You are on page 1of 4

Aralin1: Ikaunang Gawain

Name: ______________________________ Grade & Section: ________________________

AWITING-BAYAN
Ang Awiting-bayan ay bahagi ng panitikang Filipino na umusbong bago pa dumating ang
mga Kastila. Karaniwan itong nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, pananampalataya,
hanapbuhay, o gawain sa payamanan. Ito ay tulang inaawit na pumapaksa sa pakikitungo ng
tao sa kaniyang kapaligiran, damdaming may kaugnayan sa kanilang mga ginagawa, ang
lungkot at saya ng buhay, pag-ibig sa nililigawan, at iba pa.

Mga Uri ng Awiting-bayan:


• Kundiman – awit ng pag-ibig
• Kumintang o Tagumpay – awit ng pandigma
• Dalit o Imno – awit sa diyos-diyosan ng mga Bisaya
• Oyayi o Hele – awit ng pagpapatulog ng bata
• Diona – awit sa kasal
• Soliranin – awit ng mga manggagawa
• Talindaw – awit sa pamamangka
• Dungaw – awit sa patay
Mga Halimbawa ng Awiting-Bayan:

Dandansoy

Dandansoy, iiwanan kita


Uuwi ako sa Payaw
Kung sakaling ikaw ay mangulila
Tingnan mo lang ang payaw

Dandansoy, kung ako ay iyong susundan


Kahit tubig, huwag kang magbaon Arimunding-Munding
Kung sakaling ikaw ay mauuhaw
Sa daan, gumawa ka ng munting balon Arimunding-munding
Halina at magsayaw
Arimunding munding
Kumbento, saan ang cura/pari?
At pakunday kunday
Munisipyo, saan ang hustisya?
Sa iindak indak
Eto si dansoy nakulong
Ang sarap ng pag imbay
Nakulong sa pagmamahal Ay bagayan mo sinta
Himig ng tugtugan
Ang panyo mo at ang panyo ko
Dalhin mo dito at (tambihon) ko. Limutin ang iyong kalungkutan
Sakaling magkasilo. Sa galak ating subaybayan
Asawa kita, at asawa mo ako. Bawat kumpas ng palakpak
At ng lumigaya itong ating pusong wagas
Na malimutan lahat ang tinataglay na hirap.

Ikay paruparo
ANG NIYOG Bulaklak naman ako
Itong puno’y ating kaibigan Na nasa hardin ng masamyong gandat bango
Kasama tuwing mag-iinuman Kung sakalit dumating ang ulat bagyo
Isakbat ang kawit, punuin ng tuba ay Sukob na sa pakpak mo
Tuba, lamang ang tunay na kasiyahan Silong pa sa ubod ko
Ikay paruparo
Ako, nanginginig, ako’y nanginginig Bulaklak naman ako
Sa gabing malamig hanap koy di banig At magkasuyo tayo
Nais ko’y piling mo, Inday siya kong ibig Sa sakdal tamis ng paglingap irog ko
Itong katawan ko’y Langit koy pag ibig mo.
Katulad ni Pedring na
Pabaling-baling
LIMANG ANTAS NG WIKA
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng taobatay sa kanyang pagkatao, sa
lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan.Ang wika ay mayroong limang antas. Ito ay ang mgasumusunod:

Mayroong dalawang uri ang Wika: ang Pormal at Di-pormal


DI-PORMAL
1. Balbal
- ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ngmga salitang kanto na sumusulpot sa
kapaligiran / ginagamit salansangan.
2. Kolokyal
- ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan. Ang
mga ganitong salita ay natural na phenomenon ng pagpapaikli ng mga salita upang mapabilis ang
daloyng komunikasyon
3. Lalawiganin
- kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan.
PORMAL
4. Pambansa
- salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Ito ay isang wika na
natatanging kinakatawan ang pambansang pagkakilanlan ng isang lahi o bansa. Ang mga salitang
itoginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. Ito rinang wikang ginagamit sa
paarala at sa pamahalaan.
5. Pampanitikan
– Ito ang antas na may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may
ibapang kahulugan. Idyoma, eskima, tayutay, at iba't ibangtono, tema, at punto ay ginagamit
sa pampanitikan.
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan at sagutin batay ito batay sa tinalakay.

1-10. Ibigay ang limang antas ng wika at ipaliwanag ito batay sa iyong pagpapakahulugan o pagkakaintindi
dito.

11-15. Ipaliwanag kung ano ang mensahe ng tatlong awiting-bayan na ibinigay na halimbawa. (Dandansoy,
Ang Niyog, Arimunding-munding)

You might also like