You are on page 1of 10

Narito ang Pag ibig sa Tinubuang Lupa

buong tula

(para maipaliwanag ang bawat saknong sa tulang Pag ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio):

Aling pag-ibig

pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa tinub'ang lupa?

Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip

At isa-isahing t a la s t a s i ng p i l i t

Ang salita’t buhay na limbag at t i t i k


Ng sangkatauhan ito’y namamasid.

Banal na Pag-ibig! Pag ikaw ang n u k a l

Sa tapat na puso ng sino’t alinman,

I m b i ’ t taong-gubat, maralita’t m a n g m a n g,

Nagiging dakila at iginagalang.

(Sa saknong na 1-3 ay ipinadama agad ng may akda na ang pinakamalalim na

pagmamahal ay ang pagmamahal sa bayan. Ang paglilingkod o pagbibigay ng sarili

sa kanyang tinubuang lupa at/o ninunong lupa ay walang kinikilalang mataas o

mababang uri ng tao, lahat nang gumagawa nito ay magigiting, matatapang, at

dapat lang na binibigyan respeto.)

4
Pagpupuring lubos ang palaging hangad

Sa bayan ng taong may dangal na ingat;

Umawit, tumula, kumatha’t sumulat,

Kalakhan din niya’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop:

Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,

Buhay ma’y abuting magkal a g o t - l a g o t .

(Sa saknong na 4-5 naman ay adhika ng akda na ang lahat ng ginagawa ng isang

tao ay ialay niya sa kanyang bayang sinilangan. Gamitin ang sining, dunong, at
mga talento maging pati ang mga lakas at lahat ng yaman para ihahon ang

pagkakilanlan ng sariling bayan.)

Bakit? Alin ito na s a k d a l nang l a k i

Na hinahandugan ng buong pagkasi?

Na sa lalong mahal nakapangyayari

At ginugugulan ng buhay na i w i ?

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,

Siya’y i n a 't t a n g i na kinamulatan

Ng kawili-wiling liwanag ng araw

Na nagbigay- i n i t sa l u n o n g katawan.
8

Sa kaniya’y ut a n g ang unang pagtanggap

Ng simoy ng hanging nagbibigay-lunas

Sa inis na puso na sisinghap-singhap

Sa balong malalim ng s i p h ay o ’ t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan

Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal

Mula sa masaya’t gasong kasanggulan

Hanggang sa katawa’y m a p a s a l i bi n g a n.
10

Ang nangakaraang panahon ng a l i w,

Ang inaasahang araw na darating

Ng pagkat i m a w a ng mga a l i p i n,

Liban pa sa Bayan saan tatanghalin?

(Isang paghahamon o pagtatanong ang binitawan ni Andres sa mga saknong 6-7.

Ginigising niya ang diwa at puso ng taong nakakalimot na paglingkuran nang tapat

ang inang bayang. Sa kabuuan ay ginamit ang tula na ito upang himukin naman talaga

ang mga Pilipino na maging makabayan.)

11
At ang b a l a n g kahoy at ang b a l a n g sanga

Ng parang n’ya’t gubat na kaaya-aya,

Sukat ang makita’t sasaalaala

Ang i n a ’ t ang giliw, lumipas na saya.

12

Tubig n’yang malinaw na a n a k i ’ y b u b o g,

Bukal sa batisang nagkalat sa bundok,

Malambot na huni ng m a t u l i n g agos,

Na n a k a a a l i w sa pusong may lungkot.

13

Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!


Gunita ma’y laging s a k b i b i ng lumbay,

Walang alaala’t inaasam-asam

Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

(Pagbabalik tanaw sa kagandahan at katiwasayan ng bayan ang isinasagunita sa

saknong 11-13. Ipinapaalala ng akda na ang kanilang lupang tinubuan ay kanila,

maunlad ito at dapat na ikinasasaya at ikinasasabik pa lalo ng mga naninirahan dito.

Kahit nga ang sino man daw na napalalayo sa lupang tinubuang ito ay nalulungkot

at nag-aasam na siya’y makabalik agad.)

14

Pati ng magdusa’t sampung k a m a t a y a n

W a r i ay m a s a r a p kung dahil sa Bayan

At lalong maghirap, O! himalang bagay,

Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.


(Dito sa saknong 14 ay ipinunto ni Andres na ang maghirap, magdusa, mamatay, at

mag-alay ng buong pag-ibig para ipagtanggol at buhayin ang bayan ay ang pinakamakasaysayang

bagay na magagawa ng sinuman.)

PAALALA: IDOWNLOAD ANF FILE SA IBABA UPANG MABASA ANG KARUGTONG NITO. MAY CHARACTER
LIMIT ANG BRAINLY KAYA'T HINDI ITO NAGKASYA. SALAMAT SA PAG-UNAWA!

Kailan ginawa ang pag ibig sa tinubuang lupa ni Andres Bonifacio?

Isinulat ni Andres Bonifacio ang kanyang tulang “Pagibig sa Tinubuang Lupa” bago pa man p u m u t o k
ang Himagsikang 1896.

Tingnan din link na ito -

brainly.ph/question/232049 at ito: -

brainly.ph/question/683439

May mga banda at mang-aawit ang gingawang kanta ang tula ni Andres Bonifacio. Kaya’t
maaaring may makita kang kumakalat na “Pag-ibig

sa Tinubuang Lupa Lyrics” s

You might also like