You are on page 1of 8

I.

LAYUNIN

 Natutukoy ang kahulugan ng Katutubong Awit at pinagmulan nito.


 Nakakaawit ng Katutubong Awitin.
 Nalalaman ang kahalagan ng ng Katutubong Awit.

II. PAKSANG ARALIN:

 Katutubong Awitin

Akda: Panatikang Pilipino at Antolohiya ni Jose Arogante

Mga kagamitan sa Panturo

 Power point presentation

 Manila paper , pentel pen, 2 piraso kahoy, tripod stand.

Aral ng Paksa

 Mahalagang malaman ang mga ilan sa ating mga katutubong awit


sapagkat ito ay pamana ng ating mga ninuno at bahagi na ng ating
mga kultura at tradisyon

III. A. Pagganyak

Ang mga bata ay sabay sabay na pakakantahin ng bahay kubo ngunit ito ay
sa paraang dugtungan. Kung saan sila, ay aawait ng tig- iisang linya ng kanta ng sunod- sunod
at sa mga gulay naman ay isa isa subalit mgkakasunod ayon sa kanta nito.
B. Balik- aral

1. Ano ang paksang tinalakay sa katatapos na talakayan?

K. Paksang-aralin

Katutubong Awit

 Ay mga awiting sumasalamin sa araw- araw na pamumuhay ng mga


katutubo at mga mamamayan sa Pilipinas.
 Ang mga awiting ito ay nagkwekwento tungkol sa mga katutubo,
lalo na ang mga probinsya sa kanilang simpleng pamumuhay at
kung paano nila ginagawa ang ibat- ibang gawain. Tulad din ng liriko
at paksa ay may kaugnayan sa kalikasan.
 Kantahing- bayan ang katawagang iniaangkop sa lahat ng uri ng
mga popular na katutubong awitin.
 Ang ibang mga katutubong awit ay karaniwan ay monotomo iisa
ang tono bukod sa mauulit ang lirik.

Mga Halimbawa ng Kantahing- Bayan

 Hele – isang awiting pampatulog ng bata ito ay walang kahulugan. Inaawit lamang sa
isang malambing na himig upang makatulog ang isang bata.
 Talindaw- awit sa pamamangka.
 Soliranin – awit sa nagsasagwan ng bangka o gumagaod.
 Kundiman – awit sa pag-ibig na nagsasaa ng kabuuang damdamin at mga saloobing
ipinangangako ng pag-ibig ng magsing- irog sa isat-isa.
 Kutangkutang - awit sa lansangan, na may layuning magpatawa.
 Dung-aw – awit sa patay, na may layuning ipagunita rin sa mga nakikiramay ang
kadakilaan ng namatay. At bilang dasal na din sa mga anito na naway kandiliin at
pagpalain ang mga namanatay sa kabilang buhay.
 Diona- awit sa mga ikinakasal.

Pinaksa ang mga awiting bayan tungkol sa:

 Damdamin ng tao
 Paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran.
 Kahalagahan ng paggawa
 Kagandahan ng buhay
 Kalungkutan
 Pag-asa
 Pag- ibig
 Kaligayahan
 Kalungkutan
 Paglalahad ng ibat-ibang ugali.

Kahalagahan ng mga Kantahing Bayan o Katutubong awit:

1. Nakapagpapakilala ng diwang makata.


2. Nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng lahing Pilipino.
3. Ito ay bunga ng bulaklak ng matulaing damdaming galing sa puso at kaluluwa ng
bayan.

Mga Halimbawa ng ilan sa mga katutubong awit

Leron, Leron Sinta

Leron, Leron Sinta

Buko ng papaya

Dala dala’y buslo

Sisidlan ng bunga

Pagdating sa dulo ‘y

Nabali ang sanga

Kapos kapalaran

Humanap ng iba .

Halika na Neneng, tayo’y manampalok

Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog

Pagdating sa dulo, lalamba-lambayog

Kumapit ka Neneng, at baka ka mahulog.

Ako’y ibigin mo , lalaking matapang

Ang baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam

Ang lalakarin ko ay partye ng dinulang

Isang pinggang pansit ang aking kalaban.


Paruparong Bukid

Mabuhay Singers

Paruparong bukid na lilipad-lipad

Sa gitna ng daan papaga-pagaspas

Isang bara ang tapis

Isang dangkal ang manggas


Ang sayang de kola

Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!

May suklay pa man din — uy!

Nagwas de-ohetes ang palalabasin

Haharap sa altar at mananalamin

At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.

May payneta pa siya — uy!

May suklay pa man din — uy!

Nagwas de-ohetes ang palalabasin

Haharap sa altar at mananalamin

At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.

Ang Pipit

Pilita Corrales

May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy

At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon

Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad

At ang nangyari ay nahulog, ngunit parang taong bumigkas,

"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag,

Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak

...
May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy

At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon

Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad

At ang nangyari ay nahulog, ngunit parang taong bumigkas,

"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag,

Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak

"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag,

Pag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak.

KAHULUGAN AT LUMIKHA NG AWIT

1. Bahay- Kubo – ni Felipe Padilla de Leon , ito ay tungkol sa isang bahay na yari sa kawayan na
papaligiran ng ibat-ibang mga gulay.

2. Leron, Leron Sinta – isang awit ng panunuyo ng isang lalaki sa kanyang sinisinta halibawa ng
pagtulong sa gawaing kagaya ng pagsibak ng kahoy, pag-iigib, pag-aani ng mga gulay at
pananim. Tumutulong ang lalaki sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawaing nabanggit
upang maipakita at mapatunayan ang tunay na pagmamahal sa kanyang nililigawan.

3. Sitsiritsit- pinaniniwalaang ito ay naisulat noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, ito
ay isang nakakatawa o komikong awitin. Ito ay walang kahulugan na awitin.

4. Paruparong Bukid- Spanish translation ng Mariposa Bella na isang awit ng Espanyol, nalikha
noong 1890’s , ito ay tungkol sa isang babae na ikinukumpara sa isang paru-paro na palakad-
lakad sa daan kung saan ay inilalarawan ang suot ng babae at maging ang kanyang pagkilos.

5. Ang Pipit- nilikha ni Levi Celerio, inawawit ni Pilita Corales , ito ay tungkol sa pag-alaga sa
mga hayop at huwag pagmalupitan pagkat silay ay likha din ng Diyos kagaya natin.

IV. PAGTATAYA

Piliin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na pangungusap. Titik lamang ang isagot
sa patlang.
k. Katutubong Awit b. Kantahing Bayan

d. Kutangkutang e. Kundiman

a. Pag-ibig g. Diona

__________1. Ito ay mga awiting sumasalamin sa araw- araw na pamumuhay ng mga katutubo
at mga mamamayan sa Pilipinas.

__________2. Isa ito sa mga paksa ng mga katutubong awit.

__________3. Katawagang iniaangkop sa lahat ng uri ng mga popular na katutubong awitin.

__________4. Awit sa lansangan na may layunin na magpatawa.

__________5. Awit sa pag-ibig na nagsasaa ng kabuuang damdamin at mga saloobing


ipinangangako ng pag-ibig ng magsing- irog sa isat-isa.

V. TAKDANG ARALIN

Humanap ng iba pang halimbawa ng mga katutubong awit na pamilyar sa inyo na may buong
lirik idikit ito sa inyong Fipilino notebook.

You might also like