You are on page 1of 4

Date:

Section:

Yunit 1
Aralin1: Ang Mga Simbolo at Konsepto sa Musika

I. Layunin: 1. Nakikilala ang iba’t-ibang uri ng mga note at rest


2. Malaman ang relasyon ng mga simbolo ng sound at rest
sa pagbuo ng magandang awitin.

II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Pagkilala sa iba’t-ibang uri ng mga note at rest


B. Lunsarang Awit: “Lupang Hinirang” G, ,
Oh! What a Beautiful Mornin’ Eƅ
Song of Praise – G,
C. Sanggunian: Shine with MAPE 5 p. 13, 33
D. Kagamitan: Powerpoint Presentation
E. Pagpapahalaga: Pakikiisa/Pagmamahal sa Bayan
F. Konsepto: Sa masusing pag-aaral sa mga simbolo ng musika,
Maipakikita ang kaugnayan ng iba’t-ibang tunog at mga
simbolo sa pagsusuri, paglikha, pagsusulat at
pagtatanghal ng musika

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a.Rhythmic
Ipalakpak ang mga sumusunod na rhythmic pattern sa
dalawahan, tatluhan at apatang kumpas:

4
B. Tonal
Awitin ang “Lupang Hinirang. Bigyang pansin ang
tamang titik at tono.
Ipaalala ang maayos na pag-awit tulad ng tamang pagupo, hindi pagsigaw at
paghinga buhat sa diaphragm sa halip na sa dibdib.

2. Balik-aral
Bigkasin ang chant. Ipalakpak ang rhythm. Ipadyak ang beat.

Ma-ry had-a lit - tle lamb

Lit – tle lamb lit - tle lamb

Ma-ry had-a lit – tle lamb It’s

Fleece was white as snow

C. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Suriin ang iskor ng awiting “Oh! What a Beautiful Mornin’”.


Basahin ang titik ng awit.
Tungkol saan ang awit?
(Ang awit ay tungkol sa pagpapasalamat sa Diyos sa pagsisimula ng araw.)

2. Paglalahad
Iparinig ng guro ang awiting “Oh! What a Beautiful Mornin’”.
Awitin ang “Oh! What a Beautiful Mornin’”

3. Pagtalakay
3.1 Tungkol saan ang awit?
(Ang awit ay tungkol sa pagpapasalamat sa Diyos sa pagsisimula ng
araw.)

3.2 Bakit nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog ang isang awitin?


(Ang isang awit ay nagkakaroon ng maikli at mahabang tunog dahil sa uri
ng mga note na ginamit.)

3.2 Ilang uri ng mga note ang makikita sa awiting “Oh! What a Beautiful
Mornin’”?
(May dalawang uri ng mga note ang makikita sa awitin.)

4. Paglalahat
1. Tandaan: Ang bawat nota ay may katumbas/katapat na rest. Ang
bilang ng kumpas na tinatanggap ng note ay siya ring bilang ng kumpas
na tinatanggap ng kaugnay na rest.
2. Ipanuod ang isang video upang mas maintindihan ng mga mag-aaral
ang tatalakaying paksa.
3. Pangwakas na
Gawain
Ipalakpak ang rhythm ng
“Oh! What a Beautiful
Mornin’” ayon sa bilang
ng mga note at rest na
ginamit.

IV. Pagtataya
Sagutin ang mga
sumusunod:

a. Iguhit ang half note.

b. Iguhit ang Half rest.

c. Ilang kumpas/beat mayroon ang quarter note?

d. Iguhit ang quarter note.

e. Iguhit ang simbolo ng Whole Rest

V. Takdang Aralin

Pag-aralan ang awit. Lagyan ng kaukulang kumpas ang bawat note.

You might also like