat
para sa pagsisimula ng mga mag-aaral na Persiano. Ikalawa, binubuo ito
ng simpleng kasabihan at mga kuwento na itinuturing na mahusay na mga
pahayag ng paniniwalang Sufi. Para sa Sufis, ang Sufism ay hindi lamang
relihiyon o pilosopiya, bahagi ito ng buhay. Wala itong kaugnayan sa
bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga sa oras, pera o maging
karangalan. Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibidwal sa
pamamagitan ng kanilang mga pandama.
Ang pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinata o pagdadalaga
na kung paanong ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang
pagbibinata/ pagdadalaga. Matutuhan ng tao ang kaalamang Sufi sa
proseso, pag-unawa at pagsasanay. Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang
magandang ikabubuhay at taimtim na dumadalangin sa awa at pag-ibig ng
Diyos. Sa kanilang mga panulat ng naisasalaysay ang hiwaga na naabot ni

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 12 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Saadi gayundin ang kaniyang pagbabahagi ng kaniyang kaalaman sa


buong mundo.
Mula sa mga Anekdota ni Saadi Persia ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa. Isang araw, ang


mongheng Mohametano ay nagiisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan
naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay
matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng
kaniyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang
pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang loob.” Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika
“Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa
iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang
magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang
magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa
kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan
para paglingkuran ang Sultan.” - Mula sa Elements of Literature nina Holt
et. al. 2008. Texas, USA

Gramatika, Diskorsal at Strategic na Kasanayan sa Pagsulat

Ayon kay Nelson Mandela, kapag kinausap mo ang isang tao sa


wikang ginagamit niya ay mapupunta it sa kanyang puso. Ngunit kung
ika’y makikipag-usap gamit ang wikang iyong naiintindihan ngunit hindi
mo naman kabisado, ano ang iyong gagawin upang matiyak na naipaabot
mo ang iyong mensahe at kayong nagkakaintindihan ng iyong kausap?
Narito ang sagot sa tanong, ang apat na sangkap sa paglinang ng
kasanayang komunikatibo. Partikular na nakatutulong ang mga ito sa mga
taong nag-aaral ng bagong wika. Mababasa sa ibaba ang apat na
komponent ng kasanayang komunikatibo ayon kina Michael Canale at
Merril Swain.

Gramatikal - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita


upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning
pang-gramatika. Mahalagang batid niya ang tuntuning pang-gramatika
dahil magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita,
pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay at maging sa pagbibigay

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 13 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

kahulugan sa salita. Ang komponent na ito ay nagsasaad kung anu-anong


mga salita ang angkop at kung kaila sila nagagamit nang tama gamitin sa
pagsasalita o sa pakikipagusap. 

Sosyo-Lingguwistik - ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa


nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitawsyon at sa
kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika. Kailangang
alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging pagkakataon.
Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita
kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas, ang isang
mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang
gagamitin na puwedeng magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y
walang galang, mayabang, o naiiba. Sa pakikipag-usap, importanteng
malaman natin kung anong mga wika ang ginagamit, ng iyong kausap,
hindi kung ano lang ang kanyang naiintindihan na wika. Isinasaalang rin
sa sosyo-lingguwistik na diskorsal kung anong salita ang angkop sa isang
partikular na lugar.         
Diskorsal - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang
wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang
paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap
na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita,
pangugusap o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at malalim
na kahulugan. Tinutro ng paraang diskorsal kung sa paanong paraang ang
mga salita, parirala, at pangugusap ay mapagsasama-sama o mapag-
uugnay-ugnay upang makabuo ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati,
e-mail at artikulo.
Strategic - ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal
at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang
mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga
puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita na
hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang
paggamit ng mga hindi berbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay,
tindig, at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang tamang mensahe.
Maging ang mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 14 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

ng strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa


“dulo na ito ng kanilang dila” at hindi agad maalala ang tamang salita.
Kilala rito ang mga Pilipino na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng
nguso o pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang
lugar.   Isinasaalang-alang sa strategic na diskorsal kung paano malalaman
kung hindi mo pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap mo o kung
hindi niya naunawaan ang gusto mong iparating at kung ano ang sasabihin
o gagawin mo upang maayos ito. Itinuturo rin dito kung paano ipahahayag
ang iyong pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang
iyong sasabihin kung hindi mo alam ang tawag sa isang bagay.
Ang apat na komponento ay dapat isinasaalangalang sa
pakikipagusap sa isang tao upang kayo ay mas
magkaintindihan. Ang hindi berbal na mga hudyat ay malaki
rin tulong upang magkaunawaan parin kayo ng iyong kausap
kahit na hindi ka bihasa sa wikang kanyang ginagamit.
b. Broadening of Concepts (Pagpapalawak ng Konsepto)
Paano nagagamit ang anekdota sa pang araw – araw na buhay ng
tao?
Ang anekdota ay isang maikling kuwento o pagsasalaysay ng ilang kawili-
wiling insidente o pangyayari. Magagamit ang pagsulat nito sa ating buhay
upang maipahayag natin ang ilang mga kawili – wiling pangyayari sa ating
buhay o sa paligid. Sa pamamagitan ng pagsulat nito mapagkukunan ng
mga aral mula sa mga sikat na taong may iba’t ibang karanasan sa buhay
na napagtagumpayan. Lahat tayo ay mayroong kakayahan maibahagi ang
talentong ibinigay sa atin ng Diyos kagaya ng pagsulat. Sa pamamagitan
nito maibabahagi natin sa buong mundo ang walang hanggang
pagmamahal ng Diyos sa ating lahat.

III. Four-Pronged Integration


Mangyaring basahin nang mabuti ang pagsasanib ng ating aralin. Ang
iyong mga sagot sa mga sumusunod na gabay na tanong ay dapat na
sumasalamin sa iyong huling output para sa paksang ito.

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 15 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

a. Ignacian Core Value


Faith/Prophetic witness to Gospel Values
1. Ano ang mahalagang maidudulot sa pagsulat ng isang anekdota sa
iyong sarili?
2. Paano mo maibabahagi ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan
gamit ang anekdota?

b. Social Orientation- Bilang mag – aaral ano – ano ang mga


napapanahong pagsubok na iyong kinakaharap sa araw – araw? Itanong sa
sarili at ilakip ito sa pagsagot ng iyong summary/action.

c. Lesson Across Discipline- Ang konseptong tinalakay sa araling ito ay


matatalakay rin sa asignaturang English kung saan itinuturo ang
Anecdotes.

d. Biblical Reflection- “Magtiwala ka sa Panginoon ng iyong buong puso.


Siya ang gagabay sa iyong landas” Proverbs 3:5-6

Sanggunian
1. Marasigan, E. V., & Del Rosario, M.G., (2019). Ikalawang Edisyon
Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.

ARALIN 3: TULA
MGA LAYUNIN
• Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang
pahayag sa tula.
• Nasusuri ang mga simbolismo at matatalinghagang pahayag ng tula.

I. Preliminaries
Bago ka magpatuloy sa bagong aralin na masaya at kapana-panabik sa
linggong ito, magkaroon muna ng "self-check"! Ang self-check ay
makakatulong sa iyo na malaman kung ikaw ay pisikal at mental na
handang matuto. Kaya, kailangan mong malaman ang acronym “COPA”:

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 16 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

C is for cleanliness (kalinisan): Suriin kung malinis ang iyong paligid.


Ang kalinisan ay nagpapanatili sa ating katawan, isip, at kaluluwa na
malinis at mapayapa
Sabi nga sa quotation na "Ang kalinisan ay kasunod ng kabanalan".

O is for orderliness (kaayusan): Bukod sa pagiging malinis, dapat


maayos rin ang iyong paligid. Tiyaking kumpleto ang iyong mga module
at sundin ang iskedyul kung anong paksa ang kailangan mong sagutin
mula Lunes-Huwebes.
P is for prayer (panalangin): Maging sa iyong komportableng posisyon
sa pag-upo, at magkaroon ng kamalayan sa presensya ng Diyos.
Panginoon, maraming salamat po sa araw-araw na biyayang Inyong
ibinigay sa amin. Nawa’y maunawaan namin ang aming aralin sa araw na
ito at maikintal sa aming isipan ang mga dapat naming matutunan sa aralin
na ito. Sa ngalan ni Hesus, Amen.
A is for attendance: Bago basahin at sagutin ang iyong modyul sa
asignaturang Filipino, siguraduhin na ikaw ay nasa isip at handa. Ilayo ang
iyong mga telepono, laptop, o anumang mga gadget na maaaring
makagambala sa iyo at tumuon sa pag-aaral ng mga aralin nang buong
puso.
Kung natupad ang COPA, handa ka na!
Pagbabalik – aral: (Note: Hindi na kailangan pang isumite ang iyong
kasagutan sa iyong guro)
Sa nakaraang aralin natutunan mo ang tungkol sa anekdota. Para sa iyo
paano nakakaapekto sa buhay ng tao ang isang anekdota?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Focus: Tula, Matatalinghagang Pahayag

Pagganyak
Basahin ang bahagi ng tulang pinamagatang

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 17 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan


Pumula sa dugo ng kalabang puksa,
Naglambong sa usok, bangis ay umamba,
Narating ko’ng rurok na mithiin: hayun,
Kinasabikan ko’ng tanging bahay, doon.

Activating Prior Knowledge (APK)


Maraming iba’t ibang uri ang paggawa ng mga komposisyon na
sumasalamin ng ating panitikan sa bansa. Isang halimbawa na rito ay ang
pagsulat ng tula na maihahalintulad sa pagsulat ng kanta o mga
komposisyon na nagbibigay ng ritmo sa bumabasa. Ito ay isang anyo rin
ng panitikan kung saan nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa mga
mambabasa.
II. LESSON DEVELOPMENT
a. Key Takeaways (Paglalahad ng Konsepto)
Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay,
hinango sa guniguni, pinararating sa ating sa ating damdamin, at
ipinapahayag sa pananalit ang may angking kariktan o aliw-iw. Ito ay
anyong panitikan na binubuong saknong o taludtod. Bawat saknong naman
ay binubuong mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa
mga pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo
ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o mayaman sa
matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa
pagiging madamdamin, at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong
lapatan ng himig.
Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga
tula na kanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita
at oyaying inuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na
nagsisilbi ring pang-aliw at pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng
tribong Lango o Didinga ng Uganda na naniniwalang ang kanilang mga
supling ay tila imortalidad ng kanilang magulang. Kaya naman ipakikita sa
tulang tatalakayin ang maingat na pagpili ng ina sa pangalan ng anak, mga
pangarap ng ina para sa kaniyang anak, panghuhula ng ina sa magandang

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 18 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

kinabukasan ng anak at ang positibong pagbabagong hatid nila sa kanilang


magulang.
Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng
magandang kinabukasan sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula ng
isang inang taga-Uganda para sa kaniyang sanggol sa akdang, Hele ng Ina
sa Kaniyang Panganay. Basahin at unawain mo ang akda upang iyong
matuklasan ang katangian ng tulang malaya at makita ang kaibhan nito sa
tulang tradisyunal, maging ang kultura ng bansang pinagmulan nito.
Mapatutunayan mo rin na ang mga simbolismo at matatalinghagang
pananalita ay nakatutulong sa pagiging masining ng pagbuo ng taludturan
ng isang tula.
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.


Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?


Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 19 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y


panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 20 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.
Pagsusuri sa mga Simbolismo at Matatalinghagang Pahayag

Alam mo ba na...
Nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi
karaniwang paggamit ng mgasalita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa
mga tayutay na nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang
akda.
Maliban sa tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula
ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi


lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng anumang wika.
Halimbawa:
1. Butas ang bulsa – walang pera
2. Ilaw ng tahanan – ina
3. kalog na ang baba – gutom
4. alimuon – tsismis
5. bahag ang buntot – duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw marami sa tao’y sa salapi silaw?


Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita


sapagkat ang una’y nangangahulugang pagiging mukhang perang tao
samantalang ang ikalawa’y tumutukoy sa mahirap.
Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa
pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 21 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na


natatanging kahulugan.
Halimbawa:
1. silid-aklatan - karunungan o kaalaman
2. gabi – kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim – malas
4. tanikalang-bakal – kawalan ng kalayaan
5. bulaklak – pag-ibig
KARAGDAGANG KAALAMAN!!!
Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento
nito. Ito ay ang sumusunod:
1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing Pantig

2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.


Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo.
Tugmang – Ganap

3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa


tula at ang
kabuuan nito.
Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?
Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang


kahulugan ng tula o
ang ipinahihiwatig ng may-akda.
Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay at santabong sabaw sa nabiksang pinto’y iniwan ng
bantay halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 22 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Subukin natin ang iyong kaalaman! (Note: Hindi na kailangan pang


isumite ang iyong kasagutan sa iyong guro)

Panuto: Basahin ang isang tanaga ni Ildefonso Santos at ibigay ang


sinisimbolo ng salitang PALAY.
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabungang ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

b. Broadening of Concepts (Pagpapalawak ng Konsepto)

Paano nakakatulong ang pagsulat ng tula sa iyo?


Ang tula ay isang sining ng panitikan na nagbibigay ng mensahi sa
mambabasa. Kinapalooban din ito ng mga simbolismo na kung saan ay
mayroong kaugnay na pakahulugan. Ang tula ay isang paraan na rin
upang magpahayag ng damdaming nais iparating o ipahiwatig.
Makakatulong ito upang magpahayag ng magandang impormasyon o
magbigay inspirasyon sa mga mambabasa. Karamihan sa mga kabataan
ngayon ay nakikitaan ng kahiligan sa pagsulat ng tula na may iba’t ibang
paksa. Magagamit din natin ang tula upang lubos na pasalamatan ang
Diyos sa ibinigay iyang kabutihan sa sanlibutan.
III. Four-Pronged Integration
Please read the integration of our lesson very carefully. Your answers in
the following guide questions must reflect in your final output for this
topic.
a. Ignacian Core Value
Faith/Strong Faith in God
1. Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng tula sa panahon natin ngayon?
2. Paano mo maipapakita sa iba ang kabutihang ibinigay ng Diyos sa
sanlibutan?

b. Social Orientation- Sa kasalukuyang pangyayari sa lipunan paano mo


magagamit ang tula sa mga taong humaharap ng pagsubok dulot ng
pandemya? Itanong sa sarili at ilakip ito sa pagsagot ng iyong
summary/action.

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 23 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

c. Lesson Across Discipline- Ang konseptong tinalakay sa araling ito ay


matatalakay rin sa asignaturang English kung saan itinuturo ang mga
Poetry.

d. Biblical Reflection- “Kayo ay ang aming sulat, na nasusulat sa aming


mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao.” 2 Corinto 3:2-3

Sanggunian
1. Marasigan, E.V., & Del Rosario, M.G., (2019). Ikalawang Edisyon
Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1. Quezon City: Phoenix Publishing
House, Inc.

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 24 of 25


ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC. FILIPINO 10
QUARTER 3

Prepared by: Checked by:

Jollibee Alviola, LPT Kris Gia T. Escueta, LPT


Subject Teacher FE Subject Area In-charge

Approved by:

S. Ma. Yolanda D. Capiña, RVM


School Principal

LEARNING MODULE FOR FILIPINO 10 S.Y 2021-2022 Page 25 of 25

You might also like