You are on page 1of 19

PANGALAN: _______________________________ PETSA: _______________

BAITANG AT SEKSYON: ___________ ISKOR: _______________


MODULE 4

ARALIN Mga Awiting-Bayan At Bulong Mula Sa


1 Bisaya
PANIMULA
Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat matamo ng
sinumang tao. Ito ay karapatan ng sinuman na matamo at maging daan upang
mapaunlad ang kanyang sarili at maiahon sa karalitaan. Nararapat lang na matamo ng
sinuman ang maayos at de-kalidad na edukasyon. Ang kursong ito ay naglalaman ng
mga paksang makatutulong sa mga mag-aaral upang mapaunlad ang kanyang
kaalaman tungkol sa Panitikang Bisaya. Tinatalakay rito ang mayamang kultura ng
kabisayaan, tradisyon at maging ang kanilang kaugalian na makatutulong sa mga mag-
aaral upang mas lalo pa itong mapagyaman at manatiling buhay na bahagi ng ating
kultura.
Ang modyul na ito ay inihanda na may layuning mapadali ang pagkatuto ng
mga mag-aaral tungkol sa kursong ito na may kinalaman sa Panitikang bisaya:
Salamin ng Mayamang Kultura, Tradisyon, at Kaugalian ng Kabisayaan.

INAASAHANG MGA KASANAYAN


Upang mapagtagumpayang masagutan ang mga gawain sa araling ito, nararapat
lamang na maisagawa ang mga sumusunod:
1. Nakikilala ang mga uri ng awiting bayan.
2. Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating
ng napakinggang awiting-bayan at bulong mula sa Bisaya.
3. Napapahalagahan ang mga uri ng awiting bayan bilang isang Pilipino.
4. Nakasusulat ng isang sariing awiting-bayan.

May alam ka bang awiting-bayan? Isulat ito sa isang malinis na papel.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 1: Ngayon naman ay sumabay ka sa pag-awit ng awiting-bayang nasa ibaba.

Bahay-Kubo
Bahay-kubo, kahit munti
Ang halaman doonn ay sari-sari.
Singkamas at talong,
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo at kalabasa
At saka meron pa’ Labanos, mustasa.
Sibuyas, kamatis
Bawang at luya.
Sa paligid-ligid ay puno ng linga.

1. Ano ang damdaming iyong nararamdaman habang sumasabay ka sa pag-awit?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang ibig ipinahiwatig sa awiting ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Bakit mahalagang huwag kalimutan at patuloy pa ring aawitin ang mga awiting-
bayan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Sa bahaging ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang
tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin.

Magaling ang ginawang pagsagot! Alam mo ba na may kaugnayan ito sa


modyul na iyong gagawin tungkol sa pagpapaliwanag ng mahahalagang detalye,
mensahe at kaisipang nais iparating ng napakinggang bulong, awiting-bayan, alamat,
bahagi ng akda at teksto tungkol sa epiko sa Kabisayaan.

Alam Mo Ba?

Ang pasalindilang panitikan ay naging laganap sa panahon ng ating mga


ninuno bago pa man ang pananakop ng mga Espanyol. Ito ang mga panitikang
pinalaganap sa pamamagitan ng pagsasalin-salin ng pasalitang tradisyon mula sa
iba’t ibang henerasyon. Ang ilan sa mga uri ng panitikang lumaganap sa
pamamagitan ng pasalindilang pamamaraan ay ang mga salawikain, sawikain,
bugtong, awiting-bayan, at mga bulong.
Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma at
minsa’y walang sukat at tugma na kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag
nang pakanta. Sa ganitong paraan ay higit na naging madali ang pagtanda o
pagmemorya sa mga awiting ito. Hindi man masusulat ay sa isip at puso naman ng
mga mamamayan nanahan at naisatitik ang mga awit kaya naman maituturing na
walang kamatayan ang mga ito.
Mula sa http://poklorista.weebly.com/o-ang-karunungang-bayan.html 8/21/20
Awiting-Bayan at Bulong Mula sa Kabisayaan
Sa Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t tradisyon na
lalong pang pinaningning ng mga katutubong panitikan. Sa modyul na ito ay
bibigyang pansin at itatampok ang mga awiting-bayang Bisaya o Visayan folksongs at
mga bulong sa Bisaya. Sa ibaba ay mababasa at maaari ding sabayan ang iba’t ibang
awiting-bayang nasusulat sa tatlong wikang Bisaya – Waray-Waray ng Samar at
Leyte, Hiligaynon ng pulo ng Panay, at Sugbuwanon ng Cebu at Negros. Halina’t
tulasin ang kagandahan ng mga awiting-bayang Bisaya.

Awiting-Bayang Waray
Lawiswis Kawayan Lawiswis Kawayan
(Awiting-Bayan mula sa Samar-Leyte) (Salin sa Tagalog nga inawit ng
Mabuhay singers)
Ako magtatanom lawiswis kawayan
Akon la kan pikoy pulatay-latayan Sabi ng binate halina O hirang
Salbahis nga pikoy ka-waray batasan Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Sinmulod ha kwarto, kan Inday higdaan Pugad ng pag-ibig at kaligayahan Ang
An panyo, an panyo na may sigarilyo mga puso ay pilit magmahalan.
Ginpiksi ni Inday kay may sentimiyento
Ang dalaga naman ay bigla pang
An nasisinahan, an nabi-an, nabibidu-an umayaw
An ine nga hugpo lawiswis kawayan Sasabihin pa kay Inang nang malaman
Diin an higugma nga may rayandayan Binata’y nagtampo at ang wika ikaw
Magburugto gayud mga gin-angayan pala’y ganyan
Maglipay ngatanan mga kasangkayan Akala ko’y tapat at ako’y minamahal

An ine nga pikoy nga pikoy paglupad Ang dalaga naman ay biglang umiyak
murayaw Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Natuntong han sanga tapos napurayaw Binata’y naawa lumuhod kaagad
Binuklad an pako,an pako daw hilaw Nagmakaamo at humingi ng patawa
nga 4ahoon
An iya pagrayhak nga ak ginkinantahon

Hi Mano Palabio mahal magbaligya


Adobo sitsaron upod an mantika
Ginpapadisan pa hin luyak nga taron Hi
Mano Palabio mahal la gihapo
Awiting-Bayang Ilonggo
Dandansoy Dandasoy
(Awiting-Bayan mula sa Negros (Salin sa Tagalog)
Occidental)

Dandansoy, bayan ta ikaw Dandansoy, iwan na kita


Pauli ako sa payaw Uuwi ako sa payaw
Ugaling kuung ukaw hidlawon Kung sakaling ika’y mangulila
Ang payaw imo lang lantawon. Sa payaw, ikaw ay tumanaw.

Dandansoy, kon imo apason Dandasoy, kung ako ay iyong susundan


Bisan tubig di magbalon Kahit tubig, huwag ka nang , magbaon
Ugaling kung ikaw uhawon Kung sakaling ikaw ay mauhaw Sa daan,
Sa dalan magbubon-bubon. gumawa ka ng munting balon

Konbento, sa diin ang cura? Munisipyo, Kumbento, nasaan ang pari?


sa diin hustisya? Munisipyo, nasaan ang hustisya?
Yari si Dansoy makiha, Heto si Dansoy, may kaso
Makiha sa paghigugma. Kinasuhan dahil umibig.

Panyo mo kag ining panyo ko Ang panyo mo at ang panyo ko


Gisigisi-a kay tambihon ko Sawa kita, asawa moa ko.
Ugaling kung magkasiko
Bana ko ikaw, asawa mo ako

Ay! Kalisud Ay! Kalisud


(Awiting-Bayan ng mga Ilonggo) (Salin sa Tagalog)

Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan Ay!, ay kalisud, kay saklap ng iniwanan
Adlaw gab-i firme kita guina tangisan Gabi”t araw ang mata ay laging luhaan
Ahay! Inday nga walay sing kapalaran Ay, ay irog ko, ang sumpa’y bakit
Walay guid, walay guid sarang ko nalimutan.
kalipayan Buhat ng iyong iniwan laging sa
Ay cielo azul abao! Diin ka na, bala kalungkutan,
Buligui tabangi ang nabilanggo sang O aking mahal, nahan ngayon ang iyong
gugma habag?
Mayad pang mamatay kung halos Bakit di mo langapin ang pusong
mamatay nagdurusa?
Agud di ako maka dumdum nga ako ako Aanhin ang buhay kung di ka matanaw?
walay kalipay. Nanaisin pang pumanaw yaring sawi
Ay , ay! Kalisud, kalisud sang binayaan kong buhay.
Adlaw gabi-I firme kita guina tangisan O aking mahal, nahan ngayon ang iyong
Ay! Ay!! Inday nga walay sing habag?
kapalaran Bakit di mo lingapin ang pusong
Walay guid, walay guid sarang ko nagdurusa?
kalipayan Aanhin ang buhay kung di ka matanaw?
Nanaisin pang pumanaw yaring sawi
Kong buhay.
SANGGUNIAN: http/ /www..kabisig.com/Philippines/folksongs-
ay-ay-kalisud-tagalog-version_12html
Ili – Ili Tulog Anay Ili – Ili Tulog Anay
(Oyayi ng mga Ilongo) (Salin sa Tagalog)

Ili-ili tulog anay, Batang munti, batang munti


Wala diri imong nanay, matulog ka na,
Kadto tienda bakal papay, Wala rito ang iyong ina,
Ili-ili Siya ay bumili ng tinapay
Tulog anay. Batang munti, batang munti,
Matulog ka na
Awiting-Bayan ng Sugbuwanon
Si Pilemon Si Pilemon
(Awiting-Bayang Cebuano) (Salin sa Tagalog)

Si Pilemon, Si Pilemon namasol sa Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa


kadagatan karagatan,
Nakakuha, nakakuha ug isda’ng Nakahuli, nakahuli ng isdang
tambasakan tambasakan
Guibaligya, guibaligya sa merkado’ng Pinagbili, pinabili sa isang munting
guba palengke
Ang halin puros kura, Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang
ang halin puros kura igo ra i panuba. pinagbilhan,
Pinambili ng tuba.
BASAHIN
Ang Mga Bulong
Maliban sa mga awiting-bayan ang mga bulong ay isa pang yaman ng ating
katutubong panitikang pasalindila. Ito’y ginamit ng ating mga ninuno noon subalit
magpahanggang ngayon, ang bulong na tinatawag ding orasyon ay binibigkas pa
rin ng marami nating kababayan lalo na sa mga probinsya o lalawigan. Karaniwang
sinasambit ito sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso,
sa kagubatan, sa tabing-ilog, at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang, tirahan ng
mga engkanto, lamang-lupa o maligno. Binibigkas ang “bulong” para mabigyang-
babala ang mga “nilalang na hindi nakikita” na may daraan para maiwasang, sila’y
matapakan o masaktan. Pinaniniwalaan kasing kapag hindi sinasadyang nasaktan
ang mga “nilalang” na ito ay maaari silang magalit, manakit, o magdulot ng hindi
maipaliwanag na karamdaman.
Gumagamit din ng bulong ang mga albularyo sa kanilang panggagamot.
May bulong na binibigkas sa pagtatawas para gumaling ang isang nausog, isang
nakulam, namaligno, o napaglaruan ng lamang-lupa. Sa maraming bahagi ng bansa
lalo na sa mga lalawigan ay nakagawian na ang pagsambit ng mga bulong. Ito’y
isang bahagi ng ating kulturang pauloy pa ring isinasagawa lalo na ng mga
nakatatanda hanggang sa kasalukuyang panahon. Mababasa sa ibaba ang
halimbawa ng bulong sa Bisaya.
Halimbawa :
Sa Ilonggo Salin sa Tagalog
“Tabi-tabi… “Tabi-tabi…
Maagi lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon.” Kung kayo’y masagi naming.”

1. Alin sa mga awiting-bayan ng Kabisayaan ang paborito mong awitin?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________
2. Ano-ano ang mga kultura ang naipapakita sa bawat awiting-bayan ng Kabisayaan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. May narinig ka na bang nagsalita ng isang bulong? Kailan niya isinasagawa ang
bulong?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Anong bulong na tanyag at binibigkas pa rin sa inyong lugar sa kasalukuyan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Ano-anong mensahe ang inilalahad sa bawat katutubong awitin at mga bulong?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 2:
A. Ipaliwanag ang kaisipang nais iparating ng bahagi ng awiting-bayang;
Awiting-Bayan Mahalagang Kaisipan na
Nakapaloob
Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan
Adlaw gab-i firme kita guina tangisan
“Guibaligya, guibaligya sa merkadong
guba Ang halin puros kura, ang halin
puros kura igo ra i panuba”.
Ili-,ili tulog anay
wala diri imong nanay
Kadto tienda bakal papay
Ili- ili tulog anay
“Si Pilemon, si Pilemon namasol sa
kadagatan Nakakuha, nakakuha ug isda’ng
tambasakan”

B. Magtala ng iba’t ibang bulong mula sa Kabisayaan at ipaliwanag ang


mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating nito.
MGA BULONG PALIWANAG
1.
2.
3.
4.
5.

GAWAIN 3:
A. Panuto: Basahing mabuti ang awiting-bayang Kankanen Festival Song na nasa
ibaba pagkatapos sagutin ang mga pagsasanay.
Kankanen Festival Song Literal na Salin sa Filipino
(Dr. Constante Andres) (Rodel B. Guzman)

Manipud ti parbangon Sa madaling-araw nagsisimula


Agridam ni Mannalon Pagmulat ng magsasaka
Nasapa a bumangon mapan talon Patungong bukid ay napakaaga

Isagana tay bongkitan Ang bongkitan ay ihanda


Diket a naysangsangayan Malagkit na kaaya-aya
Nangruna pay a makan kananganan Lalo na’t laging nangunguna

Ingkiwar ti silyasi Sa silyasi’y inihalo


Kankanen ti umili Pagkain ng bayan
Balkutem awan sabali nayupsupadi Nang binalot ay katangi-tangi

Impinas tay bulong Minasa sa dahoon


Intuno ti aron Inihaw sa panggatong
Tay tupig a balon ken taraon Tupig na pagkain at baon
Al-o agbayo Lusong ang pinambayo
Tay diket Ibukro Ang malagkit ay ibinubo
Baywem a pino kankanen Kankaning pinum-pino pag binayo

Suman, moriecos Suman, moriecos


Dudol padarusdos Dudol na pinadudulas
Ramanam ket maibus Tikman na’t mauubos
Kankanen Kakanin

1. Ipaliwanag ang mensahe ng awitin.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ilahad ang mga katangiang Filipino na nasa awitin. Bigyan ang mga ito ng
kaukulang paliwanag.
Mga Katangian mula sa Awiting- Paliwanag
bayan

B. Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.


1. Sa paanong paraan makatutulong ang bulong at awiting-bayan sa pag-unawa at
pagpapahalaga sa ating kultura sa Kabisayaan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Ano-anong bagay ang masasalamin sa ating mga katutubong awitin at mga bulong?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
GAWAIN 4:
Paalala: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago sagutan ang bawat
bilang.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at bilugan ang letra ng napiling sagot.
1. Ano ang mahalagang detalye ang karaniwang iniuugnay sa mga awiting-bayan
mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas?
A. materyal na kayamanan ng isang bayan B. pagdurusang dinanas ng isang
bayan
C. kultura’t kaugalian ng isang bayan D. politika ng isang bayan
2. Dala ang kanyang lambat, si Mang Dante ay sumakay sa kanyang bangka at
pumalaot. Siya ay namasol. Ano ang kaisipang inilahad sa salitang namasol?
A. lumangoy B. nangisda C. naligo D. sumisid
3. Sinabihan siya ng asawang si aling Selya na magbalon para hindi gutumin. Ano
ang kaisipang inilahad sa salitang magbalon?
A. magbaon B. magsaing C. taga-baon D. maghukay ng
balon
4. Ang mga huli niya ay guibaligya niya sa palengke. Anong ibig sabihin ng
guibaligya?
A. pinamigay B.pinagbili C. pinadala D. pinautang
5. Nagluto siya ng sinigang. Gustong-gusto niya kasi ang sabaw na may aslom. Ano
ang kaisipang inilahad sa salitang aslom?
A.asim B. init C. pait D. anghang
6. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kanyang guihigugma. Ano ang
kaisipang inilahad sa salitang guihigugma?
A. minamahal B. hinihintay C. minasbad D. binabantay
7.
Si Pilemon, si Pilemon namasol sa (Si Pilemon, si Pilemon nakahuli,
kadagatan nakahuli ng isdang tambasakan)
Nakakuha, nakakuha ug isdang
tambasakan
Alin sa ibaba ang mensaheng isinasaad ng mga linyang ito?
A. isa sa pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda
B. libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda
C. pampalipas sa oras ng mga taga Bisaya
D. wala sa pagpipilian
8.
Ili-Ili tulog anay, Batang munti, batang munti, matulog ka
Wala dri imong nanay. na.
Kadto tienda bakal papay. Wala rito ang iyong ina, siya ay bumili
ng tinapay
Batang munti, batang munti, matulog ka
na
Alin sa ibaba ang mensaheng isinasaad ng awiting-bayang ito?
A. ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para siya ay maging mahusay na
mang-aawit
B. ang pag-awit para sa sanggol ay bahagi ng kulturang Bisaya
C. ang pag-awit para sa sanggol ay isang obligasyon ng mga magulang
D. ang pag-awit para sa sanggol ay paraan nga pagmamadali ng magulang
9.
Ay, ay! Kalisud, kalisud sang binayaan Ay ,ay kalisud kaysaklap ng iniwanan
Adlaw gab-I firme kita tangisan Gabi’t araw, ang mata ay lagging
luhaan
Alin sa ibaba ang mensaheng isinasaad ng awiting-bayang ito?
A. masakit ang mabigo sa ngalan ng pag-ibig
B. ang pagluha ay isa sa mga katangian ng tao
C. natural sa tao ang lumuha kapag napuwing
D. ang mga artista ay mahilig umiyak

Dandansoy, bayan ta ikaw Dandansoy, bayan ta ikaw


Pauli ako sa payaw Pauli ako sa payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon Ugaling kung ikaw hidlawon
Ang payaw imu lang lantawon Ang payaw imu lang lantawon
10.
Alin sa ibaba ang mensaheng isinasaad ng awiting-bayang ito?
A. napakahirap sa kalooban ang pagkakahiwalay ng dalawang nagmamahalan
B. pinaglalapit ng isang awit ang dalawang nagmamahalan
C. pinagkaitan ng isang awit nagmamahalan
D. pinaglalayo ng isang awit ang nagmamahalan
11. Kailangan bang panatilihin at palaganapin ang ating mga awiting-bayang
hanggang sa kasalukuyang henerasyon?
A. Oo, upang masasalamin ang kultura Pilipino
B. Oo, dahil obligasyon ito ng taong-bayan
C. Hindi, dahil nasa makabagong panahon na tayo
D. Hindi, dahil di ito makatutulong sa ating pag-unlad
12. Alin sa nabanggit sa ibaba ang HINDI kabilang sa detalyeng nakapaloob sa ating
mga katutubong-awitin at mga bulong?
A.tradisyon B. kaugalian C. paniniwala D. kasaysayan
13. Paano ibinabahagi ang mahalagang detalye sa paglaganap ang awiting-bayan at
mga bulong sa iba’t ibang panig ng bansa? Sa pamamagitan ng __________.
A. pagtangkilik paminsan-minsan B. paggamit sa isang taon
C. patuloy ang bukambibig D. ibaon sa limot
14. Anong ipinapahayag na damdaming naidulot ng awiting-bayan sa tagapakinig?
A. kasiyahan, kagalakan, katuwaan
B. kasiyahan,kalungkutan, pangungulila
C. pangungulila, kalungkutan, pagdaramdam
D. wala sa nabanggit
15. Anong kaisipan mayroon ang mga taga-Kabisayaan batay sa katutubong panitikan
na iyong natutunan?
A. mapaniwalain B. mapanghusga C. mangmang D. malayo sa
kabihasnan
Gawain 5
Panuto: Hanapin ang uri ng awiting bayan na nasa loob ng kahon. Isulat ang mga
sagot sa sagutang papel at naniniwala akong matapat ka sa iyong pagsagot.
Oyayi

Diona

Sambotani Kundiman

Dalit
1. Ito ay awiting-bayan na inaawit kapag nagtatagumpay ang isang tao
o pangkat.
2. Madalas itong inaawit bilang panghele o pampatulog ng bata.
3. Ito ang mga awit ng pag-ibig o awit ng panghaharana ng binate sa
knayang nilliyag.
4. Awit na nagpapakita ng pagdakila sa Maykapal.
5. Ito ay karaniwang inaawit kapag may ikinakasal o pamamanhikan.

BASAHIN

AWITING-BAYAN AT MGA URI NITO


Ang awiting-bayan na tinatawag ding kantabing-bayan ay isa sa mga uri ng
sinaunang panitikang Pilipino na naging popular bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Ang awiting-bayan ay nasa anyong patula na inaawit at karaniwang
bunubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang paksa ng mga
awiting-bayan ay ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa isang bansa.
Masasalamin sa mga ito ang mga kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o
hanapbuhay. Taglay rin ng mga ito ang iba’t ibang damdaming umiiral asa iba’t ibang
pagkakataon tulad ng kaligayahan sa panahon ng tagumpayan, pag-ibig, at mga
kasayahan; kalungkutan sa panahon ng pagluluksa sa kabiguan; galit ng isang
digmaan o labanan; at maging ng kapanatagan ng kalooban habang gumagawa ng
mga pangkaraniwang gawain tulad ng pagtatanim, pamamangka, pagluluto, at iba pa.
Dahil ito’y repleksiyon ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, may iba’t
ibang uri ng awiting-bayan para sa iba’t ibang bahagi ang ilan sa mga karaniwang uri
ng awiting-bayan para sai iba’t ibang pagkakataon o okasyong kanilang ginugunita o
ipinagdiriwang. Makikita sa ibaba ang ilan sa mga karaniwang uri ng awiting-bayan
laganap sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa:
 Balitaw- Ito’y mga awit ng pag-ibig na ginagamit sa paghaharana ng mga
Bisaya.
 Kundiman- Ito naman ang bersiyon ng mga awit ng pag-ibig sa mga Tagalog.
Ang isa pang uri nito ay ang pananapatan o mga awiting inaawit kapag
dumadalaw o nanghaharana ang binata kanyang nilliyag o nililigawan.
 Dalit – Awit na panrelihiyon o himno ng pagdakila sa Maykapal.
 Diyona- Awitin sa panahon ng pamamanhikan o kasal.
 Dung-aw – Awit sa patay ng mga Ilokano.
 Kumintang – Awit ng pakikidigma o pakikipaglaban.
 Kutang-kutang – Mga awiting karaniwang inaaawit sa mga lansanganx.
 Soliranin – Awit sa paggagaod, o pamamangka.
 Maluway – Awit sa sama-samang paggawa.
 Oyayi o hele – Awiting panghele o pampatulog na bata, at tinatawag na
lubhang sa Ingles.
 Pangangaluwa- Awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog.
 Sambotani- Awit ng pagtatagumpay.
 Taliindaw – Isa pang uri ng awit sa pamamangka.

Masasalamin sa mga awiting ito ang mayaman at makulay na kulturang


Pilipino sa iba’t ibang bahagi sa Pilipinas. Kaya naman lumaganap ang awiting-bayan
sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. May kani-kaniyang awiting bayan ang mga
naninirahan sa kapatagan at maging sa bulubundukin ng Luzon, Bisaya’t Mindanaw.

Gawain 6. Gawin Natin!


Sagutin ang sumusunod na tanong. (Dalawang puntos bawat tanong).
1. Bakit kaya naging madali ang paglaganap ng mga awiting-bayan sa iba’t ibang
panig ng bansa?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga uri nito? Ano-anong katangian ng mga Pilipino ang
masasalamin sa hilig nating umawit sa halos lahat ng okasyon o pagkakataon sa
ating buhay?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Bakit itinuturing na yaman n gating panitikan ang mga awitng-bayan at mga
bulong?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Ano ang gagawin o sasabihin kung sakaling makatagpo ka ng isang kabataang
Pilipinong ikinakahiya ang pagsabay sa ating mga awiting bayan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________
5. Bilang mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga
awiting bayan at mga bulong na mayroon ang Pilipinas?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________
GAWAIN 7: PAGLIKHA NG AWITING BAYAN
Lumikha ng awit na maaaring nakatono sa isang awiting OPM o kaya sa
awiting pinag-aralan mismo tungkol sa ilang destinasyong panturista sa probinsya.
Papangkatin kayo sa tatlong pangkat at isulat ito sa isang buong papel. Isasagawa ito
sa aktuwal na klase.

SANGGUNIAN:
Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S., Esguera-Jose, Carmela, Dayag, Alma M. Pinagyamang
Pluma 7. 927 Quezon City Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. 2017
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/border-design-with-bamboo-stemvector-18048458
http://poklorista,weebly.com/o-ang karungang_bayan.html
MODYUL BLG. 5: PANITIKANG BISAYA
IKALAWANG KABANATA: REPLEKSOYON NG KABISAYAAN
PANIMULA
Napakalaki ng pagpapahalaga at paggalang ng mga Pilipino sa mga magulang.
Marami tayong paraan ng pagpapakita ng paggalang sa kanila tulad ng pagmamano,
pagsunod sa kanilang mga payo at utos, pag-aalaga sa kanila hanggang sa pagtanda,
gayundin ang paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa kanila. Katunayan, ang po
at opo ay walang direktang salin o katumbas sa ibang wika dahil ang mga ito'y isang
espesyal na paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa magulang at iba
pang nakatatanda.
INAASAHANG MGA KASANAYAN

Upang mapagtagumpayang masagutan ang mga gawain sa araling ito, nararapat


lamang na maisagawa ang mga sumusunod:
1. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit na ginagamit
sa akda.
2. Napahahalagahan ang aral na nakuha sa alamat sa pamamagitan ng pagsasaad
kung paano ito magagamit sa tunay na buhay
3. Nakasusulat ng mga pangungusap gamit ang mga bagog salitang natutuhan
mula sa alamat at naipapaliwanag ang mga ito ayon sa paggamit sa akda.

ARALIN 2. ALAMAT NG ISALA NG PITONG


MAKASALANAN (ALAMAT)
Gawain 1. TALAHANAYAN
Panuto:
Bilang panimulang gawain sa araling ito ay iyong iisa-isahin ang mga salitang
maaring i-ugnay sa mga salita sa ibaba.
Mga Salita Salitang Maaaring iugnay

Mapagmahal na ama

Mga suwail na anak

Estranghero
B. Natutukoy ang salitang angkop sa diwa ng pangungusap
May ilang salitang ginamit sa alamat na binigyang kahulugan sa ibaba.
Mula sa mga salita na ito ay piliin ang salitang pupuno sa diwa ng bawat
pangungusap.
 baybayin – dalampasigan
 humagulgol – umiyak nang malakas
 lulan – sakay
 nimpa – diwata; tauhan sa mga mitolohiyang karaniwang inilalarawan
bilang magagandang dalaga naninirahan sa tabing-ilog at mga
kagubatan
 naghahangad – umaasang makakuha
 pumalaot – namangka papunta sa gitna ng dagat
1. Ang pitong dalaga'y tila mga _________________ dahil sa taglay nilang
kagandahang hinahangaan ng madla.
2. Ang mga binata ay dumating _________________ ng malalaking bangka.
3. Ang bawat isa sa kanila'y _____________________Alna ibigin din ng
napupusuang dalaga.
4. _____________________________ nang malakas ang kanilang amadahil sa
galit at lungkot sa pagsuway ng kanyang mga anak.
5. Kinabukasan ay maagang ______________________ ang matanda upang
hanapin sa karagatan ang kanyang mga anak.

BASAHIN
ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN
Noong unang panahon, may isang matandang mangingisda na may pitong anak
na dalaga. Naninirahan sila sa tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya. Sila
ay nasa bayan ng Dumangas na nasa gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo.
Masayang gumagawa ng gawaing-
bahay ang mga dalaga araw-araw. Makikita
sila sa dalampasigan na nagtatampisaw at
lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan.
Maraming bumibisita sa kanilang
tahanan para magligaw. Sa pagmamahal ng
ama ay natatakot siyang may makapag-asawa
ang sinuman sa kanyang mga dalaga na
maaring makapaglayo sa kanya.
“Sana, kung makahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay
tagarito lang sa aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin,”
Isang araw, sumadya ang isang grupong binata upang makilala ang pitong
dalaga. Habang wala ang ama, sumama silang lahat sa mga binata.
Nang sila ay nasa bahagi ng baybayin ng Guimara kung saan nangingisda ang
kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang
kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para mahabol ang
mga bangka ngunit walang nagawa ang kaniyang mabagal na bangka.
“Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,”
Walang magawa ang matanda kundi lumuha. Nagdilim ang langit at lumakas
ang ulan at ang mga alon. Wala siyang magawa kundi umuwi.
Paguwi niya ay tahimik at malungkot ang bahay. Inaalala niya ang malakas na
bagyo habang ang kaniyang mga anak ay nasa laot.
Kinaumagahan, pumalaot na ang ama. Umaasa siyang mahahabol pa niya ang
bangka ng mga estranghero na marahil ay tumigil sa pinakamaliit na isla habang
malakas ang ulan.
Ang matanda ay kinabahan nang makita niya na nakalutang sa paligid ang
bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang pitong anak. Mayroon ding mga munting
isla.
Binilang niya ito. Pito ang mga munting isla, pito rin ang kanyang mga anak na
dalaga. Nalaman niyang nalunod ang kanyang mga anak sa bangka na hinampas ng
dagat.
Itinawag dito ay Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan.
Maaalala sa mga islang ito ang mga suwail na mga anak.
Gawain 2. SAGUTIN NATIN
A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang katangian ng mga dalagang labis na hinahangaan ng bawat
makakita sa kanila? Ano naman ang ikinatatakot ng ama nang dahil sa
katangiang ito ng kanyang mga anak?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Bakit hindi pumayag ng ama nang magpaalam ang kanyang mga anak na
sasama sa mga binatang bago pa lang nilang nakilala?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
3. Makaywiran ba ang hindi pagpayag ng ama sa kagustuhan ng kanyang mga
anak? Ipaliwanag
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
4. Kung ikaw ang isa sa mga dalaga, susunod ka ba o susuway sa iyong ama?
Ipaliwanag
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
5. Kung ikaw naman ang ama, ano ang maari mo sanang ginawa para ang
hindi ninyo pagkakaunawaan ay hindi na sana humantong sa pagtakas ng
iyong mga anak?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________
6. Ano ang ginawa ng mga dalaga na nagdulot ng labis na sakit ng kalooban sa
kanilang ama?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
7. Ano ang nangyari sa kanila dahil sa pagiging suwail nilang anank?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________________________
8-10. Bakit kailangang igalang at sundin ang payo ng ating magulang?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________
B. Ang binasa nating alamat ay nagtataglay ng mensaheng maaring maaring
kapulutan ng aral. Piliin at lagyan ng tsek (✓) ang lahat ng mensaheng taglay
ng binasa. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga mensaheng nilagyan mo ng
tsek (✓) sa buhay ng isang kabataang tulad mo.
Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kanyang mga anak.
Ipinagbili ng ama ang lahat ng mayroon siya para lang maitaguyod ang
pag-aaral ng kanyang mga anak.
Sumuway ang mga anak sa kagustuhan ng kanilang ama.
Ang kapakanan pa rin ng mga anak ang nasa isipan ng ama kahit pa naging
suwail sila sa kanya.
Kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak na hindi sumunod sa
kanilang magulang.
Ikinamatay ng ina ng pitong dalaga ang hirap sa pag-aalaga sa kanila.
Nagsisi at muling nagbalik sa naghihintay na ama ang kanyang mga anak.

Bakit mahalaga ang mensaheng nilagyan mo ng tsek (✓) sa buhay ng isang kabataang
tulad mo? (3puntos)
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
C. Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita mula sa
alamat.
1. LULAN -
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. NIMPA-
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. PUMALAOT-
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. SUWAIL-
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. NAGHAHANGAD-
______________________________________________________________
______________________________________________________________

You might also like