You are on page 1of 16

GRADE 8

Sa mga mag-aaral ng modyul


Bilang natatanging mag- aaral nais naming masiyahan ka at magtagumpay sayong pag-aaral , kaya bumuo
kami ng mungkahing pamamaraan sa mudyol na ito.

PANIMULA
Bilang paghahanda sa mudyol na ito basahin mong mabuti at unawain ang panimulaupang malaman mo
ang inaasahang paksa at kasanayan na iyong matututunan.

PANIMULANG GAWAIN

Pagkatapos mong basahin ang panimula , sagutan mo ang panimulang pagsusulit . Huwag mabahala kung
hindi mo lahat nasagutan ang lahat ng tanong . Ang mudyol na ito ay tutulong sa iyo upang malinang ang
iyong kasanayan sa pag - unawa sa paksa.
Ang mga paksa at kasanayang matutunan mo sa mudyol na ito ay nakapaloob sa mga hinandang
aralin.ang bawat aralin ay may sumusunod na bahagi:

GAWAIN 1
PAG-ISIPAN MO!

Ito ang nagsisilbing paghahanda at pagganyak sa iyo sa pagsisimula mo sa aralin . Iwasto mo ang iyong
sariling sagot sa gabay sa pagwawasto . Pagtalakay sa mga paksang tinatalakay sa mga aralin ang mga
paksang makatutulong upang malinang mo ang mga kasanayang binabanggit sa panimulang
modyul.Pagsikapan mong maunawaan ang mga paliwanag.

GAWAIN 2
PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Upang matandaan at higit na maunawaan ang mga paksa kailangan mong tapusin ang mga
gawain.Itsek ang sarili mong sagot sa gabay sa pagwawasto at wasto ang mga pagkakamali.

TANDAAN MO

Ang bahaging ito tutuloy sa iyo upang matandaan mo ang mga pangunahing kaisipan o paksang
tinalakay sa aralin.Nakatala dito ang mahalagang puntos na binigyang diin sa aralin.

GAWAIN 3
PAGLALAPAT

Sa bahaging ito inaasahang maiuugnay mo ang mga natutunan mo ang mga natutunan mo sa
aralin ito bilang isang mamamayan at mag-aaral sa kasalukuyan . Sikapin mong tapusin ang gawaing ito
upang maging makabuluhan para sa iyo ang pinag- aralan mo sa aralin . Muling isangguni ang Gabay sa
Pagwawasto hinggil sa maaring kasagutan . Minsan kailangan ipatsek ang mga sagot sa gurong
tagapamahala.

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO


Ang mudyol na ito ay may ibat-ibang aralin .Pagkatapos ng aralin may lagom na dapat tandaan.
Nakalista dito ang mga pinakamahalagang kaisipan at konklusyon na dapat mong tandaan sa mudyol n ito.

PANGHULING PAGSUSULIT
Ito ang huling bahagi ng mudyol. Kinakailangan sagutin mo ang panghuling pagsusulit ng hindi mo
sinasanguni ang unang
pagsusulit kapag nasagutan mo na ay maari mong itsek ang iyong sagot sa Gabay na Pagwawasto .
Makikita mo na mas marami k nang tamang sagot kaysa sa panimulang pagsusulit . Dahil isa kang
mahusay na mag-aaral siguradong tataas ang iyong iskor.
Inaasahan naming magugustuhan mo ang mudyol na ito . Maraming kawili wiling paksa at mga

gawain ang naghihintay sa iyo . Kaya't ano pang hinihntay mo,magsimula na!
PANITIKANG PILIPINO
Hinahangaan kita at masasagutan mo ang mudyol na ito . Ibig sabihin ay marami kang matututunan sa
mudyol na ito.

Dadalhin ka ng mudyol na ito sa Panitikang Pilipino kung saan masasalamin mo ang ating sariling kultura
na humubog sa ating bilang ganap n Pilipino.

May apat na aralin sa mudyol na ito :

ARALIN 1 - Pag-ibig sa Tinubuang Lupa


Elemento ng Tula

ARALIN 2- Tanaga at Haiku


Pangungusap na Walang Paksa

ARALIN 3- Maikling Kwento


Sanhi at Bunga

ARALIN 4- Dula
Walang Sugat
Severino Reyes

Sa pagtatapos ng aralin inaasahang magagawa mo ang mga susunod:

A. Maiisa-isa mo ang kalagayan ng Pilipino noong panahon na naisulat ang bawat akda.

B. Mapahahalagahan mo ang mga Pilipinong manunulat na naging bahagi ng Panitikang Pilipino.

PANIMULANG PAGSUSULIT

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Anong panahon nagsimulang lumaganap ang tanaga at haiku sa ating bansa?


A. katutubo B. Espanyol C. Hapon D. Kasarinlan

2. Ano ang pagkakatulad ng haiku at tanaga?


A. Naglalaman ng mga pangyayari
B. Magkapareho ng tunog sa hulihan ang bawat taludtod
C. Hindi pare-pareho ang pantig sa bawat taludtod
D. Kapwa may sukat at tugma

3. Umuulan! Itoy halimbawa ng pangungsap na walang tiyak na paksa na..


A. Temporal B. Eksistensyal C. Penominal D. Modal

4. Tawag sa bilang pantig sa bawat taludtod.


A. Pantig B. Sukat C. Taludtod D. Saknong

5. Ito ang linya sa bawat saknong sa tula.


A. Sukat B. Saknong C. Taludtod D.Tula

II-Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang T kong ito ay totoo at DT kung DT.

________1. Ang panitikang salaming pagkakakilanlang mga Pilipino.


________2.Sa panitikan malayang naipapahayag ang mga Pilipinong kanilang damdamin at saloobin.
_______3.Panitikan rin ang naging daan upang makamit ang kalayaan ng ating bansa.
_______4. Ang mga paksa noon ng akdang pampanitikan ay tungkol sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas.
_______5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa pang- araw-araw buhay ng mga
Pilipino.

ARALIN 1

PAG-IBIG SA TINUBAN LUPA


Andres Bonifacio
Sa araling ito masusuri mo ang tulang binuo ni Andres Bonifacio upang ihsyag ang
kanyang pag - ibig sa bansang Pilipinas

Sa pagtatapos ng aralin ikaw ay inaasahang :

1. Mailalarawan ang pagmamahal ni Andres sa bayan.

2.Makabubuo ng sariling tula hinggil sa pagmamahal sa bayan.

GAWAIN 1
PAG- ISIPAN MO!
Hanapin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita.

____________ ____________
isiniwalat sakbibi
________________
lumiyag
_______________ ____________
itigis tatalikdan

itinapon inilabas umibig

tatalikuran kaligayahan kalungkutan

PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA


Andres Bonifacio

Aling pag- ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag- ibig sa sariling lupa
Aling pag- ibig pa. Wala na nga wala.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
sa bayan na taong may dangal na ingat
umawit, tumula, kumantat, sumulat
at kalakhan din niyay isinisiwalat

Walang mahalagang hindii ihandog


Nang may pusong mahal sa bayang nagkupkop
Dugo,yaman , dunong ,katiisa't pagod
Buhay may abuting magkalagot-lagot

Bakit alin ito na sakdal na laki


Na hinahandugan ng buong pagkasi
Na sa lalong mahabang nakapanyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi

Ay ito ang inang Bayang Tinubuan


Siya ang tanging kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay init sa buong katawan

Kalakip din nito'y pag-ibig sa bayan


Ang lahat ng lalo sa gunita'y mahal
Mula sa simula at lalong kasanggulan
hanggang sa katawa'y mapasalibingan

Sa aba ng abang nawalay sa bayan


gunita may laging sakbibi ng lumbay
Walang ala ala't inaasam -asam
kundi ang makita lupang tinubuan

Pati ang magdusa't sampung kamatayan


wari ay masarap kung dahil sa bayan
at lalong mahirap oh himalang bagay
lalong pag -irog pa ang sa kanya'y alay

Kung ang bayang ito'y masasapanganib


at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang ,kapatid
isang tawg niya tatalikdang pilit

Hayo n nga kayo, kayong nangabuhay


sa pag-asang lubos ng kaginhawaan
at walang tinamo kundi kapaitan
hayo na't ibangon ang naabangbayan

Kayong nalagasan ngbunga't bulaklak


na kayo ng buhay na nilantang sukat
ng balabalakid ,makàpal na ulap
muling manariwa't sa baya'y lumiyag

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig


at hanggat may dugo'y ubusin itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ay mapatid
ito'y kapalaran at tunay na langit!

GAWAIN 2
PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Mga tanong:

1. Paano inilarawan ni Bonifacio ang pag-ibig niya sa bayan?


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________
2.Ibigay ang nais ipahiwatig ng tula.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________

TANDAAN :

Tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod ,
o ang mga sàlita at paraan ng pagbuo ng mga pahayag ay piling-pili , matayutay , at pagiging
madamdamin

Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ,samantalang ang tugma ay
pagkakasingtunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong b,k,d,g,p,s,t at l,m,n,ng,w,y.

May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong
tugma .Magkakasing tunog ang huking salita ng taludturan .Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at
lalabingdalawahing pantig ang sukat.

GAWAIN 3
PAGLALAPAT
Bilang isang Pilipino , Bumuo ng isang tula na may 2 saknong hinggil sa pagmamahal mo sa bayan.

ARALIN 2

TANAGA AT HAIKU
Mga Pangungusap na Walang Paksa

Sa araling ito matutunghayan mo ang Haiku at Tanaga na lumaganap noong panahon na


tayo ay sakop ng mgaa hapon

Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:

1. Maipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Haiku at Tanaga

2. Makikilala ang mga uri ng pangungusap n walang paksa.

GAWAIN 1
PAG-ISIPAN MO !
Hanapin mo ang tatlong salita na lumaganap noong panahon ng hapones.

K I L A L A
U E P S T O
W A L A N G
E H A I K U
N I M I T O
T A N A G A
O Y A Y I E

TANAGA

Ayon kay Noceda at Sanlucar ,ang tanaga ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at
binubuo ng isang matayog na guni-guni at marangal na kaisipan.May apat na taludtod (linya ng
bawat saknong) sa tula na may sukat( bilang ng pantig sa bawat taludtod) binubuo ng pitong pantig
( walang antalang bugso ng tinig ),may tugma ( pagkakasingtulad ng tunog sa huling pantig ng
huling salita sa bawat taludtod ng puno ng salita.

HALIMBAWA:
Magsikhay nang mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari

HAIKU
Tula ng Hapones na bunubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
HALIMBAWA
Hila'y mo'y tabak
Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo

Mga Pangungusap na walang tiyak na paksa


1. Penominal -Ito ay sa mga pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayari ng pangkalikasan o
pangkapaligiran
Halimbawa
Umuulan!
Lilindol uli!
2.Temporal - Nagsasaad ito ng kalagayan o panandaliang karaniwan itong mga pang -abay nanagsasabi ng :
Halimbawa :
Tanghali na
Alas otsobpa lang
3.Eksistensyal
Halimbawa:
Wala pang bisita
May kausap na
4.Modal - Nangangahulugan ng gusto, nais,ibig,pwede, maari, dapat o kailangan
Halimbawa
Maari bang dumaan ?
Ibig mo ba siya?

GAWAIN 2
PAGPAPÀLALIM NG KAALAMAN
I-Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Tanaga at Haiku.

Pagkakatulad

Pagkakaiba(tanaga) pagkakaiba(haiku)

II-Kilalanin ang mga sumusunod na pangungusap .Isulat sa patlang ang tamang sagot.

A. Penominal B. Eksistensyal

C.Modal D. Temporal

______1. Pasko na bukas


______2. May ulam pa.
______3. Pwedeng ulitin?
______4.Makulimlim
______5. Mainit na.

TANDAAN:
 Tanaga at haiku ay laganap noongpanahon ng mga hapones
 May mga pangungusap na walang paksa
 penominal
 temporal
 eksistensyal
 modal

GAWAIN 3
PAGLALAPAT
1. Mahalaga bang matutunan mo ang tanaga at haiku na nangibabaw sa panahon ng hapon?
Pangatwiranan.

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________

ARALIN 3
MAIKLING KWENTO
Uhaw ang Tigang na Lupa
(Sanhi at Bunga)

Ang araling ito ay naglalaman ng kwento Uhaw ang Tigang na Lupa ni Arceo Liwayway at
ang pagkilala sa sanhi at bunga

Pagkatapos ng araliukaw ay inaasahang :

1. Maipaliliwanag ang katuturan ng maikling kwento

2.Maibibigay ang sanhi at bunga ng ibat-ibang sitwasyon

GAWAIN 1
PAG-ISIPAN MO

Ibigay ang kahuluigan ng mga salitang nakahilig at gamitin ito sa sariling pangungusap.

1. Sapat na panakaw na sulyap ni Ama uopang ipadamang may naririnig siya.


Kahulugan :______________________________________________________________
Pangungusap:____________________________________________________________
2. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw . Ang batang puso ko ay tigang na lkupang uhaw na uhaw.

Kahulugan :______________________________________________________________
Pangungusap:____________________________________________________________

UHAW ANG TIGANG NA LUPA


LiwaywayArceo

Ilang gabi nang kapiling niya sa higaan, Tila musmos akong dumadama sa init ng kanyang dibdib at
nakikinig sa pintig ng kanyang puso.Ngunit patuloy akong nagtataka sa malalim niyang paghinga,sa
kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay ,paghikbi..Ilang araw ko nanag hindi nakikita ang
aklatan :il ang araw ko nang hindi nakikita ang isang larawang mahal sa akin:bilugang mukha,malapad
na noo,hati sa kaliwang buhok ,singkit ang mga mata.
,hindi katangusang ilong ,mga labing duyan ng isang ngiting puspos kasiyahan.Sa kanya ang aking noo at
mga mata.Ang aking hawas na mukha ,ilong na kawangki ng tuka ng isang loro at manipis na labi ay kay
ina .Si ina ay hindi palakibo : siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap.Hindi niya ako
inuutusan.Bihira siyang magalit sa akin .Ang ngiti ni ina ay patak ng ulan kung tag araw: ang bata kong
puso ay tugang na lupang uhaw na uhaw.Minsan man ay hindi ko narinig na amy pinagkagalitan si ama at
ina bagamat hindi ko mapaniwalang may magkabiyak na pusonng di man lang
nagkakahinampuhan..Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kaunawaan ang pagbibigay sa isat isa
ay hindi nalilimot kailanman.Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng hanap isang amang
nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa;ng isang
nagmamasid at nakangiting ina;ng isang pulutong ng nakikinig na magagandang at masasayang bata.Ngunit
sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat;sa kanyang pagmamanikilya;sa kanyang
pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapakunot ang kanyang noo;kung paano siya titingin sa ain
na may hinahanap;kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata;kung paano siya magpapatuloy sa
pagsulat...Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit kung nag-aayos ng
mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni ama.Sa kanyang pagbuburda ng aking mga
kamison at panyolito sa galaw ng kanyang mga daliri ay natutunghayan ko ang isang kapana-panabik na
kuwento.Ngunit ang pananabik na ito napapawi.Kabagut-bagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng
kasama sa bahay:isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang sanggol na
kalugud-lugod may ngiti ng kawalang malay mabango ang hininga,maymaliit na paa at kamay na
nakakatuwang pisilin,may mga pisngi at labing walang bahid kasalanan at kasiya-siyang hagkan,o isang
kapatid kahulihan ng gulang isang maaring maging katapatan...sakali mang hindi nagkagalit si ina at ama,o
kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamalas sa akin ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng
titig , ng mga ngiti at biruan.

Ilang taon na ngayon ang nakaraan ng minsan may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba.Iyaon
daw ay nakuha niya sa lukbutanng amerikano ni ama. Ibinigay ko iyon kay ina .Yaon daw ay talaarawan ni
ama Kinabukasan, ay may bakas ng luha ang mata ni ina Kapansin pansin ang hindi pagkibo ni ina mula
noon.Lalo siyang naging malungkot buhat noon. Ano ang nasa talaarawan ? Karaniwanng umuuwing lasing
si ama.Idinaraing ngayon ni ama ang kanyangbdibdib at ulo ,hundi daw siya makahingang makabuti
.Marahil may sipon ka, ani ina.Sinisinat ka nga .Isang panyolotong basa ng malamig na tubig angbitinali ko
sa ulo ni ama.Ayaw nilang ipagtapat sa àkin ang karamdaman ni ama.Ipinaayos ni Ama ang kanyang
hapag .Nililinis ko ang kanyang makinilya .Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ang nagbigay
saakin ng sobrang pagtataka, may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Ang
larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang pagkapoot sa kanya at sa mga sandaling yaon ay natutuhan
ko ang maghinanakit kay ama.Hindi ko namalayan na kalapit ko noon si ina.Nakita niya ang larawang nasa
kahitàng pelus na rosas.Natunghayan niya ang mgabliham na nagkalat sa hapag .Sinina ay dumating at
lumisang walang binitiwang kataga.Bnalutan kami ng katahimikan.Ang katahimikan namagitan sa amin ni
ina ay di mapapawi.Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig,hindi ko matagalan ang
kalungkutan nababasa ko sa paninging yaon.Hiningi ni ama ang kanyang panulat at aklat-
talaan.Ngunit,nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon
ay ang aking anak susulat nang ukol sa atin...At sa anya'y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim
na marmol.Ngunit,hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.Nasa kalamigan
ng lupa ang kaluwalhatian ko!Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang
salitang ito.Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban;ang unang tibok ng puso ay hindi pag-
ibig sa tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong ina...Mura pang
lubha ang labingwalong taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang
magpapahirap sa iyo habang buhay...Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni
ama sa akin.Kinakatakutan ko ang malimit na pagkawala ng diwa ni ama.Si ina ay patuloy sa kanyang hindi
pagkibo sa akin,patuloy sa kanyang hindi pag-idlip,patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa
kanya...ang kanang kamay ni Ina ay idinatay sa noo ni ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na
damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.Naupo siya sa gilid ng
higaan ni ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.Magaling na ako,mahal
ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan tayi maaring tumungo...ang
moog na itong kinabibilangguan koy aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang
malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niya ang pumatak sa
bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilit na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay
gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punong- puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga
durungaway yaon ng isang kaluluwa at hind niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha. ang mga
salamin ng pagdaramdam na di mabigkas. Nasa mga palad parin ni ina ang kaliwang kamay ni Ama: sabihin
mo mahal ko, na maangkin ko na ang kaligayahan ko... Kinagat ni ina nang mariin ang kanyang labi at nang
siyay mangusap ay hindi ko maamin kay ina ang tinig na yaon...Maangkin mo na mahal ko ! Ang init ng
mga labi ni ina ang kasabay ng kapayapaang nananahan sa mya labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang
ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak
niya ang kasiyahan nadama ng kalilisang kaluluwa...

 Sanhi at Bunga
Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang katanungan “ Bakit ito nangyari?” at “ ano ang nagging epekto nito ?. Ang
sagot sa unang tanong ang tumutukoy sa sanhi at bunga ang ikalawa

GAWAIN 2
PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Isulat ang sanhi at bunga ng mga sumusund na sitwasyon.

Sitwasyon Sanhi Bunga

1 . Magulong pamilya

2.Mababang Marka

3.Maduming paligid

TANDAAN:
 Maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay magsalaysay ng isang
pangyayari.

Ito aynag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng mambabasa

.
GAWAIN 3
PAGLALAPAT
Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa kwento,paano mo ito wawakasan

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________________________

ARALIN 4

Walang Sugat
SeverenoReyes

Sa araling ito matutunghayan ang dula ni Severino Reyes ( Lola Basyang ) Hinggil sa
giyera , pagkukunwari,kung paanong nagwagi ang tunay na pag-ibig.

Sa pagtatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:

1.Maitatala ang mga detalye tungkol sa kalagayan ng Pilipinas noong nasa ilalim pa tayo ng mga dayuhang
Hapones.

2.Masusuri ang kalagayan ng mga Pilipino noong nailimbag ang dulang ito.
GAWAIN 1
PAG-ISIPAN MO!
Magbigay ng mga salita na maaaring iugnay sa salitang nasa loob ng bilog.

PANLILINLANG

WALANG SUGAT
SeverinoReyes

Buod bataysa pineda (1979)

UNANG YUGTO
Nagbuburda ng mga panyolito si Julia.Darating si Tenong.Magkakayayaang magpakasal ang
dalawa.Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata.Magpapaalam ang binata para sundan
ang ama.Sasama si Julia ang inang nitong si Juana.Maraming dumadalaw sa mga dinakip.Inaalipusta sila ng
mga kura.Tinatawag silang filibustero at mason.May hindi na makakain sa dinanas na hirap.May namatay
na.

Naroon si kapitan Puten, ang ina ni Teñong, na ibig makita ang asawa na kapitan Inggo bugbog na sa palo.
Darating si Teñong.Hindi siya hahalik sa kamay ng kura .Kagagalitan ito ng ina.Sinabi ng binata "ang
kamay na pumapatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan".

Isusumpa ni Teñong na papatay siya ng kura kapag namatay si kap. Inggo. Mamamatay nga ang
matanda.Magyayaya si Teñong ng mga kasama na magsikuha ng baril àt gulok. Makikiusap si Julia na wag
na ituloy ang balak dahil nag-iisa na ang ina ng binata. Sasalakayin pa rin nina Teñong ang mga kura

IKALAWANG YUGTO
May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan.Mayaman. Bugtong na anak.
Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal ng dalawa.Hindi alam ni Juana
ang tungkol kay Julia at Teñong. Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teñong sa tulong ni Lucas.Si
Teñong ay kapitan ng maghihimagsik. Walang takot sa labanan. Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina
Teñong.Ibibigay ang sulat ng dalaga .Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni Miguel.
Sasagutin sana ni Teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.Maghahandang lumaban ang Katipunero.

IKATLONG YUGTO
Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teñong ang Teñong Teñong kanyan liham .
Nagbilin lamang ito na uuwe sa araw ng kasal.Habang nanliligaw si Miguel kay Julia , si Teñong pa rin ang
nasa isip ni Julia . Ayaw niyang makipag-usap sa mga manliligaw kahit kagalitan siya ng ina.

Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana.Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel .
Nagpatulong si Julia kay Lucas na tumakas upang pumunta kay Teñong Ngunit Teñong Teñong di alam ni
Lucas kung nasaan na si Teñong kaya walang nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal o magpatiwakal.
Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag tinanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong
isisigaw ang ‘’Hindi po’’. Ngunit tumutol ang dalagaa dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang
kanyang ina.

Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teñong na sugatan , nasa punto ng
kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ang mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si
Teñong.Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong. May huling kahilingan ang binata- na sila ni Julia ay
makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay pumayag ito. Pumayag din si Tadeo dahil sandal na
lamang at pwede na uling makasal si Julia sa kanyang anak.Gayundin si Miguel.

Ikinasal sina Julia at Teñong. Babangon si Teñong mula sa pagkakahiga


at …”WALANG SUGAT “ sigaw ni Miguel . At gayundin ang isisigaw ng lahat.
Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Teñong ang buong eksena.

GAWAIN 2
PAGPAPALALIMNGKAALAMAN
1.Itala ang mga kalagayan ngPilipinas noong tayo ay nasa kamay pa ng Amerikano.

KALAGAYAN NG PILIPINAS
GAWAIN 3
PAGLALAPAT
1. Ano-ano ang pagkakaiba at pagkapareho ng ligawan sa dula at ligawan sa kasalukuyang
panahon.Alin ang mas ibig mo?Bakit?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________

PANGHULING PAGSUSULIT

1.Paano mo malalaman na isang haiku ang tula?

A.May tatlong taludtod na binubuo na 17 na pantig


B.May tatlong taludtod na binubuo na 18 na pantig
C.May tatlong taludtod na binubuo na 12 na pantig
D.May tatlong taludtod na binubuo na 14 na pantig

2.Kathang pampanitikan na ang layunin ay magsalaysay ng pangyayari na nag-iiwan ng kakintalan sa isipan


ng mambabasa.

A.tula B. maikling kwento C.tanaga D. dula

3.Siya ang sumulat ng dula na "WALANG SUGAT".

A.Sanlucar B.Severino Reyes


C.Noceda D.Andres Bonifacio
4. Pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salitasa taludtod.

A. sukat B.tugma C.saknong D.taludtod

5.Isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang guni-guni at marangal na isipan.
A. Tanaga B.Haiku C.Modal D.Tula

II- Kilalanin ang mga sumusunod na pangungusap.

T- temporal E- Eksistensyal
M- modal P-penominal

_____1.Gusto kong magbigay.


_____2.May kumuha na

_____3.Makulimlim!

_____4.Magbabakasyon lang.

_____5.Lunes ngayon.

_____6.Walang tao.

_____7.Bukas ay linggo.

_____8.Pwede na rin.

_____9.Babagyo na.

_____10.Maari bang kumuha?

You might also like