You are on page 1of 2

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

Ni Andres Bonifacio Ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat. Sa bayan ng taong may dangal na ingat.
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat Umawit, tumula, kumatha’t sumulat
Kalakhan din niya’t isinisiwalat. Kalakhan din niya’t isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog Walang mahalagang hindi inihandog


Ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, Ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot. Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki Bakit? Alin ito na sakdal ng laki
Na hinahandugan ng buong pagkasi, Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal makapangyayari Na sa lalong mahal makapangyayari
At ginugugulan ng buhay na iwi? At ginugugulan ng buhay na iwi?
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan
Siya’y ina’t tangi na kinamulatan Siya’y ina’t tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Nagbibigay-init sa buong katawan. Nagbibigay-init sa buong katawan.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan, Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal, Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,
Mula sa masaya’t gasong kasanggulan Mula sa masaya’t gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasalibingan. Hanggang sa katawa’y mapasalibingan.
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan, Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan,
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay, Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala’t inaasan-asam Walang alaala’t inaasan-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan. Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

Pati nang magdusa’t sampung kamatayan Pati nang magdusa’t sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap, oh himalang bagay! At lalong mahirap, oh himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y masasapanganib Kung ang bayang ito’y masasapanganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik, At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid, Ang anak, asawa, magulang, kapatid,
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit. Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos na kaginhawaan Sa pag-asang lubos na kaginhawaan
At walang tinamo kundi kapaitan At walang tinamo kundi kapaitan
Hayo na’t ibigin ang naabang Bayan. Hayo na’t ibigin ang naabang Bayan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak, Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak,


Kahoy n’yaring buhay na nilanta’t sukat Kahoy n’yaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap, Ng bala-balaki’t makapal na hirap,
Mulong manariwa’t sa Baya’y lumiyag. Mulong manariwa’t sa Baya’y lumiyag.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig, Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,


Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis, Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit. Ito’y kapalaran at tunay na langit.
Mga tanong: Mga tanong:
1. Bakit kailangang bigyan ng ganitong pagmamahal 1. Bakit kailangang bigyan ng ganitong pagmamahal
ang bayan? ang bayan?
2. Bilang isang kabataan, paano mo ipapakita ang 2. Bilang isang kabataan, paano mo ipapakita ang
pag-ibig sa bayan? pag-ibig sa bayan?
3. May nakita ba kayong katagang ng, nang, din, rin, 3. May nakita ba kayong katagang ng, nang, din, rin,
daw, raw, doon, at roon? Tama ba ang daw, raw, doon, at roon? Tama ba ang
pagkakagamit ng mga ito sa tula? pagkakagamit ng mga ito sa tula?

You might also like