You are on page 1of 1

Maikling sanaysay:

Batay sa pangagailangan ng sambayanan, ano ang kahalagahan ng


wikang Filipino bilang wikang pambansa wika ng bayan at wikang ng
pananaliksik?
Ang paggamit ng Wikang Filipino bilang pambansang wika ay isang
mabisang pagkakakilanlan mula sa ibang lahi sa Asya, lalo na ngayon na
maaari ng magpalit ng kulay ng balat at ng hitsura. Mapagtatanto na ang
Wikang Filipino ang natitirang ugnayan sa diwang Filipino at kakayahan
nito tungo sa walang hanggang pagkakakilanlang pang-nasyunal. Ang
Wikang Filipino ay hindi lamang simbulo ng isang bansa. Ang Wikang
Filipino na itinuturo sa mga unibersidad ay nagpapakita ng kakayahan sa
ating buhay bilang isang bansa na nakaugnay sa paggamit sa sariling
wika upang mahubog ang kaisipan ng mga kabataan, ganoon din naman
ng mga nakatatanda upang magabayan ang sistema ng edukasyon.
Sa maikling salita, ang wika ay hindi lamang para sa
pakikipagtalastasan, ngunit isa ring kuwento ng pagbabahagi ng kultura at
pagkaunawa sa iba. Ang wika ay nagbubuklod, hindinaghihiwalay, sa
mga tao. Ang wika ay nagsisilbing mensahe ng ating mga puso para sa
bawat isa at sa isa’t isa.

You might also like