You are on page 1of 1

LEKTYUR (Gr.

9)

MANONOOD- Sila ang sumasaksi at humahatol sa dula.

ISKRIP- Ito ang pinakakaluluwa ng dula.

INDIA- Sa bansang ito naggaling ang epikong Rama at Sita.

ANAPORA- Kohesyong gramatikal kung saan ang panghalip ay ginagamit sa hulihan bilang pananda ng pinalitang
pangngalan sa unahan.

TANGHALAN- Ito ay anumang pook na pinagpapasyahang pagdausan ng isang dula.

MUNTING PAGSINTA- Ito ang pamagat ng dula tungkol sa batang pag-ibig.

BORTE- Siya ay dalaginding mula sa tribong Merit.

YESUGEI- Siya ang ama ni Temujin.

KATAPORA- Kohesyong gramatikal kung saan ang panghalip ay ginagamit sa unahan bilang pananda ng pinalitang
pangngalan sa hulihan.

RAVANA- Siya ang hari ng mga higante at demonyo sa Rama at Sita.

DIREKTOR- Siya ang namamahala ng kabuuan ng dula.

GENGHIS KHAN- Siya ang bantog na pinuno ng Mongolia at kilala rin bilang si Temujin.

BORJIGIN- Tribo kung saan nanggaling sina Temujin at Yesugei.

PARABULA- Ito ay akdang hango sa Bibliya na kinapupulutan ng aral.

EPIKO- Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng katapangan at kabayanihan ng pangunahing tauhan.

Mga Aral o Kaisipan mula sa MUNTING PAGSINTA:


 Ang pag-ibig ay unibersal na damdaming nararamdaman kahit ano ang edad o pagkakaiba ng lahing kinabibilangan.
 Walang maaaring makapagsabi na hindi totoong pag-ibig ang naramdaman kahit ng isang paslit.
 Ang totoong pag-ibig ay nakapaghihintay.
 Ang mga kabataan ay higit na mapapanuto kung sila ay makikinig sa payo ng kanilang mga maguang.

Mga Aral o Kaisipan mula sa RAMA AT SITA:


 Ang tunay nap ag-ibig ay nagsasakripisyo at laging iniisip ang kapakanan ng kanilang mga minamahal.
 Ang pagganti sa kapwa ay nagdudulot lamang ng pansariling kasakitan sa taong gusting gumawa nito sa kapwa.
 Ang taong makasarili ay walang ibang kayang makita kundi ang makapagpapaligaya sa sarili kaysa unahin ang
kapakanan ng kapwa.

Mga Aral o Kaisipan mula sa TALINHAGA TUNGKOL SA MAY-ARI NG UBASAN:


 Gaano man kahuli ang naging pagbabalik-loob ng tao sa Diyos ay magiging parehas pa rin ang kapatawarang maaari
niyang matamo katulad ng mga naunang nagsisi.
 Ang kaharian ng Diyos ay bukas para sa lahat.
 Sa pagpasok sa kaharian ng Diyos, hindi mahalaga sa Diyos kung tayo man ang nauna o nahuli.

You might also like