You are on page 1of 4

HALIMBAWA NG PORMAL NA SANAYSAY

Heroismo Ni Rizal at ang Kabayanihan ni Bonifacio


Sa pahayag ni Zeus Salazar, kanyang ikinompara ang kaibahan ng kahulugan sa
pagitan ng isang “bayani” at isang “hero”. Gayunpaman, sa aking opinyon, ang
dalawang terminolohiya’y malawak ang sakop at hindi magkalayo ang pagkakaiba.
Inilarawan ni Salazar na ang isang “bayani” ay matapang at iniisip ang kapakanan
ng kapwa at ng bayan bago ang sarili. Samantala, kanya namang inihalintulad ang
“heroes” sa konsepto ng mga mayayaman sa kanlurang bahagi ng mundo. Ngunit,
ako’y mariing hindi sumasang-ayon sa kanyang paglalathalang ito.

Ang ideyolohiya sa likod ng kanyang pagkakahulugan ng isang “bayani” at isang


“hero” ay maituturing na “gatekeeping” sa wikang ingles. At saka, ito’y
nagreresulta ng dibisyon sa pagitan ng mga sector sa lipunan sa loob ng
rebolusyong Pilipino. Kanyang itinanyag na ang mga “maka-baya, maka-sama,
maka-hirap, o kasama ng mahirap” tulad nila Andres Bonifacio at Macario Sakay,
at mga ordinaryong katipunero bilang mga “tunay” na bayani. Samantala, ang
mga ilustrado, o ang mga napabilang sa marangyang kupunan, ay ginampanan ni
Salazar na mga kanluraning konsepto ng bayani o “hero”.
HALIMBAWA NG IMPORMAL NA SANAYSAY
Kapangyarihan ng Pag-ibig ni
Anthony Rosales Sarino
Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon
tayongpatutunguhan at mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang
nakakaalam ngkahihitnatnan. PAG-IBIG –- naniniwala akong ito ang dahilan ng
lahat ng bagay. Alam kong angpuso ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili.
Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao nanilaan ng Diyos at magtuturo
nang tamang kahulugan ng buhay.Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka
man makarating. Kahit sa mga simplengbagay na espesyal at kung minsan sa mga
bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig.Bunga ito lahat ng
pagmamahalan. Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung titingnan natinito ng
mas malawak at mas malalim sa kung ano mang dapat ipakahulugan nito, tiyak
lahat tayoay mag-aasam na sana isang araw darating ang taong magiging kabiyak
ng ating puso.Wala sa edad, klase ng buhay o kasarian makikita ang pag-ibig.
Hanggat maypagmamahalan na namamagitan sa dalawang tao iba man o parehas
ang buhay na meron silawala na dapat tayong itanong pa. Hindi na ako nagulat sa
pag-ibig ngayon. Hindi na bago sa akinang pagmamahalan ng isang matanda at
bata, isang mahirap at mayaman o maging dalawanglalaki o babae. Natutuwa pa
nga ako dahil sa kabila ng mapanghusgang lipunan nariyan pa rinang mga taong
may kakaibang pagmamahalan. Tinitiis ang bawat masasamang salita
nanamumutawi sa mga taong makitid ang utak na intindihin ang sitwasyon nila.Isa
pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ang TADHANA. Wala ng tatalo sa pagtagpo
ngdalawang puso dulot nito. Napakasarap isipin na may mga taong nagiging
masaya at maligaya sakapangyarihang ito. Naghintay ka o naghanap ngunit may
isang bagay na makakagawa nito saisang iglap lang. Nakakatawa man ngunit ito
ang katotohanan.Kung minsan, hindi lang kasiyahan ang dulot ng pag-ibig.
Pumapasok ang iba’t ibangsuliranin at problema. Ang kasawian at kalungkutan
bunga nito. Minsan, negatibong tinuturingang pagkakaroon ng pag-ibig sa mga
taong takot na magmahal at ang masama pa’y sa mga taong
takot na masaktan. May iba ngang naniniwala na kailangan nating sumugal sa
pagmamahal.Tipong manalo man o matalo, bumalik man o tuluyang mawala yung
itinaya natin wala dapattayong pagsisihan. Yun daw ang tinatawag na
UNCONDITIONAL LOVE.Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. May mga
panahong magsasakripisyo tayopara makamit ang kaligayahan o kung
sinusuwerte ka madali mong mararamdaman angmagmahal at mahalin. Ngunit
kung ano man ang magiging sitwasyon mo at magiging bunganito; masama man o
hindi ito ay dulot ng iyong malayang kaisipan at higit sa lahat ng iyongPUSO.
Analohiya (Palasurian) Ito ay ang tawag sa proseso kung saan sinususuri o pinagkukumpara
ng dalawang bagay, lugar, ideya o katangian na magkaugnay o magkatumbas.

Uri ng Analohiya (Palasurian)

A. Magkasingkahulugan (Synonym) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalapit


ang kahulugan. Halimbawa: Matumal : madalang

B. Magkasalugnat (Antonym) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay magkalayo ang


kahulugan. Halimbawa: Matayog : mababa

C. Katawanin (Partitive) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay bahagi ng isang lupon o


buong bahagi. Halimbawa: Saknong : tula Gulong : kotse

D. Sanhi at Bunga (Cause and Effect) – Ang pares ng salitang pinagkukumpara ay


magkaugnay sa nagpapakita ng sanhi at bunga ng isang pangyayari Halimbawa: Baha :
pagkawasak ng mga bahay

You might also like